FAZER LOGINPagkatapos kaming kausapin ng mga pulis ay tsaka pa lamang kami nakapunta ng hospital. Itong kasama kong lalaki sobrang tigas ng ulo. Inuna pa talaga ang pagpunta sa police station kesa magamot ang sugat niya.
Nasa bakanteng kama kami sa hospital at hinihintay ang nurse na titingin sa sugat niya. Daplis lang naman daw iyon pero natakot talaga ako dahil maraming dugo ang nasa damit niya at kamay.
"Wala bang masakit sa iyo?" Basag niya sa katahimikang namayani sa amin. Nakatayo ako malapit sa may pintuan habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri.
"Wala naman. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong nasaktan. Pasensiya ka na kung nadamay ka," nalulungkot na saad ko. Nakukunsensiya talaga ako dahil nasaktan siya.
"Okay lang nagkataon naman talaga na bibili ako at maabutan ko ang sitwasyon na iyon, buti..."
"Sir, lilinisan na po namin ang sugat 'nyo." Napalingon kami pareho sa bumukas na pinto. Napakunot noo ako sa dalawang nurse. Napaismid ako dahil sa kinikilig nilang itsura. Nagtutulakan pa kung sino ang unang lalapit sa lalaking kasama ko.
Parang ngayon lang nakakita ng guwapo!
Napabaling ako agad sa kasama kong lalaki dahil sa naisip ko. Pilit kong iwinaksi sa isip kong guwapo nga ito. Pinagmasdan ko siya habang kausap niya ang mga nurse. May pamilyar akong pakiramdam sa kanya na hindi ko maipaliwanag.
"Sir, pakitaas po yung t-shirt n'yo." kasabay ng pagtaas ng kilay ko ang pagsunod niya sa utos ng nurse.
Napalunok ako noong tumambad sa aking paningin ang kanyang perpektong hubog na abs. Ilang beses na akong nakakita ng mga lalaking may abs at toned muscle pero para akong naengkanto pagdating sa kanya. Talagang napatitig ako roon.
"Ganda ba ng view?"
Napaangat ang tingin ko sa kanyang mukha nang magsalita siya. Nakakabanas ang mukha niyang may nang-aasar na ngiti. Tuloy, hindi ko napigilang pulahan ng mukha sa pagkapahiya kaya napaiwas ako ng tingin.
Lalo pang nadagdagan ang pagkapahiya ko noong maghagikgikan ang dalawang nurse. Hindi ko tuloy kayang ibaling ang tingin ko sa kanilang tatlo.
Napasimangot na ako ng husto dahil nagtatagal ang dalawang nurse sa paglilinis ng sugat ng lalaking kasama ko. Kung sana hindi sila nagpapa-cute, madali lang nila matapos ang mga trabaho nila.
Iniikot ko ang itim na bola ng mata ko dahil sa inis sa kanila. Kung puwede lang iwanan ang lalaking ito, kanina pa ako umuwi. Kaya lamang ay utang na loob ko ang buhay ko sa kanya.
Pinaglalaruan ko ang aking mga daliri nang biglang may dumating na dalawang lalaki. Imbes na humahangos at natataranta ay natatawa pa silang nilapitan ang kaibigan nila.
"Parekoy, nangyari sa 'yo?" Tinapik sa balikat ng isang maputi, matangkad at medyo payat na lalaki ang kaibigan nila. Tapos na ang dalawang nurse sa pagbebenda kaya nagpapaalam na ang mga ito.
Kaya lang hindi sila makaalis dahil hinarang sila at kinausap ng isang matangkad, moreno, katamtaman ang pangangatawan at singkit ang mata habang nakangiting nakikipag-usap sa mga nurse.
Lahat sila ay may kanya-kanyang kaguwapuhan. Ang lalaking nagligtas sa akin ay talagang guwapo rin. Pero ang biloy niya talaga kapag ngumiti ang nakabighani sa akin.
"Yssa!" Nagulat ako sa pagtawag niya sa akin. Natatandaan pa niya ang pangalan ko sa club. Samantalang ako hindi ko man lang natanong ang pangalan niya. Nakakahiya dahil dalawang beses na niya akong iniligtas pero hindi ko pa rin siya kilala.
Bumaling ang tingin sa akin ng dalawang kaibigan niya. Ang mga nurse ay nagkukumahog na umalis nang may tumawag sa kanila.
"Woah! May first name basis na ang pagtawag. Kaya ba nandito ka? Galing ng diskarte ah," nakangising saad ng maputing lalaki.
Napanguso ako dahil sa sinabi nito. Magsasalita sana ako ng iminuwestra ni Mr. Biloy ang kamay niya para lumapit ako. Pinaglipat-lipat ko muna ang tingin ko sa kanilang tatlo bago tuluyang naglakad palapit.
"Yssa, right?" Tumango ako. "Ako nga pala ni Alyjah. Ali na lang. Ito si Aiden." Itinuro niya ang nasa kaliwa niya, ang lalaking maputi. "At iyan si Heron," sabi niyang itinuro ang lalaking nasa tabi ko lang nakatayo. Nilingon ko ito at nakatingin rin sa akin ng seryoso kaya napaiwas agad ako ng tingin. Kilala ko sila dahil madalas sila sa club.
"Ako ang dahilan kung bakit narito ang kaibigan ninyo," amin ko sa kanila. Muli kong pinaglaruan ang aking mga daliri.
Biglang humalakhak ang katabi kong kaibigan ni Ali. Si Heron ay naglakad palapit kay Ali.
"Patingin."
Walang pakundangang itinaas nito ang t-shirt ng kaibigan at sinipat ang sugat nito. Wala naman makikita dahil natatakpan na ng benda.
"Layo sa bituka, hindi mo pa ikakamatay iyan!" Sita niya sa sugat ng kaibigan.
Hindi ako makapaniwalang napatingin sa mga kaibigan niya. Kung sobrang pag-aalala ko at sobrang taranta na, sila parang wala lang na nasaktan ang kaibigan nila. Pinagtatawanan pa nila ito na para bang normal lang ang nangyari. Sabagay, mga lalaki kasi.
"Gago!" Asik ni Ali sa kaibigan niya. Napatampal naman sa noo si Aiden habang tumatawa.
Nang ibaling sa akin ni Ali ang kanyang tingin. Matipid ko siyang nginitian.
"Mauna na nga kami, iniwanan ko tuloy si Kishia sa hotel para lang mapuntahan ka rito dahil akala ko naghihingalo ka na!" Halatang dismayado na saad ni Heron at nagpatiuna nang umalis.
"Kaya mo naman magmaneho hindi ba? Dala mo naman ang kotse mo?" Tumango si Ali sa tanong ni Aiden. Kaya naman nag-umpisa na rin itong maglakad paalis. "May meeting ako na maaga. Pinuntahan lang talaga kita dito," paalam nito na hindi man lang bumaling ng tingin. Nakatalikod na nagsasalita. Kaya pala nakabusiness attire ito. Hindi katulad noong isa na nakaplain t-shirt na gusot pa at ripped jeans.
Bumaba na at tumayo si Ali sa kinauupuan na kama ng hospital. Nang bigla itong mapangiwi. Agad ko siyang dinaluhan at inalalayan.
"Okay ka lang?" Nagkatitigan kami pero agad akong nag-iwas dahil sa kaba sa pagkakadaiti ang aming mga balat. Hindi ko talaga maintindihan ang aking sarili. Attracted yata ako sa kanya.
"Okay lang. Nabigla lang yata pero ayos naman." Umayos siya ng tayo kaya bumitiw na rin ako.
"Salamat ha. Kung hindi dahil sa iyo baka napahamak na ako,"sabi kong nanginginig ang boses. Nang hawakan niya ako sa balikat. Tiningala ko siya, sumikdo bigla ang puso ko ng magtamang muli ang aming mga mata.
"Walang anuman. Kahit sino naman siguro tutulong kapag sila ang nakakita sa magandang dilag na nangangailangan ng tulong," palatak niya na ikinangiti ko. "Oh siya, sabi mo kailangan mong pumunta sa heart center. Gusto mo bang ihatid na kita?"
Nagsimula na siyang maglakad habang nakasunod lang ako. Tumigil ako at naramdaman niya iyon kaya naman muli niya akong binalingan ng tingin at naghihintay ng sagot ko.
"Hindi na, ayos lang ako. Mauna ka na at ng makapagpahinga ka naman. Salamat ulit, Ali. Hindi ko man lamang mabayaran itong pagpapagamot mo," ika kong nahihiya na naman dahil hanggang pasasalamat lang talaga ang kaya kong ibigay sa pagliligtas niya ng aking buhay. Hindi ko siya mababayaran o kahit gastusan man lamang ang pagpapagamot niya rito ngayon.
Ngumiti ito sa akin dahilan ng paglabas ng biloy niyang hindi ko nakalimutan kahit sa unang pagkikita namin.
"Malay mo mangailangan din ako. Doon na lamang kita sisingilin."
Hindi makapaniwala ang tinging ipinukol ko sa kanya, napalabi ako. Tinawanan tuloy niya ang itsura ko.
"But don't worry for sure hindi pera ang sisingilin ko," pagkasabi noon ay naglakad na siya palayo sa akin. Hindi na ako muling tinapunan ng tingin.
Napabuga ako ng hangin at nagsalubong ang kilay habang pinoproseso sa utak ko ang sinabi niya. Pilit inaalisa.
Marahan akong naglalakad sa lobby ng hospital nang bigla na lang may humila sa akin sa isang sulok. Nanlaki ang aking mga mata habang nakatakip ang kamay ng mapangahas na nilalang sa aking bibig. Walang nakakita dahil mabilis ang kikos nito at mabilis rin niya akong naikubli.
"Ano'ng ginagawa mo?" Singhal ko sa kanya nang sa wakas ay alisin niya ang kanyang kamay sa bibig ko. Matalim ang tingin niya sa akin pero kababanaagan naman sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Ikaw, anong ginagawa mo?" Galit na bulyaw niya sa akin. Pinalis ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko pero lalo lamang niyang inilapit ang katawan niya sa akin. Sa pagkakataong ito hawak na niya ako sa magkabilang balikat at naninimbang ang tingin. "Muntik ka nang mapahamak! Kailangan mo pala ng pera, bakit hindi ka nagsabi? Akala ko ba umalis ka na sa isang trabaho..."
"Hindi kita naging kaibigan para hingan ng pera. Kaya kong kumita sa paraang gusto at alam ko!" Itinulak ko siya ng bahagya para makalaya sa pagkakapinid niya sa akin sa pader.
"Hindi ko gustong may mangyari sa iyong masama, Ely. Makinig ka naman sana," wika niyang may pagsusumamo na sa tinig. Bumuntong hininga ako bago siya muling harapin.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ako mapapahamak, mag-iingat na ako." Nagpaalam ako at iniwanan siya. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon pa para magsalita.
Ayaw kong magkautang ng loob. Maging ikaw pa!
Pagdating na pagdating namin ay pumuwesto agad kami sa dati. Sa harapan para mas maganda ang view namin. As usual ang mga gago may kanya-kanyang babae na naman sa tabi. Umayaw akong may makateybol. Ang habol ko lang ay ang mapanood ang babaeng nakamaskara. Isa pa, masakit pa ang sugat ko para lumandi.Gaya ng dati, maraming kalalakihan ang nag-aabang sa pagsayaw ng babaeng nakamaskara. Nakatatlong bote na ako ng beer nang pinatay ang mga ilaw at pumaimbabaw ang malamyos na saliw ng musika.Naghiyawan na at nagpapalakpakan ang mga panauhin.
AlyjahNapapailing ako habang nagmamaneho. Hindi ko maintindihan kung bakit nasabi ko iyon kay Yssa. Natatawa tuloy ako sa sarili dahil hindi ko naman intensiyon talaga na maningil. Bibiruin ko lang sana siya pero nang makita ko ang ekspresiyon ng kanyang mukha, parang mas ginusto ko na lang na seryosohin ang sinabi."Ah!" Napangiwi ako dahil kumirot ang sugat ko. Kahit daplis lang iyon ay masakit pa rin naman.Nagsinungaling din ako na pupunta at bibili sa convenience store na iyon. Nagkataon lang na napadaan at namukhaan ko ang babaeng iyon mula sa club kaya tinulungan ko siya nang mamataan kong nakikipag-agawan siya sa kanyang bag. Kung iba lang sigurong tao iyon ay hindi ko isusugal ang sarili kong buhay.Ewan ko ba, gusto ko tuloy iuntog ang sarili ko kung bakit sumuong na naman ako para iligtas siya. Para kasing may magnet ang babaeng iyon sa gulo kaya pati ako na-magnet na rin.
Pagkatapos kaming kausapin ng mga pulis ay tsaka pa lamang kami nakapunta ng hospital. Itong kasama kong lalaki sobrang tigas ng ulo. Inuna pa talaga ang pagpunta sa police station kesa magamot ang sugat niya.Nasa bakanteng kama kami sa hospital at hinihintay ang nurse na titingin sa sugat niya. Daplis lang naman daw iyon pero natakot talaga ako dahil maraming dugo ang nasa damit niya at kamay."Wala bang masakit sa iyo?" Basag niya sa katahimikang namayani sa amin. Nakatayo ako malapit sa may pintuan habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri."Wala naman. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong nasaktan. Pasensiya ka na kung nadamay ka," nalulungkot na saad ko. Nakukunsensiya talaga ako dahil nasaktan siya."Okay lang nagkataon naman talaga na bibili ako at maabutan ko ang sitwasyon na iyon, buti...""Sir, lilinisan na po namin ang sugat 'nyo." Napalingon kami pareho sa bumukas n
Nang matapos niyang magamot ang sugat ko at mabendahan ito ay tahimik kaming pareho. Alam kong nakatitig lamang siya sa akin. Ako naman ay nakayuko lamang. Hindi ko maarok na tignan siya.Dapat ay nagagalit ako, dapat ay sumbatan ko siya! Dahil sa unang pagkakataon ay nagtagpo ang landas namin sa ilang taong nakalipas. Pero wala akong maapuhap na sasabihin. Tila ba kahit galit at mura ay pinagtaksilan ako at tinaguan. Hindi ko sila mahanap para sana ipamukha sa lalaking kasama ko ang sakit na dinanas ko simula noong iwanan niya ako at niloko."Elyssa..." tumindig ang balahibo ko sa katawan sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Ngayon, tuluyan nang naglandas ang luha sa mga mata ko.Nakakainis! Imbes na galit at poot. Luha! Bakit luha ang kumawala? Bakit kahinaan ko ang laging naipapakita sa tuwing kaharap ko siya. Bakit?Ayaw kong makita niya ako na umiiyak at nasasaktan. Ayokong isipin niya na hanggang ngayon...
ElyssaPangalawang linggo na ni Ashley sa hospital. Bumuti na rin ang pakiramdam nito kaya puwede na raw naming iuwi kinabukasan. Ang problema, kulang ang perang naipon ko para mabayaran ang gastos nito roon. Nahihiya na rin akong humiram kay Mamang dahil marami na akong utang sa kanya.Hinaplos ko sa braso si papa dahil magpapaalam ako para pumasok sa Heaven club. Nakadukdok siya sa kama ni Ashley at natutulog.Naalimpungatan siya at kumurap-kurap na bumaling sa akin."A-nak..." mapait akong ngumiti. Alam kong hirap na hirap na rin si papa sa kalagayan niya at kalagayan naming pamilya. "Pa, aalis na ako para makagawa ako ng paraan nang mailabas na natin dito si Ashley bukas. Baka tanghali na ako makakabalik, kailangan kong humanap ng pera." Malungkot siyang tumango. Muli akong nagpaalam at agad na umalis.Kailangan kong makapag-isip ng anumang paraan para magka
Babaeng NakamaskaraSabado, alas onse ng gabi. Nasa private room ako sa club. Suot pa rin ang itim na maskara para itago ang aking mukha. Kaharap ko ngayon ang isang Limampung anyos na matanda. Kahit matanda na ay makisig pa rin ito at masasabing guwapo. Kaya nagkakandarapa ang ilang bayarang babae para magpapansin dito. Masuwerte ako at ako ang natipuhan niya.Suwerte nga ba?Nakangisi ito habang sinisipat ang buo kong katawan. Suot ko pa rin ang props ko sa pagsayaw. Laced bikini at bra. Napatungan ng itim na roba pero aninag pa rin ang maalindog kong katawan. Para siyang asong ulol kung makatitig at naglalaway sa aking katawan. Napatawa na lang ako ng lihim at napaismid.Hindi ako nakik