LOGINPagdating na pagdating namin ay pumuwesto agad kami sa dati. Sa harapan para mas maganda ang view namin. As usual ang mga gago may kanya-kanyang babae na naman sa tabi. Umayaw akong may makateybol. Ang habol ko lang ay ang mapanood ang babaeng nakamaskara. Isa pa, masakit pa ang sugat ko para lumandi.
Gaya ng dati, maraming kalalakihan ang nag-aabang sa pagsayaw ng babaeng nakamaskara. Nakatatlong bote na ako ng beer nang pinatay ang mga ilaw at pumaimbabaw ang malamyos na saliw ng musika.
Naghiyawan na at nagpapalakpakan ang mga panauhin.
Nang lumabas ang babaeng nakaitim naman ngayon. Itim ang maskara at itim ang kasuotang bikini. Mahaba ang boots na suot at may mahabang itim na guwantes sa kamay. Ngayon, hindi tubo ang props niya kundi isang upuan sa gitna. Doon siya nagpagiling-giling.
Gaya ng nagagawa nito sa ibang lalaki, nilukuban ako ng matinding libog pero ang sa akin, kasama ang puso kong malakas ang kabog.
Gumiling-giling ang babae at pinapaulanan ito ng pera. Nagtiim-bagang ako, kung ako hindi lang pera ang ipapaulan ko sa kanya. Pauulanan ko rin siya ng pagmamahal. Aminado akong iba talaga ang tama nito sa akin. Tamang malupit!
Nang patapos na siyang magsayaw, siya namang may dalawang lalaki ang gustong lumapit sa kanya. Agad silang dinaluhan ng mga nakapaligid na guard. Kinuha ko iyon na pagkakataon para pumuslit sa likod ng stage. Hindi rin ako napansin ng mga kaibigan ko dahil pagkatapos ng sayaw ay naging abala na sila sa mga babae nila. Nag-init sa napanood kaya binaling sa kateybol ang libog.
"Hi!" Bati ko nang makababa siya sa stage. Medyo madilim pero nahalata ko pa rin ang pagkagulat at pagkataranta niya.
"Paano ka..." hindi niya itinuloy ang kanyang sasabihin at nanatili lamang siyang nakamasid sa akin. Nang biglang lumiwanag dahil binuksan na ang ilaw sa club. Dinig pa rin ang pagkakagulo doon. May nagbabasag pa ng bote at humihiyaw.
Napalunok ako nang tumambad sa aking paningin ang kagandahan ng babaeng nakamaskara. Mas nakakahumaling ang ganda niya sa malapitan. Kahit pa nga natatakpan ang mukha nito ng maskara ay masasabi ko pa rin na maganda siya. Hindi katulad ng naisip ko noong una kaming magtagpo. Humahalimuyak ang bango niya sa katawan. Kahit pa sabihing pawis na ito. Halos hindi ako makakilos na para bang naestatwa na ako. Ibang-iba talaga ang dating ng babaeng ito sa akin. Kumislot ang kaibigan ko sa baba.
Naitulos ako sa aking kinatatayuan nang magsimula na siyang maglakad at nilagpasan ako. Gusto ko siyang lingunin pero parang ayaw naman gumalaw ng katawan ko.
"Umalis ka na bago ka pa mahuli ng mga guard. Siguradong hindi ka na muling makakabalik dito sa club kapag nahuling nandito ka!" Babala niya na hindi ko man lamang binigyan ng pansin. Mas napansin ko ang malamyos na boses nito kahit pa may pagkamataray ang tono. Ang sarap pakinggan.
Narinig ko ang mga yapak niyang muling naglakad palayo. Doon na ako nagising at nagkaroon ng lakas ng loob para magsalita at muling habulin siya ng tingin.
"Sandali, gusto kitang makilala!" Malakas ang loob kong pahayag. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi man lamang ako nilingon. Tumawa pa ito na walang halong saya.
"Sorry, pero wala akong balak ipakilala ang sarili ko sa kahit na sino man. Makakaalis ka na bago pa ako tumawag ng guardiya!" Muli niyang banta sa akin pero hindi ako nagpatinag. Hindi niya inaasahan ang bigla kong paglapit sa kanya. Baka sakaling maalala niya ako. Ayaw ko namang ipaalala na ako ang nakatalik niya six years ago. Baka mas lalo niya akong iwasan at hindi na makakalapit sa kanya.
"I just really want to know you. At kung maaari..."
"Hoy! Anong ginagawa mo rito!" Napalingon kaming pareho sa sumigaw. Isang lalaking malaki at bato-bato sa muscles ang katawan.
Napasinghap ako dahil alam kong wala akong laban sa laki nito. Puwede ko naman ipagtanggol ang sarili ko pero alam kong sa hospital ang bagsak ko. Wala sa sariling napakapa ako sa aking sugat. Hindi iyon masakit ngayon dahil uminom ako ng dalawang pain reliever.
"Hayaan mo siya, Lito. Ako ang tumawag sa kanya dahil may tinanong ako," maawtoridad na sabi ng babaeng hanggang ngayon ay hawak ko pa rin sa braso. Tumingin ang mga mata niyang kulay bughaw sa pagkakahawak ko. Kaya naman binitiwan ko ang kanyang braso.
Alam kong nakasuot ito ng contact lens. Hanggang sa mata ay pilit pa rin nitong itinatago kung sino siya.
Hindi nagpatuloy ang tinawag niyang Lito sa paglapit sa akin. At hindi na rin ako nakahuma noong tuluyang umalis ang babaeng nakamaskara. Kuyom ang kamao at bagsak ang balikat akong umalis sa likod ng stage. Kaya lamang ay may malaking ngiti na nakapagkit sa aking labi. Hindi ko man nalaman ang pangalan niya, kuntento na ako na ipinagtanggol niya ako. Hindi niya ako ipinahamak.
Pumuslit muli ako at hindi nagpahalata kung saan galing. Nagtungo muna ako sa banyo bago muling bumalik sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko.
"Saan ka galing?" Tanong ni Aiden noong maka-upo na ako. Akala ko pa naman hindi niya ako mapapansin. Namumungay na ang mga mata niya dahil sa alak na nainom.
"Diyan lang sa banyo," kaswal na sagot ko. Kumuha ako ng inumin at tinungga iyon.
Pagkababa ng bote, nagsalubong ang kilay ko sa pamamaraan ng pagtitig sa akin ni Aiden. Na para bang nagsisinungaling ako. Well, nagsisinungaling nga ako pero wala na siya dapat pakialam doon. Muli kong tinungga ang alak.
"Nakipagmake-out ka siguro doon sa waitress ano?"
Bigla akong nabilaukan sa iniinom dahil sa akusa niya. The fuck! Kung ano-ano pumapasok sa isip nito. Pinasukan na yata ng hangin na nakakapagpabobo. Paano kaya nito napapatakbo ng maayos ang negosyo nilang construction supply.
"Ogag ka talaga kahit kailan!" singhal ko na ikinangisi niya. Alam kong nakikinig si Heron na tatawa-tawa rin lang habang lamas na lamas na ang babaeng katabi sa kahihimas niya.
"Sinong waitress?"singit na tanong ng babaeng makapal masyado ang drawing sa mukha. Nagmumukha tuloy clown. Ewan ko kung bakit nagustuhan ito ni Heron. Sabagay kahit pangit basta may butas papatusin ni Heron.
Naigala ko tuloy ang mga mata ko. Oo nga, bakit wala si Yssa ngayon? Hindi ko siya nakita.
Okay lang kaya iyon?
Hindi sa nag-aalala ako sa kanya. Nasanay lang talaga ako na nakikita siya sa tuwing pumupunta kami rito. Hindi nga lang talaga lumalapit sa amin. Naiimbiyerna yata sa babae ni Heron. Kahit ako man, gusto kong ingudngod sa semento ang mukha para mabura iyong drawing nito.
Muli kong pinagala ang tingin. Baka naman nagkaroon na iyon ng problema o nasangkot na naman sa gulo.
"Ano 'ng pangalan? Yssa ba?" Muling tanong ni Aiden. Pinanlakihan ko siya ng mata. Napansin ko naman ang pag-asim ng mukha ng babaeng nagngangalang Bev.
"Yssa? O, wala siya. Nagday-off. Baka nakipagtanan na sa boyfriend niyang tricycle driver," kaswal na saad nito habang nilalandi si Heron.
Nakuha niya ang aking atensiyon sa pahayag niyang iyon. May boyfriend na si Yssa? Hmm, sino naman kaya ang masuwerteng lalaki? Sa totoo lang good catch si Yssa. Maganda na, workaholic pa. At mukhang birhen pa. Sayang naman kung sa tricycle driver lang siya mapunta.
Naipilig ko ang aking ulo. Isa rin akong malaking tarantado sa naiisip. Talagang pinag-iisipan ko pa siya ng masama. Ano nga ba ang laban ng isip sa pag-ibig. Wala! Ako nga kung sakaling mahalin at bigyan ako ng pansin ng babaeng nakamaskara ay tatanggapin ko maging sino man siya. Maging madilim man ang nakaraan niya kaya nasa ganoong trabaho. Ilan man ang anak nito ay tatanggapin ko ng buo. Natawa ako sa huling naisip.
Puta! Nababaliw na nga yata talaga ako. Yayain ko na nga lamang umuwi ang mga ito. Baka mas lalo akong mabaliw lalo na at hindi na yata aabot sa kama itong si Heron. Halos mahubaran na niya ang kasamang babae.
Pagdating na pagdating namin ay pumuwesto agad kami sa dati. Sa harapan para mas maganda ang view namin. As usual ang mga gago may kanya-kanyang babae na naman sa tabi. Umayaw akong may makateybol. Ang habol ko lang ay ang mapanood ang babaeng nakamaskara. Isa pa, masakit pa ang sugat ko para lumandi.Gaya ng dati, maraming kalalakihan ang nag-aabang sa pagsayaw ng babaeng nakamaskara. Nakatatlong bote na ako ng beer nang pinatay ang mga ilaw at pumaimbabaw ang malamyos na saliw ng musika.Naghiyawan na at nagpapalakpakan ang mga panauhin.
AlyjahNapapailing ako habang nagmamaneho. Hindi ko maintindihan kung bakit nasabi ko iyon kay Yssa. Natatawa tuloy ako sa sarili dahil hindi ko naman intensiyon talaga na maningil. Bibiruin ko lang sana siya pero nang makita ko ang ekspresiyon ng kanyang mukha, parang mas ginusto ko na lang na seryosohin ang sinabi."Ah!" Napangiwi ako dahil kumirot ang sugat ko. Kahit daplis lang iyon ay masakit pa rin naman.Nagsinungaling din ako na pupunta at bibili sa convenience store na iyon. Nagkataon lang na napadaan at namukhaan ko ang babaeng iyon mula sa club kaya tinulungan ko siya nang mamataan kong nakikipag-agawan siya sa kanyang bag. Kung iba lang sigurong tao iyon ay hindi ko isusugal ang sarili kong buhay.Ewan ko ba, gusto ko tuloy iuntog ang sarili ko kung bakit sumuong na naman ako para iligtas siya. Para kasing may magnet ang babaeng iyon sa gulo kaya pati ako na-magnet na rin.
Pagkatapos kaming kausapin ng mga pulis ay tsaka pa lamang kami nakapunta ng hospital. Itong kasama kong lalaki sobrang tigas ng ulo. Inuna pa talaga ang pagpunta sa police station kesa magamot ang sugat niya.Nasa bakanteng kama kami sa hospital at hinihintay ang nurse na titingin sa sugat niya. Daplis lang naman daw iyon pero natakot talaga ako dahil maraming dugo ang nasa damit niya at kamay."Wala bang masakit sa iyo?" Basag niya sa katahimikang namayani sa amin. Nakatayo ako malapit sa may pintuan habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri."Wala naman. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong nasaktan. Pasensiya ka na kung nadamay ka," nalulungkot na saad ko. Nakukunsensiya talaga ako dahil nasaktan siya."Okay lang nagkataon naman talaga na bibili ako at maabutan ko ang sitwasyon na iyon, buti...""Sir, lilinisan na po namin ang sugat 'nyo." Napalingon kami pareho sa bumukas n
Nang matapos niyang magamot ang sugat ko at mabendahan ito ay tahimik kaming pareho. Alam kong nakatitig lamang siya sa akin. Ako naman ay nakayuko lamang. Hindi ko maarok na tignan siya.Dapat ay nagagalit ako, dapat ay sumbatan ko siya! Dahil sa unang pagkakataon ay nagtagpo ang landas namin sa ilang taong nakalipas. Pero wala akong maapuhap na sasabihin. Tila ba kahit galit at mura ay pinagtaksilan ako at tinaguan. Hindi ko sila mahanap para sana ipamukha sa lalaking kasama ko ang sakit na dinanas ko simula noong iwanan niya ako at niloko."Elyssa..." tumindig ang balahibo ko sa katawan sa pagbanggit niya ng buo kong pangalan. Ngayon, tuluyan nang naglandas ang luha sa mga mata ko.Nakakainis! Imbes na galit at poot. Luha! Bakit luha ang kumawala? Bakit kahinaan ko ang laging naipapakita sa tuwing kaharap ko siya. Bakit?Ayaw kong makita niya ako na umiiyak at nasasaktan. Ayokong isipin niya na hanggang ngayon...
ElyssaPangalawang linggo na ni Ashley sa hospital. Bumuti na rin ang pakiramdam nito kaya puwede na raw naming iuwi kinabukasan. Ang problema, kulang ang perang naipon ko para mabayaran ang gastos nito roon. Nahihiya na rin akong humiram kay Mamang dahil marami na akong utang sa kanya.Hinaplos ko sa braso si papa dahil magpapaalam ako para pumasok sa Heaven club. Nakadukdok siya sa kama ni Ashley at natutulog.Naalimpungatan siya at kumurap-kurap na bumaling sa akin."A-nak..." mapait akong ngumiti. Alam kong hirap na hirap na rin si papa sa kalagayan niya at kalagayan naming pamilya. "Pa, aalis na ako para makagawa ako ng paraan nang mailabas na natin dito si Ashley bukas. Baka tanghali na ako makakabalik, kailangan kong humanap ng pera." Malungkot siyang tumango. Muli akong nagpaalam at agad na umalis.Kailangan kong makapag-isip ng anumang paraan para magka
Babaeng NakamaskaraSabado, alas onse ng gabi. Nasa private room ako sa club. Suot pa rin ang itim na maskara para itago ang aking mukha. Kaharap ko ngayon ang isang Limampung anyos na matanda. Kahit matanda na ay makisig pa rin ito at masasabing guwapo. Kaya nagkakandarapa ang ilang bayarang babae para magpapansin dito. Masuwerte ako at ako ang natipuhan niya.Suwerte nga ba?Nakangisi ito habang sinisipat ang buo kong katawan. Suot ko pa rin ang props ko sa pagsayaw. Laced bikini at bra. Napatungan ng itim na roba pero aninag pa rin ang maalindog kong katawan. Para siyang asong ulol kung makatitig at naglalaway sa aking katawan. Napatawa na lang ako ng lihim at napaismid.Hindi ako nakik