I write under the name Rosenbloom1995
"Kunin mo na ang lahat-lahat! Pakiusap ko lang huwag mong sasaktan ang pamilya ko, nagmamakaawa ako sa inyo!" nagmamaka-awang sambit ni Airacia Daphne Sophia Muli, sa utusan ni Frio Ribosome.
"Madali lang naman akong kausap, Airacia. Ang ayoko lang yung niloloko ako!" galit na galit na turan ni Frio sa kaniya. Lumapit siya sa binata at sinubok na kumbinsihin pa ito na bitiwan ang kaniyang ina, na ngayon ay malala na ang lagay.
"Frio, maawa ka naman sa nanay ko! Kailangan niya pang magpalakas, pakiusap bitiwan n'yo na ang nanay ko! Ako nalang ang kunin ninyo." nagmamakaawang mungkahi ni Airacia sa binatang si Frio. Isinuklay ni Frio galing sa ilalim pataas at kinuyom nito ang kamay, hinablot ang kaniyang buhok at tila mapipilas na ang kaniyang anit. Frio start licking her right cheek.
"Hindi ako magdadalawang-isip na isako ang pamilya mo at pagpira-pirasuhin, sa oras na takasan mo ulit ako! Naiintindihan mo ba ako, Airacia?" singhal ni Frio kay Airacia, sunod-sunod ang naging patungo ni Airacia. Hindi niya isusugal ang lahat-lahat, kung hindi lang kailangan ng nanay niya ng pera. At hindi siya magtitiis sa pagmamalupit ni Frio, kung basta mayaman at nabibigyan lamang siya nito. Naroon pa rin ang batang Airacia, ang dating Airacia na patuloy na nagmamahal sa binatang si Frio Ribosome.
Itataya mo ba ang iyong dangal, para sa kapakanan ng iyong inang nauubusan na ng pag-asa? Magtitiis kaba sa katiting na pagmamahal na nararamdaman mo, kung puro daing naman ang dulot nito sa iyo? Pababayaan mo nalang bang ibenta ka niya sa iba para lang sa sarili niyang kaligayahan? O mas pipiliin mong saktan niya, upang manatiling sa kaniya ka lamang at hindi kailanman matitikman ng ibang lalake na naghahangad sa iyo, at sa katawam mo. Stripper or not?