Chapter: Chapter 11Dumaan ang mga araw nang kay bilis, hindi ko na nga rin ito masyadong napansin dahil busy ako sa mga gawain dito sa bahay at sa pag aalaga kay Dylan. Pagka-alis ni Dylan dito sa bahay ay pagsisimula pa lang ng aking araw sa trabaho bilang kasambahay.Hinuhugasan ko muna ang mga platong aming pinagkainan sa umaga pagkatapos naman ay maglilinis na ako ng bahay at kwarto ni Dylan, ang totoo nyan ay halos wala namang lilinisin dito sa loob ng bahay, kaunting walis ay ok na.Pagtapos ko na ang lahat ng gawain sa loob ng bahay ay magsisimula na akong diligan ang mga halaman dito sa harap ng bahay, magwawalis at nagbubunot din ako ng mga damo.Pumupunta din ako sa garahe upang labhan ang mga basahan dun. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay siguradong tanghali na.Tumingin ako sa relo na nakasabit sa kusina, 11:30 am na pala kailangan ko na magluto ng tanghalian ko. Kinuha ko sa ref ang ibinabad kong bang
Last Updated: 2020-11-12
Chapter: Chapter 10"Ry ko ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," sabi pa nya habang lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit nyang hininga sa aking leeg at ang mahina nyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko."Dylan, b-buti at magaling kana ha-ha," ilang na sabi ko sabay tulak sa kanya ng kaunti para lumayo sya sakin. Kaso ayaw nyang lumayo kahit tinutulak ko na ang dibdib nya."Gusto mo na ba makuha ang premyo mo?" tanong ko naman."Sige, nasaan na ba?" Tanong nya habang excited na nakangiti sakin."Ah, ano... dun ka muna sa salas at manuod ng TV tapos pag ayos na ay tatawagin kita, Ok ba?" sabi ko na lang kanya dahil hindi ko pa talaga nagagawa e."Ganun ba, sige!!!" masigla nyang sagot.Napangiti naman ako dahil wala na syang sakit, bumalik na kasi ulit ang kanyang energy at kakuli
Last Updated: 2020-11-11
Chapter: Chapter 9Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt."Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama.Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa hubad nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan."Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili.Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko.Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng pangpalit na damit nya. Pero katulad ng kanina pa nyang ginagawa ay pinigilan na naman nya ako,
Last Updated: 2020-11-11
Chapter: Chapter 8Chapter 8"Ry luto na ba yan?"Nabigla ako dahil may nagsalita sa likod ko, sino pa edi si Dylan."Hindi pa ito luto, nakulo pa lang oh," ani ko sabay halo sa tinola."Ako ang titikim." sabay hawak sa kamay kong may hawak sa sandok at sumalok ng kaunting sabaw at tinikman ito.Napakabilis ng mga pangyayari hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin at ramdam ko din ang katawan nyang nakalapat sa aking likuran.Bigla akong kinilabutan pero pinigilan ko ang sarili kong magreact."Hmm, sigurado ka bang hindi mo ito tinikman maya't maya para ma perfect ang lasa? ang sarap kasi," anito pagkatapos lumayo sa akin.Medyo nakahinga naman ako ng magaan ng maka-layo na sya, hindi ko nga napansin na pinigilan ko pala ang paghinga ko, hayss ikamamatay ko talaga tong si Dylan.Hindi ko na
Last Updated: 2020-11-06
Chapter: Chapter 7Chapter 7"San ko ilalagay itong mga de lata Dylan?" tanong ko sa kanya habang ipinapatas na ang mga pinamili namin kanina.Umuwi na rin kami kasi wala naman akong iba pang gustong puntahan, masaya na ako sa pamamasyal namin kanina sa mall."Ako na bahala dyan Ry, dito kasi sa taas yan nilalagay, kaso di mo naman abot." ngisi pang sabi nya sakin, inaasar na naman ako dahil ang liit ko.Hindi pa kasi umabot sa balikat nya ang height ko, tapos ang payat ko pa."Kaya nga naimbento ang HAGDAN. " inis na tugon ko naman sa kanya"Haha joke lang Ry, wag ka magalit lalo kang liliit nyan." tawang-tawa naman ito.Lakas talaga mang asar nito, hindi ko na lang sya pinansin balak ko na rin kasi magluto ng tanghalian namin pagkatapos ko dito.Bigla kong naalala ang binili naming graham nang makita ko ito sa loob ng plastic. Napangiti ako dahil sa kasa
Last Updated: 2020-11-06
Chapter: Chapter 6Chapter 6'Ang lamig ng tubig.'Pagsaw-saw ko ng aking kamay sa holy water at nag sign of the cross. Tapos na kasi ang misa at palabas na kami ng simbahan."San na tayo pupunta Dylan?""Supermarket maggo-grocery na tayo" sagot naman nya habang naglalakad papunta sa parking lot."Supermarket? hindi sa palengke?" takang tanong ko sa kanya"Sa supermarket ako namimili, mas kumpleto kasi ang mga tinda dun at mas mabilis din hanapin" sagot naman nya ng maisuot na nya saakin ang seatbelt.Hindi pa rin kasi ako marunong.Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang napakalaking establishmento ang daming tindahan at mga tao dito. Nakakatuwa pagmasdan."Ang ganda naman dito Dylan." manghang sabi ko sa kanya habang iniikot ang aking paningin sa paligid."Nasa MOA tayo""MOA?" pangalan ba y
Last Updated: 2020-11-06