Share

Chapter 8

Author: Cutiecane23
last update publish date: 2020-11-06 18:39:26

Chapter 8

"Ry luto na ba yan?" 

Nabigla ako dahil may nagsalita sa likod ko, sino pa edi si Dylan.

"Hindi pa ito luto, nakulo pa lang oh," ani ko sabay halo sa tinola.

"Ako ang titikim." sabay hawak sa kamay kong may hawak sa sandok at sumalok ng kaunting sabaw at tinikman ito.

Napakabilis ng mga pangyayari hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin at ramdam ko din ang katawan nyang nakalapat sa aking likuran. 

Bigla akong kinilabutan pero pinigilan ko ang sarili kong magreact.

"Hmm, sigurado ka bang hindi mo ito tinikman maya't maya para ma perfect ang lasa? ang sarap kasi," anito pagkatapos lumayo sa akin.

Medyo nakahinga naman ako ng magaan ng maka-layo na sya, hindi ko nga napansin na pinigilan ko pala ang paghinga ko, hayss ikamamatay ko talaga tong si Dylan.

Hindi ko na nagawang sagutin ang tanong nya.

"Ok ka lang ba Ry? napagod ka ba ng sobra kanina? Magpahinga ka muna ako na ang magbabantay nyan," saad naman nito na may halong pag aalala. 

Kaya hindi ko magawang magalit sa kanya e, napakamaalahanin kasi nya siguro talagang magaling syang mang-asar pero sa tingin ko ay paraan nya lang yun ng paglalambing.

"Hindi ok lang ako, sige na manuod ka na lang ng TV, tatawagin kita pagluto na," ani ko sabay ngiti para makumbinsi sya. 

"Sure ka?" mukhang hindi pa din sya kumbinsido.

Tumango na lang ako at pinaalis na sya.

"Ry akin na ang plato mo." habang kinuha ang plato ko, tatambakan na naman nya ng maraming kanin at ulam iyon. 

Pagkatapos nyang lagyan ng pagkain ang plato ko ipinatong na niya ito saking harap. 

Kakain na sana ako ng inguso naman nya ang plato nya, inabot ko naman yung platong nilagyan na nya. Umiling lang sya. 

Natapos din kami kumain pagkatapos ng matagal na panahon dahil sa kakulitan ni Dylan. Ayaw sumuko lagay lang sya ng lagay ng kanin sa aking plato, ako naman ay pilit iniiwas ang plato ko.

Nang matapos ko na din ang aking mga gawain ay nagpaalam na ako  kay Dylan na magpapahinga na ako.

Parang gusto kong tawagan si nanay mamaya, gusto ko syang tanungin kong ano ba itong nararamdaman ko, ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito, medyo hawig ang nararamdaman ko kapag nagkakaroon ng crush, katulad nung high school ako ay nagkaroon ako ng crush yung muse ng room namin, mabait, matalino at palakaibigan pa kaya naman nagustuhan ko sya pero imposible naman na magka-crush ako kay Dylan kasi unang una na ay lalaki sya ang galing pang mang-asar. 

Pero baka naman kaya pagka-ilang lamang ang nararamdaman ko dahil hindi pa ako ganun sa kasanay sa kanya, siguro ay darating ang araw na mawawala din itong nararamdaman ko. Tama! ang totoo nyan ay hindi ko maipagkakaila na humahanga talaga ako sa kanya mabuti kasi syang tao.

Pagpasok ko sa kwarto ay sinubukan ko nang tawagan si nanay kaso hindi nasagot. Bigla ko na lang nasampal ang noo ko wala nga pala akong load kaya hindi talaga yun sasagot.

----------------------------

Lunes ngayon at nandito ako sa kusina para maghanda na ulit ng agahan ni dylan, dinagdagan ko din ang aking niluto.

Kagabi kasi habang nakahiga ako ay hindi ako dalawin ka agad ng antok kaya nag isip-isip muna ako at ang isang bagay na naisip ko ay kung pano hindi na ulit makikihati si dylan sa baong pagkain ng kanya secretary.

Nandito naman ako para ipaghanda sya ng tanghalian, hindi na nya kailangan pang maki-share sa iba.

Nakakain na kami ng agahan at  naghahanda na si dylan sa pagpasok sa trabaho, sa isang opisina nga pala sya nagtatrabaho, sabi nya sakin ay sya daw ang CEO ng kumpanyang iyon. 

Hindi ko na lang pinansin ,hindi ko naman alam ang ibigsabihin ng sinabi nya.

"Dylan oh." sabay abot ng baon nya ng mapansin kong papunta na sya sa garahe.

"Ano yan Ry?" tanung pa nya.

"Bomba pampaswerte." 

"Ikaw talaga, kulit mo," anito habang tumatawa sabay akbay sakin at gulo sa buhok ko.

"Baon mo yan para mamayang tanghali para hindi fastfood ang kainin mo."

"Ang bait naman ng Ry ko, salamat." sabay ngiti pa nito.

"Oo na, layas na baka ma-late ka pa." pagtataboy ko naman sa kanya para hindi na nya makita ang pagpipigil ko ng ngiti.

--------------------------

Ang lakas ng ulan sa labas, nakatanaw ako dito sa bintana habang nag aalala kay Dylan. 

"May payong kaya syang dala?" bulong ko sa aking sarili. 

Tapos na akong magluto ng hapunan at hinihintay na lang sya. Bumalik muna ako sa kusina para uminom muna ng tubig.

"Ry im home!" sigaw ng isang boses na sigurado akong si Dylan na.

"Dyla--" naputol ang sasabihin ko ng makita ang basang basa nyang katawan dahil sa ulan.

Papasok na sana sya ng pigilan ko.

"Hep, diyan ka lang wag kang gagalaw kukuha lang ako ng twalya." ani ko sa kanya sabay takbo para kumuha ng twalya sa kwarto nya.

"Oh, Dylan ang twalya mo," sabi ko sabay abot sa kanya pansin na pansin ko ang pangangatal ng kayang katawan dulot ng lamig na kanyang nararamdaman.

"Salamat Ry," sagot nya habang nagpupunas ng katawan

Sinamahan ko sya sa kanyang kwarto para tulungan sya na makapagbihis.

"Dylan iligo mo na yan , baka magkasakit ka pa," sabi ko sa kanya habang naghahanap ng damit na pwede nyang isuot.

Sumunod naman sya at dumeretso na sa banyo para maligo.

Nagbilis na sya ng damit na aking inihanda nang makalabas sya ng banyo.

Kaso medyo basa pa ang buhok nya kaya pinunasan ko pa, pinaupo ko sya sa kama para lang maabot ang ulo nya kahit kasi naka yuko na sya ay hindi ko parin magawalang abutin ito. Habang pinupunasan ko naman ay napadako ang kamay ko sa may leeg nya.

"Hala, ang init mo dylan, okay ka lang ba?" 

Hindi sya sumagot at bigla na lang syang yumakap sa katawan ko dahil naka upo sya ay umabot lang hangang dibdib ko ang ulo nya, imbis na makaramdam ako ng ano pa mang bagay ay mas namayani sakin ang pagka awa sa kanya.

Pinahiga ko na sya sa kanyang kama para makapagpahinga na sya. Naawa naman ako sa kanya habang nakahiga sya sa kanyang kama napaka amo ng itsura nya.

"Dylan kailangan mong kumain ha, " ani ko bago lumabas ng kwarto nya, kailangan kasi nya kumain bago uminom ng gamot.

"San ka pupunta Ry?" paghabol pa nya sakin. 

"Sa kusina, ipagluluto kita ng sopas para makakain ka." paliwanag ko naman sa kanya. 

"Mamaya na yun, dito ka muna Ry." pagpapa-awa naman nya sakin

"Dylan, hindi pwede kailangan mong kumain para makainom ka ng gamot bahala ka hindi ka agad gagaling pag hindi ka kumain." sinasabi ko sa kanya habang inaalalayan sya pabalik sa kama.

"Ry wag ka umalis dito ka lang," sabi nya habang hawak hawak parin ang kamay ko.

Na-aawa ako sa kanya pero hindi pwedeng pagbigyan ko sya.

"Dylan wag makulit ha, promise pag gumaling ka agad ay may premyo ako sayo." magiliw kong sabi sa kanya para pumayag na sya.

Nag isip muna sya bago sumagot.

"Anong premyo?" takang tanong nya

"Hindi ko pa pwede sabihin kaya magpagaling ka agad para malaman mo, ok?" 

"Okay," sagot nya habang nahiga sa kama.

Napangiti naman ako, buti naman at nakumbinsi ko na rin sya. Haha may pagkaisip bata talaga itong si dylan .

"Dito ka lang ha, magluluto lang ako mabilis lang yun" paalam ko naman sa kanya.

Tumango na lang sya at pumikit na.

----------------------

"Ano ok na? nainom mo na ?" tanong ko pa kay Dylan habang inaabot ang baso ng tubig mula sa kanya.

"Oo Ry wala na oh." pakita pa nya sakin ang loob ng bibig nya.

Tapos na nyang kainin ang sopas na niluto ko at kaiinom lang nya ng gamot. Ngayon ang kailangan kong gawin ay punasan sya ng twalya na may  maligamgam na tubig para bumaba ang lagnat nya.

Tatalikod na dapat ako para pumunta sa kusina ng biglang...

"Ry san ka pupunta?" maagap na tanong na naman nya sakin.

"Kukuha lang ako ng maligamgam na tubig at plangganita sa baba para ma-punasan na kita." 

"Pero--" nakanguso nyang sabi

"Walang pero - pero Dylan, ayaw mo bang gumaling?" tanong ko naman sa kanya pabalik. 

"Syempre gusto ko para makuha ko yung premyo galing sayo, kiss ba yun?"  sabi nya na may kasama pang pagngisi

"Hindi syempre, balakajan." saad ko sabay labas ng kwarto nya.

May sakit na ay nakukuha paring mang-asar ng Dylan na yun. Iwan ko nga sya

"Ryyyyyyy!!" rinig ko pang sigaw  nya mula sa loob ng kwarto.

'Ano kayang premyo ang ibibigay ko sa kanya?'

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The kasambahay [BL]    Chapter 11

    Dumaan ang mga araw nang kay bilis, hindi ko na nga rin ito masyadong napansin dahil busy ako sa mga gawain dito sa bahay at sa pag aalaga kay Dylan. Pagka-alis ni Dylan dito sa bahay ay pagsisimula pa lang ng aking araw sa trabaho bilang kasambahay.Hinuhugasan ko muna ang mga platong aming pinagkainan sa umaga pagkatapos naman ay maglilinis na ako ng bahay at kwarto ni Dylan, ang totoo nyan ay halos wala namang lilinisin dito sa loob ng bahay, kaunting walis ay ok na.Pagtapos ko na ang lahat ng gawain sa loob ng bahay ay magsisimula na akong diligan ang mga halaman dito sa harap ng bahay, magwawalis at nagbubunot din ako ng mga damo.Pumupunta din ako sa garahe upang labhan ang mga basahan dun. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay siguradong tanghali na.Tumingin ako sa relo na nakasabit sa kusina, 11:30 am na pala kailangan ko na magluto ng tanghalian ko. Kinuha ko sa ref ang ibinabad kong bang

  • The kasambahay [BL]    Chapter 10

    "Ry ko ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," sabi pa nya habang lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit nyang hininga sa aking leeg at ang mahina nyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko."Dylan, b-buti at magaling kana ha-ha," ilang na sabi ko sabay tulak sa kanya ng kaunti para lumayo sya sakin. Kaso ayaw nyang lumayo kahit tinutulak ko na ang dibdib nya."Gusto mo na ba makuha ang premyo mo?" tanong ko naman."Sige, nasaan na ba?" Tanong nya habang excited na nakangiti sakin."Ah, ano... dun ka muna sa salas at manuod ng TV tapos pag ayos na ay tatawagin kita, Ok ba?" sabi ko na lang kanya dahil hindi ko pa talaga nagagawa e."Ganun ba, sige!!!" masigla nyang sagot.Napangiti naman ako dahil wala na syang sakit, bumalik na kasi ulit ang kanyang energy at kakuli

  • The kasambahay [BL]    Chapter 9

    Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt."Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama.Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa hubad nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan."Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili.Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko.Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng pangpalit na damit nya. Pero katulad ng kanina pa nyang ginagawa ay pinigilan na naman nya ako,

  • The kasambahay [BL]    Chapter 8

    Chapter 8"Ry luto na ba yan?"Nabigla ako dahil may nagsalita sa likod ko, sino pa edi si Dylan."Hindi pa ito luto, nakulo pa lang oh," ani ko sabay halo sa tinola."Ako ang titikim." sabay hawak sa kamay kong may hawak sa sandok at sumalok ng kaunting sabaw at tinikman ito.Napakabilis ng mga pangyayari hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin at ramdam ko din ang katawan nyang nakalapat sa aking likuran.Bigla akong kinilabutan pero pinigilan ko ang sarili kong magreact."Hmm, sigurado ka bang hindi mo ito tinikman maya't maya para ma perfect ang lasa? ang sarap kasi," anito pagkatapos lumayo sa akin.Medyo nakahinga naman ako ng magaan ng maka-layo na sya, hindi ko nga napansin na pinigilan ko pala ang paghinga ko, hayss ikamamatay ko talaga tong si Dylan.Hindi ko na

  • The kasambahay [BL]    Chapter 7

    Chapter 7"San ko ilalagay itong mga de lata Dylan?" tanong ko sa kanya habang ipinapatas na ang mga pinamili namin kanina.Umuwi na rin kami kasi wala naman akong iba pang gustong puntahan, masaya na ako sa pamamasyal namin kanina sa mall."Ako na bahala dyan Ry, dito kasi sa taas yan nilalagay, kaso di mo naman abot." ngisi pang sabi nya sakin, inaasar na naman ako dahil ang liit ko.Hindi pa kasi umabot sa balikat nya ang height ko, tapos ang payat ko pa."Kaya nga naimbento ang HAGDAN. " inis na tugon ko naman sa kanya"Haha joke lang Ry, wag ka magalit lalo kang liliit nyan." tawang-tawa naman ito.Lakas talaga mang asar nito, hindi ko na lang sya pinansin balak ko na rin kasi magluto ng tanghalian namin pagkatapos ko dito.Bigla kong naalala ang binili naming graham nang makita ko ito sa loob ng plastic. Napangiti ako dahil sa kasa

  • The kasambahay [BL]    Chapter 6

    Chapter 6'Ang lamig ng tubig.'Pagsaw-saw ko ng aking kamay sa holy water at nag sign of the cross. Tapos na kasi ang misa at palabas na kami ng simbahan."San na tayo pupunta Dylan?""Supermarket maggo-grocery na tayo" sagot naman nya habang naglalakad papunta sa parking lot."Supermarket? hindi sa palengke?" takang tanong ko sa kanya"Sa supermarket ako namimili, mas kumpleto kasi ang mga tinda dun at mas mabilis din hanapin" sagot naman nya ng maisuot na nya saakin ang seatbelt.Hindi pa rin kasi ako marunong.Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang napakalaking establishmento ang daming tindahan at mga tao dito. Nakakatuwa pagmasdan."Ang ganda naman dito Dylan." manghang sabi ko sa kanya habang iniikot ang aking paningin sa paligid."Nasa MOA tayo""MOA?" pangalan ba y

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status