Share

Chapter 10

Author: Cutiecane23
last update publish date: 2020-11-11 13:56:06

"Ry ko ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," sabi pa nya habang lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko.

Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit nyang hininga sa aking leeg at ang mahina nyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko.

"Dylan, b-buti at magaling kana ha-ha," ilang na sabi ko sabay tulak sa kanya ng kaunti para lumayo sya sakin. Kaso ayaw nyang lumayo kahit tinutulak ko na ang dibdib nya.

"Gusto mo na ba makuha ang premyo mo?" tanong ko naman.

"Sige, nasaan na ba?" Tanong nya habang excited na nakangiti sakin.

"Ah, ano... dun ka muna sa salas at manuod ng TV tapos pag ayos na ay tatawagin kita, Ok ba?" sabi ko na lang kanya dahil hindi ko pa talaga nagagawa e.

"Ganun ba, sige!!!" masigla nyang sagot.

Napangiti naman ako dahil wala na syang sakit, bumalik na kasi ulit ang kanyang energy at kakulitan.

-----------------------------

"Dylan!!! di ba sabi ko wag kang sisilip dito dun ka lang sa salas, tatawagin kita mamaya," inis na sabi ko sa kanya, ang kulit kasi pansin ko sya na kanina pang pasilip-silip dito sa kusina.

Super excited ata.

Patapos na ako sa pagluluto nitong premyo ko sa kanya sana naman ay magustuhan nya ito, sabi naman kasi nya ay mula ng matikman nya ang graham cake ko ay naging paborito na nya ang graham at mangga.

"Pikit ka muna dylan, tapos aalalayan na lang kita papunta sa kusina," sabi ko sa kanya habang kaharap sya sa sofa nandito kami ngayon sa salas para sunduin sya.

"Eh bakit pa," tanong naman nya sabay tayo.

"Syempre surprise yun e." 

"Sige papayag ako kung ikaw ang magtatakip sa mata ko gamit ang kamay mo." ngisi pa nya.

Bigla akong napangiwi sa sinabi nya alam nyang hindi ko sya abot kaya ang lakas mang-asar na naman.

"Ah ganun ba?" 

"Oo." si dylan sabay tango pa habang nakangisi parin.

"Ah, eh di wag na lang wala kang premyo!" sigaw ko sa kanya dahil sa inis, Bahala sya sa buhay nya ang dami pa kasing alam.

"Wait! Ry ko! joke lang joke lang hehe pipikit na nga sabi ko nga e." sabi nya sabay habol.

---------------------------

Nandito na kami sa kusina at nakaupo na si Dylan sa mesa habang nakapikit pa rin, ako naman ay nagpupunas ng pawis dahil sa hirap bago ko sya nadala dito. 

Ang hirap nya alalayan, ang likot kasi.

"Ry pwede ko na ba buksan ang mga mata ko?" excited na tanong naman nya.

Nang mailagay ko na lahat sa harap nya ang surpresa ko ay pinayagan ko na syang dumilat.

"Ok na Dylan, pwede na!!", kinakabahan kong sabi, paano kung hindi nya magustuhan?

Tahimik lang syang nakatingin sa japanese style pancake ko na mango graham flavor. Biglang laglag ang balikat ko dahil mukhang hindi nya ito nagustuhan.

"P-para sakin talaga to Ry ko?" sabi ni dylan. 

"Oo, n-na gustuhan mo ba?" sabi ko at napatingin pa dahil sa sinabi nya.

"Wow! ang ganda naman nito parang nakakapanghinayang kainin parang gawa ito ng mga mamahaling pastry shop ah syempre naman nagustuhan ko ito Ry ko" mangha naman nyang sabi habang nakatitig sa pancake na ginawa ko.

"Talaga!?" hindi makapaniwala kong sabi.

"Oo naman, ang totoo nyan ay kahit wala kang premyo sakin ay abot hanggang langit parin ang pasasalamat ko sayo, maraming maraming salamat talaga Ry dahil sa pag aalaga mo saakin hindi lang nung may sakit ako kundi araw-araw," sabi nyang ngiting-ngiti sakin habang hawak hawak ang kamay ko.

"Iginawa lang kita ng pancake nakahugot ka agad, ikaw talaga gutom lang yan, sige na tikman mo na," natatawang sabi ko naman.

"Haha sige na nga, gusto ko pa sana ipa-frame ito." 

Nakatingin ako sa una nyang pagsubo at naghihintay ng magiging reaksyon nya sa lasa nito pero nagulat ako ng iharap nya sakin ang tinidor na may pancake.

"Ikaw ang gumawa nito kaya dapat ikaw ang unang titikim." 

"Pero ginawa ko yan para sayo," totoo naman premyo nya yan e.

"Sige na Ry tikman mo na." pagpupumilit pa nya sakin

Ako naman ay wala ng nagawa at binuksan na lang ang aking bibig para maisubo nya ang pancake. Hmm, wow masarap nga , ang recipe ng pancake ay nakuha ko sa youtube pero yung flavor ay ako na ang naglagay. 

Ang itsura nya ay pancake tapos may cream na pang graham cake sa pagitan tapos nilagyan ko din sya ng slice na mangga para masarap at hindi nga ako nagkamali masarap nga.

"Masarap ba Ry ko?" tanong ni Dylan habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.

"Oo, eto oh tikman mo." sabay subo ko naman sa kanya, masaya naman nyang kinain ito.

"Sobrang sarap nga, wait lang ha," sabi nya sabay tayo, may dinudukot sya sa bulsa nya .

"Yan harap ka Ry, selfie tayo kasama ang premyo ko." ngiting-ngiti naman nyang sabi.

Bago kami matapos kumain ay marami kaming naging picture ni Dylan, may solo habang kasama ang pancake nya, meron din namang mga stolen at iba, yun na ata ang isa sa pinaka masayang pangyayari ng buhay ko. Nagtatawanan kami habang nakain at nagkukwentuhan din.

Sinabi nya sakin na pinilit nya daw talaga magpagaling kaagad para hindi na ako mag-alala at ganun din ay excited na daw talaga sya sa premyo ko.

"Alam mo Ry ko, natuwa talaga ako sa premyo mo kaso may kulang e," sabi nya habang naka upo kami dito sa sala at tinitingnan bawat picture namin kanina.

"Ano naman ang kulang?" tanong ko habang nakatingin sa kanya, ginawa ko na ang best ko pero may kulang parin. Parang gusto kong magslide sa pader.

"Kala ko may kasama yung kiss e." patay malisya naman nyang sabi sakin.

"Sumosobra ka na" sabi ko sabay hampas ng unan sa kanya . Luko talaga, nakakain na at lahat ay gusto pa ng kis--

Chuppp!!

Naputol ang sinasabi ko pati na rin ang paghinga ko dahil sa ginawa nya, hinalikan lang naman nya ako sa pisngi. 

"P-para san yon?" hindi makapaniwalang tanong sa kanya.

"Premyo mo," sabi nya na parang walang nangyari. Habang ako naman ay kakapusin na sa paghinga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Hindi ko na kaya to, kailangan ko ng makausap si nanay.

---------------------------

"Dylan?" pagtawag ko sa kanya habang nasa loob sya ng opisina.

Nang makarinig ako sabi nyang "Pasok " ay binuksan ko na ang pinto at pumasok. Naabutan ko naman syang nagkukutingting sa laptop nya.

"May problema ba Ry?, halika upo ka muna dito," sabi nya sabay turo sa upuan sa harap ng mesa nya.

"Ah, ok na ba talaga ang pakiramdam mo? bat nagtatrabaho ka na agad," pagligoy kong sabi dahil nahihiya akong sabihin ang ipinunta ko dito.

"Ok na ako Ry atsaka hindi pa naman ako nagtatrabaho may ginagawa lang ako dito."

"Ah buti kung ganun." 

"May sasabihin ka pa ba?" tanong pa nya 

"Ah ano kasi... pwede ba akong humirap ng cellphone mo, gusto ko sanang tawagan si nanay," sabi ko habang nagkakamot ng ulo dahil sa hiya.

"Yun lang ba, walang problema sakin kala ko hihingi ka ulit ng kiss e." si Dylan sabay abot ng cellphone nya at kumindat pa.

Namula naman ang aking mukha dahil sa sinabi nya, bigla ko na lang kinuha ang cellphone at deretso ng lumabas ng opisina, mula sa loob ay rinig ko pa rin ang malakas nyang tawa.

"Hello po sir," sabi ni nanay mula sa kabilang linya kala kasi nya si dylan ang tumatawag sa kanya

"Hello Nay, ako to Rylan," masayang bati ko naman kay nanay. 

"Ikaw ba yan anak, bat ito ang gamit mong number diba sa amo mo ito?" Takang tanong naman nito.

"Opo kay Dylan na cellphone po itong gamit ko, nanghirap po ako sa kanya gusto ko po kasi kayong makausap," paliwanag ko naman kay nanay.

Nandito nga pala ako sa loob ng kwarto ko, tapos na lahat ng aking gawain sa araw na ito kaya naisipan kong tawagan si nanay kaso wala nga pala akong load, kaya naglakas loob na akong manghiram kay Dylan.

"May problema ka ba dyan anak?" alalang tanong ni nanay, ang totoo ay ayaw ko naman na pag-alalahin pa sya pero kailangan ko talaga ng kausap, pakiramdam ko ay mababaliw na ako pag hindi ko pa nalaman ang nangyayari sakin.

"Wala naman po akong problema Nay, maayos na maayos po ang lagay ko dito gusto ko lang po sana kayo makumusta miss ko na po kasi kayong lahat." 

"Ganun ba anak, masaya ako na maayos ang kalagayan mo diyan, kami naman dito ay maayos din naman kaya wag ka na masyadong mag alala ha, miss na miss ka na rin ng mga kapatid mo," mangiyak-ngiyak namang sabi ni nanay.

Nadadala tuloy ako sa emosyon nya.

"Nay si kuya po ba yan?, Oo nga nay sya po ba yan?" rinig ko ang boses ng kambal kong kapatid sina Ren at ben. Elementary palang sila.

"Oo mga anak, pero may pinag uusapan pa kami kaya mamaya nyo na lang sya kausapin ha," mahinahon namang sabi ni nanay sa kambal

"Ok po nay," sabay pang sabi nila. Cute talaga ng mga kapatid ko miss na miss ko na rin sila kaya kahit anong hirap ang pagdaanan ko ay kakayanin ko para sa kanila.

"Rylan tapatin mo nga ako may gusto ka bang sabihin?" sabi ni nay na seryoso na ang boses, iba talaga ang mga nanay kahit wala pang sinasabi ang anak nila ay ramdam na nila agad.

"Opo Nay ang totoo po nyan ay may gumugulo sa aking isipan pati na din sa aking kalooban, may nararamdaman po akong hindi ko maipaliwanag," nahihiya kong pagsusumbong kay nanay.

"Hindi kaya ay may multo riyan anak? joke lang haha ano ba ang nararamdaman mo anak?"

Multo daw e patawa din itong si nanay.

"Nay wala pong multo dito, hindi po iyon ang ibig sabihin ko." 

"Haha alam ko anak pinapatawa lang kita para medyo gumaan ang loob mo."

Hays, napabuntong hininga na lang ako, malinawan kaya ako kung ano ba talaga itong nararamdaman ko pagsinabi ko na ito kay nanay? o baka lalo lang akong maguluhan?

"Hindi kaya inlove kana anak?" yan ang kungklusyon ni nanay pagkatapos ko sabihin sa kanya ang mga naramdaman ko.

Gustong gusto sabihin kay nanay na imposible yun dahil lalaki ako at lalaki din si Dylan, kaso di ko naman masabi kasi baka itakwil pa ako ni nanay ayoko namang mangyari yun.

"Paano nyo naman nasabi na inlove na ako?" pagkumpirma ko pa.

"Kasi anak ganyan lang din kami nagsimula ng tatay mo, pakabog-kabog lang ng dibdib na may kasamang pamumula ng mukha, senyales na kasi iyon na lagi mo syang iniisip, nag-aalala ka pa lagi sa kalagayan nya at masaya ka din pag masaya sya wag mong itatanggi na kahit minsan ay naiinis ka pero hindi mo naman magawang magalit sa kanya. tama ba ako?", si Nanay.

Napatahimik naman ako sa sinabi nya, sapul na sapul kasi lahat. 

"Ano anak nandyan ka pa ba?" nagising ako dahil nasa kabilang linya pa nga pala si nanay.

"Ah opo nay, ano nga po ang sabi nyo hindi ko masyado narinig?" 

"Ang sabi ko kung maganda ba yang nagugustuhan mong iyan? san mo nakilala yan?" halos mabulunan naman ako ng laway dahil sa tanong nya.

Unang una ay walang babae dito, pangalawa ay hindi naman ako nakakalabas ng bahay para makakilala ng iba. Hindi ko tuloy masagot ang mga katanugan nya.

Hindi ko naman pwedeng sabihin na sa lalaki po ako nakakaramdam ng ganun. Naku  baka mahimatay pa si nanay pagsinabi ko yun.

"Ah pasensya na po pero kailanan na daw po ni Dylan itong cellphone kaya ibababa ko na po." palusot ko naman.

"Ganun ba anak, sya lagi kang magiingat dyan. " paalam naman ni nanay.

"Sige po babye."

Katulad nga ng iniisip ko kanina ay lalo lang akong naguluhan, inlove daw ako e sabi ni nanay. Kanino naman?

'Sa Multong ang pangalan ay Dylan?'

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The kasambahay [BL]    Chapter 11

    Dumaan ang mga araw nang kay bilis, hindi ko na nga rin ito masyadong napansin dahil busy ako sa mga gawain dito sa bahay at sa pag aalaga kay Dylan. Pagka-alis ni Dylan dito sa bahay ay pagsisimula pa lang ng aking araw sa trabaho bilang kasambahay.Hinuhugasan ko muna ang mga platong aming pinagkainan sa umaga pagkatapos naman ay maglilinis na ako ng bahay at kwarto ni Dylan, ang totoo nyan ay halos wala namang lilinisin dito sa loob ng bahay, kaunting walis ay ok na.Pagtapos ko na ang lahat ng gawain sa loob ng bahay ay magsisimula na akong diligan ang mga halaman dito sa harap ng bahay, magwawalis at nagbubunot din ako ng mga damo.Pumupunta din ako sa garahe upang labhan ang mga basahan dun. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay siguradong tanghali na.Tumingin ako sa relo na nakasabit sa kusina, 11:30 am na pala kailangan ko na magluto ng tanghalian ko. Kinuha ko sa ref ang ibinabad kong bang

  • The kasambahay [BL]    Chapter 10

    "Ry ko ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," sabi pa nya habang lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit nyang hininga sa aking leeg at ang mahina nyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko."Dylan, b-buti at magaling kana ha-ha," ilang na sabi ko sabay tulak sa kanya ng kaunti para lumayo sya sakin. Kaso ayaw nyang lumayo kahit tinutulak ko na ang dibdib nya."Gusto mo na ba makuha ang premyo mo?" tanong ko naman."Sige, nasaan na ba?" Tanong nya habang excited na nakangiti sakin."Ah, ano... dun ka muna sa salas at manuod ng TV tapos pag ayos na ay tatawagin kita, Ok ba?" sabi ko na lang kanya dahil hindi ko pa talaga nagagawa e."Ganun ba, sige!!!" masigla nyang sagot.Napangiti naman ako dahil wala na syang sakit, bumalik na kasi ulit ang kanyang energy at kakuli

  • The kasambahay [BL]    Chapter 9

    Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt."Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama.Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa hubad nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan."Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili.Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko.Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng pangpalit na damit nya. Pero katulad ng kanina pa nyang ginagawa ay pinigilan na naman nya ako,

  • The kasambahay [BL]    Chapter 8

    Chapter 8"Ry luto na ba yan?"Nabigla ako dahil may nagsalita sa likod ko, sino pa edi si Dylan."Hindi pa ito luto, nakulo pa lang oh," ani ko sabay halo sa tinola."Ako ang titikim." sabay hawak sa kamay kong may hawak sa sandok at sumalok ng kaunting sabaw at tinikman ito.Napakabilis ng mga pangyayari hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin at ramdam ko din ang katawan nyang nakalapat sa aking likuran.Bigla akong kinilabutan pero pinigilan ko ang sarili kong magreact."Hmm, sigurado ka bang hindi mo ito tinikman maya't maya para ma perfect ang lasa? ang sarap kasi," anito pagkatapos lumayo sa akin.Medyo nakahinga naman ako ng magaan ng maka-layo na sya, hindi ko nga napansin na pinigilan ko pala ang paghinga ko, hayss ikamamatay ko talaga tong si Dylan.Hindi ko na

  • The kasambahay [BL]    Chapter 7

    Chapter 7"San ko ilalagay itong mga de lata Dylan?" tanong ko sa kanya habang ipinapatas na ang mga pinamili namin kanina.Umuwi na rin kami kasi wala naman akong iba pang gustong puntahan, masaya na ako sa pamamasyal namin kanina sa mall."Ako na bahala dyan Ry, dito kasi sa taas yan nilalagay, kaso di mo naman abot." ngisi pang sabi nya sakin, inaasar na naman ako dahil ang liit ko.Hindi pa kasi umabot sa balikat nya ang height ko, tapos ang payat ko pa."Kaya nga naimbento ang HAGDAN. " inis na tugon ko naman sa kanya"Haha joke lang Ry, wag ka magalit lalo kang liliit nyan." tawang-tawa naman ito.Lakas talaga mang asar nito, hindi ko na lang sya pinansin balak ko na rin kasi magluto ng tanghalian namin pagkatapos ko dito.Bigla kong naalala ang binili naming graham nang makita ko ito sa loob ng plastic. Napangiti ako dahil sa kasa

  • The kasambahay [BL]    Chapter 6

    Chapter 6'Ang lamig ng tubig.'Pagsaw-saw ko ng aking kamay sa holy water at nag sign of the cross. Tapos na kasi ang misa at palabas na kami ng simbahan."San na tayo pupunta Dylan?""Supermarket maggo-grocery na tayo" sagot naman nya habang naglalakad papunta sa parking lot."Supermarket? hindi sa palengke?" takang tanong ko sa kanya"Sa supermarket ako namimili, mas kumpleto kasi ang mga tinda dun at mas mabilis din hanapin" sagot naman nya ng maisuot na nya saakin ang seatbelt.Hindi pa rin kasi ako marunong.Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang napakalaking establishmento ang daming tindahan at mga tao dito. Nakakatuwa pagmasdan."Ang ganda naman dito Dylan." manghang sabi ko sa kanya habang iniikot ang aking paningin sa paligid."Nasa MOA tayo""MOA?" pangalan ba y

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status