LOGINDumaan ang mga araw nang kay bilis, hindi ko na nga rin ito masyadong napansin dahil busy ako sa mga gawain dito sa bahay at sa pag aalaga kay Dylan. Pagka-alis ni Dylan dito sa bahay ay pagsisimula pa lang ng aking araw sa trabaho bilang kasambahay.
Hinuhugasan ko muna ang mga platong aming pinagkainan sa umaga pagkatapos naman ay maglilinis na ako ng bahay at kwarto ni Dylan, ang totoo nyan ay halos wala namang lilinisin dito sa loob ng bahay, kaunting walis ay ok na.
Pagtapos ko na ang lahat ng gawain sa loob ng bahay ay magsisimula na akong diligan ang mga halaman dito sa harap ng bahay, magwawalis at nagbubunot din ako ng mga damo.
Pumupunta din ako sa garahe upang labhan ang mga basahan dun. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay siguradong tanghali na.
Tumingin ako sa relo na nakasabit sa kusina, 11:30 am na pala kailangan ko na magluto ng tanghalian ko. Kinuha ko sa ref ang ibinabad kong bangus kagabi ito na lang ang ulam ko ngayon.
Habang nagsasandok ako ng kanin ay hindi ko mapigilang matawa ng maalala ko na naman si Dylan siguro kung nandito yun ay aagawin nanaman nya ang plato ko para lagyan ng sandamakmak na pagkain. Para daw tumaba naman ako, Sa tingin ko ay nagbunga naman ang ginagawa nya. Pansin ko kasi na medyo nagkakalaman na nga ako. Pumuputi din ako lalo dahil hindi ako nakakalabas ng bahay.
Binilisan ko na ang aking pagkain dahil maglalaba pa ako ng mga kobre kama at punda ng unan ni Dylan, tapos ko na kasi labhan lahat ng madumi nyang damit nung nakaraang mga araw.
-------------------------------
3:00 pm na ngayon at nandito ako sa mini library ni Dylan kanina ko pang natapos maglaba kaya pinili ko na lang pumunta dito. Mayroon ditong computer na pwede kong gamitin para mag youtube at mag facebook , Oo tinuruan din nya ako nung isang araw para daw hindi ako maiinip dito sa bahay.
Ngayon ay nanunuod ako dito sa youtube ng paggawa ng iba't ibang panghimagas, nakakatuwa dahil napakarami mo talagang matututunan dito. Sabi ko nga dati ay dito ako natutong lutuin yung pancake na binigay ko kay Dylan noon.
Dahil sa mga napapanuod ko dito ay parang gusto ko din itong subukang gawain para kasing ang dadali lang e, nakita ko kung pano gumawa ng mango graham shake, milo graham cake, milo at fudgee bar ice cream. Wow ang sisimple lang ng sangkap! gusto kong subukang gawain.
Dahil sa pagkasabik ay nagmadali na akong punta sa kusina upang tingnan kung may mga sangkap na pwede kong magamit doon.
Graham cracker ✔
milo✔
kremdensada ✔
Ok kumpleto naman sila, Gusto kong subukan yung una kong napanuod, yung milo graham cake. Ang proseso nya ay para lang din sa mango graham walang nga lang mangga pero may milo, para syang chocolate version nun.
Habang naghahalo ako ng cream ay narinig ko ang telepono na tumutunog sa sala kaya pinuntahan ko muna.
"Hello? this is Hendricks residence," magalang kong sabi.
"Ry ko!" masayang bati ng nasa kabilang linya.
"Oh Dylan ikaw pala, bat ka napatawag?"
"Sasabihin ko lang sana na maaga akong uuwi ngayon , gusto mo ba ulit ng donut?" tanong pa nya.
"Ah, gusto ko nung munchkins Dylan," saad ko naman lagi kasi nya akong dinadalhan nun kaya naging paborito ko na.
"Sige Ry ko, bye."
"Bye din, ingat ka sa pagmamaneho ha," paalam ko pa.
"Syempre naman gusto ko pang makauwi at makasama ka."
Luh, nababaliw na naman tong Dylan na ito. Hindi ko na sinagot bahala sya.
Bumalik na lang ako sa aking ginagawa sa loob ng tupperware ay naglagay ako ng dinurog kong graham cracker at cream tapos yung graham ulit, paulit ulit lang hanggang mapuno ang lalagyan. Nakailang tupperware na ako pero may cream pang natira kaya naisip kong gumawa na lang ng ice cream buti na lang may fudgee bar na tinapay dito.
Inilalagay ko na sila sa ref ng marinig ko ang boses ni Dylan.
"Ry ko Im home," turan nito habang papasok ng kusina.
"Dylan! welcome home," batay sa mga napapanuod kong teleserye ay dapat pala na iyon ang isasagot mo pagsinabihan ka ng im home.
Natigilan naman siya sa aking sinabi at napangiti pa ng malawak.
"Eto ang munchkins mo oh," saad nito sabay alok ng dalang pagkain.
"Salamat Dylan."
"Wala yun, magbibihis lang ako," pagpapaalam nya.
Tumango lang ako at naisipang ipaggawa sya ng mango graham shake, sa tingin ko ay magugustuhan din nya iyon.
"Oh Dylan," sabi ko sabay lapag ng shake sa harap nya.
Nandito kami sa mesa at magkaharap na nakain ng dala nyang munchkins, sarap talaga.
"Wow, bagong flavor ng shake," masaya pa nyang sabi habang tinitikman ito.
"Bakit nga pala ang aga mo ngayon? di ba ang normal mong uwi ay 6:00 pa ng hapon?" sabi ko sabay tingin sa orasan. 4:10 palang ng hapon e.
"Wala na naman akong mga meeting kaya iniuwi ko na lang ang mga gawain ko dito sa bahay at saka alam mo naman na miss na kita agad," ngisi pa nitong sabi.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo Dylan," ani ko na lang.
"Eh hindi mo manlang ako namiss? tapos ako naman ay excited lagi umuwi ng maaga para sayo", nakanguso pa nyang sabi, namula naman ang mukha ko, luko talaga.
"Hays Oo na nga, namiss na kita ano masaya kana?" pagsuko kong sabi
"Oo naman hindi lang masaya, sobrang saya pa," anito at nawala din ang pagkakasimangot nya.
Napailing na lang ako, napaka babaw talaga ng kasiyahan neto.
"Dylan anong gusto mong ulam mamayang hapunan?" pagiiba ko na lang ng usapan
"Kahit ano pwede Ry ko, lahat naman ng luto mo ay paborito ko."
"Tunay ba?"
"Oo naman, Ah pwede ba akong tumulong sa pagluluto mo ? gusto ko din kasing matuto," excited naman nyang sabi.
---------------------------
Ilang araw na rin ang nakalipas nung magkasakit si Dylan at nang huling makausap ko si nanay.
Hanggang ngayon ay naguguluhan parin ako sa huli nyany sinabi. Bago ko kasi maibaba ang tawag ay may pahabol na sinabi pa si nanay.
"Anak darating ang pagkakataon na ikaw mismo sa sarili mo ang makakaalam at makakatanggap ng tunay mong nararamdaman, kaya hindi mo kailangang malito pa."
Nandito kami ni Dylan ngayon sa kusina at nagluluto. Tinutulungan nya akong maghiwa ng mga sangkap. Tahimik lang si dylan sa ginagawa nya, mukhang seryosong seryoso sya e.
"Ry tama ba itong ginagawa ko?" maluha-luha naman nyang tanong pa habang hinihiwa ang sibuyas.
"Teka bakit mo naman ginawang pino yan," tinadtad kasi nya ng maliliit e ilalagay namin yan sa bistek.
"Hindi ba ? uulitin ko na lang," napapakamot naman sa batok nyang sabi.
"Hindi ok na rin yan," sabi ko nalang para hindi na sya malungkot dahil mali ang ginawa nya.
"Ano nga ang lulutuin natin Ry ko?" Ang lakas magprisinta ng pagtulong pero hindi muna nya tinanung kung anong lulutuin. Tsk tsk dylan talaga
"Bistek."
"Beef steak?" mangha pa nyang tanong.
"Hindi beef steak, bistek yung pork chop na parang adobo pero may kalamansi," pagpapaliwang ko naman.
"Tunog pa lang masarap na," ngiting sabi pa nya.
Ako naman ay naghuhugas ng karne ng bigla kong mapansin ang kanta sa radyo na tumutugtog ngayon sa kusina.
🎤 Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling 🎤
Napatingin naman ako kay Dylan nang marinig ko pa lang ang simula ng kanta. Sya na nga kaya ang aking hinihiling?
🎤At nung dumating ang aking panalagin ay hindi na maikubli ang pag-asang nahanap ko
sayong mga mata at ang takot kung sakali mang ikaw mawawala. 🎤
Dahil sa pagtitig ko sa kanya at sobrang pagiisip ay hindi ko napansin na nakatingin narin pala siya sakin na may kasamang ngiti sa labi. Nung makilala ko sya ay nagbago na ang buhay ko, hindi lang kasi basta trabaho ang ibinigay nya sakin kundi isang bagong buhay na masaya at makulay.
Noon ay ang gusto ko lang ay makahanap ng trabaho para sa pamilya ko pero ng makilala ko sya alam kong hindi na ako sasaya pa kung hindi sya kasama.
🎤At ngayon nandyan kana di mapaliwanag ang nadarama handa ako sa walang hanggang di paasahin hindi ka sasaktan mula noon hanggang ngayon ikaw at ako.🎤
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon, ang tibok ng puso ko na sumasabay sa himig ng kanta at ang napakagandang ngiti na nasa aking labi habang nakatingin sa mga mata ni nya.
🎤At sa wakas ay nahanap ko na rin ang aking tanging hinihiling , pangako sayo na ikay uunahin at hindi na iitatanggi ang tadhana na nahanap ko sa iyong pagmamahal ang dudulot sa pagibig natin na magtatagal 🎤
Nung sa parte na ng lalaki ay sumabay na si Dylan sa pagkanta.
Nakatitig lang sya sakin habang binabanggit bawat liriko ng kanta.
Nay ito na po ba ang ibig sabihin nyo? Nakatitig lang ako sa kanya nang sa unang pagkakataon ay inamin ko sa sarili ko na nagmamahal na nga po ako, In love na nga ako at sa lalaki pa.
Hayys, hindi ko mapigilang mapabuntong hininga. Kahit kailan kasi ay hindi ko pinagdudahan ang aking kasarian, alam kong lalaki ako pero ano pa ba ang magagawa ko kundi tanggapin ito. Nandito na e.
"Aray!" nagising ako sa pagtititigan namin ng marinig iyon.
"Ano nangyari?" tanong ko habang mabilis na lumapit sa kanya.
"Hehe nahiwa ko ang daliri ko," natatawa pa nitong sabi.
"Akin na ang kamay mo," saad ko sa kanya habang itinatapat ang kamay nya sa umaagos na tubig mula sa gripo.
"Mag-ingat ka naman, kung san san ka nakatingin e," pagsesermon ko naman sa kanya
"Hindi naman ako kung san lang nakatingin, sayo kaya ako nakatingin," bulong pa nyang sabi na para namang hindi ko maririnig.
Napailing naman ako sa narinig, idinahilan pa ako e, imbis na mainis ay pinigilan ko na lang mapangiti. Kahit kasi napaka-kulit at mapang-asar nitong si Dylan ay napakasaya naman nyang kasama.
"Ry ko akin na ang plato mo." si Dylan habang tinatambakan nanaman ng pagkain ang plato ko.
"Oh kainin mo lahat yan ah," sabi nito ng iabot sakin ang punong-puno na plato.
Tinanggap ko na lang, ibinigay naman nya ang plato nya sakin at itinuro kung ano ang gusto nya.
"Dylan musta ang trabaho mo?" tanong ko pa sa kanya, sanay kasi ako na yan lagi ang tinatanong ni nanay kay tatay pagkumakain kami.
"Ok naman Ry ko, nakakapagod lang dahil sa dami ng mga meeting pero kaya pa, para ito sa future natin kaya magtityaga talaga ako." sabi nya habang ngiting-ngiti.
Nabilaukan naman ako ng marinig ang sinabi nya. future daw namin.
"Ry ok ka lang? ito tubig." sabay abot ng tubig sakin.
"O-ok na ako, salamat , kumain ka na lang," sabi ko sa kanya , kung ano ano kasi sinasabi e.
-----------------------
"Ry ko naiwan ko pala yung cellphone ko sa opisina, nakapatong sa mesa, pede pakuha, Salamat", pakiusap naman nya sakin habang nasa sala kami, tapos na din ang gawain ko kaya nanunuod kami ng basketball dito sa Tv.
"Ok" yun na lang naisagot ko habang naglalakad pa punta sa opisina nya dito sa bahay.
Hindi naman ito nakalock kaya nakapasok ako, nakita ko agad ang ce llphone nya na nakapatong nga sa mesa. Nang damputin ko ito ay may napansin ako na nakalagay sa mesa nya.
'Hindi ko alam pero bakit nagawa ko itong ilagay sa bulsa ko at lumabas na.'
Dumaan ang mga araw nang kay bilis, hindi ko na nga rin ito masyadong napansin dahil busy ako sa mga gawain dito sa bahay at sa pag aalaga kay Dylan. Pagka-alis ni Dylan dito sa bahay ay pagsisimula pa lang ng aking araw sa trabaho bilang kasambahay.Hinuhugasan ko muna ang mga platong aming pinagkainan sa umaga pagkatapos naman ay maglilinis na ako ng bahay at kwarto ni Dylan, ang totoo nyan ay halos wala namang lilinisin dito sa loob ng bahay, kaunting walis ay ok na.Pagtapos ko na ang lahat ng gawain sa loob ng bahay ay magsisimula na akong diligan ang mga halaman dito sa harap ng bahay, magwawalis at nagbubunot din ako ng mga damo.Pumupunta din ako sa garahe upang labhan ang mga basahan dun. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay siguradong tanghali na.Tumingin ako sa relo na nakasabit sa kusina, 11:30 am na pala kailangan ko na magluto ng tanghalian ko. Kinuha ko sa ref ang ibinabad kong bang
"Ry ko ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," sabi pa nya habang lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit nyang hininga sa aking leeg at ang mahina nyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko."Dylan, b-buti at magaling kana ha-ha," ilang na sabi ko sabay tulak sa kanya ng kaunti para lumayo sya sakin. Kaso ayaw nyang lumayo kahit tinutulak ko na ang dibdib nya."Gusto mo na ba makuha ang premyo mo?" tanong ko naman."Sige, nasaan na ba?" Tanong nya habang excited na nakangiti sakin."Ah, ano... dun ka muna sa salas at manuod ng TV tapos pag ayos na ay tatawagin kita, Ok ba?" sabi ko na lang kanya dahil hindi ko pa talaga nagagawa e."Ganun ba, sige!!!" masigla nyang sagot.Napangiti naman ako dahil wala na syang sakit, bumalik na kasi ulit ang kanyang energy at kakuli
Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt."Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama.Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa hubad nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan."Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili.Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko.Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng pangpalit na damit nya. Pero katulad ng kanina pa nyang ginagawa ay pinigilan na naman nya ako,
Chapter 8"Ry luto na ba yan?"Nabigla ako dahil may nagsalita sa likod ko, sino pa edi si Dylan."Hindi pa ito luto, nakulo pa lang oh," ani ko sabay halo sa tinola."Ako ang titikim." sabay hawak sa kamay kong may hawak sa sandok at sumalok ng kaunting sabaw at tinikman ito.Napakabilis ng mga pangyayari hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin at ramdam ko din ang katawan nyang nakalapat sa aking likuran.Bigla akong kinilabutan pero pinigilan ko ang sarili kong magreact."Hmm, sigurado ka bang hindi mo ito tinikman maya't maya para ma perfect ang lasa? ang sarap kasi," anito pagkatapos lumayo sa akin.Medyo nakahinga naman ako ng magaan ng maka-layo na sya, hindi ko nga napansin na pinigilan ko pala ang paghinga ko, hayss ikamamatay ko talaga tong si Dylan.Hindi ko na
Chapter 7"San ko ilalagay itong mga de lata Dylan?" tanong ko sa kanya habang ipinapatas na ang mga pinamili namin kanina.Umuwi na rin kami kasi wala naman akong iba pang gustong puntahan, masaya na ako sa pamamasyal namin kanina sa mall."Ako na bahala dyan Ry, dito kasi sa taas yan nilalagay, kaso di mo naman abot." ngisi pang sabi nya sakin, inaasar na naman ako dahil ang liit ko.Hindi pa kasi umabot sa balikat nya ang height ko, tapos ang payat ko pa."Kaya nga naimbento ang HAGDAN. " inis na tugon ko naman sa kanya"Haha joke lang Ry, wag ka magalit lalo kang liliit nyan." tawang-tawa naman ito.Lakas talaga mang asar nito, hindi ko na lang sya pinansin balak ko na rin kasi magluto ng tanghalian namin pagkatapos ko dito.Bigla kong naalala ang binili naming graham nang makita ko ito sa loob ng plastic. Napangiti ako dahil sa kasa
Chapter 6'Ang lamig ng tubig.'Pagsaw-saw ko ng aking kamay sa holy water at nag sign of the cross. Tapos na kasi ang misa at palabas na kami ng simbahan."San na tayo pupunta Dylan?""Supermarket maggo-grocery na tayo" sagot naman nya habang naglalakad papunta sa parking lot."Supermarket? hindi sa palengke?" takang tanong ko sa kanya"Sa supermarket ako namimili, mas kumpleto kasi ang mga tinda dun at mas mabilis din hanapin" sagot naman nya ng maisuot na nya saakin ang seatbelt.Hindi pa rin kasi ako marunong.Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang napakalaking establishmento ang daming tindahan at mga tao dito. Nakakatuwa pagmasdan."Ang ganda naman dito Dylan." manghang sabi ko sa kanya habang iniikot ang aking paningin sa paligid."Nasa MOA tayo""MOA?" pangalan ba y