Share

Chapter 2

Author: FLORAMS
last update publish date: 2020-07-28 04:31:17

NAPAHAGOD si Leandro sa kaniyang ibabang labi habang nag-aantay sa kanto kung saan niya huling hinatid ang dalaga noong isang araw. Hindi niya kasi ito makuntak magmula pa kanina kaya napagdesisyunan niyang abangan ito.

Pagtingin niya sa kaniyang pambisig relo ay pasado alas 7 imedya na iyon ng gabi at kanina pa siya nakatayo sa harapan ng kaniyang sasakyan. Nayayamot na rin at naiinip kung kaya't bumalik siya uli sa loob ng kaniyang sasakyan at sumakto ang ginawa niya ng mapansin ng kaniyang mga mata ang paparating at papalapit sa kinaroroonan niya.

He heaved a sigh pakiramdam niya kasi ay bigla siyang kinapusan ng hininga dahil sa biglang pagkaba.

Bahagyang nagsalubong ang kaniyang mga kilay ng mapansing hindi pala nag-iisa ang babae dahil may kasama itong lalaki.

Isang pagtikhim ang ginawa niya kung kaya't nabaling sa kaniya ang atensiyon ng mga ito.

Nahinto si Jelay matapos makilala ang lalaking nakatayo sa harapan ng sasakyan nito habang nakapamulsa at nasisiguro niyang siya talaga ang hinihintay nito.

'' Mauna ka na, may kakausapin lang ako.'' Sabi niya kay Andrei.

'' Huh? Bakit?'' Pagtatakang ani Andrei.

''Pss...'' tanging sagot ni Jelay saka naglakad na ito patungo sa lalaking naka-abang.

Gusto niya kasi itong pasalamatan sa ginawa niya noong nakaraang gabi, alam niyang malaking halaga ang inilabas nito para ipambayad sa utang nilang mag-ama. At kapag nagkaraos na siya ay hulog-hulugan niya itong babayaran hanggang sa matapos.

'' Sumunod ka sa akin.'' Tanging sabi niya saka tumalikod.

Nakasunod lamang si Leandro sa dalaga habang palipat-lipat naman ang kaniyang mga mata sa paligid, makipot kasi ito may mga ilaw naman pero hindi naiilawan ang buong paligid. Medyo naalarma siya ng makita ang mga nag-uumpkang mga kalalakihan sa unahan na alam niyang nag-iinuman ang mga ito at mukhang mga siga.

'' Dito ka ba nakatira, Miss?'' Kuryusidad niyang tanong.

'' Oo, bakit?'' Tipid na ani Jelay saka lumiko.

Sumunod lamang si Leandro at pakiramdam niya'y hindi safety ang tirahan ng dalaga.

'' Hindi ba delikado dito? Look, may mga siga sa kanto tapos kung uuwi ka ginagabi ka pa.'' Hindi niya napigilang sabi kaya nahinto si Jelay saka siya nilingon.

'' Mababait ang mga tao dito. At saka hindi tayo close para pagsabihan ako, Mister.'' Seryoso ang mukhang ani Jelay na ikinatahimik na lang ng binata.

Oo nga naman, nag fe-feeling close na siya kahit wala pa namang label sa kanilang dalawa.

'' I'm just concern.'' Tanging aniya saka ngumiti ng pilit.

Isang pag-irap lamang ang binigay ni Jelay saka binuksan ang nakasarang bakod nila na gawa lamang sa kahoy.

Kamuntik pang nauntog sa pintuan ang ulo ni Leandro dahil katamtaman lamang ang taas niyon. Mabuti na lamang ay maagap siyang napayuko.

Na sentro ang mata ni Leandro sa mga picture na nakasabit sa dingding, a happy family. Napangisi siya ng wala sa oras dahil naagaw ang atensiyon niya sa isang larawan ng babae.

Naiiba ang ganda nito kumpara sa iba at nasisiguro niyang kulang lang sa pag-aayos ng sarili ang babae.

'' Narito ba si Andrei, Anak?'' Dinig niyang boses ng matandang lalaki.

At ng makita siya nito ay agad siyang nagbigay galang sa matanda. '' Magandang gabi ho?'' Anito.

Wari'y kinilala siya ng matanda mula ulo hanggang paa.

'' Siya po ang tumulong sa atin kanila Walton, pa.'' Boses ni Jelay na ikinatango-tango ng matanda saka lumawak ang ngiti sa labi nito upang makipagkamay sa lalaki.

''Pasensya ka na talaga, pagpasenyahan mo na itong maliit naming bahay---ay siya, ipaghanda mo muna siya ng makakain anak. Lalabas lang muna ako at may kukunin ako.'' Masiglang sabi ni Mang Elmer saka iniwan ang dalawa.

Hindi magawang magsalita ng dalaga dahil naka-alis na ang kaniyang ama. Bigla siyang nahiya sa kaharap, kung bakit kasi'y dinala pa niya ito sa kanilang bahay.

'' No need to worry, Miss. By the way, I'm Leandro Buenaventura.'' Pakilala ng binata saka inilahad nito ang kamay sa kaniya.

Nag-atubili siyang tanggapin iyon. At isang pagtango na lamang ang ginawa niya.

'' Mabuti na kilala kita, maiwan ka muna diyan. Magluluto muna ako.'' Aniya't akmang tatalikod ng agad na nagsalita si Leandro.

'' No need to...its okay, busog pa ako. M-may kailangan lang talaga ako kaya kita hinintay kanina.'' Sambit nito na ikinaharap sa kaniya ng dalaga.

Nasundan ng mata ni Jelay ang kinuhang brown folder ng lalaki saka iniabot sa kaniya ito. Bahagyang kumunot noo niya ng tanggapin iyon at buong pagtatakang tinitigan ang lalaki.

'' Its a contract, kasulatang nagpapatibay na wala na kayong utang kay Mr. Ramirez.'' Kampanteng paliwanag ni Leandro na ikinatigil ni Jelay.

Binuklat niya ito at binasa ang nilalaman. Kalakip ang interest at buong perang binayaran ng lalaki ay nakalagay din doon. At hindi nga siya nagkamali dahil malaking halaga ang inilabas nito.

'' Its a small amount, kailangan mo lang pirmahan ang contrata para may hawak kayo oras na guluhin kayo ng lalaking 'yun.'' Patuloy ni Leandro dahil nakikita niyang nabigla sa nakita ang dalaga sa nabasa nito.

'' B-bakit mo ginawa 'to? A-anong kondisyon mo sa pagtulong sa amin? Malaking halaga ang perang ibabalik ko sa'yo---'' Agad na pinutol ng binata ang tanong niya ng kinuha nito ang contratang hawak.

'' Be my baby maker...at kapag pumayag ka, wala kang dapat ipag-alala. Just be my baby maker.'' Deretsang sagot at sabi ni Leandro na ikina-awang ng labi ng dalaga.

Inilapit ni Leandro ang sarili sa dalaga at mariin itong tinitigan sa kaniyang mga mata. Pinapabatid ang nais na mangyari.

Those ash blue eyed of her can hypnotize him.

He can't help but to stare.

PAKIRAMDAM ni Jelay sa mga oras na iyon ay namanhid ang buong mukha niya dahil sa kabruskuhan ng lalaki.

Magdamag siyang hindi nakatulog ng maayos dahil sa pag-iisip sa kondisyon nito sa kaniya. Alam niyang sa oras na siya ay aayaw ay babawiin nito ang pera at mapipilitan siyang magbayad ng mahal.

'' God, saan naman ako kukuha nang ganun halaga?'' Naisambit niya sa kaniyang sarili.

Kung ano-anu na ang posisyong ginawa niya para lang makatulog ng tuluyan.

Ngunit sa bawat pag-pikit niya ng mata ay tila sirang plakang paulit-ulit na bumabalik sa kaniyang isipan ang huling sinabi sa kaniya ng binata.

'' Be my baby maker...at kapag pumayag ka, wala kang dapat ipag-alala. Just be my baby maker.''

'' Anung akala niya sa akin, pokpok?! G*g* yun ah! waaahh! mama, may choice po ba ako, ma?'' Mahinang atungal niyang sabi at naiiyak na.

Kapag nagkataon, tuluyan ng mawawasak ang pinaka-iingatan niyang bandera.

NBSB pa naman siya at NO SEX EXPERIENCE at mas malala ay magiging baby maker siya ng Leandro na 'yun na wala siyang alam tungkol dito.

Bigla siyang napabangon kaagad saka hinarap ang nakabukas niyang laptop. Binuksan niya ang kaniyang social media acc. para ma-instalk man lang ang background ng lalaki.

Pero mukhang iwas social media ito dahil hindi niya mahagilap.

Bigla siyang napa-irap at bumalik uli sa pagkakahiga hanggang sa dinalaw na siya ng antok.

KINABUKASAN ay isang malapad na ngisi ang agad napuna ni Don Conrad sa apong si Leandro. Maayos ang gising nito ay biglang nagkahimala dahil maaga itong nagising.

'' Oh, hi! Lo. Good morning.'' pagbati pa nito.

Naiiling na lamang ang matanda saka tuluyang napangiti. Kung ganito lang sana ang umagang madatnan niya ay tiyak niyang gaganda ang umaga niya palagi.

'' What's make you this morning, nahihiwagaan talaga ako sa ngiti mo apo.'' Usisa niya.

Ngumiti lamang ang binata saka siya nito nilapitan. '' There's nothing Lo, by the way...can i have my own condo? Total naman po gusto na ninyo akong mag-asawa at magka-anak pwede na ba akong lumipat?'' Hinging permiso ni Leandro.

Sandaling napatitig sa kaniya ang matanda at nagsalubong ang mga kilay nito.

'' Are you---'' Pagputol niyang sabi nito.

'' I'm ready to be settle, Lo. Don't worry, ipapakilala ko siya sa inyo kapag magka oras siya.'' Ngiting ani Leandro.

Matagal bago maprosesa sa utak ng matanda ang sinabi ng kaniyang apo. Nabigla kasi siya at hindi makapaniwala bagamat naniwala naman siyang may pagbabago talaga ang taong tulad ni Leandro.

'' Then, i have no choice. Sana ay hindi napilitan ang babaeng pumatol maikasal sayo, apo. But, I'm still happy for you.'' Ngiting sabi ni Don Conrad saka tinapik nito sa balikat ang apo bago nagpatuloy. '' I want to meet her.'' huling anito.

Napangiting pilit si Leandro pagkatapos kumamot ito sa kaniyang batok habang sinundan niya lamang ng mata ang kaniyang Lolo dahil lumabas ito.

'' Hayst! Lolo talaga.'' naiiling niyang sabi saka ngumisi.

GANADONG pumasok ng companya nito ang binata at halos lahat ng mata ng mga empleyada ay nakatuon sa kaniya pagka pasok niya. Isang Clothing Company ang hawak niya na pagmamay-ari ng kaniyang Lolo. Dahil nasa spain ang kaniyang mga magulang ay naiwan siya sa kaniyang Lolo Conrad dahil mag-isa na lamang ito.

Lumaki siyang lahat ng kaniyang gugustuhin ay makakamtam niya. Kaya niyang bumayad kahit anong halaga at pagdating sa mga babae ay walang makakahindi sa taglay niyang kagwapuhan. At panigurado niyang maging ang babaeng inalukan niya ng contrata ay mapapayag niya ito.

Pagkatapos niya sa pinermahang mga dokumento ay pinatawag nito ang kaniyang secretarya at pinapatanong ang sumunod niyang gagawin.

'' The El Paz Restaurant sending an email, Mr. President. Its inviting you to be there visitor.'' Anito.

'' Bakit, ano bang meron?'' Walang tinging tanong niya sa secretarya nito.

'' Occasion po.''

'' Cancel it. May importante akong gagawin ngayon.'' Deretsang tugon niya na ikinatingin na lamang ng secretarya at sinunod ang inutos nito.

Bigla siyang nabagot at kalaunan ay tumayo ito at kinontak si Scott.

NASA kalagitnaan pa ng karera si Scott habang kinokontak ni Leandro kaya ang P.A na lamang ng binata ang sumagot sa tumawag.

'' Hello, Sir Lean...si Samara po ito pasensya kana.'' Sagot niya.

'' Where's your boss, Samara?'' Dinig niyang boses ni Leandro sa kabilang linya.

'' Nasa karera pa, Sir. Sasabihin ko po sa kaniya mamaya na tumawag ka.'' Aniya't napalunok ng laway matapos magsalita ang kausap.

'' Tell him that i want to talk to him...or he will be dead.'' tugon nito na ikinatango kaagad-agad ng dalaga ng wala sa oras.

Siya tuloy ang kinabahan para sa amo niya. Alam niya kasi kapag ganun ang tono ni Leandro ay naiinip ito at agad na masusunod ang gusto.

NAPAHINGA ng maluwag si Leandro matapos mailipat ang mga gamit nito sa kinuha niyang Condo na pagmamay-ari ng kaniyang abuelo. Black and white ang theme ng kaniyang kwarto maging ang sala nito at kusina.

Nakangiti niyang pinagdaop ang magkabilang kamay at tuluyang napahinga.

'' Atlast...'' naisambit niya at kinapa ang cellphone nito sa bulsa saka dina-ial ang numero ng dalaga.

He pray for answering.

'' Oh, hi!'' Aniya na may ngiti sa labi ngunit agad din nawala ng sumagot ang tinawagan.

'' Bakit?''

Biglang naumid ang dila niya at nakaramdam ng pagkairita.

How could this girl asking him why?

'' Kung tumawag ka para dun sa contrata mo, please...busy pa ako sa trabaho ko at saka pwede bang bigyan mo ako ng tamang panahon?'' Ani ng dalaga mula sa kabilang linya.

Halos malukot naman ang buong mukha ni Leandro sa sinabi ng kausap at lalo na ng binabaan na naman siya nito ng tawag.

'' The h*ll!'' naimura niya ng matitigan ang cellphone niyang naka end call na.

Tulalang nakatitig sa kaniyang cellphone si Jelay. Ang totoo ay hindi siya busy dahil bigla siyang tinamad pumasok ngayon at gusto na lang magkulong sa kwarto niya. Pakiramdam niya'y lalong sasabog ang utak niya kung palaging ipapaala ng lalaking iyon ang kondusiyon nang pagtulong nito sa kanila.

''Walangyang, lalaki. Ano tingin niya sa akin. Prosti? Anakan ba ako ng ganun lang? Tangna!'' Paghimutok niya.

Bigla siyang nagpapadyak ng paa dahilan para buksan ng papa niya ang kaniyang pintuan at may pag-alalang sinilip siya.

'' May masama bang nangyari, Je?'' Usisa nito.

Nahinto naman ang dalaga saka napabuntong hininga. '' Wala po papa.'' Tanging sabi niya.

Ayaw niyang malaman ng ama niya ang kabaliwan ng lalaking tumulong sa kanila dahil panigurado niyang aalma ang kaniyang ama kapag nagkataon.

'' H'lika na, mag-agahan ka na at papasok na ako sa trabaho ko,'' paghinto ni Mang Elmer saka ningitian ang anak. '' Nakahanap na ako ng trabaho anak. Construction lamang iyon pero sapat na para makapagbayad tayo ng utang.'' Dugtong niya saka lumabas ng silid ng anak.

Nakangiting tipid nasundan ng mata ni Jelay ang likuran ng ama. Masaya siyang nakapag-desisyon ito sa buhay.

Natigil lamang ang pagmuni-muni niya ng tumunog ang kaniyang cellphone at pagtingin niya ay ang numero ni Leandro ang agad na naka-display. Isang text message ang pinadala nito na siyang ikinanlaki ng kaniyang mga mata.

FROM: MOKONG

'' Nasa labas ako ng bahay niyo ngayon, don't try to avoid me, honey...I'm here asking for your dad's consent.''

Bigla siyang napababa ng kaniyang kama at agad na tinungo ang bintana saka sumilip doon.

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya ng makita doon ang binatang nakatayo sa harapan nang kanilang bakod at kaharap ang kaniyang ama at dinaig nito ang may-ari ng Mall sa dami ng bitbit na paper bag maging ang isang kumpon ng bulaklak na nagpapa-agaw sa kaniyang atensiyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Buenaventura's Heir: Playboy Baby Maker   Chapter 9

    DALAWANG buwan ang lumipas ay unti-unting napalagayan ng loob ni Jelay ang binata. Sa isang buwang pagsasama nila sa condo nito ay hindi maiwasang humanga at hanap-hanapin ni Jelay ang presensya ni Leandro.Gusto niyang amoy-amoyin ang naiwang pabango ng binata sa damit nito tuwing i la-laundry niya.And she is diffinitely craving for Leandro's smell. Hindi maiwasang magtaka ni Leandro ang pangangayayat ng dalaga ng pagmasdan niya ito. May napuna siya at yun ang paglaki ng dibdib ni Jelay at paglapad ng balakang nito. He worriedly move forward towards her at yakapin ito patalikod.He do to kiss Jelay's neck dahil nakasanayan niya iyon gawin sa kaniya na ikinalihim naman ikinatuwa at ikinilig ni Jelay satwing dampiin ni Leandro ng mainit na halik nito ang kaniyang leeg. '' Wifey, Pumayat ka b

  • Buenaventura's Heir: Playboy Baby Maker   Chapter 8

    AGAD hinila ni Jelay ang braso ni Leandro ng maabutan niya ito habang bitbit ang mga pinamili. Tinapunan naman siya ng malamig na titig ng binata saka sinilip ang bitbit nito at kinuha ito mula sa kaniya.Isang matalim na titig ang ibinigay sa kaniya ni Jelay.'' Bakit ka ba, galit na galit?'' Tanong niya. Hindi siya kinibuan ng kausap kaya hinarap niya ito. '' Hindi mo na ba ako kakausapin?'' Patuloy niya. Pero tila bingi lamang ang binata at nilagpasan siya. Natigil si Jelay at masakit ang loob na sinundan ng mata ang lalaking papalayo.Nangingiti nyang pinigil ang luha dahil gusto niyang bugbugin ang binata. Parang babae naman ito kung magtampo. Naikagat niya ang ibabang labi at sinundan si Leandro, sandali siyang huminto ng tumunog ang cellphone nito at pagtin

  • Buenaventura's Heir: Playboy Baby Maker   Chapter 7

    NAGISING kinabukasan si Jelay na masakit ang katawan maging ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Pinamulahan siya ng mukha ng malingunan ang binatang may bitbit na tray na may laman ng pagkain.Naka topless ito at magulo pa ang buhok.Bigla siyang nakaramdam ng sobrang hiya dahil naaalala niya ang ginawa nila ni Leandro, naka ulit kasi sa kaniya ito. '' Its an already 9 am, kumain ka muna.'' Pilyong ngising ani Leandro. Nakapagbihis naman siya ng damit na tanging manipis na pantulog at mismo pa si Leandro ang nagpasuot nun sa kaniya.'' Binihisan mo ba talaga ako? H-hindi mo man lang ako sinabihan,'' nahiyang sabi ni Jelay na ikinatawa ng pagak ng binata. '' Ayaw lang kitang maistorbo...at saka huwag ka ng mahiya, nakita ko na ang lahat sayo, Jelay.'' Ngising sagot ni Leandro na ikina irap

  • Buenaventura's Heir: Playboy Baby Maker   Chapter 6

    A/N: WARNING!!!SPG ALERT!!! HAHA...CHAROT!  NAHIMASMASAN sa ginawa nito si Leandro ng biglang nawalan ng malay sa mga bisig niya ang dalaga.Pabalik-balik siya ng lakad sa harapan ng kwartong hinigaan ng dalaga at napahilot sa kanyang sentido. Dahil sa pagkataranta niya ay agad niyang itinakbo sa hospital si Jelay kaya hindi niya nagawang magsuot ng damit.Tuloy, napapakagat labi ang mga nurses na dumadaan sa tabi niya't harapan. Agad siyang napalingon sa kumalabit sa kaniyang likuran at salubong ang kilay niyang hinarap ito.'' Hi, Sir Pogi. Mind to wear this. Kanina ka pa po kasi pinagtitinginan.'' Ngiting sabi ng nurse sabay lahad ng puting T-shirt papunta sa kaniya. ''Oh, thanks.'' Tanging aniya at isang totoong ngiti ang ginawad niya sa babae

  • Buenaventura's Heir: Playboy Baby Maker   Chapter 5

    HINDI magawang ihakbang ni Jelay ang mga paa ng magsimulang lumakad palapit sa kaniya si Leandro at hindi niya mabasa ang nilalaman ng isip nito. Walang mga ekpresyon ang nakikita niya sa mga tingin ng binata kaya hindi niya maiwasang kabahan at tanging pagkagat labi. Naramdaman niyang nakahawak sa kabilang braso niya si Andrei at nilapitan siya para tanungin kung ayos lang ba siya. Ngunit, ang makitang halos malukot ang mukha ni Leandro at hindi maipinta ay agad siyang namutla. '' Let go her hand,'' maawtoridad nitong tugon. Kusang kinalas ni Jelay ang braso ni Andrei sa kamay niya at hinarap ito para magpaalam na rin. Naiwang nalilito at nagtataka naman sa dalawa si Andrei. NAKASUNOD lamang sa malapad na likuran ni Leandro si Jelay at panigurado nitong kararating pa lang nito. Tinablan naman siya ng konsensy

  • Buenaventura's Heir: Playboy Baby Maker   Chapter 4

    NATIGIL mula sa pag-iimpake ng mga gamit nito si Jelay ng pumasok ang kaniyang ama mula sa naka bukas niyang pintuan. Kina-usap niya ito tungkol kay Leandro at panandalian niyang pagkawala para magtrabaho sa binata. Hindi naman tutol doon ang kaniyang ama pero pinaalalahan niya ito na mag-iingat at hindi magpapabaya. '' Anung oras ba ang alis mo anak?'' Tanong ni Mang Elmer na ikinatayo mula sa kinauupuan nito ang anak. '' Mamaya pa ho.'' Ani Jelay saka hinarap ang ama niya at may kinuha itong sobre sabay inilahad iyon sa huli. '' Pa, 'yan na lang po ang perang naipon ko, sana makatulong sayo habang wala ako. Pangako, uuwi rin ako kapag natapos ko na ang pinapatrabaho sa akin.''Patuloy ni Jelay na ikina-iling ng kaniyang ama at ibinalik sa kaniya ang sobre. '' Sobra-sobra na ang ginagawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status