Share

Chapter 11

Author: Ellen Hope
last update publish date: 2020-08-31 14:18:25

Lahat sila ay nagulat. Wala ni isa ang nakapagsalita. Pero nabawi lang din nila iyon. Masaya ang mga  mga gulang ni Kester at Rubie. 

 Si Rubie naman at hindi makagalaw sa kanyang inuupuan. Pilit niya prin-process ang sinabi ng Lolo nito. 

Ako? Ipapakasal ni Lolo kay kester? Usal ni Rubie sa utak niya.

"Lo? Anong sabi mo? Ako magpapakasal?" paninigurado ni Rubie. 

   Tiningnan  niya si Kester. Parang wala lang si Kester sa narinig  nito hindi man lang ito nagulat.

"Yes apo, since single ka naman at wala naman siyang nobya kaya mas maganda iyon," turan ni Don Juanito. 

"Pero lo hindi pa natin ito -" hindi nakasagot si Rubie ng sumabat ang Lolo  nito. 

"Come on Rubie. Pumayag na lang mabait at responsible naman si Kester," pangumbibsi ng Lolo niya.

"Tama si Lolo Rubie mabait nga si Kester wala kang pro-problemahin sa kanya," sang-ayon at pangumbinsi ni Mic sa kanya. 

Natahimik si Rubie. Hindi niya ito inaasahan na ito pala ang anunsyo ng Lolo niya. Hindi niya iyon nagustuhan dahil para na rin ang Lolo nito ang may hawak ng buhay niya. Ayaw niyang maging sunod-sunuran sa Lolo niya ni hindi nga siya tinanong kung papayag ba siya o hindi.

"Lo, mag-uusap lang po kami ni Rubie," paalam ni Kester sa lahat. 

  Senenyasan niya si Rubie na sumunod sa kanya. Sumunod  naman si Rubie dahil gusto niya rin na kausapin si Kester para wag pumayag sa gusto ng Lolo. 

Umupo si Kester sa isang bench malapit sa pool. Tumabi naman si Rubie sa kanya.

Tahimik ang namayani sa dalawa habang nakatanaw sa pool. 

Hindi alam ni Rubie kung paano simulan ang usapan kaya nagpasalamat na lang siya sa ginawang pagpapatira ng libre ni Kester sa kanya sa Condo nito. 

"Ah, Kester salamat pala sa pag-papatira sa akin sa building mo. Babayaran na lang kita." Pinagsakop ni Rubie ang dalawang kamay dahil sa kinakabahan siya.

"Don't bother to pay. Libre na iyon hindi ka naman naiiba dahil kadugo ka naman nila Tita Janess," tugon nito. 

Hindi na ang nagsalita si Rubie. Naisip n'ya na gusto siyang kausapin ni Kester.

"Alam kung nagulat ka, pero papayag ka ba?"tanong nito. 

"Alam mo ba ang lahat ng ito?" duda si Rubie na may-alam ang binata. 

"Yes, Lolo Juanito told me noong papa-alis na ako papuntang London," 

"Papayag ka naman sa gusto ng Lolo ko?" pataas na kilay na tanong ni Rubie.

Masunurin na binata si Kester. Gagawin nito ang gusto ng Lolo ni Rubie. 

"Yes, gusto sana ng Lolo mo na hindi muna ako aalis last 4 months. Dahil gusto niya agad tayong ikasal but I resist dahil sobrang aga pa para don," paliwanag ni Kester sa kanya. 

"Hindi ko alam na hindi pa pala sinabi ng Lolo mo sayo iyon. Akala ko kasi ay sasabihin niya sayo habang nasa ibang bansa pa ako," dagdag naman na wika ni Kester.

"Hindi ko alam at wala siyang sinabi sa akin," wala sa sarili niyang sambit.

    Hindi maintindihan ni Rubie kung bakit ganon. So all this time pala may plano ang Lolo niya. Ayaw niyang makasal sa taong hindi niya mahal at hindi rin naman siya mahal. 

   Isa pa may nobyo na siya. Mahal ni Rubie si Daryl at ayaw niya itong masaktan. 

"Wag kang pumayag kester," deritso na sabi ni Rubie. 

"Pero bakit? Anong dahilan mo?" naguguluhang tanong ni kester. 

Humarap si Rubie sa binata para maka-usap ito ng maayos. 

"Ayaw ko pa na makasal Kester kaya naman tulungan mo ako na hindi ito matuloy. Please naman oh," hindi niya sinabi na may boyfriend na siya dahil baka isumbong siya nito sa Lolo niya malapit pa naman sa isa't-isa  ang dalawa.

"Hindi ko magagawa iyon Rubie. Magagalit si Lolo Fernan sa akin kapag hindi ako pumayag sa gusto nila," paliwanag ni Kester.

"Please naman oh. Kahit labag sa kalooban mo ay papayag ka?"

"Yes," walang pag-aalinlangan na sagot ni Kester. 

  Natameme si Rubie. Kung siya si Kester hindi siya papayag. Hindi niya itataya ang kaligayahan niya sa kasunduan lang. 

   Hindi papayag si Rubie sa gusto ng Lolo niya. Gugustuhin niya pang umalis sa puder nito kaysa sa pilitin siya sa hindi niya gusto.

  Nag-isip siya ng mabuti kung aalis siya o mananatili doon. Ayaw niya naman na iwan ang Ina at mga kapatid niya dahil napalapit na sa kanya.

"Ano bang problema mo?" Tanong ni Glaiza. 

Nasa office sila ngayon. Hindi pa rin naka move on si Rubie sa nagyari kagabi. 

Pagkatapos niyang tanungin si Kester kagabi  ay umalis na lang siya ng hindi nagpapa-alam sa binata. Naguguluhan siya, na nasasaktan dahil parang bagay lang ang tingin sa kanya ng Lolo niya. 

"Wala toh, akin na iyang mga ipa-report mamaya. I will review it." Binuksan niya ang computer niya. 

   Umalis si Glaiza kasi may aasikasuhin pa siya. 

Nag-aalalang lumapit si Daryl sa kanya at umupo sa upuan ni Glaiza. 

"Babe? Are you okay? Namamaga ang mata mo,"

 "Yes, ok lng ako babe," wika niya. 

May pumasok  sa office nila at iyo ay assistant manager. 

"Good afternoon  ma'am," pagbati nilang lahat.

"Ms. Estrada please follow me. I want to talk to you." Umalis siya sa office.

Sumunod na lang si Rubie baka naman kakausapin  siya tungkol sa sales. 

"Maupo ka Ms. Estrada," seryoso ito at may kinuha na envelope.

"Bakit niyo po ako pinatawag ma'am?" 

Inabot sa kanya ang envelope. Nagtaka naman siya kung ano iyon.  

May nakalagay na resignation letter at pera.

   Naguguluhan si Rubie kung bakit ganun ang nakalagay at pangalan niya pa ang nandon.

   Agad na binasa ni Rubie ang letter. 

"Teka lang ma'am, anong ibig sabihin nito?" wika ni Rubie.

"Napag-utusan lang po ako Ms.Estrada. Maski ako hindi alam kung bakit ka pinapaalis sa company. Since sa ang mommy niyo naman ang may-ari nito diba?" insulto nitong wika. 

Mas lalong nagulat si Rubie dahil may alam ang manager niya tungkol sa Ina niya. 

"Alam mo kung sino ako? Sinong nagsabi sayo?"

"Yes, alam ko. Si Don Juanito siya ang nagsabi sa akin. Pinapasabi rin niya na wala ka ng karapatan na mag-trabaho dito,"

Bumuntong-hininga si Rubie. Masikip ang kanyang dibdib sa nalaman nito. Iniisip niya rin kung ito ba ang nagsabi na may nobyo na siya. 

"Ikaw ba ang nagsabi kay Lolo na may boyfriend  ako dito sa office? Si Lolo ba ang nagpatanggal sa akin?" tanong ni Rubie.

"Hmm. Ako nga. At yes tama ka. Ang Lolo mo nga ang nagpatangal sayo. May problema ka ba don?" proud na sagot ng manager. 

Galit ang naramdaman niya sa manager niya. Masyadong pakealamera .

"Bakit ka ba nakikialam ha? Malaki ba ang sweldo ng Lolo ko sayo?" sarkastiko nitong tanong. 

"Malaki kaya salamat sayo," sarkastiko na pabalik na usal nito.

"Walang anuman Ms. Manager na pakialamera na mukhang pera!"hinagis ni Rubie ang envelope na may pera sa babae. "Oh sayo na iyang pera kainin mo ha!" saad niya saka lumakad pabalik sa opisina nila. 

Narinig pa niyang sumigaw ang maldita niyang manager.

"Anak sa labas!" 

Nasaktan man si Rubie sa sinabi nito ay wala na siyang pakialam. 

"Babe? Bakit ganyan ang istura mo?" Nag-alalang tanong ni Daryl sa kanya. 

Pulang-pula si Rubie  dahil sa galit. Niligpit niya lahat ng gamit niya at nilagay sa bag.

"Saan ka papunta babe?" pagtanong ulit niya kay Rubie.

"Mag-usap na lang tayo mamaya babe. Uuwi muna ako. Lalayas na ako sa bahay. Ayaw ko ng ganito. Kinocontrol ng Lolo ko ang buhay ko," mahina niyang saad.

"Ano? Bakit naman?"

"Ipapakasal ako ni Lolo sa anak ng kaibigan niya. Ngayon naman ay tinaggalan niya ako ng trabaho."

Nakapag-desisyon na siya. Aalis na siya sa mansion. Binisitahin niya na lang ang mga kapatid niya at ang Ina niya.

"Saan ka naman pupunta? May pupuntahan ka ba?" tanong nito.

"Wala. Hindi ko alam basta lalayo ako dito." 

"Tutulongan kita. Tawagan mo ako kung aalis ka sa bahay niya. Susunod lang ako,"

"Anong lalayas Rubie?" nagulat sila ng sumulpot sa harapan nila si Glaiza.

"Glai, saka ko na lang sasabihin sayo mamaya ha," nagmamadali niyang saad.

"Teka naman Rubie. Anong binabalak mo ha? Tutulongan din kita. Kaibigan mo ako Rubie," malungkot nitong saad.

"Maraming salamat glai. Babe ikaw na lang ang magpaliwanag kay glaiza ha aalis na ako . Tatawagan ko kayo kapag aalis na ako sa mansion,"

"Teka lang Rubie. Mansion mayaman ka? " hindi na sinagot ni Rubie si Glaiza. Dali-Dali siyang umalis sa Company at pumara ng taxi pauwi. 

   Pagkarating niya sa Mansion nila wala doon ang pamilya niya pari ang Lolo niya kaya chance na niya iyon para tumakas. 

   Ni-locked niya ang kwarto niya at kinuha ang maleta niya. Mga importanteng bagay lang ang nilagay niya doon. 

Tinawagan niya si Daryl pero si Glaiza ang sumagot nito. 

"Rubie si Glaiza ito. Nagmamaneho si Daryl wag kang mag-alala darating kami diyan," paliwanag ng kaibigan niya.

"Maraming salamat Glai. Mag-ingat kayo diyan. Dalian niyo wala pa si Lolo dito," usal niya habang nilalagay ang iilang damit sa Maleta.

"Malapit na raw kami diyan. Humanap ka ng paraan para hindi ka mahalata ng mga katulong niyo," saad nito. "Sabihin mo na lang emergency outing ka," dagdag nito. 

"Oo ibaba ko na itong tawag," 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 14

    Chapter 14KasalNAKATULALA si Rubie. Tila wala siyang pakialam sa nagyayari sa paligid niya.Masaya ang lahat ng taong dumalo."By the power vested on me I now pronounce you as husband and wife," anunsyo ng pari.Tumulo ang mga luha ni Rubie. Hindi dahil sa masaya siya na ikinasal na siya kundi dahil sa napipilitan lang siya."You may now kiss the bride."Dahan-dahang inangat ni Kester ang belo. Napakaganda ni Rubie. Kinuha ni Kester ang kanyang panyo at pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa mukha ni Rubie."I'm sorry, Rubie,"paghingi ng paumanhin ni Kester. Wala namang magagawa si Kester para mapigil ang kasalan na magaganap.Humarap at hinalikan ni Kester sa noo si Rubie bilang paggalang sa babae."Oyy, ano ba 'yan sa lips naman," sigaw ng isang kaibigan ni Kester.Nataw

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 13

    Chapter 13"Congratulations Rubie and Kester I'm hoping to see you at your wedding," bati ng isang investors na kakilala ni Kester."Thank you Mr. Caneos,"tugon naman ni Kester.Hindi komportable si Rubie sa paghawak ni Kester sa bewang niya.Nangangalay na ang kanyang panga sa kakangiti sa mga taong bumabati sa kanila."You're beautiful iha I never thought na may anak na dalaga na pala si Janess," commento naman ng babaeng kasama ng lalaki."Ahh thank you po." Saad ni Rubie. "Anyway bagay na bagay kayo ni Kester. Congrats iha mabait ang fiance mo at sobrang gwapo pa," dagdag ng ginang."Nakakahiya naman po sa inyo Mrs. Caneos. Mas gwapo pa nga yang asawa niyo," pabirong saad ni Kester."Of course gwapo talaga ako. Haha that's why she likes me. Haha" tumatawang saad ni Mr. Caneos."Oo na, gwapo ka na. Anyway mauna na

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 12

    "Tama ba itong dereksyon narin Daryl? " pagtatanong ni Glaiza kay Daryl."Oo tama ito. Tama iyang nasa google map maniwala ka," sambit naman ni Daryl.Pagka-alis kasi ni Rubie ay humiram sila ng kotse sa ka trabaho nila. Hindi pa nga sana pumayag iyon kaya lang nag-isip ng paraan si Glaiza para mapapayag."Kaloka naman kasi iyang Lolo ni frieny. At mas nakakaloka ha apo pala siya ng dating Ceo," wika ni Glaiza."Nako, kung ako ang nasa pusisiyon ni Rubie lalayas din ako noh. Kaloka ang Lolo niya ha. Baka nga tinanggap lang si Rubie dahil kailangan niya si Rubie,"dagdag pa nito.Sinabi ni Daryl kay Glaiza ang tungkol kay Rubie. Sinabi niya lahat ng nalalaman niya."Ganyan talaga pag-mayaman. Ipapakasal ang mga anak o apo sa kasing yaman nila para mas lalo silang yumaman!" Pagalit na saad ni Daryl."Tama ka nga," sang-ayon ni Glaiza. "Mabut

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 11

    Lahat sila ay nagulat. Wala ni isa ang nakapagsalita. Pero nabawi lang din nila iyon. Masaya ang mga mga gulang ni Kester at Rubie.Si Rubie naman at hindi makagalaw sa kanyang inuupuan. Pilit niya prin-process ang sinabi ng Lolo nito.Ako? Ipapakasal ni Lolo kay kester? Usal ni Rubie sa utak niya."Lo? Anong sabi mo? Ako magpapakasal?" paninigurado ni Rubie. Tiningnan niya si Kester. Parang wala lang si Kester sa narinig nito hindi man lang ito nagulat."Yes apo, since single ka naman at wala naman siyang nobya kaya mas maganda iyon," turan ni Don Juanito."Pero lo hindi pa natin ito -" hindi nakasagot si Rubie ng sumabat ang Lolo nito."Come on Rubie. Pumayag na lang mabait at responsible naman si Kester," pangumbibsi ng Lolo niya."Tama si Lolo Rubie mabait nga si Kester wala kang pro-problemahin sa kanya," sang-ayon at pangumbinsi ni Mic

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 10

    "Edi pikon! " sigaw naman ni MizTumawa lang ang magka-kaibigan."Nako! Ewan ko lang talaga sa mga anak ko. Nakaka-high blood pero hindi ko naman matitiis ang mga iyon. Anak ko eh, mahal ko ang dalawang iyon," reklamo ni Quine. Hangga rin si Rubie sa ginang dahil sa tanggap nito ang mga anak. Bihira lang din naman kasi ang ganyang Ina na tanggap at mahal pa rin ang anak sa kabila ng bakla ang mga iyon. Iniisip ni Rubie na sana lahat ng mga magulang ay kagaya ni Tita Quine niya. Nakarinig sila ng inggay. Sa palagay ni Rubie ay mga ito ng kaibigan ng Mama niya.Pumasok ang mga iyon sa sala kasama ang Lolo ni Rubie."Halina kayo , kumain na tayo nakahanda na ang ating hapunan," wika ng Lolo ni Rubie.Isa-isa silang pumasok sa dining. Katabi ni Rubie ang kapatid niyang si Calum.Nag-ri

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 9

    Nakarating si Rubie sa mansion nila. Nagtataka siya kung bakit may iilang bisita na hindi niya naman kilala. Sinalubong siya ng kanyang ina na may ngiti sa labi nito."Anak, magbihis ka na sa kwarto mo may make-up artist doon inaayosan ang kapatid mo,"Sinunod naman ni Rubie ang sinabi ng Ina niya.Nadatnan niya ang nakababatang kapatid na sinusuklayan ng isang make- up artist."Hi princess, " pagbati ni Rubie sa kapatid niya."Hey Ate, look. I'm beautiful right? " tanong nito sa ate niya."Of course princess," wika ni Rubie.Umupo siya sa upuan na katapat ng bed niya. Hindi sanay si Rubie sa ganitong okasyon. Dinner lang daw pero parang party dahil bihis na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status