Share

Chapter 12

Author: Ellen Hope
last update publish date: 2020-08-31 16:56:27

"Tama ba itong dereksyon narin Daryl? " pagtatanong ni Glaiza kay Daryl.

"Oo tama ito. Tama iyang nasa google map maniwala ka," sambit naman ni Daryl.

Pagka-alis kasi ni Rubie ay humiram sila ng kotse sa ka trabaho nila. Hindi pa nga sana pumayag iyon kaya lang nag-isip ng paraan si Glaiza para mapapayag.

"Kaloka naman kasi iyang Lolo ni frieny. At mas nakakaloka ha apo pala siya ng dating Ceo," wika ni Glaiza.

"Nako, kung ako ang nasa pusisiyon ni Rubie lalayas din ako noh. Kaloka ang Lolo niya ha. Baka nga tinanggap lang si Rubie dahil kailangan niya si Rubie,"dagdag pa nito.

Sinabi ni Daryl kay Glaiza ang tungkol kay Rubie. Sinabi niya lahat ng nalalaman niya.

"Ganyan talaga pag-mayaman. Ipapakasal ang mga anak o apo sa kasing yaman nila para mas lalo silang yumaman!"  Pagalit na saad ni Daryl.

"Tama ka nga," sang-ayon ni Glaiza. "Mabuti na lang at hindi ako pinagganak na mayaman nuh. I'm  so blessed  dahil may mga magulang at grandparents ako na mahal na mahal ako kahit hindi kami mayaman," salaysay nito.

"Tawagan mo nga si Rubie," taranta nitong nitong sabi.

Ginawa naman ni Glaiza iyon pero nag-ring lang.

"Hindi sinasagot eh," reklamo nito.

Tinawagan niya ulit si Rubie pero hindi na ito sumagot kaya inisip na lang nila na busy iyon sa pag-empake.

"Paliko diyan yan ang sabi sa google map," saad ni Glaiza.

Papasok na sana sila sa subdivisyon kaya lang hinarangan sila ng guard.

Binuksan nila ang bintana ng kotse at kinausap ang guard.

"Anong kailangan n'yo? Hindi kayo taga rito. At sinong pupuntahan niyo sa Loob?" usisa ng guard.

"Ahh, yung kaibigan po namin. Pupuntahan lang po sana namin," si Glaiza na mismo ang sumagot sa guard.

"Sino po iyon? Higit po kasi pinag-babawal ang pagpapasok ng kahit sino dito dahil sa mga high profile at mayayaman na mga tao ang nakatira dito,"paliwanag ng guard.

"Si Rubie Estrada po yung apo ni Don Juanito Orlins,"mahinahon na sabi ni Daryl.

"Rubie Estrada? Wait lang po tatawagan  ko muna ang may-ari doon," paliwanag nito at pumunta sa tambayan nito.

Kinabahan ang dalawa sa sinabi ng guard.

"Anong gagawin natin? Baka malaman ng Lolo niya." natataranta na sinabi ni Glaiza.

"Mag-tiwala ka lang,"

Bumalik ang guard at kinausap sila.

"Sorry po pero hindi po kayo pwedeng pumasok," saad nito.

"Wait lang manong tatawagan namin ang kaibigan namin ikaw na mismo ang kakausap sa kanya," Kinuha ni Glaiza ang cellphone at tinawagan ulit si Rubie pero hindi sumasagot si Rubie.

"Putag*na! hindi na niya sinasagot Dar," kinakabahan saad ni Glaiza.

"Manong guard please  naman papasokin niyo naman kami oh saglit lang kami doon," pagmamaka-awa ni Glaiza.

"Hindi po talaga pwede. Pasinsya na po ako po ang malalagot kapag pinilit niyo ang pumasok," paliwanag ng guard.

Pilit na nagmamakaawa ang dalawa para makapasok pero hindi sila pinayagan ng guard.

  Habang si Rubie naman ay naka-upo lang sa kama at galit na galit na tumingin sa Lolo niya. Hindi siya makalapit sa matanda dahil may dalawang bodyguards  na nasa gilid niya.

   Hindi nakalabas ng mansion si Rubie dahil sa nahuli siya ng Lolo niya at mga tauhan nito.

"Akala mo ba hindi ko alam na gagawin mo to? Kung matalino ka mas matalino pa ako sayo Rubie!" pagtangis nito.

"Hayaan niyo na lang... ako Lo please naman . Uuwi na lang ako sa probinsiya. Mananahimik na lang ako doon. Lo, parang-awa mo na," pagmamakaawa nito.

"Hindi kita papayagan Rubie! sa tingin mo ba hahayaan na lang kita na umalis? talagang sasama ka sa lalaking iyon?"

"Bakit ba? Ano bang kailangan mo sa akin? Wala ka namang makukuha sa akin Lo," tugon ni Rubie.

"Meron." nakangising sinabi ng Lolo niya

Napataas naman ang kilay ni Rubie sa sinabi nito.

"Wala akong ari-arian na ibinilin ni Papa sa akin,"

"Hindi ikaw! Kundi si Kester. Kapag ikinasal kayo magiging maganda ang takbo ng negosyo natin. Isipin mo dalawang sikat na companya ang mag-merge. Para sa iyo rin ito apo." Umupo sa kaharap na upuan ang matanda.

"Pera lang ba ang iniisip mo Lo? Ganun na lang ba iyon? Parang binenta mo na rin ang sarili mong apo !" asik ni Rubie.

"Hindi mo ba naiisip kung anong mangyayari sa buhay mo Rubie? Well, magiging isa ka sa pinakamayaman dito sa pilipinas dahil magiging asawa ka ng mayanan na si Kester," dagdag ng Lolo niya.

"Hindi ko kailangan ng maraming pera Lo. Sapat na sa akin ang kahit kaunting pera basta masaya ako. A-anong klasing Lolo kayo? Itataya mo ang K-Kaligayahan ng apo mo sa walaa,"saad n'ya. Well ano pa nga ba? Pinaghiwalay mo nga naman ang nga magulang ko. Wala kang kwentang Lolo!" Galit na dagdag nito.

Nagalit ang Lolo ni Rubie sa sinabi nito. Lumapit ito sa kanya at sinampal siya.

Wala ang Ina at ang pamilya nito sa mansion dahil may dinner sa labas ang mga ito.

"Wala kang puso! bakit mo ba ginagawa ito sa akin ? " galit na niyang wika.

Nasaktan si Rubie sa sampal ng Lolo niya pero mas masakit ang puso niya sa nagyayari ngayon.

"This is for your own good apo."

"For my own good? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Mabuti ba ang ginagawa mo sa akin ngayon? Saang banda ang nakakabuti doon? Ah, ang pagpapakasal kay Kester ba?" sarkastiko nitong tanong.

"Oo, dahil iyon lang ang tanging paraan para hindi ka mapahamak! sa tingin mo ba magiging maganda ang buhay mo sa nobyo mo ngayo?"

"Sa tingin mo totoo ang pinapakita niya sayo? gumising ka Rubie! mahal ng lalaking iyan ang pera mo kaysa sayo!"

"Mahal ako ni Daryl! Mahal niya ako hindi dahil sa may pera kayo. Wala naman akong pera Lo. Kayo lang ang meron! Hindi ako masaya sa ginawa niyo!! Sana hindi ko na lang kayo nakilala! Sana hindi na lang ako sumama sa inyo!" Tumulo ang mga Luha sa mata ni Rubie.

   Punong-puno na siya. Sobrang nasasaktan siya sinabi ng Lolo niya. Ayaw niyang maniwala sa sinabi nito dahil gawa-gawa lang nito ang sinasabi niya.

  Alam niya sa sarili niya na mahal siya ni Daryl. Nakikita niya at nararamdaman niya iyon.

"Masama siyang tao. Mapapahamak ka lang sa kanya! Isipin mo iyon Rubie!" ulit na sinabi nito.

"A-Anong mapapahamak? Lo, naman. Hindi siya masamang tao," giit ni Rubie.

"Hindi mo pa siya kilala Rubie," seryosong wika ng Lolo niya.

"Bakit Lo, kilala ko ba si Kester?" Baliktad na tanong ni Rubie. "Hindi naman diba? Hindi sapat iyong tinulungan niya ako at masasabi ko ng mabuti siyang tao. Baka nga naman set-up iyon."

"Wag kang mambentang dahil hindi kita sinet-up. Kagustuhan niya na iyon na tungan ka!"

"G-Ganun ba? huwag kang mag sinungaling ka Lo. Masama kang tao!" tinuro-turo ni Rubie ang Lolo niya.

"Oo sge, sinungaling ako. Inutusan ko lang naman si Kester na pumunta sa probinsya at samahan ka papunta sa manila at hanapan ka ng matitirahan. Iyon lang ang utos ko sa kanya...." hindi siya pinatapos ni Rubie sa pagpapaliwanag.

"Mga walang hiya kayo! All this time pala plano niyo  na pala iyon? Mas lalong hindi ako magpapakasal sa lalaking iyon!"

"Maiintindihan mo rin ito sa taman panahon,"

"Hinding-hindi K-ko maiintindihan iyan Lo. B-baka nga I-ikaw pa ang Nag-Pa-Patay sa Pa-Papa ko!" nauutal-utal na saad ni Rubie.

"Iyan ang hindi ko magagawa Rubie! Wag na wag mo akong pagbintangan! Oo masama akong Ama at Lolo sa ginawa kung pagpilit na ipakasal ko kayo sa hindi niyo mahal. Pero ito lang ang tanging paraan para maligtas kayo!"

"Hindi kita maintindiha Lo, Nababaliw ka na ba ha? "

" Hindi ako baliw. Ayusin mo ang mga gamit mo hindi ka aalis sa mansion na to."

"Tatakas ako!" nangigigil na sabi ni Rubie.

"Yan ang wag na wag mung gagawin Rubie. Isipin mo ang kaibigan mo. Kung ayaw mong masaktan yung Glaiza na iyon sumunod ka sa akin. At kung ayaw mo rin na mamatay ang mahal mong nobyo magpakasal ka kay Kester!" pagbabanta ng matanda.

"Walang hiya ka! Ang sama-sama mo. Isa kang demonyo!" gigil ni Rubie.

"Isipin mo na ang gusto mong isipin. Guards bantayan niyong  mabuti iyan."

    Lumabas ito sa kwarto ng apo. Sumunod naman ang dalwang guard sa kanya. Ni-locked nito ang kwarto habang  nakabantay ang mga guards sa buong mansion.

   Umiyak na lang ng umiyak si Rubie. Wala na siyang magagawa. May madadamay kapag hindi niya susundin ang Lolo niya. Ayaw niyang mapahamak ang kaibigan lalo na ang nobyo niya.

      Gustuhin niya mang tawagan ang dalawa iyon ang hindi niya magagawa dahil sa nasa Lolo niya ang Cellphone niya.

   Habang gustong sabihin ang matanda sa apo niya pero mas pinili niyang hindi na lang ipaalam iyon dahil malalagay sa panganib ang buhay ni Rubie kapag sasabihin niya iyon.

   Kahit ayaw niyang kamuhian ng apo ay ginawa niya na lang ang mas makakabuti para sa apo niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 14

    Chapter 14KasalNAKATULALA si Rubie. Tila wala siyang pakialam sa nagyayari sa paligid niya.Masaya ang lahat ng taong dumalo."By the power vested on me I now pronounce you as husband and wife," anunsyo ng pari.Tumulo ang mga luha ni Rubie. Hindi dahil sa masaya siya na ikinasal na siya kundi dahil sa napipilitan lang siya."You may now kiss the bride."Dahan-dahang inangat ni Kester ang belo. Napakaganda ni Rubie. Kinuha ni Kester ang kanyang panyo at pinunasan ang mga luha na dumadaloy sa mukha ni Rubie."I'm sorry, Rubie,"paghingi ng paumanhin ni Kester. Wala namang magagawa si Kester para mapigil ang kasalan na magaganap.Humarap at hinalikan ni Kester sa noo si Rubie bilang paggalang sa babae."Oyy, ano ba 'yan sa lips naman," sigaw ng isang kaibigan ni Kester.Nataw

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 13

    Chapter 13"Congratulations Rubie and Kester I'm hoping to see you at your wedding," bati ng isang investors na kakilala ni Kester."Thank you Mr. Caneos,"tugon naman ni Kester.Hindi komportable si Rubie sa paghawak ni Kester sa bewang niya.Nangangalay na ang kanyang panga sa kakangiti sa mga taong bumabati sa kanila."You're beautiful iha I never thought na may anak na dalaga na pala si Janess," commento naman ng babaeng kasama ng lalaki."Ahh thank you po." Saad ni Rubie. "Anyway bagay na bagay kayo ni Kester. Congrats iha mabait ang fiance mo at sobrang gwapo pa," dagdag ng ginang."Nakakahiya naman po sa inyo Mrs. Caneos. Mas gwapo pa nga yang asawa niyo," pabirong saad ni Kester."Of course gwapo talaga ako. Haha that's why she likes me. Haha" tumatawang saad ni Mr. Caneos."Oo na, gwapo ka na. Anyway mauna na

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 12

    "Tama ba itong dereksyon narin Daryl? " pagtatanong ni Glaiza kay Daryl."Oo tama ito. Tama iyang nasa google map maniwala ka," sambit naman ni Daryl.Pagka-alis kasi ni Rubie ay humiram sila ng kotse sa ka trabaho nila. Hindi pa nga sana pumayag iyon kaya lang nag-isip ng paraan si Glaiza para mapapayag."Kaloka naman kasi iyang Lolo ni frieny. At mas nakakaloka ha apo pala siya ng dating Ceo," wika ni Glaiza."Nako, kung ako ang nasa pusisiyon ni Rubie lalayas din ako noh. Kaloka ang Lolo niya ha. Baka nga tinanggap lang si Rubie dahil kailangan niya si Rubie,"dagdag pa nito.Sinabi ni Daryl kay Glaiza ang tungkol kay Rubie. Sinabi niya lahat ng nalalaman niya."Ganyan talaga pag-mayaman. Ipapakasal ang mga anak o apo sa kasing yaman nila para mas lalo silang yumaman!" Pagalit na saad ni Daryl."Tama ka nga," sang-ayon ni Glaiza. "Mabut

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 11

    Lahat sila ay nagulat. Wala ni isa ang nakapagsalita. Pero nabawi lang din nila iyon. Masaya ang mga mga gulang ni Kester at Rubie.Si Rubie naman at hindi makagalaw sa kanyang inuupuan. Pilit niya prin-process ang sinabi ng Lolo nito.Ako? Ipapakasal ni Lolo kay kester? Usal ni Rubie sa utak niya."Lo? Anong sabi mo? Ako magpapakasal?" paninigurado ni Rubie. Tiningnan niya si Kester. Parang wala lang si Kester sa narinig nito hindi man lang ito nagulat."Yes apo, since single ka naman at wala naman siyang nobya kaya mas maganda iyon," turan ni Don Juanito."Pero lo hindi pa natin ito -" hindi nakasagot si Rubie ng sumabat ang Lolo nito."Come on Rubie. Pumayag na lang mabait at responsible naman si Kester," pangumbibsi ng Lolo niya."Tama si Lolo Rubie mabait nga si Kester wala kang pro-problemahin sa kanya," sang-ayon at pangumbinsi ni Mic

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 10

    "Edi pikon! " sigaw naman ni MizTumawa lang ang magka-kaibigan."Nako! Ewan ko lang talaga sa mga anak ko. Nakaka-high blood pero hindi ko naman matitiis ang mga iyon. Anak ko eh, mahal ko ang dalawang iyon," reklamo ni Quine. Hangga rin si Rubie sa ginang dahil sa tanggap nito ang mga anak. Bihira lang din naman kasi ang ganyang Ina na tanggap at mahal pa rin ang anak sa kabila ng bakla ang mga iyon. Iniisip ni Rubie na sana lahat ng mga magulang ay kagaya ni Tita Quine niya. Nakarinig sila ng inggay. Sa palagay ni Rubie ay mga ito ng kaibigan ng Mama niya.Pumasok ang mga iyon sa sala kasama ang Lolo ni Rubie."Halina kayo , kumain na tayo nakahanda na ang ating hapunan," wika ng Lolo ni Rubie.Isa-isa silang pumasok sa dining. Katabi ni Rubie ang kapatid niyang si Calum.Nag-ri

  • Complicated Marriage of Rubie (Filipino/Tagalog)   Chapter 9

    Nakarating si Rubie sa mansion nila. Nagtataka siya kung bakit may iilang bisita na hindi niya naman kilala. Sinalubong siya ng kanyang ina na may ngiti sa labi nito."Anak, magbihis ka na sa kwarto mo may make-up artist doon inaayosan ang kapatid mo,"Sinunod naman ni Rubie ang sinabi ng Ina niya.Nadatnan niya ang nakababatang kapatid na sinusuklayan ng isang make- up artist."Hi princess, " pagbati ni Rubie sa kapatid niya."Hey Ate, look. I'm beautiful right? " tanong nito sa ate niya."Of course princess," wika ni Rubie.Umupo siya sa upuan na katapat ng bed niya. Hindi sanay si Rubie sa ganitong okasyon. Dinner lang daw pero parang party dahil bihis na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status