Mag-log inTHIRD PERSON'S POV:
Hawak-hawak ang kaniyang bag sa kaliwang kamay, naka'unbotton ang dalawang butones sa kaniyang pang-itaas. Ang necktie na hindi maayos ang pagkakasuot.
At may nilalaro siya sa kaniyang bibig na isang bagay na kayang gumawa ng isang lobo habang hinihipan.
Animo'y expert na expert siya sa pagpapalobo nito, lumalaki na nang lumalaki ang hinihipan niyang isang maliit na bagay sa kaniyang bibig.
Natutuwa siya sa kaisipan na ito na ang kaniyang tagumpay. Makukuha na rin niya ang inaasam na bagay sa buong buhay niya dahil sa pagpapalobo.
Ngunit bigla rin itong pumutok at kumalat ang malalagkit na bagay sa kaniyang mukha dahil sa guro niya na malakas na tinawag ang kaniyang apelyido sa mismong loob ng silid-aralan.
Kahit na nagugulumihan kung paano nito nalaman ang apelyido niya, wala na rin siyang nagawa kundi ang maparolyo na lamang ng kaniyang mata.
"Haisst! Ano ba iyan. Malapit na ako sa world record 'e." Naiinis na turan niya sa kaniyang sarili.
Malapit na ang kaniyang tagumpay kaso ang tadhana naman ay ayaw sa kaniya na makuha ang kagustuhan na iyon.
Ang inaasam niya na makuha ang world record sa pagpapalaki ng lobo sa kaniyang bibig.
Mabilis niyang nilinis ang kaniyang mukha na natamaan ng malagkit na bubble gum.
Nandidiri siyang pinagwawaksi iyon palayo sa kaniyang kamay. Ayaw na ayaw niya talaga sa malalagkit, kaya nag-iingat siya na hindi pumutok ang bagay na iyon. Kaso sa labis na gulat sa taong sumigaw, hindi niya naiwasan na maging careless at masira ang pinagkakaingatan niya.
"Ito ang mahirap sa bubble gum 'e! Ang lagit ah!" Nabwibiwisit na sambit niya sa kaniyang sarili.
Patuloy siya sa pagtanggal ng mga malalagkit na bubble gum sa kaniyang mukha bago mapatingin sa kaniyang harapan.
Nakita niya ang magiging guro niya na nasa unahan lamang niya at halata sa mukha nito ang pagtataka.
Nakaramdam tuloy siya ng hiya at mabilis na umayos nang kaniyang tayo.
Ngayon lamang siya nakaramdam ng hiya sa ibang tao. Naiisip niya pa lamang ang nangyari, mas gusto na lang niya na lumayo at doon ayusin ang mukha na sinira ng malalagkit na bagay na galing sa bubble gum.
"Anong...a-anong nangyari sa mukha mo, Ms.Barcena?" Hindi makapaniwalang turan nito habang titig na titig pa rin sa kaniyang mukha.
'Kung pwede lang ba na sundutin ang mga mata na iyan. Sana nagawa ko na.' Aniya sa sarili.
"Umm...W-wala po ito! Maaari na po ba akong pumasok?" Paglilipat niya ng usapan.
Hindi niya na kaya pa ang kahihiyan. Ang guro pa niya mismo ang nakakita kung gaano ba karaming bubble gum ang tumama sa mukha.
Pero mas lalo siyang mahihiya kung ang mga studyante at kaeskwela niya ang makakita ng hindi inaasahan na pangyayari sa kaniya.
"Aba! Ano pang tinutunga-tunganga mo r'yan. Malamang pumasok ka na, wala namang blackboard, lamesa at upuan diyan para manatili ka." May pagkapilosopong sagot naman nito sa itinanong niya.
Napanguso na lamang siya sa narinig saka marahan na tumango. Inayos niya muli ang kaniyang sarili nang sampong segundo lamang.
At pagkatapos niya na ayusin ang mukha at hindi ang buong sarili. Naglakad na siya palapit dito. Lalagpasan na niya sana ang kaniyang guro upang makapasok lamang nang harangan siya nito sa mismong pintuan.
"Teka-" pigil nito sa kaniya.
May kinapa ito sa bandang noo niya at pinakita ito sa kaniya. "Papasok ka na lamang ba na ganyan ang histura mo?Jusmeyong bata ka talaga-" naiiling na dagdag pa nito sa kaniya. "Oh siya pasok ka na!"
Napatango muli siya sa sinabi nito at tuluyan na ngang nakapasok sa loob ng silid-aralan.
Nakita niya ang kaniyang mga kaklase na nagugulumihan sa kaniyang hitsura.
Napatingin din siya sa kaniyang sarili at napakamot na lamang nang marahan sa kaniyang buhok. Ngayon niya lamang napagmasdan ang buong sarili, para siyang nasa eakinita na naghihintay ng taong kakalabanin. Para siyang siga sa kaniyang itsura ngunit para naman sa mga kaeskwela niya, ay isa siyang weirdo at walang sense of fashion.
"Introduced yourself, Ms. Barcena." Napadako ang kaniyang paningin sa kaniyang guro.
"Ah-eh...sige po." Lumingon muli siya sa kaniyang bagong mga kaklase at saka ngumiti.
Isang ngiti na tunay kahit na iba ang palagay ng iba sa kaniya. Mananatili pa rin siya sa kung ano ba siya.
"HI! I'm Jarah Joong Barcena. You can call me Arah or Jarah na lang din. Exchange Student ako galing sa Saint Bernabe University. Nice to meet you all, sana maging magkaibigan tayo kahit isang buwan lamang. Salamat!" Magiliw na saad niya sa mga ito.
Subalit, isang nakataas na kilay lamang ang ibigay ng iba, inaantok na gawad ng nasa dulo ng silid-aralan at pag-irap naman ng nasa harapan niya.
Nasisiguro na niyang hindi nito gusto ang pagdating niya. Maging kanina pa noong makapasok siya sa loob ng silid-aralan. Kita na niya ang hindi pagkagusto ng kaniyang magiging kaeskwela.
Lalong-lalo na ang lalake na kung makatingin sa kaniya ay para siyang masama na nilalang sa buhay nito.
May ginawa ba siya?
Iyon ang tumatatak na katanungan sa kaniyang isipan.
Akala niya welcome siya sa paaralan na pinaglipatan sa kaniya pansamantala, excited pa nga siya na pumunta rito ng maaga. Kahit na ayaw ng magulang at kapatid niya na pumasok siya ng sobrang aga na mas nauna pa sa guro sa eskwela.
Ngunit ang saya sa kaniyang mukha ay napalitan ng pagkadismaya. Hindi maganda ang napasukan niya, kundi isang paaralan na ang tanging iniisip ay ang sarili nila at paano sila makasakit ng damdamin ng iba.
Ang kaninang kagustuhan niya rito sa paaralan ay bigla ring naglaho.
'Mga stupidyante naman pala ang naririto. Akala ko magandang lumipat sa Nuriez University, hindi naman pala. So stupid students.'
Isip-isip niya.
Samantalang ang mga studyante naman ng kanilang seksyon ay nagsisipagbulungan.
Bulong na pinaparinig talaga sa taong gusto nilang paringgan.
"Ganiyan ba talaga ang studyante ng Saint Bernabe University?"
"Akala ko pa naman interesting na studyante siya, hindi pala."
"Maganda nga, ang panget naman ng style niya."
"Siguro sa squatter ito naninirahan."
"Ewww!taong kalye ba siya?"
"Nonsense."
"She's weird."
"Matinong suot ba iyan ng mga babae."
"Kakadiri siyang pagmasdan."
"Eh di huwag mo akong tingnan. Napakasimpleng bagay pinoproblema ninyo pa." sagot naman niya sa mga taong nilalait siya.
Hindi naman siya ganon kademonyo, pinagtatanggol niya lamang ang kaniyang sarili sa mga taong mapagmataas at akala mo sila ang makapangyarihan sa mundong ito.
Napansin naman ng guro na masamang tumingin ang nagsalita noon kay Jarah. Kilala rin nito ang ugali ng bata.
Kaya pumunta agad ito sa direksyon niya at tinapik ang kaniyang balikat.
Napalingon naman siya rito at nakita niya sa mukha nito ang pag-iling. Nagsasabi na huwag nang simulan pa ang gulo na wala rin namang kwenta.
Napabuntong-hininga na lamang siya rito.
"Huwag mag-away. Nandito kayo sa paaralan para mag-aral, hindi ang makipagbasagan. Naiintindihan mo ba Ms.Barcena? Bago ka pa lang kailangan mong magbehave." Pagpapaalala nito sa kaniya na bago siya.
Napatango na lang siya."Opo Ma'am." Wala na siyang nagawa kundi iyon na lamang ang sabihin niya rito.
Tama rin naman ang guro niya. Bago lamang siya, kailangan niyang magtino kung hindi ipapabalik siya sa school na kinalalagyan niya talaga.
'Bakit pa kasi ako dito nilagay?Pwede naman sa seksyon Block na lamang 'e'
"Sit beside to Mr. Oreus" tinuro nito ang lalakeng kanina pa sa kaniya nakatingin ng masama.
Pero hindi na lamang niya iyon pinansin at ginawa na nga ang sinabi ng kaniyang guro.
Naglakad siya sa kinaroroonan nito at hindi man lamang iniisip ang mga sinasabi ng mga kaklase.
Puro rin naman walang kwenta ang mga naririnig niya.
Isinawalang bahala na lamang niya ito at saka tumigil sa harapan ng lalake.
Hinawakan niya ang upuan niya na malapit lamang dito bago hilahin palayo.
Nilagyan niya ng tatlong pulgada ang layo sa kanilang dalawa at malayang umupo sa kinauupuan niya.
Ni hindi man lamang nagreklamo ang lalake sa kaniyang ginawa.
Tinuloy lamang nito ang kaniyang business sa buhay.
Hinarap na lamang niya ang kanilang guro na handa na rin sa pagdidiscuss ng mangyayari sa araw na ito. Samantalang may nararamdaman siya na masasamang tingin galing sa babaeng napagsalitaan niya ng hindi maganda.
'Totoo naman ah!' Depensa niya sa sarili niya.
"Ang pag-uusapan natin ngayon ay tungkol sa magaganap na Intramurals. Maraming mga activity ang mangyayari, at kayong section Gold ay inaatasan na gumawa rin ng isang booth na papatok sa mga studyante. Maliwanag ba?" Simula ng kanilang guro.
Saktong-sakto ang kaniyang pagpasok dito dahil magsisimula na ang Intrams na inaasam niya. Maging Sports Festival sa kanilang paaralan.
"Opo!" Sabi naman nilang lahat nang sabay-sabay.
Habang ang katabi naman niya ay wala lamang pakialam. Baka nga hindi rin narinig kung ano ba ang sinabi ng guro nila.
Alas dose na ng hapon, nandito pa rin sa loob ng silid-aralan si Jarah. Imbis na nasa labas na siya upang kumain ng tanghalian.Ang kaniya lamang ginagawa ay pagmasdan ang mga taong nagsisilabasan, habang ang katabi naman niya ay patuloy lamang sa ginagawa.Kanina pa sa loob ng discussion nila napapansin na busy ito sa pagguguhit ng isang mukha. Ni hindi man lamang sinisita ng guro na pumapasok sa loob ng silid-aralan.Siguro noon pa man ay ganito na talaga ang lalake.Pasulyap-sulyap lamang siya sa ginagawa nito.Inaalam kung
THIRD PERSON'S POV:Hawak-hawak ang kaniyang bag sa kaliwang kamay, naka'unbotton ang dalawang butones sa kaniyang pang-itaas. Ang necktie na hindi maayos ang pagkakasuot.At may nilalaro siya sa kaniyang bibig na isang bagay na kayang gumawa ng isang lobo habang hinihipan.Animo'y expert na expert siya sa pagpapalobo nito, lumalaki na nang lumalaki ang hinihipan niyang isang maliit na bagay sa kaniyang bibig.Natutuwa siya sa kaisipan na ito na ang kaniyang tagumpay. Makukuha na rin niya ang inaasam na bagay sa buong buhay niya dahil sa pagpapalobo.Ngunit bigla rin itong pumutok at kumalat ang malalagkit na bagay sa kaniyang mukha dahil sa guro niya na m
"H-how...h-how come..."Hindi niya makapaniwalang sabi.Pailing-iling pa ito habang ang kaniyang katawan ay bumabagsak na paibaba.