LOGINAlas dose na ng hapon, nandito pa rin sa loob ng silid-aralan si Jarah. Imbis na nasa labas na siya upang kumain ng tanghalian.
Ang kaniya lamang ginagawa ay pagmasdan ang mga taong nagsisilabasan, habang ang katabi naman niya ay patuloy lamang sa ginagawa.
Kanina pa sa loob ng discussion nila napapansin na busy ito sa pagguguhit ng isang mukha. Ni hindi man lamang sinisita ng guro na pumapasok sa loob ng silid-aralan.
Siguro noon pa man ay ganito na talaga ang lalake.
Pasulyap-sulyap lamang siya sa ginagawa nito.
Inaalam kung sino ba ang taong nasa guhit nito. Kuhang-kuha, parang tao talaga ang nasa papel na pinangguguhitan nito.
Magaling sa pagguhit ang lalake. Nakikita na niya ang future nito na maging isang painter o kung ano man ang opportunity na may tungkol sa arts.
Ngunit may part din sa kaniya na hindi sa lahat ng mga tao pinipili ang kakayahan na meron sila. Mayroon na iba na mas pinili na kumuha ng ibang kurso na gusto nila.
Manghang-mangha siya sa ginagawa nito at hindi man lamang niya namalayan na sila na lamang palang dalawa ng lalake ang nasa silid-aralan.
Ganon siya kapag may nakikita siyang nakakagiliw sa kaniyang mukha. Kung anong oras matapos ang nakikita niya, doon lamang din siya titigil sa kakatitig sa bagay na iyon.
"Are you done checking my artwork?" Napabalik ang kaniyang diwa nang marinig ang boses na iyon na nanggagaling sa lalake.
Napadako ang kaniyang tingin dito bago umiling.
'Nakakatakot ang boses niya.' Komento niya sa boses nito. Kaboses nito ang iniidolo niya sa Blood.
Isang pelikula na tungkol sa mga bampira.
"Kung ganon maaari ka ng lumabas at umalis sa harapan ko." Dagdag pa nito sa sinabi kanina.
Mahihimigan sa boses nito ang pagkawalang interesado sa kaniya. At sa kaniya ring presensya.
Napakamot na lang siya sa kaniyang batok at tiningnan na ang mukha nito.
Medyo nagulat naman siya nang tuluyan na niyang mapagmasdan ito. Dapat kanina napagmasdan na niya ito nang maigi, pero naalala niya na hindi siya mahilig mantitig sa mukha ng mga karamihan.
"S-siya..."
Hindi makapaniwalang sabi ng kaniyang isipan. Hindi niya aakalain na dito pa niya makikita ang lalake.
Ang lalake na iniiwasan niya simula pa noong una. Hindi man alam ng lalake kung sino siya, samantalang siya naman ay may konting nalalaman sa lalake na kasama niya.
Inalis na lamang niya sa kaniyang utak ang kaniyang naiisip bago ngumiti nang malawak sa lalake.
"Ang galing mo kasi 'e. Masama na bang mamangha, saka anong pangalan mo?"
Kilala lamang niya ito sa mukha. Ngunit ni minsan walang nagbigkas sa ngalan ng lalake.
Napataas naman nang kilay ang katabi niya bago umismid.
Mas lalo siyang napanguso sa nakikita.
'Wala talaga siyang interesado na makipag-usap sa akin. Noon naman ang daldal niya sa harapan ko. Bakit kaya bigla siyang nagbago?'
"Hindi ko binibigay ang pangalan ko sa hindi ko kilalang tao." Seryoso nitong sagot sa tanong niya. Ni hindi man lamang siya binigyan ng kahit isang sulyap man lamang.
Patuloy ito sa ginagawang pagguhit. Kung kanina tamang shades shades lamang ng lapis, ngayon naman ay kinukulayan na nito ang drawing niya ng color pencil.
Mas lalo siyang napabilib nito sa ginagawa. Gusto niyang angkinin na ang gawa nito, pero magagalit lamang ito sa kaniya.
Nakita niya na may nakasulat sa ibaba ng mukha ng babae.
Maliit lamang ngunit nababasa pa rin niya.
'Hara Jay, sino naman kaya iyan?'
"Maiba na nga lang, hindi ka ba aalis ngayon?" Takang tanong niya rito dahil kanina pa ito nakaupo at parang walang alam sa mga nangyayari.
"Sa iyo ba ang school na ito para paalisin ako?" Sagot nito na hindi siya tinitingnan.
Malamig pa rin ang pakikitungo nito sa kaniya. At ang sagot nito ay may pagkasarkastiko na ngayon niya lamang na'experience sa iba.
"H-hindi sa ganon ang ibig kong sabihin. Hindi ka ba kakain?" Pangangatwiran naman niya.
Iba ang iniisip ng lalake sa kaniyang sinabi.
"Paano ako kakain kung wala namang nakahain." Pamimilosopo pa nito sa kaniya.
Napakagat na lamang siya sa kaniyang labi dahil sa labis na kahihiyan kapag kaharap ang lalake.
Gustuhin man niyang sabunutan ang lalakeng ito dahil sa pamimilosopo, pero hindi niya magawa dahil na rin sa bago lamang siya.
Nag-isip pa siya ng dapat niyang tanungin sa lalake. Kaso nagulat siya nang tumayo ito sa kinauupuan at kinuha lahat ng mga gamit nito.
Wala man lamang paglingon sa kaniyang kinauupuan. Nagtuloy-tuloy ito sa paglabas ng kanilang silid-aralan.
"Hmmp! Sungit naman no'n!" Naiinis niyang sambit sa kaniyang sarili at biglang naalala ang mukha na naman ng lalake.
"Hanggang ngayon ang gwapo niya pa rin talaga, pero bakit kaya siya nag-iba? Dati naman hindi siya ganyan makitungo sa iba. Saka sino namang Hara Jay iyon?" Sunod-sunod na katanungan niya sa sarili.
Pero bigla rin siyang napailing-iling. Sinampal niya nang isang beses ang kaniyang sarili bago maisipan na lumabas na rin sa kanilang silid-aralan.
Nag-inat-inat muna siya sa kaniyang pagkakaupo. Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at saka nagside- forward ng ilang segundo at maging upward na rin para mapantay niya ang kaniyang mga braso.
Pagkatapos niyon ay naisipan na niyang tumayo sa kaniyang pagkakaupo. Kinuha ang gamit na nasa lamesa at saka pinagpagan ang kaniyang palda kung sakali man na may dumi na nakadikit kung meron man.
At nang handa na siyang umalis. Nagsipasukan naman ang iba niyang kaeskwela na mga kalalakihan. Ito iyong mga studyante na kung makatingin sa kaniya ay parang basura.
At isa sa kanila ang nagsabi tungkol sa school nila.
They wearing those disgusted look while looking at her.
They even scanned her whole body like a maniac. That's why she covered her chest when they already in that part.
"Maganda ang iyong katawan. Pero mukha kang tiyanak sa iyong kabaduyan. Tsk!"
Komento ng leader nila na mukhang adik dahil sa guhit nito sa kilay at ang tattoo na nasa leeg na parang isang lion ang design.
"Hindi ka namin type. Huwag kang umasa. Mas marami pa riyan ang magaganda at masarap ikama." Nakangising turan naman ng lalake na nasa kaliwang bahagi lamang ng leader nila.
Nasa bulsa pa ng pantalon nito ang mga kamay at ang ilong ay may hikaw na akala mo ikinagandang tingnan.
Nagmadali siyang tumakbo palabas ng school. Narinig niya pa ang halakhakan nito na akala mo nanalo sa lotto.
Gusto niyang magsalita. Ngunit laging tumatatak sa kaniyang isipan ang sinabi ng kanilang guro. Bago lamang siya, at ang bago hindi nagpapasimula ng gulo.
Kaya titiisin niya hanggang isang buwan niyang pamamalagi rito.
Alas dose na ng hapon, nandito pa rin sa loob ng silid-aralan si Jarah. Imbis na nasa labas na siya upang kumain ng tanghalian.Ang kaniya lamang ginagawa ay pagmasdan ang mga taong nagsisilabasan, habang ang katabi naman niya ay patuloy lamang sa ginagawa.Kanina pa sa loob ng discussion nila napapansin na busy ito sa pagguguhit ng isang mukha. Ni hindi man lamang sinisita ng guro na pumapasok sa loob ng silid-aralan.Siguro noon pa man ay ganito na talaga ang lalake.Pasulyap-sulyap lamang siya sa ginagawa nito.Inaalam kung
THIRD PERSON'S POV:Hawak-hawak ang kaniyang bag sa kaliwang kamay, naka'unbotton ang dalawang butones sa kaniyang pang-itaas. Ang necktie na hindi maayos ang pagkakasuot.At may nilalaro siya sa kaniyang bibig na isang bagay na kayang gumawa ng isang lobo habang hinihipan.Animo'y expert na expert siya sa pagpapalobo nito, lumalaki na nang lumalaki ang hinihipan niyang isang maliit na bagay sa kaniyang bibig.Natutuwa siya sa kaisipan na ito na ang kaniyang tagumpay. Makukuha na rin niya ang inaasam na bagay sa buong buhay niya dahil sa pagpapalobo.Ngunit bigla rin itong pumutok at kumalat ang malalagkit na bagay sa kaniyang mukha dahil sa guro niya na m
"H-how...h-how come..."Hindi niya makapaniwalang sabi.Pailing-iling pa ito habang ang kaniyang katawan ay bumabagsak na paibaba.