Home / All / Demon's Slave / PROLOGUE

Share

Demon's Slave
Demon's Slave
Author: Lizel Tolentino

PROLOGUE

last update publish date: 2020-09-14 16:45:12

Prologue;

Amira's point of view

Pagod na pagod na ako't tagaktak na rin ang pawis ko, kanina pa ako naglalakad ni hindi pa man lang ako nag papahinga.

Mula nang pagbaba ko ng bus e hindi pa ako nagpapahinga o kumain man lang. Sayang din naman kasi yung oras na iuupo ko lang, kailangan ko na  makahanap ng trabaho at matutuluyan ngayon dahil may pasok na ako next week.

Galing pa ako ng probinsya, lumuwas lang ako rito sa Manila dahil nakakuha ako ng Scholarship sa isang sikat na School dito. Si Kuya na lang ang naiwan sa bahay namin sa probinsya, ayaw niya namang sumama dahil wala rin lang daw kami matutuluyan at isa pa may sentimental value yung barong-barong namin. Mga ala-ala nina Nanay at Tatay, yun ang sabi ni kuya Asher.

Ako nga pala si Asia Friday Philippines. Asia dahil nasa Asia kami, Friday dahil biyernes ako ipinanganak at Philippines dahil sa Pilipinas kami nakatira— joke.

Just kiddin' haha.

Ako si Amira Manlangit,may kapatid ako si Asher Manlangit. Mas matanda siya sa akin ng Pitong taon, 18 years old ako at 25 years old naman siya. Pero kahit na siya ang mas matanda saamin ay madalas akong nasusunod sa amin, pero once na seryoso na ang mukha ng Kuya ko? Wag ka na dapat pang makipag argumento sakanya. Siya na ang nasusunod. Nakakatakot siyang magalit. As in sobrang nakakasindak ang mga titig niya kapag galit at seryoso siya.

Wala na kaming mga magulang. Ang sabi sa akin ni Kuya Asher ay namatay raw sina Nanay at Tatay sa isang holdap-an, at hindi na raw nahuli pa yung pumatay. Sa palagay ko nga ay hindi iyon ang totoong istorya, hays. Pero hayaan na,yun ang sabi ni kuya e.

"Hays, san kaya ako makakakuha ng traba—" naputol ang sasabihin ko nang madapa ako.

Ugh, lord why all of a sudden? Pagod na pagod na ako't lahat - lahat na e nakadikit pa rin si kamalasan sa akin. O sadyang napaka clumsy ko lang talaga at ayaw kong tanggapin na lampa ako kaya iniisip ko na lang na kamasalan `to? Aish, ewan! Basta masakit sa dibdib.

Buti na lang talaga at walang nakakakita dahil kung hindi, kahihiyan nanaman ito!

Sabagay, wala na rin naman talaga nakakakita sa katangahan ko dahil gabing-gabi na. 9:00 I guess? Sobrang dilim na kasi at wala nang mga street food vendors, wala na rin masyadong tao at bilang na rin lang ang mga sasakyang dumadaan. Tapos nakakakaba pa dahil iilan lang ang mga street lights.

Uhaw na uhaw na ako and  at the same time gutom na rin.

Tumayo na ako mula sa pagkakadapa at saka nagpatuloy sa paglalakad.

Mga ilang minuti pa ay nakaramdam na ako ng pananakit ng paa.

Tumigil muna ako sa paglalakad at saka tinanggal ang sapatos kong suot. Iniunat ko ang mga paa ko at kamay ko. Ipinikit ko rin ng mariin ang mga mata ko.

So tiring day.

Napahikab ako. Sana pagmulat ko may gwapo na sa harap ko,pampagood vibes ba hehehe. Umunat ulit ako at dahan dahang iminulat ang mga mata ko habang nakangiti.

Nang maimulat ko na ang mga mata ko at nawala kaagad ang ngiti sa labi ko. Tumingala ako.

"Lord, sabi ko po gwapo. Hindi chonggo." Ani ko ng nakangiwi.

May anim na gorilla-ng nakatayo sa harap ko habang may hawak na gin— joke tao talaga sila mukhang gorilla lang. Nakatitig lang sila sa akin.

Titig na mapangnasa, mga tang*nang manyakol na `to ako pa pinagnanasaan.

"Hi miss." Nakangusong ani manong na kalbo, nakakakilabot ang boses niya.

Nakatitig lang ako sakanya na parang wala lang, pero ang totoo? Kinakabahan na ako, help me! "Masyado ka nang naaakit sa kagwapuhan ko miss."

Ang kapal ng mukhang ingrown na `to ah.

"Kapal ng kalyo mo sa mukha manong, gusto mo tanggalin natin?"

"Aba, sumasagot ang bata!" sigaw niya at saka nagtawanan silang anim. Ay baliw? Kakatawa yun manong ha?

"Sumasagot?may quiz ba?" pabalang kong sagot.

"Iniinis mo ako ah."aniya

"Ay?naiinis ka pala?"asik ko.

"Oo, hindi ba halata miss?" Nakangising asik niya.

"Dahil ata sa kagwapuhan mo boss." ani ng nasa kaliwa niya na kalbo rin. Aba, ayos ah? Samahan ng mga matatabang kalbo. Ano sila? Buddha?

"Kala ko kasi natural nang kusot yang mukha mo manong hehe." Kala mo manong ha hmp.

Nagsitawanan ang mga kasama ni manong kalbo na mga kalbo rin kaya mas lalo itong naiinis, mukha na kasing pwet eh.

Pinagkakaltukan niya ang mga kasama niya at saka humakbang ng konti palapit sa akin kaya napaatras ako. Oh-no ,help meee!

"Masyado kang madaldal miss." ngumisi ito at binilisan ang pag hakbang papalapit sa akin kaya umatras lang ako ng umatras palayo sakanya hanggang sa may biglang humawak sa magkabila kong braso.

Sa ngayon ay walo na sila.

"B-bitawan niyo ako!"pilit akong nagpupumiglas pero hindi ko sila kaya, masyado silang malakas. Nanghihina na ako dahil sa pagod kaya wala na along sapat na lakas para lumaban. Ito na ba ang katapusan ko? Waaah! wag naman sana.

Hinawakan ako ni manong sa pisngi pababa sa mga balikat ko at saka pinisil ito. Dahan dahang inilapit ni manong kalbo ang mukha niya sa napaka- cute kong mukha kaya mariin akong napapikit.

Lord ,iligtas nyo po ak—

"Binitawan nyo siya o mababalian kayo ng buto?" ani ng kung sino kaya napamulat ako bigla. Nasa madilim siya parte kaya hindi ko makita ang mukha nito.

"Bata iisa ka lang, wag ka na makialam rito ikaw lang kawawa." sagot naman ni manong kalbo.

Bahagyang pumalakpak ang lalaking hindi ko maaninag ang mukha at pagkatapos no'n ay may apat na lalaking tumabi sakanya. What's this? Moron 5? Ay joke.

"Pwede na ba kaming makialam?"ani kuya. Ang angas niya huhu, my savior!

"Aba't—" bigla akong itinulak ng mga may hawak sa akin dahilan para tumilapon at matumba ako. Nauntog rin ako dahil sa pahkakatulak sa akin.

Aray ko naman, pwede namang bitawan lang ako diba? Bakit may kasama pang tulak?

Punyemass na mga kalbong mataba na mukhang Buddha. Dinig na dinig ko ang mga daing at lagapak na nagmumula sa pagbagsak at pagsuntok nila, hindi ko lang malaman kung sino-sino ang dumadaing at sino ang nananalo na dahil sa hilong nararamdaman. Mga ilang minuto din akong nakahiga at nakapikit sa kalsada, hilong hilo at tila bang naninikip ang dibdib ko.

Ilang segundo pa ay may lumapit sa akin. Limang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha nila dahil sa nanlalabo kong paningin, dagdag pa ng madilim na lugar na ito. Nasa unahan pa ang street light dahil tumilapon ako nang itulak ako ng isa sa mga kalbong mukhang Buddha.

Biglang umikot ang paningin ko at nandilim. Bago pa ako mawalan ng malay ay may narinig pa ako.

"IS THAT—AMIRA?"

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Demon's Slave   CHAPTER 3

    Chapter 3;HOTDOGAmira's point of viewLinggo na ngayon at limang araw na ang nakalipas mula nang mag stay ako rito kasama sina Dome. Marunong na rin ako gumamit ng mga bagay- bagay na wala sa probinsya.Tulad na lang ng STOVE kuno at FLAT SCREEN TV, noong una ay palpak at manghang- mangha ako kahit na hindi naman iyon kamangha- mangha sakanila. Lagi tuloy akong tinatawag nina Dome na Ignorant. Hindi naman kasi nila alam na wala kami ng mga ganoon sa probinsya at isa pa, wala naman talaga akong balak na sabihin sakanila. Babarahin lang nila ako.Gumising ako ng maaga ngayon para ipaghanda ng almusal ang mga señorito suplado's. 7:30 na. Gaya nga ng sabi ni Dome, kailangan kong gumising lagi ng maaga para gumawa ng alamusal nila.Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko sa couch. Ilang araw nang napaka himbing ng tulog ko dahil sa lambot ng higaan ko, 8 pm pa lamang kasi e natutulog n

  • Demon's Slave   CHAPTER 2

    Chapter 2;RULESAmira's point of viewNakaupo kami ngayon sa Salas ng condo ng limang lalaking `to,ang mga suplado kong tagapag- ligtas. Gara ano?Ayos lang naman sa akin na napaka suplado nilang anim, may attitude problem din naman ako minsan. Madalas lang yung pagka- isip bata hihihi, pake ko ba kung suplado sila? Basta cute ako hmp.Nakaupo ako ngayon sa couch na pang isahang tao lang talaga, habang sina Dome, Eros, Mark, Oliver at Nathan naman ay nasa harapan ko. Nakaupo sila sa mahabang sofa. Saktong- sakto naman ang pagkahaba ng couch na inuupuan nila dahil kasyang kasya silang lima.

  • Demon's Slave   CHAPTER 1

    Chapter 1;"Be our slave."Amira's point of view"IS THAT—AMIRA?"Napabalikwas ako bigla nang sumagi sa panaginip ko ang pamilyar na boses na iyon. Nakapikit pa rin ako habang nakaupo dahil sa hilong nararamdaman, hindi ko alam kung bakit nahihilo ako ngayon. Hush, ang sakit din ng ulo ko.Mariin kong ipinikit ang mga mata ko't hinilot ang sindito ko. Ewan ba kung bakit ako nahihilo ngayon.Ano bang nangyare at nahihilo ako ngay— Oo nga pala,may nangyare kagabi. Oo tama, yung kagabi. Kaya naman ako nahihilo ngayon e hays.Yung kagabi—KAGABIK-KAGABI!bigla akong napamulat nang maalala ko ang nangyare kagabi, Aish nauntog nga pala ako kaya ako nahihilo ngayon. Nang maimulat ko na ang mga mata ko ay natulala ako.May limang lalaki na nasa harap ko't naka titig lang din sa akin

  • Demon's Slave   PROLOGUE

    Prologue;Amira's point of viewPagod na pagod na ako't tagaktak na rin ang pawis ko, kanina pa ako naglalakad ni hindi pa man lang ako nag papahinga.Mula nang pagbaba ko ng bus e hindi pa ako nagpapahinga o kumain man lang. Sayang din naman kasi yung oras na iuupo ko lang, kailangan ko na makahanap ng trabaho at matutuluyan ngayon dahil may pasok na ako next week.Galing pa ako ng probinsya, lumuwas lang ako rito sa Manila dahil nakakuha ako ng Scholarship sa isang sikat na School dito. Si Kuya na lang ang naiwan sa bahay namin sa probinsya, ayaw niya namang sumama dahil wala rin lang daw kami matutuluyan at isa pa may sentimental value yung barong-barong namin. Mga ala-ala nina Nanay at Tatay, yun ang sabi ni kuya Asher.Ako nga pala si Asia Friday Philippines. Asia dahil nasa Asia kami, Friday dahil biyernes ako ipinanganak at Philippines dahil sa Pilipinas kami nakatira— joke.Just kiddin' hah

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status