Home / Lahat / Impossible / Chapter 11 - Dinner Date

Share

Chapter 11 - Dinner Date

Author: Piyaaah
last update Petsa ng paglalathala: 2020-09-19 08:59:41

"Table for two, please." Sabi ni Dawn sa waiter.

"Okay sir, please follow me." Aniya't sinundan nina Bea at Dawn ang waiter.

Nang makaupo na sila ay babalikan pa daw sila ng waiter para makuha ang order nila. Napahikab lang si Bea dahil nabo-bored sya. "Uy Dawn, anong oorderin mo?" Tanong nya

"Hmm, hindi ko pa alam. Kita mo namang wala akong menu na hawak diba?" Pambabara niya kay Bea.

Umikot ang eye balls ni Bea at kinuha yung bread knife, tinutok nya ito kay Dawn. "Alam mo kanina ko pa gusto putulin yang dila mo na yan."

"Naku wag po ate Bea, mamimiss mo yung pagtawag ko sayo ng bhebhe ko."

"Yan! Yan talaga ang dahilan kung bakit ko gusto putulin dila mo." Tumawa nanaman si Dawn sa kanya.

"Sabing wag mo putulin 'to di mo pa nga natitikman e."

"Huh?" Di kagad nagets ni Bea yung sinabi ni Dawn, medyo slow ang ate nyo.

"Wala! Basta ate Bea, tabi tayo mamaya sa higaan ah? Yakap ka lang sakin pag giniginaw ka sa aircon hahaha!"

"Gago, sa lapag ka lang."

"Aww. Sige na nga, bahala ka mag-isa sa kama mamaya." Bea just sighed from his childishness.

Dumating naman ang waiter na may dalang menu, nang maka-order na sila ay umalis nanaman ito para ibigay na ang order nila.

"Change topic na nga tayo. Uhm, may boyfriend ka na ba ate Bea?" Kaswal na tanong ni Dawn.

Naubo naman si Bea. "W-Wala ka nang pake dun."

"Ay nauutal ka ate Bea?"

"Tsk, wag mo nga ako ma-ate."

"Hahaha, sorry pero magalang ako sa mas nakakatanda sa'kin ih."

"Ah talaga? Alam mo bang hindi magalang yung pang-aasar sa mas nakakatanda sayo?"

"Nang-aasar ba ako? I'm just asking if you have a boyfriend right now. Pero ayaw mo namang sagutin."

Inirapan sya ni Bea. "Wala akong boyfriend, 'yan sinabi ko na. Okay ka na?"

Lumaki ngiti ni Dawn. "Ohh... so okay lang ba kung ako na yung maging boyfriend mo?"

Di makapaniwala si Bea ng marinig nya 'yon kay Dawn.

"Lakas ng tama mo Dawn, nakakapagtaka lang kung paano kayo naging related ni Audrey."

"Grabeh ka naman, kaya lang ako nagkaganito kasi tinamaan ako sayo." Bumanat ang lolo nyo.

"Juskooo, Dawn tantanan mo ko."

"Paano kung ayaw ko?"

"Isaksak ko kaya sa balat mo 'tong bread knife." Aniya't tinutok muli ang bread knife kay Dawn.

Tumawa na lang ulit si Dawn.

Nang dumating na ang pagkain nila ay kumain kaagad sila, ayaw intindihin ni Bea yung mga pang-aasar ni Dawn pero napipikon talaga sya sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to.

"Pwede bang maghanap ka na lang ng ibang tao na asarin ng ganyan." Iritadong saad ni Bea.

"Sorry, pero loyal akong tao."

"Wow, hindi halata sa hitsura mong loyal ka at mag-i-istick to one."

Napangisi si Dawn sa sinabi nya, "Bakit? Ano bang tingin mo sa'kin? I-realtalk mo 'ko."

Tinignan ni Bea si Dawn at nakitang seryoso talaga ito, huminga sya ng malalim at inamin ang kung anong tingin nya kay Dawn. "Sa totoo lang, mukha kang playboy. Malabong stick to one ka kasi ikaw yung tipong hinahabol ng babae e, sa gwapo mong yan stick to one? Nanloloko ka po."

Nagulat si Dawn sa nalaman nya, pero agad ding napawi ang reaksyon nya't napahagalpak.

"Wow, just... wow! Hahaha!"

Pinagtaasan lang sya ng kilay ni Bea.

"So inaamin mong napakagwapo ko, bhebhe qoh?" Ayan nanaman ang pagiging sira-ulo ni Dawn.

Napangiwi si Bea't nagsisising binanggit nyang gwapo si Dawn, "Hindi."

"No, no, no! Walang bawian yon, sinabi mo gwapo ako! Hahaha! Kinikilig ako bhebhe qoh, ayiieee."

"Magpakamatay ka na nga Dawn, nakakabanas ka talaga kahit kelan."

"Hihihi, ikaw talaga Bea! Pag ako nafall sayo gagawin ko talaga lahat para maging akin ka." Inirapan na lang ni Bea ang banat sa kanya ni Dawn.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Impossible   Chapter 30 - Epilogue

    Natulala lang si Bea nang mawala na si Dawn.She felt sad, but she had the urge to know something. Parang may kailangan syang imbestigahan. Kinuha nya ang kahon na binigay sa kanya ni Dawn at tinignan ang mga laman nito. Naalala nya din ang isang bagay na hindi nya nagawang itanong kay Dawn.Paano ako nahanap ni Dawn?Pagkakalkal nya sa kahon, wala na itong iba laman kung'di ang litrato at papel. Napahiga sya sa sahig nya at napa-isip. Parang may kakaiba syang nararamdaman eh. Tinignan nya yung kahon ulit pero wala na talaga itong laman.Napa-irap na lang sya at nabato ang kahon sa pader sa inis. Yun lang? Ba naman yan Audrey. Isip-isip nya, feeling nya talaga may kailangan pa syang malaman eh.Pagkatayo nya ay dinampot nya ulit ang kahon, pero nasira pala ito sa pagkakabato nya. Nanlaki mata nya ng makita nyang nabukas ang ilalim ng kahon, may laman pa itong ilang litrato at pap

  • Impossible   Chapter 29 - Ring

    Habang naglalakad kami ni Dawn, parang gun machine ratatat combat bibig nya kung makadaldal ng kung anu-ano. Pero di naman ako nagsawang makinig. Mayamaya ay napatingin sya sa kung ano at bigla na lang ako hinila sa isang shop."D-Dawn, ano ba yan. Muntikan na ko madapa.""Eheheh sorry." Aniya."Ano ba kasing bibilhin mo dito?""Singsing lang naman." Napanganga lang ako, then kinausap nya yung babae sa counter at pinakuha yung napili nyang singsing. After nya mabayaran yung singsing ay dinala nya ko sa may garden ng mall. "P-Para sa'kin yun Dawn?""Ay hindi, para sa akin yun." Pamimilosopo nya.Napa-irap lang ako.Nang tumigil kami sa isang magandang pwesto ay napaluhod sya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. I began to feel emotional again, "Joke lang yung kanina, para sayo talaga 'to."Natawa ako. "Yeah, alam ko."

  • Impossible   Chapter 28 - Goodbye

    Nang matapos na ang date nila Bea, umuwi na sila sa apartment nila. Di maiwasang makaramdam ng lungkot ang dalawa. Ayaw ni Dawn, ganun din si Bea kaso sa ayaw at sa gusto nila ay babalik at babalik pa rin si Dawn sa panahon nya.Pagkapasok nila sa apartment ni Bea, halos natahimik lang ang dalawa. Nagsalita naman si Dawn para mawala ang lungkot nila. "Ambilis noh? Parang kelan lang tayo nagkakilala tapos ngayon patay na patay ka na sa kagwapuhan ko." Natatawang sambit ni Dawn.Pagkaharap nya kay Bea ay nakita nyang tahimik itong umiiyak. "B-Bea, wag ka namang ganyan. Stop crying..." pakiramdam naman ni Dawn ay maiiyak na din sya."Andaya lang Dawn," napahagulgol si Bea at pumunta sa sofa nya para maupo. "Sana pala, noong una palang... sana di ako nagkagusto sayo..."Mas nasaktan si Dawn sa nasabi ni Bea. Pero hindi nya ito masisi, hindi nya din namang ine-expect na magkakagustuhan sila. Umupo na lang

  • Impossible   Chapter 27 - First And Last Date

    BEATRIX POINT OF VIEW"Oy! Beaaaaa!""Mmm...""Bea gising naaaa!""5 more minutes, please...""Gigising ka? Or ako na lang magpapaligo sayo?" Nagising ako sa banta na 'yon. Pagka-upo ko ay nakita ko si Dawn na naka-ayos na at mukhang ready na ready na.Nagtaka pa ko kung bakit sya naka-ayos ng ganun. "Saan ka pupunta?"Napangisi siya, "May date tayo Bea, anu ba! Gisingin mo na nga diwa mo!"Naalala ko na magd-date nga pala kami ngayon, napamadali naman ako mag-ayos. Sinabi nya na sya na daw bahala gumawa ng almusal. Sana naman magaling sya magluto, at mas lalong sana di masunog ang apartment ko.Nang matapos ako maligo, namili naman ako ng susuotin ko. After a half hour later, napagdesisyunan kong mag-suot ng floral dress at kinulot ko din buhok ko para bongga. First da

  • Impossible   Chapter 26 - Letter

    "No... way..." napatitig si Bea kay Dawn.And he was serious. Really serious."H-How... why... did you..." madaming tanong si Bea para kay Dawn, pero di nya alam kung ano muna ang itatanong kay Dawn.Malungkot lang na napangiti sa kanya si Dawn at inabot ang letter na hawak nya kay Bea. "Tsaka ito nga pala yung letter ni mama na binigay nya sa'kin, kasama ng box na 'to. Hindi ko mabasa ng maayos sulat nya kasi hindi na maayos ang kalagayan nya nung 8 pa lang ako, parang nastroke sya, sinulat nya daw ito sa akin noong mag-t-ten na ako. At sinabi nya sa akin na basahin ko ito pag nag-eighteen na ko, pero nito ko lang nakita yung box eh.""Si Audrey, n-nastroke?""Yeah... sana mabasa mo, di ko kasi maintindihan eh."Nang basahin ni Bea ito, hindi nya din maintindihan ang sulat. Magulo ang pagkakacursive nito, pero sinubukan nya pa rin intindihin. She tried to ma

  • Impossible   Chapter 25 - Going Back Home

    Malungkot man ang dalawa. Pinilit pa rin nilang maging masaya, ayaw nilang maging malungkot ang natitira nilang oras. Habang pauwi na sila, nagkwentuhan lang ang dalawa para mawala sa isip nila na limitado na ang oras ng pagsasama nila.Kinuwento lang ni Dawn ang buhay nya noong bata pa lang sya kasama si Audrey, hanggang sa kaniyang paglaki at kung papaano sya nakapag-time travel. Sa panahon kasi ni Dawn, maraming imbensyong di inakalang ma-iimbento talaga pagdating ng panahon. Isa na doon ang time travelling watch na ginamit ni Dawn upang makapunta sa panahon na 'to.Na-amaze lang si Bea sa kaniyang mga kwento at parang na-e-excite na lang sa future."So... hanggang kelan ka na lang dito?" Tanong ni Bea."Hmm, i only have 1 week. Yun na ang pinaka-max na araw na mabibigay sa'kin eh.""So you still have one day with me?" Nalungkot si Bea.Niyakap ito kaagad

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status