LOGINPagpasok ko sa bahay ay bumungad sa akin ang aking biggest nightmare.
"Saan ka galing?" Napatigil ako sa pag-akyat sa hagdan.Nilingon ko ang witch na worried na tumingin sa akin.
Tsk pakitang tao. As if naman na mdadala ako sa mga ganyan niya.
"The hell you care!" Sabi ko saka pumasok sa kwarto.Hinagis ko sa kama ang channel na bag ko.
Tsk the nerves of that witch. Napalingon naman ako sa isang book na favorite ko.
Ngayon alam ko na kung ano ang gagawin ko.
Habang naglalakad ako papunta sa school pinagtitingnan ako ng mga tao.Problema nila sa akin?
["Anong nangyari sa kanya?"]
["Nasapian siguro ng kabaitan"]
Tsk. Bahala sila dyan. Pagpasok ko sa classroom ay naagaw ko ang atensyon ng lahat.
"Elise, is that you?" Tanong sa akin ni Allianne saka niyugyug ako ng bongga-bongga.
Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Oo naman"Problema nila sa akin. Masam bang mag-ayos ng ganito.
"Cool" Komento ni Ange.
"Sanaol nagbago, para kanino ka nagbago?" Tanong ni Trisha.
Saka hinila ako sa upuan. Pinalibutan naman nila ako.
"Wala trip ko lang magsout ng ganito. Masama ba?"Napataas naman ang kilay nila.
"Hello! model ka kaya"Napangiti na lang ako mabuti na lang may nameet akong mga tao na real friends.
"Sus ngumiti ka na naman. Feeling ko may lovelife ka na" Kinikilig na sabi ni Trisha sabay sundot sa tagiliran ko.Feeling mo lang. Asa naman na magkakalovelife ako.
"Sira. Wala saka wala pa akong natitipuhan na lalaki"Ano bang masama sa pagsout ng blue shirt, maong pants, at rubber shoes?
"Nand'yan na si ma'am"
Bumalik na kami sa sarili naming upuan.
Ano ba namang itong seatmate ko hindi man lang ako nilingon? Tsk tibo yata ang isang 'to.
"Hello Gabriel" Sabi ko saka ngumiti.
Tumingin naman siya sa akin ng malamig.
"Huwag mo akong tawaging Gabriel. Hindi tayo friends"Ang sungit talaga nito. Buhusan ko kaya ng holy water para mawala ang kasungitan niya.
"Edi friends na tayo"
Ngumiti ako ng matamis sa kanya.
"Ayoko"
Nakasimangot na humarap na lang ako kay ma'am. Nakita ko pa na nagthumbs up sa akin si Allianne.
Buong klase wala akong naintindihan kasi natulala ako. Paano ko ba maging kaibigan si Gabriel?
"Aray! Taena!"
Napahawak ako sa pisnge ko. Napatingin ako kay Trisha na sinampal niya ako.
"Bakit mo ko sinampal?"
Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpeace sign naman siya.
"Kasi po aling Shane, lunch time na at kanina ka pa tulala"
Lunch na?! Tapos na ang recess.
Hinila ako ni Trisha kaya wala akong nagawa kundi magpahila. Naabutan namin ang cafeteria na ang raming tao.
Seriously?
"Habu, nand'yan pala kayo?" Tanong ni Porsche na kalalapit lang.
Kasama niya si Azrael at Marco.
Dumaan sa harapan namin si Gabriel kasama ang kaibigan niya.
"Pareng Raffy at Raikko sabay na kayo sa amin" Nilingon naman kami nila Gabriel saka 'yung Raikko.
"Huwag na Trisha, nakakahiya"
Napataas ang kilay ko sa pagngiti ni Gabriel kay Trisha at mabait ang way ng pagsasalita.
"Kumain na tayo. Huwag ka ng mahiya" Sabi ko saka hinila si Gabriel saka si Raikko.
Sumunod naman sila Trisha.
Umupo kami sa mahabang mesa. Si Trisha at Marco ang mag-oorder.
"Hi Elise"Napatingin ako kay Raikko ng batiin niya ako at kinindatan. Mabuti pa 'to mabait kaso nga lang mukhang playboy.
"Hoy Raikko! Playboy ka?" Tanong ni Ange.
Tumawa naman ito saka napakamot sa batok.
"Nakikipagkaibigan lang ako kay Elise. Ange"Ewan ko kung bakit nahihiya akong tumingin kay Gabriel. Bali magkaharap kami ngayon.
Siguro sa nangyari kahapon.
"Musta ka na pala Elise? Hindi ka ba napahamak sa lalaki kahapon?"Oo nga pala si Raikko ang kasama ni Gabriel kahapon.
Hindi ko pa nakilala 'yung isa.
"Oo naman"Gulat na gulat ang aking mga kasama.
"What! Sinong bumastos sa iyo na lalaki?!" Sigaw ni Allianne sabay hampas ng kamay niya sa mesa.Napatingin sa amin ang mga tao.
"Wow, nice one" Komento ni Azrael sabay ngisi.
Manyakis talaga ang isang 'to.
"Hoy bugnot! Napakapervert mo talaga!" Sigaw ni Allianne.
"Tatahimik na ako singat"
Langya talaga ng dalawang 'to. Napatingin ako kay Raikko na tinatakpan niya ang mukha saka palihim na tumatawa.
Ang weird kasi ng tawagan ni Allianne at Azrael, singat at bugnot pero sa kanilang dalawa mapapatunayan ang kasabihan na 'first love never dies'.
"So balik tayo kay Shane. So bakit nga nabastos?" Mahinahon na sabi ni Allianne.
Bumuntong hininga ako saka naisipan na sabihin sa kanila.
"Pumunta kasi ako sa bar, akala ng lalaki na bayarang babae ako kaya nakipag-away ako. Pero pinagtanggol ako ni Raikko at Gabriel" Sabi ko habang nakayuko."Tsk. Sabing huwag mo akong tawaging Gabriel"
Napa-angat ako ng tingin.
Wala pa ring nagbago sa mukha niya. Walang emosyon pa rin.
"Anong itatawag ko sa iyo, mahal, loves, hubby""Wala kang itatawag sa akin"
"Tsk. Pangalan mo 'yun kaya 'yan ang itatawag ko sa iyo Gabriel"
"Tama na 'yan, baka kung saan pa 'yan mauwi"
Napaiwas ako ng tingin. Langya talaga si Ange.
Dumating sila ni Marco dala ang pagkain namin. Pagkalapag naman nila ng pagkain ay nilantakan ko na.
Kumakain ako ng tahimik.
"Sabado na pala bukas" Sabi ni Ange."Oo nga"
Sa bahay na naman ako. Another boring life,
Wala kasi akong boyfriend.
NBSB pa ako kahit na may pagkabitchy attitude ako.
Kailan ka ba dumating si mr right? "Kumain ka nga hindi 'yung nakatulala ka sa akin"
Agad naman kumunot noo ako sa sinabi ni Gabriel.
"Huh?"
"Staring is rude"
Napairap ako sa kawalan. Tinitingnan ko ba siya? Asa siya tss.
"Hindi ako nakatingin sa iyo. Baka ikaw" Sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
"Dream on"
Ang sungit talaga ng isang 'to. Pag si Trisha ang kaharap ang bait. Tsk halata masyado ang isang 'to. Pero, hindi pa ako titigil sa gagawin ko gusto ko siyang maging friend.
Gusto ko matry ang boybestfriend. Sabi nila masaya daw kapag may friend ka na lalaki.
"Yehey, marami na tayo" Sabi ni Allianne sabay palakpak.
Hindi ko pinagyayabang pero ang gwapo at ganda ng mga barkada ko at higit sa lahat hindi sila mga plastik.
Alam kong lagi nila akong susuportahan, mamahalin at handang makinig sa mga problema ko.
"Balik na tayo sa room"
Tumayo ako at napakunot ang noo ko ng makitang nakatayo lang rin si Gabriel. May hinihintay yata ang isang 'to.
"Balak mo bang maging poste?" Nakataas kilay kong tanong
"Balik na tayo sa classroom Elise"
Sabi niya saka naunang lumakad.Tinawag niya ako sa pangalan ko.
Bakit bagay sa kanya ang pagtawag sa pangalan ko?
Kahit ayaw ko sa pangalan ko pero sa ngayon.
Gusto ko na lalo na siya na ang tatawag ng ganun.
Nakalimutan ko babalik na ako sa room.
Talandi ko talaga.
Masaya ako na nakilala ko siya. Sa tingin ko 'yun na ang pinakamasayang araw para sa akin.Naalala ko pa dati na naglalakad lamang siya kaya sinadya ko siyang banggain para pansinin niya ako kaso nasungitan ko siya.Ginaw ako rin ang lahat para mapalipat ako sa section nila para mapansin niya ako. Hindi ko rin akalain na magiging katabi ko siya.Nagulat ako noong isang araw na nakita ko siyang pumunta sa bar kaya naman tinulungan ko siya. Ang tapang pala niya kaya naman nasabi ko sa kanya ang ganung salita.Hindi ko rin akalain na close sila ni mama at pupunta siya sa bahay namin. Tapos pinakita niya sa akin ang picture ko noong bata ako kaya naman nahiya ako.Masaya ako dahil ginawa niya akong kaibigan kaso nga lang hindi kaibigan ang tingin ko sa kanya kundi mahal na.Nasaktan ako noong hindi niya ako pinansin at pinagtabuyan pero nabawa rin noo
(Elise Shane Point of View)Hinatid ako pauwi ni Gabriel. Hindi ko alam kung ipapaalam ko sa mga magulang ko. Hindi naman sila concern sa akin kaya why would i bother? "Elise anak, may sasabihin kami ng mahalaga ng papa mo" Nilingon ko sila. Nagulat ako dahil tinawag nila akong anak. "Mahalaga ba 'yan? Tinawag niyo pala akong anak? Akala ko wala na kayong anak?" Lumapit ako sa kanila para pakinggan ang sasabihin nila. "Elise alam mo ba kung bakit kami laging busy sa company?"Hindi ako sumagot. Malay ko ba kung bakit sila busy sa company nila. "Dahil ginagawa naming lahat para lang sa iyo. Hindi namin hahayaan na mawawala ka sa amin" Umiiyak na saad ni mama. Teka? Anong sinasabi nila? Ako? Mawawala? "Anong sinasabi niyo? Ipaliwanag niyo
(Elise Shane Point of View)Lunch time na namin at hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kanina ni Gabriel. Akalain mo nga naman na may tinatago siyang sweet bones sa katawan. "Naks! Soon to be couple na nga kayo" Katyaw sa amin ni Marco. Napangiti na lang ako habang kumakain kami. Nilibre kami ni Gabriel dahil masaya daw siya ngayon. Iba talaga ang takbo ng mga utak nila. "Bakit? Selos ka?" Balik ko ng sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtawa ni Trisha habang ang katabi ko ay sinamaan ako ng tingin. "Hindi, baka 'yang katabi mo ang nagseselos"Nilingon ko si Gabriel na ang sama makatingin at nakahawak pa ng mahigpit sa milk tea niya. Taena, ang cute niya magselos. Namumula kasi ang mukha niya at tenga. Nagmumukha tuloy siyang kamatis. Sarap picturan kaso huwag na b
(Elise Shane Point of View)Pagkatapos niyang magsalita ay nagpatugtog sila. "Ano ang iyong pangalanNais kong malamanAt kung may nobyo ka na baSana nama'y walaDi mo ko masisisiSumusulyap palagiSa'yong mga matangO kay ganda o binibini"Taena, nagblush yata ako? Bakit nila ito ginagawa? Nakangiti naman ang mga classmate ko. "O ang isang katulad moAy dina dapat pang pakawalanAlam mo bang pag naging tayoHinding-hindi na kita bibitawan"Sanaol na lang masasabi ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kasi ak
(Elise Shane Point of View)Paano niya na sabi na mahal niya ako kung mahal niya si Trisha? Ano 'yun dalawa ang puso niya? Nagmamahal siya ng dalawang babae. Mukha na akong tanga habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko kasi maiwasan na isipin ang sinabi kanina ni Gabriel. Saka wala bang balak ang mga katulong na pakainin ako? Gutom na kaya ako. Nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko naman ito. Matingnan na nga kung sino ang nagtext. Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. From: Paring GabrielAling Shane, totoo ang sinabi ko. Hayaan mo ako na ipakita sa iyo. Manliligaw ako bukas kaya wala kang magagawa kundi pumayag. You have no right to say no. Napakademanding, siya na nga ang manliligaw tapos siya pa 'tong ganito magsalita. Wait? Manliligaw s
(Elise Shane Point of View)Sh*t. Anong gagawin namin?"Singat. Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Azrael.Mukhang seryoso ngayon si Azrael.Nagkatingnan lang kami ni Ange. Nag apologetic look ako kay Allianne. "Makinig ka bugnot sa sasabihin ko"Tumango naman si Azrael. Umupo ito sa tabi ni Allianne. "Buntis ako" Walang emosyon na nakatingin si Azrael kay Allianne. Huwag mong sabihin na galit siya o hindi siya masaya? Tatadyakan ko talaga siya.Walang naglakas loob na magsalita sa amin. Hinihintay lang namin na magsalita si Allianne at si Azrael. Problema nila yan."Kailan pa?" Tanong ni Azrael. Halata sa mukha niya frustrated.Sa wakas may nagsalita na sa kanila akala ko tatahimik lang kami.