Home / All / Loved / Chapter 4

Share

Chapter 4

Author: @missHYchii
last update publish date: 2020-10-24 10:47:13

(Elise Shane Point of View)

Ang boring sa bahay, kailangan ko talaga pumunta sa mall. Nagbihis na ako saka lumabas.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni mommy na mukhang witch.

"Sa pupuntahan"

Lumabas ako sa bahay saka pumunta sa garahe

Marunong na akong gumamit ng kotse.

***

Nakarating ako sa mall napansin ko na 'yung mga tao ay napapatingin sa akin.

Tsk problema nila?

Papasok na sana ako sa department store ng may nabangga ako.

"Sorry" Humingi ako ng tawad sa nabangga ko.

Alam ko kasi na ako ang may kasalanan.

Tinulungan ko makatayo ang babae. Siguro kaedad lang niya si mama.

"Ang bait mo naman hija. Halika samahan na kita"

Hindi na ako nakapalag ng hinila niya ako papasok sa department store.

"Mamili ka lang ng damit. Babayaran ko" Nakangiti niyang saad.

Huh?

Nakakahiya.

"Pero-"

Naputol ang sasabihin ko ng manlagay siya ng damit sa cart.

Hinayaan ko lang siya. Mabuti nalang same kami ng fashion sa damit. Kumuha rin siya ng rubber shoes saka pointed heels. Pumunta rin kami sa mga makeup stalls.

"Dapat light ang gamitin mong make up kasi maputi ka. Kapag dark naman para kang clown at pupunta sa bar" Sabi niya habang nilalagay sa cart ang liptint at conceler.

Marami kaming nabili kaya pumila na kami. Sana ganito si mama, nagbago na kasi siya tapos si dad ay busy sa company.

Ewan ko sakanila parang wala silang anak. Wala akong kapatid dahil only child lang ako.

"Gusto kong mamili ng ganito kasi wala akong anak na babae" Sabi naman niya.

Ano nga pangalan nito? Hindi ko siya natanong.

Lumingon siya sa akin.

"Ako nga pala si Alyana Cortes. Ikaw hija anong pangalan mo?"

Cortes?

Bakit parang pamilyar ang apelyido niya?

Parang narinig ko na.

"Elise Shane Mendez. Tawagin mo na lang akong Elise tita"

Tumango naman siya.

"Mendez? Anak ka ba ng may-ari sa Mendez Elite Company?"

Tumango naman ako.

Kami na pala ang sunod sa pila. Mabuti na lang at mabilis magpouch ang cashier na ito. Babayaran ko sana kaso pinigilan ako ni tita. Siya na daw ang magbabayad.

Lumabas na kami sa department store nang makabayad siya.

"Sasama ka ba sa bahay ko?" Tanong niya.

Sasama ba ako? Pero, siya ang nagbayad sa mga pinamili ko.

"Oo naman po"

Ngumiti naman siya. Mamaya ko na lang kukunin ang kotse ko.

Pinasakay niya ako sa kotse nila. May driver kaya siya na ang nagdrive.

Nakarating kami sa isang napalaking mansion.

Pinapasok niya ako at aaminin ko mas maganda ang bahay nila kaysa bahay namin.

Umupo ako sa may sofa.

Nagulat ako ng umupo sa tabi ko si tita.

"Hija ang sarap mong kasama. Oo nga pala dalawa ang anak kong lalaki. Pero wala sila dito"

Dalawa ang anak niyang lalaki.

"Ilang taon na po ang anak niyong lalaki?"

"19 at 16"

Napatango na lang ako. 18 pa kasi ako saka malay natin na mga gwapo pala.

"Ito may picture ako sa kanila. Sandali kukunin ko lang"

Tumayo siya saka pumunta sa isang kwarto. Tumayo naman ako saka tumingin sa mga picture frames.

Una kong kinuha ang isang picture frame na may batang nakatayo habang may hawak na bola.

Lahat ng picture frame ay tiningnan ko.

Hanggang sa napako ako sa kinatatayuan ko.

Why o why?

Bakit may picture dito si Gabriel kasama si tita Alyana?

"Hija halika na. Nakuha ko na"

Umupo ako sa sofa.

"Tita, Ano nga po pangalan ng mga anak niyo?"

Sana hindi siya ang nanay ni Gabriel

"Raffy Gabriel at Ryan Sebastian"

Kill me now.

Confirm kaya pala pamilyar ang apilyedo.

Ang tanga-tanga ko talaga.

"Bakit hija? May problema ba?" Tanong niya.

Napatingin ako sa album na dalawa. Kulay asul at kulay pula na may disenyong bulaklak ang mga album nila.

"Kaklase ko po kasi si Gabriel"

Mukhang naexcite naman si tita. Sana hindi niya kami i-ship.

"Talaga? Mukhang close kayo kasi pumayag siyang magpatawag ng Gabriel" Sabi niya at ngumiti ng malapad.

Ay, 'yun naman pala, kaya pala na excited siya.

"Bakit pala ayaw niyang magpatawag ng Gabriel kasi pangalan niya 'yun?"

Tsk ang arte naman niya kasi.

"Ewan ko nga sa anak ko"

Binuklat ni tita ang album.

Puro picture nilang mag-asawa. Habang nasa kalagitnaan na kami ng album.

"Akala ko wala kayong anak na babae? Sino 'to?" Tanong ko sabay turo sa tao na nakasout ng dress na pink.

Mukha talaga siyang babae.

"Wala talaga akong anak na babae. Si Raffy 'yan"

Agad nanlaki ang mata ko.

Si Gabriel 'to? Seryoso?

Bakla pala si Gabriel.

"Bakla pala si Gabriel. Kaya pala ang sungit niya"

Hindi ko maiwasang tumawa. May pang-aasar na ako sakanya. Kaya pala ang sungit kasi bakla saka naiingit siya sa kagandahan ko.

"Hija, hindi bakla si Raffy. Noong bata kasi siya akala namin babae siya kaya pinasout ko ng pangbabae na dress 'yun pala lalaki siya. Alam mo naman na gusto kong magka-anak ng babae"

What?

Ang weird rin ni tita Alyana. Sayang may pang-aasar sana ako.

Pwede na siyang tawaging Gabriella.

"Ano naman ang na sabi ni Gabriel?"

Ngumuso si tita.

"Nagalit siya noong makita niya 'to. Ipapatapon na sana niya"

Hindi talaga ako makapaniwala sa nalaman ko. Gusto pa naman sana ipagkalat ang tinatago niyang baho.

"Hija, sayo na lang 'to. Mukhang close kayo ni Raffy kaya sayo na lang 'to"

Hindi ako nakapalag ng iabot niya sa akin ang picture ni Gabriel.

Kinuha ko na lang. May naisip kasi ako.

"Hija kumain na tayo"

Yaya niya sa akin habang tiniklop niya ang album.

"Nakakahiya po sa inyo tita"

Aba'y dapat mahiya ako. May konting hiya pa naman ako sa katawan.

"Katulad nga ng sinabi ko. Para na kitang anak. Pwede kang bumisita dito if gusto mo"

Baka bumisita pa ako dito tapos nandito si Gabriel panigurado na sasabihan ako ng stalker.

Pinaupo niya ako sa upuan.

Hinanda naman ng mga katulong ang iba't-ibang klase na pagkain.

"Kumain ka ng malaki hija. Huwag kang mahiya"

Ang bait naman niya.

Sana ganito rin si mama. Miss ko na ang dating siya.

Ewan ko kung bakit siya nagbago.

Hindi naman siya ganyan dati dahil maalaga siya dati.

Ngayon para na siyang madrasta. Salamat at nakilala kita tita Alyana parang nanay ko na rin kayo.

Pinaramdam niyo sa akin ang gusto kong maramdaman sa magulang ko.

Kahit na mataray, masungit ako may kahinaan na rin ako. Kailangan ko lang ng pagmamahal ng isang magulang.

Akala ng iba okay lang ako pero sa looban ko ay hindi ako okay

Matapang ako sa panlabas na anyo pero sa panloob ang hina ko. Mabilis ako sumuko, katulad ng pagmamahal ko kay Marco.

Sumuko ako agad.

Anong laban ko kay Trisha? Mahal siya ni Marco.

Samantalang ako.

"What are you doing here?"

Napataas ang balahibo ko.

Sh*t! Nandito pala siya sa bahay nila?

Patay na.


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loved    Last Chapter

    Masaya ako na nakilala ko siya. Sa tingin ko 'yun na ang pinakamasayang araw para sa akin.Naalala ko pa dati na naglalakad lamang siya kaya sinadya ko siyang banggain para pansinin niya ako kaso nasungitan ko siya.Ginaw ako rin ang lahat para mapalipat ako sa section nila para mapansin niya ako. Hindi ko rin akalain na magiging katabi ko siya.Nagulat ako noong isang araw na nakita ko siyang pumunta sa bar kaya naman tinulungan ko siya. Ang tapang pala niya kaya naman nasabi ko sa kanya ang ganung salita.Hindi ko rin akalain na close sila ni mama at pupunta siya sa bahay namin. Tapos pinakita niya sa akin ang picture ko noong bata ako kaya naman nahiya ako.Masaya ako dahil ginawa niya akong kaibigan kaso nga lang hindi kaibigan ang tingin ko sa kanya kundi mahal na.Nasaktan ako noong hindi niya ako pinansin at pinagtabuyan pero nabawa rin noo

  • Loved    Chapter 19

    (Elise Shane Point of View)Hinatid ako pauwi ni Gabriel. Hindi ko alam kung ipapaalam ko sa mga magulang ko. Hindi naman sila concern sa akin kaya why would i bother? "Elise anak, may sasabihin kami ng mahalaga ng papa mo" Nilingon ko sila. Nagulat ako dahil tinawag nila akong anak. "Mahalaga ba 'yan? Tinawag niyo pala akong anak? Akala ko wala na kayong anak?" Lumapit ako sa kanila para pakinggan ang sasabihin nila. "Elise alam mo ba kung bakit kami laging busy sa company?"Hindi ako sumagot. Malay ko ba kung bakit sila busy sa company nila. "Dahil ginagawa naming lahat para lang sa iyo. Hindi namin hahayaan na mawawala ka sa amin" Umiiyak na saad ni mama. Teka? Anong sinasabi nila? Ako? Mawawala? "Anong sinasabi niyo? Ipaliwanag niyo

  • Loved    Chapter 18

    (Elise Shane Point of View)Lunch time na namin at hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kanina ni Gabriel. Akalain mo nga naman na may tinatago siyang sweet bones sa katawan. "Naks! Soon to be couple na nga kayo" Katyaw sa amin ni Marco. Napangiti na lang ako habang kumakain kami. Nilibre kami ni Gabriel dahil masaya daw siya ngayon. Iba talaga ang takbo ng mga utak nila. "Bakit? Selos ka?" Balik ko ng sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtawa ni Trisha habang ang katabi ko ay sinamaan ako ng tingin. "Hindi, baka 'yang katabi mo ang nagseselos"Nilingon ko si Gabriel na ang sama makatingin at nakahawak pa ng mahigpit sa milk tea niya. Taena, ang cute niya magselos. Namumula kasi ang mukha niya at tenga. Nagmumukha tuloy siyang kamatis. Sarap picturan kaso huwag na b

  • Loved    Chapter 17

    (Elise Shane Point of View)Pagkatapos niyang magsalita ay nagpatugtog sila. "Ano ang iyong pangalanNais kong malamanAt kung may nobyo ka na baSana nama'y walaDi mo ko masisisiSumusulyap palagiSa'yong mga matangO kay ganda o binibini"Taena, nagblush yata ako? Bakit nila ito ginagawa? Nakangiti naman ang mga classmate ko. "O ang isang katulad moAy dina dapat pang pakawalanAlam mo bang pag naging tayoHinding-hindi na kita bibitawan"Sanaol na lang masasabi ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kasi ak

  • Loved    Chapter 16

    (Elise Shane Point of View)Paano niya na sabi na mahal niya ako kung mahal niya si Trisha? Ano 'yun dalawa ang puso niya? Nagmamahal siya ng dalawang babae. Mukha na akong tanga habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko kasi maiwasan na isipin ang sinabi kanina ni Gabriel. Saka wala bang balak ang mga katulong na pakainin ako? Gutom na kaya ako. Nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko naman ito. Matingnan na nga kung sino ang nagtext. Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. From: Paring GabrielAling Shane, totoo ang sinabi ko. Hayaan mo ako na ipakita sa iyo. Manliligaw ako bukas kaya wala kang magagawa kundi pumayag. You have no right to say no. Napakademanding, siya na nga ang manliligaw tapos siya pa 'tong ganito magsalita. Wait? Manliligaw s

  • Loved    Chapter 15

    (Elise Shane Point of View)Sh*t. Anong gagawin namin?"Singat. Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Azrael.Mukhang seryoso ngayon si Azrael.Nagkatingnan lang kami ni Ange. Nag apologetic look ako kay Allianne. "Makinig ka bugnot sa sasabihin ko"Tumango naman si Azrael. Umupo ito sa tabi ni Allianne. "Buntis ako" Walang emosyon na nakatingin si Azrael kay Allianne. Huwag mong sabihin na galit siya o hindi siya masaya? Tatadyakan ko talaga siya.Walang naglakas loob na magsalita sa amin. Hinihintay lang namin na magsalita si Allianne at si Azrael. Problema nila yan."Kailan pa?" Tanong ni Azrael. Halata sa mukha niya frustrated.Sa wakas may nagsalita na sa kanila akala ko tatahimik lang kami.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status