LOGINAng bilis ng araw. Akalain mo lunes na ngayon. As usual ang raming chismosa sa paligid.
["Ano kaya ang nakain niya?"]
["Baka lason na pangpapabait"]
Nakarating ako sa classroom ng maaga. Excited lang ako sa naisip ko na plano.
"Maaga? It's miracle"
Langyang Trisha Bunganga niya agad ang narinig ko.
Gandang pangbungad.
"Masama bang maging maaga?" Sabi ko sabay lagay ng channel bag ko sa upuan.
Nasaan kaya si Gabriel? Ang tagal naman ng isang 'yun.
"Sus. May hinahanap" Tudyo ni Allianne.
Habang kinikilig sila ni Ange.
Pasalamat na lang at kaming apat palang ang nandito.
"Wala akong hinahanap" Nag-iwas ako ng tingin ng dumating si Gabriel."Yan ang ebidensya" Sabi ni Ange sabay nguso kay Gabriel na nakatalikod.
Inirapan ko lang siya tsk. Tumingin ako kay Gabriel na nagbabasa na ngayon ng libro.
Tsk, puro aral ang nasa isip nito.
Umupo na lang ako. Paano ko ba siya iapproach?
Kailan pa ako nahiya?
Ako si Elise Shane na model nahihiya sa isang lalaking puro aral lang?
Nasaan ang hustisya?
Mamaya ko na lang siyang kakausapin.
"Tingnan mo si Elise parang baliw lang" Rinig kong sabi ni Ange.
Nilinga ko naman sila. Agad naman sila nagpatay malisya ng tumingin ako ng matalim sa kanila.
Nagsidatingan na ang iba. Pati 'yung adviser namin.
"Guys, malapit na ang intrams so be ready. Color blue ang team natin kasi Grade 12 na tayo" Tumatango-tango lang ako.
Mabuti na lang at volleyball ang sinalihan ko kasama si Ange. Tanggap kaming dalawa sa try out.
Ano kaya ang sinalihan ni Gabriel?
Tsk bakit ko ba siya iniisip?
Maraming pang-dada si ma'am. Dapat may pangbato daw sa Ms. and Mr. Intrams.
Siyempre botohan kung sino ang pipiliin naming representative sa HUMSS department.
Siyempre naboto si Allianne, Ange, Trisha for muse.
Sure akong si Allianne ang mananalo.
Nabigla ako ng tumayo si Porsche may binulong kasi si Ange sakanya.
"I nominate Elise for muse"
Aangal na sana ako kaso sinara na.
Nagboto na sila. Wala akong pakialam kung sino ang manalo.
"Congratulations, Elise is our representative in intramurals"
Agad naman nanlaki ang mata ko.
Agad kong tiningnan ang boto.
Langya bakit ang raming boto sa akin?
Ibibitin ko patiwarik ang nagboto sa akin.
For prince charming na.
Bahala na sila dyan.
"I nominate Raffy for prince charming" Agad nanlaki ang mata ko.
Ngumisi pa sa akin si Trisha ng iboto niya si Gabriel.
Tinutulak nila ako kay Gabriel.
Itong si Gabriel bakit hindi umangal?
Hindi ako bumuto.
"Congratulations, Gabriel you are the representative of HUMSS department"
Wala na. Si Gabriel na ang nanalo.
"I hope na ipanalo niyo ang department natin"
Tumango lang ako. Ngumiti ako ng pilit. Nabibwiset ako kaso hindi ko pinahalata.
Lumabas na si ma'am pagkatapos niyang sabihin ang dapat gawin sa intrams.
Pumasok si ma'am Maria na teacher namin sa filipino. Mahalaga daw ang komunikasyon.
"Bakit mahalaga ang komunikasyon?" Tanong ni Ma'am.
Bahala sila dyan sumagot. Marami naman ang matalino sa amin.
"Elise!" Naitaas ko ang kamay ng tawagin ako ni Ange.Ngumiti naman si ma'am sa akin.
"Ms. Mendez?"Tumayo naman ako.
Go self!
Remind me to slap Ange later.
"Kung walang komunikasyon hindi tayo magkakaintindihan. Kagaya sa may mga karelasyon dapat may komunikasyon sila para hindi sila maghiwalay. Kadalasan na dahilan ng paghiwalay ng may karelasyon ay walang komunikasyon sa isa't-isa"Hminga ako ng malalim.
"Tama ka Elise. Pero dumating ka na sa pagmamahal"
Umupo naman ako.
Sinamaan ko ng tingin si Ange na nagpeace sign lang. Napasagot ako wala sa oras.
[Kring…]
Yehey my favorite subject.
It's recess time.
Oo nga pala sa sabado ang simula ng intrams.
"Tara na Elise" Yaya sa akin ni Allianne.
Sumama ako sakanila.
["Bakit kaya kasama nila si Elise?"]
["Diba malandi si Elise?"]
Nagulat ako ng lumapit si Allianne sa dalawang babae na nag-uusap.
"Hoy dalawang mukhang paa! Para sabihin ko sa inyo. Hindi malandi si Elise ang kapal ng mukha niyo husgahan siya. Mga chismosa!"Ang amazona talaga ng isang 'to.
"Hoy! Walang kang karapatan sigawan kami. Porket na boyfriend mo lang ang anak ng may-ari ng school mag-feeling reyna ka lang"
War na dis. Kaya ko naman protektahan aking sarili.
"Hoy! ka rin. Hindi ko siya boyfriend dahil asawa ko siya. Alam niyo kaya hindi umuunlad ang pilipinas dahil napakajudgmental ng ibang tao. Chismis dito chismis doon. Umalis nga kayo sa harapan namin baka hindi ako makatimpi ipapakain ko kayo sa alaga kong leon!"Natakot naman ang mga babae kaya umalis na lang sila.
Nakakatakot naman magalit si Allianne.
"Singat! Ang lakas naman ng boses mo"Alam niyo naman kung sino ang tumatawag kay Allianne ng ganyan.
"Tumahimik ka nga bugnot"Bahala sila dyan. Nakita ko na dumaan si Gabriel. Salamat at hindi niya kasama si Raikko.
"Gabriel!"
Lumapit naman ako sa kanya.
"Ayieee. Magkakatuluyan na 'yan. Road to love" Napailing nalang ako sa sinigaw ni Trisha.
"What?"
Ang sungit naman niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Nag-uusap na tayo diba? Ano bang tawag sa ginagawa natin?"
Masungit na nga, pilosopo pa.
"Basta mag-uusap tayo"
"K. Follow me"
Pumunta kami sa may garden.
"Gabriel. Pwede ka bang maging kaibigan?"
Nairita naman siya sa tanong ko.
"Bakit ba na gusto mo akong maging kaibigan?"Ngumiti naman ako.
"Gusto ko lang matry na magkaroon ng kaibigang lalaki"" Talaga lang?"
Nakita ko na ngumisi siya sa akin.
Bakit ang gwapo niya? Kahit scarstic siya magsalita.
"Oo naman"
Tumawa naman ako para mawala ang awkardness.
"Ito lang ang sasabihin ko. Ayoko!"
Tumalikod naman siya sa akin.
"Ayaw mong pumayag. Pwes! Ipagkakalat ko sa iba na bakla ka!"
Agad naman siya lumingon sa akin.
Winawagayway ko ang picture na binigay sa akin ni tita Alyana.
Kunot noong lumapit siya sa akin."Saan mo 'yan nakuha?"
Ngumisi naman ako.
"I have my way""Give it to me"
Patuloy pa rin niya kinukuha sa akin kaso hindi niya makuha.
"No! unless pumayag ka sa gusto ko"Nakita kong nagtitimpi siya. Lalong lumawak ang ngisi ko.
"Sige. Papayag ako pero sa isang kondisyon"May kondisyon pang nalalaman.
"Ano naman?""Ibigay mo sa akin 'yan at huwag mong ipagkalat sa iba"
Tumango naman ako.
"Isa lang ang masusunod ko 'yung huwag ipagkalat sa iba at itong picture sa akin ito"Nagulat ako ng seryoso siyang humakbang lumapit sa akin. Nagulat ako ng lumapit siya sa akin.
"You are so beautiful aling Shane" Sabi niya sabay ngisi.
Tumalikod siya at winawagayway ang picture.
Taena nakuha niya? Paano niya nakuha?
Teka?
Nagblush ba ako?
Ngumiti ba talaga siya? As in hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.
"From now on you are my friend aling Shane"
Aling Shane?
Sa ganda kong 'to tatawagin akong aling Shane.
Pero, ano daw?
Kaibigan na daw niya ako?
Masaya ako na nakilala ko siya. Sa tingin ko 'yun na ang pinakamasayang araw para sa akin.Naalala ko pa dati na naglalakad lamang siya kaya sinadya ko siyang banggain para pansinin niya ako kaso nasungitan ko siya.Ginaw ako rin ang lahat para mapalipat ako sa section nila para mapansin niya ako. Hindi ko rin akalain na magiging katabi ko siya.Nagulat ako noong isang araw na nakita ko siyang pumunta sa bar kaya naman tinulungan ko siya. Ang tapang pala niya kaya naman nasabi ko sa kanya ang ganung salita.Hindi ko rin akalain na close sila ni mama at pupunta siya sa bahay namin. Tapos pinakita niya sa akin ang picture ko noong bata ako kaya naman nahiya ako.Masaya ako dahil ginawa niya akong kaibigan kaso nga lang hindi kaibigan ang tingin ko sa kanya kundi mahal na.Nasaktan ako noong hindi niya ako pinansin at pinagtabuyan pero nabawa rin noo
(Elise Shane Point of View)Hinatid ako pauwi ni Gabriel. Hindi ko alam kung ipapaalam ko sa mga magulang ko. Hindi naman sila concern sa akin kaya why would i bother? "Elise anak, may sasabihin kami ng mahalaga ng papa mo" Nilingon ko sila. Nagulat ako dahil tinawag nila akong anak. "Mahalaga ba 'yan? Tinawag niyo pala akong anak? Akala ko wala na kayong anak?" Lumapit ako sa kanila para pakinggan ang sasabihin nila. "Elise alam mo ba kung bakit kami laging busy sa company?"Hindi ako sumagot. Malay ko ba kung bakit sila busy sa company nila. "Dahil ginagawa naming lahat para lang sa iyo. Hindi namin hahayaan na mawawala ka sa amin" Umiiyak na saad ni mama. Teka? Anong sinasabi nila? Ako? Mawawala? "Anong sinasabi niyo? Ipaliwanag niyo
(Elise Shane Point of View)Lunch time na namin at hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kanina ni Gabriel. Akalain mo nga naman na may tinatago siyang sweet bones sa katawan. "Naks! Soon to be couple na nga kayo" Katyaw sa amin ni Marco. Napangiti na lang ako habang kumakain kami. Nilibre kami ni Gabriel dahil masaya daw siya ngayon. Iba talaga ang takbo ng mga utak nila. "Bakit? Selos ka?" Balik ko ng sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtawa ni Trisha habang ang katabi ko ay sinamaan ako ng tingin. "Hindi, baka 'yang katabi mo ang nagseselos"Nilingon ko si Gabriel na ang sama makatingin at nakahawak pa ng mahigpit sa milk tea niya. Taena, ang cute niya magselos. Namumula kasi ang mukha niya at tenga. Nagmumukha tuloy siyang kamatis. Sarap picturan kaso huwag na b
(Elise Shane Point of View)Pagkatapos niyang magsalita ay nagpatugtog sila. "Ano ang iyong pangalanNais kong malamanAt kung may nobyo ka na baSana nama'y walaDi mo ko masisisiSumusulyap palagiSa'yong mga matangO kay ganda o binibini"Taena, nagblush yata ako? Bakit nila ito ginagawa? Nakangiti naman ang mga classmate ko. "O ang isang katulad moAy dina dapat pang pakawalanAlam mo bang pag naging tayoHinding-hindi na kita bibitawan"Sanaol na lang masasabi ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kasi ak
(Elise Shane Point of View)Paano niya na sabi na mahal niya ako kung mahal niya si Trisha? Ano 'yun dalawa ang puso niya? Nagmamahal siya ng dalawang babae. Mukha na akong tanga habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko kasi maiwasan na isipin ang sinabi kanina ni Gabriel. Saka wala bang balak ang mga katulong na pakainin ako? Gutom na kaya ako. Nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko naman ito. Matingnan na nga kung sino ang nagtext. Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. From: Paring GabrielAling Shane, totoo ang sinabi ko. Hayaan mo ako na ipakita sa iyo. Manliligaw ako bukas kaya wala kang magagawa kundi pumayag. You have no right to say no. Napakademanding, siya na nga ang manliligaw tapos siya pa 'tong ganito magsalita. Wait? Manliligaw s
(Elise Shane Point of View)Sh*t. Anong gagawin namin?"Singat. Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Azrael.Mukhang seryoso ngayon si Azrael.Nagkatingnan lang kami ni Ange. Nag apologetic look ako kay Allianne. "Makinig ka bugnot sa sasabihin ko"Tumango naman si Azrael. Umupo ito sa tabi ni Allianne. "Buntis ako" Walang emosyon na nakatingin si Azrael kay Allianne. Huwag mong sabihin na galit siya o hindi siya masaya? Tatadyakan ko talaga siya.Walang naglakas loob na magsalita sa amin. Hinihintay lang namin na magsalita si Allianne at si Azrael. Problema nila yan."Kailan pa?" Tanong ni Azrael. Halata sa mukha niya frustrated.Sa wakas may nagsalita na sa kanila akala ko tatahimik lang kami.