Home / All / Loved / Chapter 6

Share

Chapter 6

Author: @missHYchii
last update publish date: 2020-10-24 10:49:55

(Elise Shane Point of View)

Hindi ako makapaniwala, talaga bang ngumiti si Gabriel at pumayag siya?

Manglilibre na ba ako?

Hindi ko alam kung bakit ang bilis ko makarating sa room. Parang timang nga ako. Nakangiti ng mag-isa na bihira ko lang ginagawa.

"Ang ganda ng ngiti. Bakit kaya?" Tanong ni Allianne.

Humarang pa siya sa harapan ko at nagtaas ng kilay.

Mas lalong lumawak ang ngiti ko na nagpapakunot noo ni Allianne.

"Baliw ka na ba Elise? Tatawag na ba ako ng mental?" Sabi ni Ange sabay yugyug sa akin.

'Yung feeling na ngumiti ka lang dadalhin ka na sa mental ng mga barkada mo.

"Hindi pa ako nababaliw. Okay?" sabi ko saka umupo sa upuan.

"Bakit ka nakangiti?" Tanong ni Trisha.

Big deal ba sa kanila na ngumiti ako? Palangiti naman ako.

"Wala lang. Masama bang ngumiti?"

"Hindi naman. Nanibago lang kami"

Ang OA talaga ng mga taong 'to. Masama bang maging masaya. Nakita na umupo si Gabriel.

"Pareng Gabriel" Sabi ko at kumaway sa kanya kahit na nasa malapit lang siya.

Nilingon naman niya ako.

"Ano na naman aling Shane?"

Bakit ang sungit nito?

"Musta ang araw mo?" Nakangiti kong sabi.

Tumaas naman ang isa siyang kilay.

"Maayos naman. Ikaw?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.

Ano ba? Naiilang ako sa tingin niya.

"M-maayos naman" Sabi ko sabay tingin kina Trisha na nakangiti lang.

Iba siguro iniisip ng mga ito.

Pumasok na 'yung prof namin. Nakinig ako sa prof at ngayon naiintindihan ko na.

Kapag pala nakikinig ka maiintindihan mo. Naaliw ako sa prof kasi tinuruan niya kami magsalita ng bisaya.

"Ma'am ano 'yung i like you sa bisaya?" Tanong ko saka tumayo.

Nakatingin sa akin ang lahat.

"Gigugma kita"

Ngumiti saka umupo.

Nakinig ako hanggang sa dumating ang recess na time.

Siyempre nagsilabasan ang mga gutom kong classmate.

"Tara na Elise" Aya ni Allianne na nakangiti pa.

Sasagot na sana ako kaso.

"Sabay na lang kaming dalawa" Sabi ni pareng Gabriel.

"AYIEE. ENJOY YOUR DATE!"

Kumaway pa sila.

"Halika ka na aling Shane"

Ang bantot naman ng tawagan namin.

"Wait lang pareng Gabriel"8

Nakarating kami sa garden kasi marami kaming dalang pagkain na pangsnack. Dito kasi namin naisipan na kumain ng recess.

"Makahila ka naman pareng Gabriel" Sabi ko at hinampas siya sa balikat pero mahina lang.

Binuksan niya ang nova.

"Pasensya na, gusto lang kita makilala ng lubos"

Napatango ako.

Talaga lang?

"Musta ang lovelife?" Tanong ko.

Napatigil naman siya sa paglamon sa nova.

Tumingin siya sa akin. Nakita ko na malungkot siya.

"Nainlove ako sa taong may mahal na. Alam mo ba noong una ko siyang nakita. Ang lungkot niya at nasasaktan siya kaya nag-advice ako sakanya"

Napatigil siya sa pagsasalita.

Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan, siguro pareho kami na hindi kayang mahalin ng mga taong mahal nila.

"Tapos?"

"Noong malaman ko na sila na ng taong mahal niya. May part sa akin na masaya may part sa akin na malungkot"

Kawawa naman si pareng Gabriel, masakit rin ang dinanas niya

"Ikaw aling Shane bakit ka nainlove kay Marco?"

Napatigil ako sa pagkain ng tattos.

Tumingin ako kay pareng Gabriel saka nagbuntong hininga.

"Siya ang kauna-unahang lalaki na nakilala ko at minahal ko. Minahal ko siya dahil sakanya tumibok ang puso ko"

"Bakit mo 'yun ginawa kina Trisha at Marco?"

Pinagsisihan ko ang ginawa ko kina Trisha dati kaya nga ko bumawi.

"Nagmahal lang ako pero mali rin ang ginawa ko kaya nagparaya na lang ako at tinulungan sila"

Ewan ko kung bakit hindi na ako nasasaktan kapag narinig ko ang pangalan ni Marco.

Siguro nakamove on na ako.

"Mabuti naman ang ginawa mo at alam kong may nakalaan sa iyo pero hindi pa dumating"

Bakit ang dami niyang alam sa love?

Samantalang ako wala.

"Ikaw pareng Gabriel. Anong gagawin mo kapag may mahal ng iba ang taong mahal mo?"

Tinitigan ko siya ng matagal.

Ngumiti siya saka tumingin sa may langit.

"Papalayain ko siya. Kasi alam kong mas magiging masaya siya sa taong mahal niya"

"Edi masasaktan ka"

"Mabuti na 'yun kaysa naman sa pinipilit ko siya sa akin na wala naman siyang nararamdaman sa akin. Mas mabuti ang taong mahal niya ang magpapasaya sa kanya. Okay lang din na masaktan ako basta nakikita siyang masaya kaya okay lang"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Akala ko masungit siyang tao 'yun pala busilak ang kanyang puso. Siguro mas mabuting kilalanin ko pa siya ng lubos.

"Tara na aling Shane?"

Hinila niya ako saka kami dumiretso sa room.

Naabutan ko pang nagsisigawan sila.

"Stop there" Napatigil kami sa may pinto.

Nakita namin na may subong pangpito si Porsche.

Problema nito sa amin.

"Ano naman ang pakulo mo?" Tanong ko saka siya tinaasan ng kilay.

Lunapit siya sa amin saka inikutan kami.

"Saan kayo galing?" Tanong ni Porsche sabay tingin sa amin ng nagdududa.

"Sa garden" Simpleng sabi ni Gabriel.

Tumikhim na lumapit sa amin si Marco.

"Talaga lang? Kayo na ba?"

Napaubo ako sa sinabi nila.

"HINDI!"

Napalakas yata ang boses ko.

"Defensive much?"

Mukha ba kaming couple ni Gabriel? Magkaibigan lang naman kami.

"Magkaibigan lang kami ni Gabriel. Kaya huwag kayo mag-isip ng kahit ano. Maliwanag?"

Lumapit sa amin si Allianne saka ngumisi. Ang ganda talaga ng isang 'to.

"Magkaibigan lang kayo? So, bakit kailangan pang magholding hands kayo?"

Napatingin kami ni Gabriel sa kamay namin.

Ay oo nga pala hinila niya ako patayo kaya hindi namin namalayan na magkaholding hands kami.

Napabitaw naman kami sa isa't-isa saka nag iwas ng tingin.

"May nabobou na bang pag-ibig?" Tanong ni Ange sabay ngiti sa amin.

Nahihirapan na ako mag-explain sa kanila.

"Wala. Magkaibigan lang kami kaya huwag niyo kaming gawan ng issue" Sabi ni Gabriel.

"Pareng Raffy, naka-iscore ka na ba?" Napataas ang kilay ko sa tanong ni Azrael.

"Ang bastos talaga ng bunganga mo bugnot" Sabi ni Allianne sabay suntok kay Azrael.

Tsk manyak talaga 'tong si Azrael. Hindi ko namalayan na nakaupo na pala kami ni Gabriel.

"Singat naman. Mahal mo ko kaya please maawa ka"

Natawa na lang ako kay Allianne.

Under pala 'tong si Azrael. Mabuti na lang natatagalan ni Allianne si Azrael. Pero alam kong kahit na manyak si Azrael ay may respeto parin siya kay Allianne.

"Crush mo ba si Azrael?"

Nilinga ko si pareng Gabriel na nakatitig sa akin.

Bigla na lang akong tumawa ng malakas.

Hello! The best joke ever.

Ang babaw naman ng kaligayahan ko.

"Hindi. May asawa na 'yan tsk"

"Ang wagas mo kasing makatingin sa kanya"

Wait.

Tinitingnan niya ako kanina pa.

Pero.

Bakit?


Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Loved    Last Chapter

    Masaya ako na nakilala ko siya. Sa tingin ko 'yun na ang pinakamasayang araw para sa akin.Naalala ko pa dati na naglalakad lamang siya kaya sinadya ko siyang banggain para pansinin niya ako kaso nasungitan ko siya.Ginaw ako rin ang lahat para mapalipat ako sa section nila para mapansin niya ako. Hindi ko rin akalain na magiging katabi ko siya.Nagulat ako noong isang araw na nakita ko siyang pumunta sa bar kaya naman tinulungan ko siya. Ang tapang pala niya kaya naman nasabi ko sa kanya ang ganung salita.Hindi ko rin akalain na close sila ni mama at pupunta siya sa bahay namin. Tapos pinakita niya sa akin ang picture ko noong bata ako kaya naman nahiya ako.Masaya ako dahil ginawa niya akong kaibigan kaso nga lang hindi kaibigan ang tingin ko sa kanya kundi mahal na.Nasaktan ako noong hindi niya ako pinansin at pinagtabuyan pero nabawa rin noo

  • Loved    Chapter 19

    (Elise Shane Point of View)Hinatid ako pauwi ni Gabriel. Hindi ko alam kung ipapaalam ko sa mga magulang ko. Hindi naman sila concern sa akin kaya why would i bother? "Elise anak, may sasabihin kami ng mahalaga ng papa mo" Nilingon ko sila. Nagulat ako dahil tinawag nila akong anak. "Mahalaga ba 'yan? Tinawag niyo pala akong anak? Akala ko wala na kayong anak?" Lumapit ako sa kanila para pakinggan ang sasabihin nila. "Elise alam mo ba kung bakit kami laging busy sa company?"Hindi ako sumagot. Malay ko ba kung bakit sila busy sa company nila. "Dahil ginagawa naming lahat para lang sa iyo. Hindi namin hahayaan na mawawala ka sa amin" Umiiyak na saad ni mama. Teka? Anong sinasabi nila? Ako? Mawawala? "Anong sinasabi niyo? Ipaliwanag niyo

  • Loved    Chapter 18

    (Elise Shane Point of View)Lunch time na namin at hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa kanina ni Gabriel. Akalain mo nga naman na may tinatago siyang sweet bones sa katawan. "Naks! Soon to be couple na nga kayo" Katyaw sa amin ni Marco. Napangiti na lang ako habang kumakain kami. Nilibre kami ni Gabriel dahil masaya daw siya ngayon. Iba talaga ang takbo ng mga utak nila. "Bakit? Selos ka?" Balik ko ng sabi sa kanya. Nakita ko ang pagtawa ni Trisha habang ang katabi ko ay sinamaan ako ng tingin. "Hindi, baka 'yang katabi mo ang nagseselos"Nilingon ko si Gabriel na ang sama makatingin at nakahawak pa ng mahigpit sa milk tea niya. Taena, ang cute niya magselos. Namumula kasi ang mukha niya at tenga. Nagmumukha tuloy siyang kamatis. Sarap picturan kaso huwag na b

  • Loved    Chapter 17

    (Elise Shane Point of View)Pagkatapos niyang magsalita ay nagpatugtog sila. "Ano ang iyong pangalanNais kong malamanAt kung may nobyo ka na baSana nama'y walaDi mo ko masisisiSumusulyap palagiSa'yong mga matangO kay ganda o binibini"Taena, nagblush yata ako? Bakit nila ito ginagawa? Nakangiti naman ang mga classmate ko. "O ang isang katulad moAy dina dapat pang pakawalanAlam mo bang pag naging tayoHinding-hindi na kita bibitawan"Sanaol na lang masasabi ko. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Hindi ko kasi ak

  • Loved    Chapter 16

    (Elise Shane Point of View)Paano niya na sabi na mahal niya ako kung mahal niya si Trisha? Ano 'yun dalawa ang puso niya? Nagmamahal siya ng dalawang babae. Mukha na akong tanga habang nakatingin sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko kasi maiwasan na isipin ang sinabi kanina ni Gabriel. Saka wala bang balak ang mga katulong na pakainin ako? Gutom na kaya ako. Nagvibrate ang phone ko kaya naman kinuha ko naman ito. Matingnan na nga kung sino ang nagtext. Nanlaki ang mata ko sa aking nabasa. From: Paring GabrielAling Shane, totoo ang sinabi ko. Hayaan mo ako na ipakita sa iyo. Manliligaw ako bukas kaya wala kang magagawa kundi pumayag. You have no right to say no. Napakademanding, siya na nga ang manliligaw tapos siya pa 'tong ganito magsalita. Wait? Manliligaw s

  • Loved    Chapter 15

    (Elise Shane Point of View)Sh*t. Anong gagawin namin?"Singat. Anong sasabihin mo sa akin?" Tanong ni Azrael.Mukhang seryoso ngayon si Azrael.Nagkatingnan lang kami ni Ange. Nag apologetic look ako kay Allianne. "Makinig ka bugnot sa sasabihin ko"Tumango naman si Azrael. Umupo ito sa tabi ni Allianne. "Buntis ako" Walang emosyon na nakatingin si Azrael kay Allianne. Huwag mong sabihin na galit siya o hindi siya masaya? Tatadyakan ko talaga siya.Walang naglakas loob na magsalita sa amin. Hinihintay lang namin na magsalita si Allianne at si Azrael. Problema nila yan."Kailan pa?" Tanong ni Azrael. Halata sa mukha niya frustrated.Sa wakas may nagsalita na sa kanila akala ko tatahimik lang kami.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status