Mag-log inCassiopeia POV
As I'm walking to the terminal I look up at the sky to check the moon and stars I don't know I just love the moon, stars and sun. The terminal is just a 5 to 10 minutes walk from our school so as an introvert human being I have my earphones and music on trying to avoid the gaze of people around me when I got there as usual the line is crazy but I'm used to it so it's fine.
*Fastforward*
"Cassiopeia anong oras ka nanaman natulog kagabi?" tanong ni mama habang papunta sa pwesto ko.
"Di ko alam ma parang alas tres yata yun," pagsisinungaling ko lagot kasi ako neto pag nalaman ni mamang inabot ako ng alas kwatro.
"Puro ka puyat tignan mo yang eye bags mo mas malusog pa sayo,"
"Ay wow nanlait pa nga," pabiro kong sagot don't get me wrong ganto lang talaga kami ni mama kasi sobrang close namin.
"Ma alas kwatro na natulog yan si ate," sigaw ni Chloe habang tumatakbo papunta sa kinaroonan namin ni mama.
"Imbento ka? Alas tres lang yun," sigaw ko pabalik epal talaga to parang timang.
"Sus nagsisinungaling pa parang di tayo magkasama sa kwarto ate naalimpungatan ako nung alas kwarto gising ka pa iyak iyak ka pa mukha kang timang kagabi," sagot nya habang ginagaya yung pag iyak ko.
"Para kang tanga baliw umalis ka nga sa harapan ko may practice ka pang pupuntahan diba? anong oras na lumayas ka na di namin kailangan ng baliw sa bahay." sagot ko kaso bigla akong binatukan ni mama kaya napalingon sakanya. "Para saan yun ma?" tanong ko habang kinakamot yung ulo ko.
"Alas tres ka pa ah tuktukan kita ng tinidor jan eh," sagot ni mama sabay taas ng tinidor.
"Eh wala namang pasok ma kaya okay lang yan tsaka mamayang gabi magsisimula na kong magreview para sa quiz namin sa Monday," pagdadahilan ko.
"Bahala ka sa buhay mo magpuyat ka ng magpuyat para tinigyawatin ka at bumaba yang dugo mo."
"Hindi naman daw nakakapimple yung pagpupuyat mama."
"Anong hindi tignan mo nga yang noo mo meron ka na kaagad tigyawat," sabi ni mama sabay turo sa noo ko kaya di na lang ako sumagot at kumain na lang.
Pagkatapos kong kumain pumunta na lang ulit ako sa kwarto para manuod ng kdrama maaga pa naman ala una pa lang mga ala syete na lang ako magrereview. Naalala ko nanaman yung paepal kong kapatid si Chloe nakakapang init sya ng ulo ang sarap talaga sipain ng mukha ng babaeng yun tapos bigla pa silang magsasama nung bunso namin na si Cairo aakalain mo tuloy na may world war sa bahay dahil naghaharutan silang dalawa akala mo mga bata eh kung tutuusin di naman na sila bata si Chloe 16 years old tapos si Cairo naman 13 years old pag nagdikit yung dalawang yun feeling ko nababawasan ng 3 years yung life span ko eh. Kilala kaming magkakapatid as CYC sibling pano yung pangalan namin ang initials CYC like Cassiopeia Yvette Charleigh, Chloe Yvonne Candice at Cairo Yves Cyrus nakakatuwa pa na planadong planado yung age gap naming 3 years.
Pagtungtong ng ala syete nagsimula na kong magreview at unang buklat ko pa lang ng notes ko naiiyak na ko sa dami ng imememorize so I decided to put on my earphones and listen to ASMR mas kumakalma ang mga laman loob ko pag nakikinig ako ng ASMR habang nag rereview.
"Okay let's start anatomy sya yung structure at shape example yung heart tapos yung physiology naman is yung function like how does the heart function. May dalawang type ng anatomy the gross anatomy and microscopic anatomy yung gross anatomy large and easy to observe while thr microscopic anatomy is very small and can be observe through microscope." I only read the parts that are highlighted para narin sa ikadadali ng buhay ko.
"Levels of structural organization C-C-T-O-O-O." Mahihirapan akong i-familiarize lahat ng to kaya gumawa ako ng mnemonics. "So let's say ako binubuo ako ng CHEMICAL level which is the first letter C such as water, nucleic acids, proteins, carbohydrates, fats and lipids and other bulk elements so basically speaking the chemical level involves how those atoms interact and combine into molecules, the other C stands for CELLULAR level the molecules in chemical level form organelles, such as the nucleus and mitochondria, which makes up cells, T stands for TISSUE level the similar cells and surrounding materials in cellular level make up tissues, O stands for ORGAN level the different tissues in tissue level combine to form organs, such as the uninary bladder, the second O stands for ORGAN SYSTEM level organs such as the urinary bladder and kidneys makes up an organ system and the last O stands for ORGANISM level organ systems make up an orgamism..." nagpatuloy ako sa pagrereview ng di namamalayan ang oras 9 o'clock na pala kaya napagdesisyonan kong pumunta sa kusina para kumuha ng makakain nagugutom na rin kasi ako pero sa kwarto na lang ako kakain habang nagrereview.
Nang makakuha na ako ng kanin at ulam pumunta na ulit akong kwarto at nagreview habang kumakain. "... Body positions and directional terms ano ano tong mga to? supine means nakahiga prone means nakadapa superior means nasa taas inferior means nasa baba anterior/ventral nasa harap o harap posterior/dorsal nasa likod o likod medial midline o nasa gitna lateral malayo sa gitna intermediate gitna ng gitna proximal malapit sa attachment point distal malayo sa attachment point superficial mababaw deep malalim." pagrerecite ko habang kumain sana talaga mamemorize ko to within this week ang dami pang ime-memorize nakakastress may body landmarks, regions, quadrants at body cavities pa.
Natapos akong kumain kaya pumunta muna ako sa kusina para ilagay ang pinagkainan ko sa lababo pero di ko alam kung nabusog ba ko dahil putol putol yung pagkain ko nakafocus ako masyado sa pagmememorize, bago ako bumalik sa kwarto ay kumuha muna ako ng baso, tubig at snacks kasi di ko alam kung anong oras ako matatapos sa pagmememorize.
Napagpasyahan kong unahin i-memorize ang abdominopelvic quadrant at abdominopelvic region dahil mas kaunti ito kaysa sa body landmarks.
"Right upper quadrant, right lower quadrant, left upper quadrant and left lower quadrant," I recited the parts as I'm pointing at my abdomen while roaming around the room nanjan na naglalakad ako, uupo sa kama o di kaya ay nagstretching hoping that I will remember everything sabi kasi nila mas madali mo daw mamememorize ang mga bagay pag kumikilos ka.
"Right hypochondriac region, right lumbar region, right iliac region, epigastric region, umbilical region, hypogastric region, left hypochondriac region, left lumbar region and left iliac region. Jusko unang linggo pa lang ng klase mabaliw baliw na ko." pagmememorize ko habang nagpapagulong gulong sa kama ni hindi ko nga napansin na nakauwi na pala yung bruha kong kapatid eh.
Nagising ako dahil sa ingay na naririnig ko sa kusina feeling ko si mama nanaman yun nagsosona.
"Cassiopeia bumangon ka na jan tanghali na wala ka bang balak kumain?"
"Eto na ma wait lang," sagot ko habang inaayos yung mga papel na naka kalat sa kama shit nadaganan ko pala yung mga reviewers buti hindi napunit. "Ma sa kwarto na lang ako kakain magmememorize pa kasi ako eh," paalam ko kay mama habang papuntang kusina.
"Kumain ka kaya muna dito wag mong pagsabay sabayin ang mga bagay bagay."
"Sige bahala ka basta bilisan mo kumain at ibaba mo kaagad yung plato mo dito para maisama sa paghuhugas mamaya."
"Ma punta na ko sa kwarto magmememorize pa ko," paalam ko kay mama sabay bitbit ng plato na puno ng kanin at ulam. Pag dating ko sa kwarto nilapag ko yung plato sa mini table sa tabi ng kama ko at kinuha yung mga reviewer.
"Nasal-nose, Oral-mouth , Orbital-eyes, Buccal-cheeks, Cervical-neck... Teka kung ang neck is cervical edi yung cervical cancer is neck cancer? Pero sabi cancer yun sa cervix wtf is this sorcery? Well never mind." Napatigil ako sa pagmememorize dahil sa naisip kong kalokohan. "San nga ko natigil ah sa Cervical-neck okay Acromial-shoulder, Sternal-middle of chest, Axillary-armpit, Thoracic-chest, Brachial-upper arm/biceps, Antecubital-anterior elbow, Abdominal-stomach, Umbilical-navel, Pelvic-pelvis, Carpal-hands, Digital-fingers, Coxal-hips, Inguinal-singit... Wait what? Seryoso ba to? By the way tuloy mo na lang Cassiopeia Pubic-scrotum, Femoral-anterior thigh, Patellar-knee cap, Crural-leg, Tarsal-proximal foot— ay we anterior part pa lang yan? Wala pang posterior feel ko sasabog na utak ko." napatigil ako sa pagmememorize ng makita kong sa harap pa lang tong mga to meron pa palang posterior. "Cephalic-head, Occipital-back of the skull parang malapit sa batok o mismong batok? Ano ba naman kasing sulat ko pang doctor na advance ka ghorl? Wait san na nga ako ulit ayun Deltoid-shoulder, Scapula-shoulder blade, Vertebral-spinal cord, Lumbar-lower back, Sacral-kuyukot, Gluteal-butt, Popliteal-posterior knee and Sural-surae/calves wow napakadami sasabog na utak ko argh..."
"Ate tapos ka na ba kumain? Kanina ka pa jan di mo na binalik sa kusina yung plato," nagulat ako ng biglang pumasok si Chloe sa kwarto di ko napansin na nandito na pala sya.
"Kanina ka pa jan?"
"Oo kanina pa kita tinatawag para kang shaman na nag-oorasyon jan may nalalaman ka pang paghawak sa katawan mo, akin na yung plato mo ako na magbabalik sa kusina," sagot nya sabay kuha sa plato.
"Yan maganda yan alipin sige na dalhin mo na yung pinagkainan ko dun hugasan mo na rin tsaka pwede ba nagmememorize ako kaya wag kang magulo," sabi ko sabay ngiti sakanya ng nakakaloka.
"Anong alipin ang kapal ng mukha mo ikaw nga mas mukhang alipin sating dalawa tapos kanina mukha ka pang shaman na nag-oorasyon." nanggagalaiti nyang sagot. Sabi ko na nga ba mapipikon to eh HAHAHA.
"Pumunta ka na doon alipin bakit hindi mo sinusunod ang amo mo? Lalaban ka na? Umalis ka na shoo ay oo nga pala isara mo yung pinto," sasagot pa sana sya kaso binigyan ko na sya ng magrereview-na-ako-look kaya wala na syang nagawa kundi umalis.
Sinimulan ko na ulit ang pagmememorize ng last part ng lesson. "One, two, three, four, five, six okay six lang yung body cavities madali lang to cranial, spinal, thoracic, diaphragm, abdominal and pelvic cavity so yung cranial at spinal doon sya sa dorsal body cavity tapos the rest abdominopelvic cavity na,"
Basically speaking I spend my weekdays and weekend memorizing those shit. Pagdating ng Monday maaga ako nagising kaya medyo maaga akong dumating sa school kaso di pa ko nakaayos I just pick a random cloth which happen to be a gray dress above the knee yung haba para syang off shoulder na hindi kasi may strap sya tapos may sleeve na hanggang siko it also hugs my figure, nagmake up lang ako katulad ng lagi kong ginagawa nakamessy bun ako ngayon kasi tinatamad ako magsuklay tapos nakaheels rin ako.
"Ate anjan na ba si doc?" tanong ko sa isa kong kaklase di ko kasi matandaan pangalan nya.
"Wala pa be magreview ka muna para ready tayo sa quiz mamaya," sagot nya habang nakatingin parin sa libro nya sana all may libro na diba ako kasi sulat sulat lang muna di pa kasi dumadating yung inaasahan naming pera ni mama yun yung ipangbibili namin ng libro at iba pang kakailanganin sa school.
"Ah... Sige ate salamat pero bakit nasa labas pa kayo? May tao pa sa lab?" sagot ko habang binababa yung bag ko para hanapin sana yung suklay ko kaso di ko makita naiwan ko pa yata sa bahay. "Uhm... Ate may suklay ka? Pwede manghiram kung okay lang naman nawawala kasi yung suklay sa bag ko eh."
"Ay be wala kasi nakatali na buhok ko di rin naman ako palasuklay kasi di naman sya mahaba," sagot nya sabay turo sa buhok nyang nakabun. "Di ka yata ready ngayon be last week kasi bongga ka," dagdag nya.
"Tinatamad kasi ako magsuklay kanina ate kaya sabi ko dito na lang ako mag aayos ng buhok ko kaso parang naiwan ko yata yung suklay ko sa bahay." sagot ko habang pilit kong inaalala name nya sino nga ulit sya? Ah! sya si ate Alexandrite Aiea Pryx.
"Pero nakapag review ka naman be? Ready ka na ba sa exam? Parang prepared na prepared ka eh." sabi nya sabay balik ng tingin sa librong hawak nya.
"Ewan ko ate nagreview naman ako kaso kinakabahan ako baka mahirap yung exam." sagot ko habang binabalik yung pagkakamessy bun ng buhok ko well parang uuwi akong walang suklay suklay ngayong araw.
Maya-maya pa lumabas na rin yung nga tao sa room kaya nakapasok na rin kami pawis na pawis na ko buti na lang pala nakabun yung buhok ko.
"Good morning class!" bati ni doc na halos kasunuran lang namin pumasok. "I have an announcement so please settle down." sabi ni doc since kasunod lang namin sya dumating medyo nagkakagulo pa mga kaklase ko may iba na nagbabasa ng libro, may iba na naglakad habang nagmememorize. After sabihin yun ni doc umupo na sa kanya kanyang upuan ang mga kaklase ko.
Hi guys sorry for the delay walang internet si wannabe author nyo btw hello sa mga nurses at nursing students jan actually habang sinusulat ko tong chapter na to narereview din ako HAHAHAHA so ayun enjoy hindi ko alam kung kelan ulit ako makakapag update basta pag may data at sinisipag ako lezz go. Medyo boring parin to so sorry po.
Cassiopeia POVMaya-maya lang din ay dumating na si mam kaya nilabas ko na lang ang yellowpad ko, dito ko muna isusulat yung notes ko kaso lang ang hahaba ng slides ni mam kaya nagdecide na lang akong picturan yung slides ang isusulat ko na lang yung sinasabi nya na wala sa slides.Mga kalahating oras na rin siguro ang nakakalipas nung magsimula si mam magdiscuss at naiinis na ko dahil hindi naman nya pinapaliwanag yung nasa slides nya as in binabasa nya lang tapos ang bilis pa ng pagkakabasa nya wtf lang walang pumapasok sa utak ko letse naman ang boring na nga ng subject nya tapos di pa nya ineexplain. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ni mam ng mga slides nya may kumatok sa pinto na nagcoconnect sa room namin at sa demo room sa kabila kaya nilapitan yun ni mam.Yung itsura kasi ng room namin ay parang isang malaking kwarto na may harang sa gitna
Cassiopeia POVSobrang pre-occupied ng utak ko halos walang pumapasok sa sistema ko na tungkol sa lesson ang iniisip ko lang ay kung makakauwi pa ba ako ng buhay, bakit ko ba kasi sila pinatulan eh gusto ko lang naman makagraduate ng payapa kung hinayaan ko na lang sana sila tulad ng ginagawa ko noon wala sana akong iniisip ngayon.Mabilis na lumipas ang 45 minuto kaya mas lalong lumala ang kabang nararamdaman ko mag-uuwian na ito na ba ang mga nalalabing minuto ng buhay ko? Mamatay na ba ko pagkatapos nito? Wtf Cassiopeia saan na napunta ang tapang mo kanina?"Sa mga cleaners maiwan kayo at maglinis may penalty pag tumakas ha babantayan ko kayo sa mga hindi naman cleaners pwede na kayong umuwi mag-ingat kayo." pagpapaalam ni mam."Goodbye Mam Cath, goodbye classmates see you tomorrow." sabay sabay na
Cassiopeia POVLumapit sa akin si Emerald para itanong kung may kapartner na ba ako, bilib din ako sa grupo nya hindi nila ako tinitigilan kahit na lagi kong sinasabi na okay lang ako mag-isa napapaisip tuloy ako na parang ang rude ko sakanila. "Wala pa nga eh hahaha," sagot ko at sinundan ko ito ng mahinang tawa para pagaanin ang awkward tension na nararamdaman ko. "Partner na lang tayo kasi pinagkaisahan nila ako wala tuloy akong kapartner," paliwanag nito na tila ba nagsusumbong sa akin. "Tignan mo si Sapphire kapartner si Crystal tapos si ate Alexandrite kapartner si Gavin." dagdag nito sabay kapit sa braso ko at sabay turo sa mga kaibigan nya. "Uhm... Sige partner na lang tayo kung
Cassiopeia POVBigla nanamang umatake ang pagiging clumsy ko dahil bigla kong natabig yung chuckie na naging dahilan ng pagtingin nilang lima sakin ayoko ng ganito. "씨발 (ssibal/fuck) Cassiopeia anong katangahan nanaman ang ginawa mo." naibulong ko sa aking sarili."Hala be okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni ate Alexandrite."Uhm... Oo ate ganyan talaga may pagka clumsy kasi ako tsaka hindi rin naman ako nabasa eh hehe." I replied then I let out an awkward laugh.Pagkatapos kong tumawa na parang timang ay kumuha na ako ng tissue sa bag para mapunasan yung ginawa kong kalat sayang wala pang masyadong bawas yun eh mabuti na lang at hindi ako nadumihan kung hindi mukha akong tanga buong klase meron pa akong
Cassiopeia POVNang makaupo na kami sa kanya kanya naming upuan ay nagsalita na si doc Arkinson habang nagseset up ng kanyang laptop."Tulad nga ng sabi ko kanina may announcement ako sainyo." panimula nito habang nagbubukas ng isang powerpoint. "Diba sinabi ko last week na may quiz tayo kaso nanggaling akong Baguio this weekend for some reason kaya hindi ako nakagawa ng questioner-" hindi na natapos ni doc yung sasabihin nya dahil naghiyawan ang mga kaklase ko."Yes! Edi walang quiz ngayon doc?""Ayun! Kanina pa ko kinakabahan buti na lang!""Oh my god! Yes!"Iilan lamang yan sa naririnig kong sigawan ng mga kaklase ko nanjan na may pumapalakpak, may pumipito, at mayroon ding winawagayway ang ka
Cassiopeia POVAs I'm walking to the terminal I look up at the sky to check the moon and stars I don't know I just love the moon, stars and sun. The terminal is just a 5 to 10 minutes walk from our school so as an introvert human being I have my earphones and music on trying to avoid the gaze of people around me when I got there as usual the line is crazy but I'm used to it so it's fine.*Fastforward*I got home safe and sound and as usual I go kiss my mom, eat dinner, talk about what happenned to my day, watch kdrama and sleep nothing new just a typical day of my boring life. The next day I wake up late nagbinge watch kasi ako ng kdrama kagabi kaya alas kwatro na ko nakatulog, pagkagising ko naghilamos lang ako saglit at pumunta sa kusina para kumain mamayang gabi na siguro ako magrerevie