MasukCassiopeia POV
Lumapit sa akin si Emerald para itanong kung may kapartner na ba ako, bilib din ako sa grupo nya hindi nila ako tinitigilan kahit na lagi kong sinasabi na okay lang ako mag-isa napapaisip tuloy ako na parang ang rude ko sakanila.
"Wala pa nga eh hahaha," sagot ko at sinundan ko ito ng mahinang tawa para pagaanin ang awkward tension na nararamdaman ko.
"Partner na lang tayo kasi pinagkaisahan nila ako wala tuloy akong kapartner," paliwanag nito na tila ba nagsusumbong sa akin. "Tignan mo si Sapphire kapartner si Crystal tapos si ate Alexandrite kapartner si Gavin." dagdag nito sabay kapit sa braso ko at sabay turo sa mga kaibigan nya.
"Uhm... Sige partner na lang tayo kung okay lang sayo." tinignan ko sila Sapphire habang masayang nagkukwentuhan napapaisip na lang ako na sana ganyan din kalakas ang loob ko para makihalubilo sa mga tao.
Tinawag ni sir Monteverde ang atensyon namin sa pamamagitan ng pagpito.
"Siguro naman may partner na ang lahat kaya simulan na natin ang activities, oo nga pala may nakalimutan akong sabihin kanina after nyo takbuhin yan ng balikan magjojog in place kayo for 2 minutes at 15 jumping jacks." wika ni sir at pumito ulit.
Hinayaan ko na lang na mauna ang mga kaklase ko at pumila kami ni Emerald bandang gitna malapit sa dulo kasunod nung mga kagrupo nya. Nagsimula na nga ang activity namin at unti-unti nang umuusad ang pila na di kalaunan ay ako na kasunod kaya tinanggal ko na ang heels ko at pumwesto habang hinihintay ang pito ni sir.
Ang awkward lang kasi above the knee nga yung suot kong damit tapos fit na fit pa sya sa katawan buti hindi ganon ka baba ang neck line nito kung off shoulder lang to baka nakita na nila kaluluwa ko pasalamat na lang talaga ako may parang strap sya, kailangan ko na talagang makabili ng uniform jusko sana mayroon na silang stock.
"Okay, ready... Set... Go!" Nagsimula na akong tumakbo ng marinig ko ang pagpito ni sir. Easy lang to sakin dati yatang laman ng kalsada to.
"43 seconds wow ang bilis mo girl." manghang sabi ni Emerald.
"Ha? Eh kasi lamang kalsada ako noon batak to sa mga larong kalye hehehe."
"Jog in place for 2 minutes start!" napabalik ang atensyon ko kay sir na pumito nanaman.
All I can say is ang awkward nasa akin ang spotlight madami dami pa kasi ang nakapila kasunod namin ni Emerald parang ito na yata ang pinaka mahabang dalawang minuto ng buhay ko.
"15 Jumping jacks ready start!"
Nagsimula na lang kaagad ako nung pumito si sir para matapos na tutal pagkatapos nito si Emerald na lang ang oorasan ko at magsisimula na rin kaming magpush up dun sa mat.
"Grabe Cassiopeia ang bilis mo tumakbo 43 seconds lang sayo yun samantalang ako inabot ng 1 minute and 33 seconds halos dalawang minuto." sabi ni Emerald at muli nanamang kumapit sa braso ko hindi rin feeling close itong babae na to no?
Napahawak ako sa likod ng tainga ko na para bang iniipit ko ang buhok ko sa likod nito kahit na nakabun naman ang buhok ko. "Ah iyon ba? Hehe sino pala gusto mo mauna ikaw o ako?" tugon ko sabay hawak sa batok ko.
"Ikaw na lang muna."
"Sige unahin natin yung sit-up at flexibility test para sa push up sabay na tayo." hindi na lang ako sumagot at nagready na para matapos na to pawis na ko ang init jusko naman.
"Lahat ng nasa bleachers lumapit na dito pwede ring umupo muna kayo sa mat may announcement pa ako nakalimutan ko sabihin kanina." pagtawag samin ni sir buti na lang talaga natapos na kami ang init dito sa gym gusto ko na bumalik sa room. "May gaganaping acquaintance party sa 2nd week ng July kaya magprepare kayo ng ipeperform ang mga seniors nyo na ang bahala sa food and props kung may tanong kayo just raise your hand."
"Sir lahat ba required sumali?" tanong ni Carmichael saktong yan din ang gusto kong itanong wala kasi akong bulak sumali.
"Oo nak may makukuhang incentives ang magpeperform." sagot ni sir. "May tanong pa ba?"
"Kelan kami magpapractice sir sa time mo ba?" tanong naman ni Gray.
"Hindi anak kasi may gagawin din tayong activities sa oras ng klase ko pwede kayong magpractice during those days na wala kayong pasok." sagot ni sir. "Ay oo nga pala magsasama ang 1A at 1B sa performance mag-aannounce na lang kaming mga prof sa gc ng nursing kaya yung wala pa sa gc pakiadd na lang kasi lahat ng information at announcement doon inaannounce." dagdag ni sir.
Seryoso ba to si sir? Mapipilitan pa tuloy kaming pumasok imbles na nasa bahay lang kami nakakainis tapos sa 2nd week na pala ng July magaganap yun eh last week na ng June.
"Eh sir anong concept or theme?"
"Gender equality yung theme tapos ang concept ng outfit nyo ay rustic galingan nyo kailangan manalo ang nursing ha kilala tayong competitive in terms of academics and extracurricular activities madalas nating nakakalaban ang educ sa ganyan kaya goodluck sainyo sige na pwede na kayong bumalik sa room nyo." pagpapaliwanag ni sir at umalis na.
"Ganto guys sa Wednesday na lang natin pag usapan yung gagawin natin sa party tapos simulan na rin natin ang practice," sabi ni Carmichael habang nag aayos ang mga kaklase ko samantalang ako papuntang bleachers para kuhanin ang sapatos ko.
Bago ako bumalik ng room nagcr muna ako kailangan kong magpunas ng pawis bago pumasok sa room baka mamatay ako ng maaga dahil sa aircon at pagdating ko sa room nandun na si Nurse Brooke kaya umupo kaagad ako.
"Nandito na ba lahat? Bago ako mag start ng klase gusto ko muna nag elect tayo ng set of officers since wala kayong homeroom teacher madaming old student dito kaya siguro naman may idea na kayo kung sino sa tingin nyo ang dapat iboto as officers." sabi ni sir habang nagsusulat sa white board. "Okay let's start, the nomination for class president is now open."
"I nominate ate Alexandrite for class president," masiglang sabi ni Carmichael.
"Sino si Alexandrite pumunta dito sa harapan 3 candidate lang ang tatanggapin ko ha tapos boboto na." pagtawag ni sir kay ate Alexandrite na ngayon ay naglalakad na papunta sa harapan.
"I nominate Cassiopeia for class president!" sigaw ni Emerald. Shit ayoko nga ng responsibilidad eh nakakainis gusto ko lang ng tahimik na college life ayoko na madagdagan pa ang stress ko yung nga majors pa lang namin di ko na kinaya eh.
"Anak Cassiopeia tara dito sa harapan." tawag sakin ni sir may magagawa pa ba ko edi pumunta na lang akong harapan.
"I nominate Ashley for class president." sabi ni Gray.
"Hoy gaga ka ayoko." pagtanggi naman nito sabay hampas kay Gray. Ang harot talaga ng dalawang yan.
Gay si sir Brooke kaya ang gaan lang ng atmosphere sa klase nya tulad nung nakaraang meeting sakanya chill lang sya.
"So during your time of presidency char anong gagawin nyo habang kayo ang president ng klase? Simulan natin sa unang candidate."
"Hindi ako mangangako nang kung ano dahil alam kong hindi na tayo mga bata college na tayo alam na natin ang tama at mali kung ako ang gusto nyo iboto nandito ako as ate nyo pwede nyo kong takbuhan pag may problema kayo kasi pamilya tayo dito 4 years pa tayong magsasama nandito na lang ako as guide nyo since ako ang mas nakakatanda sa room ayun lang po." mahabang tugon nito na umani ng palakpak maganda ang sagot nya sya na lang din iboboto ko.
"Okay, next Cassiopeia."
"Uhm... Actually ayoko talaga maging president kasi alam kong madaming responsibilidad yun at ayoko nun ayoko pa ng responsibilidad sir pwede pong magback out? Di pa po ako ready mag handle ng buong klase." sabi ko sabay tingin kay sir.
"Ay true 언니 (eonni/ate) sir ako din po ayoko din po maging president epal lang talaga yun si Gray." biglang sabat ni Ashley.
"Hm... It looks like Alexandrite wins by default anak kaya mo ba maging president?" tanong ni sir.
"Kakayanin po siguro sir tsaka hindi naman na po alagain ang mga kaklase ko kaya sure akong di ako mahihirapan ihandle sila." tugon nito.
"Okay miss president please do the honor."
Nagpatuloy ang botohan hanggang sa kumpleto na ang mga officer na kinakailangan.
"Miss secretary please give me a copy of our set of officers and miss president please do a seat plan with pictures give it to me next meeting for now let's start our class."
Nagsimula syang magdiscuss ng mga house bills at senate bills kaya nakinig na lang ako habang nagsusulat. Buong discussion nya ganon lang ang ginagawa ko may time na kumakain ako ng biscuits kasi nakakaramdam ako ng antok, ganon kakapal ang mukha ko kumakain ako sa harap mismo ng professor. Mabilis na natapos ang klase nya kaya nagsimula na kong maligpit ng gamit ko.
"Anak yung mga hinihingi ko pakibigay next meeting ha? At isa pa pala nagchecheck ako ng notes kaya sana nagsusulat kayo during my discussion."
"Hala shit may notes ka?"
"May nagpicture ba ng slides ni sir?"
"Ate president sana po gumawa ka ng gc para kung sinoman ang may picture nung slides ni sir maisend sa gc."
Nagsimula nanamang mag-ingay ang mga kaklase ko dahil sa sinabi ni sir buti na lang talaga mahilig ako magsulat habang naglelesson sa public school kasi ganon hahaha.
"Sige na mga anak class dismissed mag-ingat kayo madilim na." pagpapaalam ni sir at nauna na syang lumabas.
"Teka lang may announcement ako yung about sa sinabi ni Sir Monteverde kanina sa Wednesday tayo magmemeeting kung anong balak natin tapos sana makapagdala kayo ng 1x1 picture nyo bukas para sa seat plan ayun lang salamat." sigaw ni ate Alexandrite.
Isa-isa ng naglabasan ang mga kaklase ko kaya lumabas na rin ako gusto ko na umuwi manunuod pa kong kdrama. Pagdating ko sa bahay napapaisip ako kung makikipagkaibigan ba ako kila Emerald mukha naman silang mabait kasi lagi silang lumalapit sakin lalo na pag may mga groupings kaso hindi parin talaga ako sanay makihalubilo sa mga tao epekto siguro to ng nangyari sakin noong junior high pa ko.
*Throwback 3 years ago*
Habang naglalakad ako patungo sa room namin rinig ko na kaagad ang ingay ng mga kaklase ko pero pagdating ko sa mismong pinto bigla itong natahimik at tinitignan ako mula ulo hanggang paa may iba pa nagbubulungan kahit naririnig ko naman.
"Masyadong attention seeker."
"Taas ng taas ng kamay pag recitation halata namang sumisipsip lang sa teacher."
"Akala mo kung sinong matalino manang naman kung pumorma."
"Sinabi mo pa hindi na nga kagandahan ang pangit pa pumorma."
"Tignan mo naman yung buhok nya akala ko walis tambo ang dry, ang daming split ends buhok pa ba yan?"
"Hayaan na natin sya bumawi sa academics kasi ang pangit naman tignan na ang pangit na nga nya bobo pa sya."
Yan ang madalas kong naririnig sa mga kaklase ko simula pagkabata ko kasi nabubully na ko hindi naman kasi ako pinanganak na maganda eh kaya sinasabi ko sa sarili ko na dapat kahit sa academics manlang makabawi ako para naman hindi masyadong nakakahiya ang pangit ko na nga bobo pa ko diba.
Dumeretso na lang ako sa upuan ko baka kasi maubos pa ang pasensya ko at mapatulan ko sila lalo na iyong Shaine na yun sa lahat yata ng bitch sya ang pinakabitch akala mo kung sinong maganda eh nadaan lang naman sa puti at dede ewan ko ba kung bakit pinipilahan ng mga lalaki yan eh napakatrash naman ng ugali.
Kakatapos lang ng breaktime namin at may 2 subjects pa kaming natitira kaso wala yung English teacher namin ngayon kasi may inaasikaso.
"Hoy bitch pwede ba wag kang masyadong attention seeker masyado kang sumisipsip sa mga teacher eh hindi ka ba nahihiya ang pangit mo masyado para sumipsip." sabi nito sabay sipa sa upuan ko dahil sa likod ko sya nakaupo nilingon ko lang sya at bumalik na ulit ng tingin sa harapan.
"Ang lakas naman yata ng loob mo na hindi ako pansinin maganda ka ba?" at sinipa muli ang upuan ko doon na naubos ang pasensya ko.
"Ano bang problema mo? Kulang ka ba sa lamas ngayon bakit hindi mo tawagin yung jowa mo at wag ako ang pag interesan mo." pasigaw kong sagot dito.
"Atleast ako nay jowa eh ikaw sa tingin mo ba may papatol sayo?" sagot nito at inirapan ako, kumukulo na talaga ang dugo ko pag ito napatay ko jusko bakit ko ba naging kaklase to ng apat na taon.
"Alam mo nagpunta ako sa school para mag-aral hindi para maghanap ng jowa edi sana sa bar ako nagpunta kung lalandi lang ako isipin mo yun apat na taon tayong magkaklase apat na taon kong pinilit na wag kang patulan kasi ang bobo mo kausap tapos ngayon lang pala darating yung araw na papatulan kita." tumayo ako sa kinauupuan ko at pumunta sa pwesto nya.
"Hindi ka rin naman kagandahan maputi ka lang at malamang yang dede mo lang ang habol sayo ng jowa mo kasi napakapangit ng ugali mo tsaka tignan mo nga yang sarili mo wala kang shape at wala ka ring pwet." parang lahat ng galit na kinikimkim ko sa loob ng apat na taon gustong kumawala ngayon palagi nya kong pinapahiya at binabody shame dahil hindi naman ako mapormang tao.
"Hawakan mo nga sa tenga."
"Ang dami namang sinasabi magsabunutan na kaagad kayo."
"Wala ka pala Shaine eh anong masasabi mo."
"PWEDE BANG MANAHIMIK KAYO! KAYO BA KINAKAUSAP KO? POKPOK DIN BA KAYO?" sigaw ko masyadong mga pakelamero ang sarap nila pagsasaksakin lahat eh.
Nakapaikot na saming dalawa yung mga kaklase ko habang yung mga kaibigan ko pinipilit akong pakalmahin.
"Hoy bitch ang kapal ng mukha mo sumagot sakin eh sa academics ka lang naman magaling." sagot nito na bakas ang gulat sa mukha.
"Ano nagulat ka ba na sa loob ng apat na taong pambubully mo sakin eh pinatulan na kita? Ang haba masyado ng pasensya ko no? natiis ko yung basura mong ugali kung pinanganak kang maganda edi good for you pero yung magpapahiya ka ng tao dahil hindi sya maganda ay putang ina mo." sasabunutan na nya sana ako kaso naunahan ko sya nasipa ko na ang binti nya kaya napaluhod sya ng wala sa oras.
"Sana sa susunod isipin mo kung sino binubully mo malay mo di ka lang pinapatulan kasi ayaw nya bumaba sa level mo o kaya ayaw nya lang magsayang ng oras sayo kasi wala kang kwentang tao bakit hindi mo subukang mag-aral para naman may utak ka na may ganda ka pa, iyon ay kung maganda ka nga talaga ay oo nga pala isama mo na rin yang dede mo tutal yan lang pinagmamalaki mo subukan mo ring magwork out baka magkashape at pwet ka." huling sabi ko kay Shaine na hanggang ngayon ay nakaluhod parin sa harap ko at hawak ang binti nya.
"Tapos na ang palabas mga hampaslupa pwede na kayong bumalik sa pwesto nyo masyado kayong chismoso magsama sama kayo." at naglakad ako papunta sa upuan ko tanging ang tunog lang ng takong ko ang maririnig sa room dahil maging ang mga kaklase ko ay gulat sa inasta ko.
Magkakaklase na kasi kami simula grade 7 at alam nilang hindi ako pumapatol kilala nila ako as sipsip na manang dahil yun kay Shaine yun ang madalas nyang itawag sakin kaya ang image ko sakanila ay isang manihang studyante na hindi kayang ipagtanggol ang sarili kaya ngayon gulat na gulat sila dahil pinatulan ko si Shaine.
Hindi nila alam na kapag inaasar nila ako at nginingitian ko sila ay halos patayin ko na sila sa isip ko. Lumalapit lang sila sakin pag may kailangan sila pagkokopya ng sagot sa assignments, hihingi ng papel at kung ano-ano pa halos katulong ang turing nila sakin dahil pag mag groupings ako ang ginagawa nilang leader at ako lahat ang gagawa mula sa visual aids, sa magiging content ng report at maging sa mismong reporting tapos magagalit sila pag di ko sinulat mga pangalan nila sa mga tumulong eh wala naman silang tinulong na kahit ano mga parasite.
"Oh bakit parang ang tahimik yata ng mga bobo kong kaklase?" pambungad na tanong ni Louie, mukhang sabog tong isang to ah isa rin to sa nambubully sakin eh bagay talaga sila ni Shaine isang walang utak at isang addict.
"Pwede ba tigilan mo ko sa drama mo Shaine iiyak ka pa sa jowa mo eh para namang may pake ako magsama kayo." this time sagad na sagad na talaga ang pasensya ko lalo na nung nakita ko ang pagmumukha ni Louie.
"Aba sumasagot na pala ang katulong ng section natin." manghang sagot nito. "Marunong ka pala lumaban eh sana noon pa bakit ngayon lang kung kelan patapos na tayo ng junior high?"
"Wala naman talaga akong balak pumatol sa mga bobo kaso kasi nakakaubos kayo ng pasensya eh."
"At ano tong sinasabi ni Shaine na pinahiya mo sya? Hindi mo ba matanggap na pangit ka? Bakit mo sya sinipa gusto mo yata makatikim ng sapak eh." halos umusok ang tainga nito sa galit.
Medyo natakot ako dahil alam kong nakashabu sya ngayon at wala sya sa katinuan pero hindi ko pwedeng ipakita na mahina ako okay na siguro yung apat na taong nagpabully ako sakanila.
"Oo pangit ako at oo sinipa ko si Shaine ano ngayon? Pasalamat nga sya sipa lang binigay ko mabait kasi ako kaya tama na yun." sagot ko at saka nagsmirk.
"Aba't gusto mo yata talaga masaktan eh ano ba gusto mo abangan kita sa labas ng school mamaya?" tanong nya na ano mang oras handa ng pumunta sa pwesto ko habang ako heto nakaupo lang.
"Pwede naman hmm..." huminto ako sandali at hinawakan ko ang baba ko na para bang nag-iisip. "So kita tayo sa labas mamaya?" pinilit kong ikalma ang sarili ko dahil alam kong once na inabangan ako sa labas nito either uuwi akong sugatan o hindi na ko makakauwi ng buhay.
Sikat ang school namin dahil tapunan ito ng mga pariwara sa buhay na mga studyante kaya lang naman ako nag aral dito ay dahil wala akong ibang choice hindi kami mayaman at ito lang ang malapit na school sa amin, nabalita na nga noon na may isang studyanteng nakapatay ng teacher dahil lang sinita ito sa pangdidistract nya sa mga kaklase nya.
"Alam mo naman siguro ang mangyayari sayo pag inabangan kita sa labas kaya kung mahal mo pa ang buhay mo magsorry ka kay Shaine." pagdedemand nito.
"Excuse me sinong magsosorry ako? Bakit kasalanan ko bang bobo sya?" tanong ko at tumingin ako sa paligid ko na tila ba hinahanap ang taong sinasabi nyang dapat magsabi ng sorry. "Pwede mo nga ako abangan sa labas sakto nagluto tayo sa TLE kanina at ang katulong nyo ay may dalang dalawang kutsilyo, 2 gunting, mga plato at frying pan. Hmm... Wait pili ka sa dalawang to kung alin ang gusto mong isaksak ko sayo pwede rin namang ihampas ko na lang sayo yung frying pan para hindi masyadong brutal sakto mababawasan na rin ng pabigat sa Pilipinas." dagdag ko at inilabas ang pinadala nilang kutsilyo sa akin.
Medyo napaatras sya nung nilabas ko na yung kutsilyo kaya napangiti ako I'm winning. Wala naman talaga akong balak pumatay malinis akong studyante wala nga akong record sa guidance eh tinatakot ko lang talaga sya.
"Babe tama na tara na maupo na tayo." pag awat samin ni Shaine at hinatak ang jowa nya para maupo sa likod ko saktong pagdaan nila sa gilid ko ay inilapit ko ang mga kutsilyo kay Louie.
"So ano? kita na lang tayo sa labas mamaya ikaw na rin bahala kung alin sa dalawang to ang gagamitin ko." huling sinabi ko at binigyan ko sila ng ngiti na nakakaloko.
Pagkatapos ng sagutan namin lumabas ako ng room para magcr kinalabahan ako kasi baka may magsumbong at ipaguidance ako jusko baka mamaya kung kelan last year ko na sana pa ko magkarecord isa pa sa iniisip ko ay paano kung abangan nga talaga ako ni Louie sa labas ng school mamaya?
Nagulat talaga ako sa sarili ko dahil nagawa ko silang kalabanin ewan ko pero may part sakin na masaya parang nabawasan yung bigat ng dibdib ko noong nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sakanila lalo na kay Shaine. Sanay naman na akong binubully at pinapahiya dahil simula grade 7 pa lang yun na ang ginagawa nila sakin pero hindi ko alam kung ano ang sumanib sakin ngayon at pinatulan ko sila.
Pagkatapos kong manggaling sa cr ay nagpahangin ako sa hallway pero mayamaya lang din ay napagdesisyonan kong bumalik na sa room, muling nabuhay ang kaba sa akin dahil baka may kung anong katarantaduhan nanaman silang ginawa sa gamit ko kaya nagmadali akong bumalik at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong hindi nila ginalaw ang gamit ko. Pagkaupo ko sa upuan ko sakto namang nagbell na at pumasok na ang last subject teacher namin.
Cassiopeia POVMaya-maya lang din ay dumating na si mam kaya nilabas ko na lang ang yellowpad ko, dito ko muna isusulat yung notes ko kaso lang ang hahaba ng slides ni mam kaya nagdecide na lang akong picturan yung slides ang isusulat ko na lang yung sinasabi nya na wala sa slides.Mga kalahating oras na rin siguro ang nakakalipas nung magsimula si mam magdiscuss at naiinis na ko dahil hindi naman nya pinapaliwanag yung nasa slides nya as in binabasa nya lang tapos ang bilis pa ng pagkakabasa nya wtf lang walang pumapasok sa utak ko letse naman ang boring na nga ng subject nya tapos di pa nya ineexplain. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ni mam ng mga slides nya may kumatok sa pinto na nagcoconnect sa room namin at sa demo room sa kabila kaya nilapitan yun ni mam.Yung itsura kasi ng room namin ay parang isang malaking kwarto na may harang sa gitna
Cassiopeia POVSobrang pre-occupied ng utak ko halos walang pumapasok sa sistema ko na tungkol sa lesson ang iniisip ko lang ay kung makakauwi pa ba ako ng buhay, bakit ko ba kasi sila pinatulan eh gusto ko lang naman makagraduate ng payapa kung hinayaan ko na lang sana sila tulad ng ginagawa ko noon wala sana akong iniisip ngayon.Mabilis na lumipas ang 45 minuto kaya mas lalong lumala ang kabang nararamdaman ko mag-uuwian na ito na ba ang mga nalalabing minuto ng buhay ko? Mamatay na ba ko pagkatapos nito? Wtf Cassiopeia saan na napunta ang tapang mo kanina?"Sa mga cleaners maiwan kayo at maglinis may penalty pag tumakas ha babantayan ko kayo sa mga hindi naman cleaners pwede na kayong umuwi mag-ingat kayo." pagpapaalam ni mam."Goodbye Mam Cath, goodbye classmates see you tomorrow." sabay sabay na
Cassiopeia POVLumapit sa akin si Emerald para itanong kung may kapartner na ba ako, bilib din ako sa grupo nya hindi nila ako tinitigilan kahit na lagi kong sinasabi na okay lang ako mag-isa napapaisip tuloy ako na parang ang rude ko sakanila. "Wala pa nga eh hahaha," sagot ko at sinundan ko ito ng mahinang tawa para pagaanin ang awkward tension na nararamdaman ko. "Partner na lang tayo kasi pinagkaisahan nila ako wala tuloy akong kapartner," paliwanag nito na tila ba nagsusumbong sa akin. "Tignan mo si Sapphire kapartner si Crystal tapos si ate Alexandrite kapartner si Gavin." dagdag nito sabay kapit sa braso ko at sabay turo sa mga kaibigan nya. "Uhm... Sige partner na lang tayo kung
Cassiopeia POVBigla nanamang umatake ang pagiging clumsy ko dahil bigla kong natabig yung chuckie na naging dahilan ng pagtingin nilang lima sakin ayoko ng ganito. "씨발 (ssibal/fuck) Cassiopeia anong katangahan nanaman ang ginawa mo." naibulong ko sa aking sarili."Hala be okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni ate Alexandrite."Uhm... Oo ate ganyan talaga may pagka clumsy kasi ako tsaka hindi rin naman ako nabasa eh hehe." I replied then I let out an awkward laugh.Pagkatapos kong tumawa na parang timang ay kumuha na ako ng tissue sa bag para mapunasan yung ginawa kong kalat sayang wala pang masyadong bawas yun eh mabuti na lang at hindi ako nadumihan kung hindi mukha akong tanga buong klase meron pa akong
Cassiopeia POVNang makaupo na kami sa kanya kanya naming upuan ay nagsalita na si doc Arkinson habang nagseset up ng kanyang laptop."Tulad nga ng sabi ko kanina may announcement ako sainyo." panimula nito habang nagbubukas ng isang powerpoint. "Diba sinabi ko last week na may quiz tayo kaso nanggaling akong Baguio this weekend for some reason kaya hindi ako nakagawa ng questioner-" hindi na natapos ni doc yung sasabihin nya dahil naghiyawan ang mga kaklase ko."Yes! Edi walang quiz ngayon doc?""Ayun! Kanina pa ko kinakabahan buti na lang!""Oh my god! Yes!"Iilan lamang yan sa naririnig kong sigawan ng mga kaklase ko nanjan na may pumapalakpak, may pumipito, at mayroon ding winawagayway ang ka
Cassiopeia POVAs I'm walking to the terminal I look up at the sky to check the moon and stars I don't know I just love the moon, stars and sun. The terminal is just a 5 to 10 minutes walk from our school so as an introvert human being I have my earphones and music on trying to avoid the gaze of people around me when I got there as usual the line is crazy but I'm used to it so it's fine.*Fastforward*I got home safe and sound and as usual I go kiss my mom, eat dinner, talk about what happenned to my day, watch kdrama and sleep nothing new just a typical day of my boring life. The next day I wake up late nagbinge watch kasi ako ng kdrama kagabi kaya alas kwatro na ko nakatulog, pagkagising ko naghilamos lang ako saglit at pumunta sa kusina para kumain mamayang gabi na siguro ako magrerevie