Home / All / My F̶a̶n̶b̶o̶y̶ Fangay? / Chapter 4: Selectively Permeable aka Choosy

Share

Chapter 4: Selectively Permeable aka Choosy

last update publish date: 2020-08-20 15:26:27

Cassiopeia POV

Nang makaupo na kami sa kanya kanya naming upuan ay nagsalita na si doc Arkinson habang nagseset up ng kanyang laptop.

"Tulad nga ng sabi ko kanina may announcement ako sainyo." panimula nito habang nagbubukas ng isang powerpoint. "Diba sinabi ko last week na may quiz tayo kaso nanggaling akong Baguio this weekend for some reason kaya hindi ako nakagawa ng questioner-" hindi na natapos ni doc yung sasabihin nya dahil naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Yes! Edi walang quiz ngayon doc?"

"Ayun! Kanina pa ko kinakabahan buti na lang!"

"Oh my god! Yes!"

Iilan lamang yan sa naririnig kong sigawan ng mga kaklase ko nanjan na may pumapalakpak, may pumipito, at mayroon ding winawagayway ang kamay sa ere.

"Teka patapusin nyo muna ako," pagputol ni doc sa kasiyahan ng mga kaklase ko. "Dahil nga hindi ako nakagawa ng questioner wala muna tayong quiz ngayon, magsisimula na tayo ng lesson 1 dahil overview pa lang tayo last week."

Magkahalong tuwa at pagkadismaya ang naramdaman ko, tuwa dahil wala muna akong quiz na kakaharapin ngayon at pagkadismaya dahil ginugol ko ang 5 araw ko sa pag rereview tapos hindi pala tuloy ang quiz pero okay na rin siguro yun para ngayong linggo kaunting browse na lang ang gagawin ko.

"Let's have a short review tungkol sa topic natin last week alam kong overview pa lang yun pero information overload na kaagad kayo welcome to nursing HAHAHA." wika ni doc at pagkatapos ay tumawa ng sarkastiko. "Biro lang mga anak wag kayong mag alala makakasama ninyo ang anaphy sa buong nursing career ninyo kaya kahit ibagsak niyo to ngayon wala kayong choice kundi ang gustuhin to at once naman na namaster nyo na ang subject na to easy na lang sainyo yung ibang subjects."

Nagsimula na syang magreview ng patungkol sa naging lesson nung nakaraang linggo, medyo madali pa naman sya kaso nakakalito nga lang yung mga medical jargons na binibitawan nya lalo na yung sa body landmarks at directional terms.

"Anak Carmichael tara dito sa harapan ikaw na lang muna gagawin kong model para mas mavisualize nyo." pagtawag nito sa isa kong kaklase sino kaya yun di ko sya matandaan.

Si Carmichael pala yung witty na gay last week parang sya yung magiging mood maker ng room namin dahil alam naman natin ang nature ng gay sila madalas yung nagpapasimula ng kasiyahan sa room.

"Okay let's start. Mr. Carmichael's nasal is superior to the oral but inferior to the orbital what I mean to say ay yung ilong nya ay mas mataas sa labi nya pero mas mababa sa mata nya." panimula ni doc habang nakaturo sa mata ni Carmichael. "Mr. Carmichael's ante brachial is proximal to ante cubital but distal to brachial means his forearm is near/nearest to the front of elbow but far/distant to the arm. The nipple is lateral to the sternum and the bridge of his nose is medial to the eye means his nipple is away from breastbone and the bridge of his nose is in the middle of his eyes. To determine if it is lateral and medial just imagine a straight line in the middle of your body that line is your midline kapag palayo sya sa midline lateral sya kapag naman palapit sya sa midline medial sya." pagpapaliwanag ni doc habang tinuturo ang mga parts na katumbas nung mga terms na sinasabi nya.

Medyo nalilito parin ako lalo na at wala akong background dito sa pinasok ko dapat talaga nag STEM na lang ako nung senior high para di ako masyadong nacucultute shock ngayon.

"Anak Carmichael thank you sige pwede ka ng bumalik sa upuan mo. Let's talk about cell structure and their functions, si Robert Hooke ang pinaka unang nakadiscover ng cell noong 1665 and according to cell theory all cells come from pre-existing cells. Cell sila yung building blocks ng mga living organisms while ang tissues sila yung pinagsama samang cells na magkakapareho ang structure at functions. Hindi lahat ng cell ay pare-pareho iba-iba sila ng structure pero meron silang tatlong common denominator yung tatlong mokong na yun ay sila nucleus, cytoplasm at plasma membrane." panimula ni doc.

Habang nagdidiscuss si doc nagsisimula nang i-process ng utak ko ang katotohanan na hindi madali ang daang tinahak ko yung dalawang brain cells na natitira sakin parang susuko na rin.

"Si nucleus isa syang organelle o alalay ni cell na nagcocontain ng genetic material or DNA, meron tayong 24 pairs of chromosomes in total, 23 normal pairs tapos yung last 1 pair sya yung sex chromosomes."

"Si nuclear membrane sya yung barrier ni nucleus may mga pores o butas sya para maging daanan kung iisipin mo ang gandang maging boss ni nucleus dahil meron syang nuclear membrane yung anytime anywhere pwede kang pumasok o lumapit sakanya kapag may kailangan ka, sinong hindi magugustuhan yung ganong boss diba? Si cell membrane naman binubuo sya ng double phospolipid layer yung head o yung blue part ay hydrophilic which means hydro = water at philic = loving water loving yung characteristic nya yung tail o yung gray part ay hydrophobic which means hydro = water at phobic = fearing water fearing yung characteristic nya. Pero! May katangian sya na sana pati kayo ay meron yon ay ang pagiging selectively permeable nya dahil ang cell membrane ang nagiging daanan ng water, oxygen and other nutrients. Oo pwede kang pumasok sakanya pero may pagka choosy sya at hindi lahat kumakatok sa kanya ay pinapapasok nya isipin mo na lang kung lahat pwedeng pumasok sa cell mo ay naku kawawa ang cell mo anak."

Napakagulo na ng notes ko dahil ang bilis ni doc maglipat ng slides may drawing sa itaas, may notes at subnotes na rin ako.

"Kaya dapat ganyan kayo sa buhay nyo mga anak wag kang patol ng patol kung kani-kanino matuto kayong pumili kung sino lang ang dapat na pinapapasok nyo tularan nyo si nucleus choosy hindi yung para kayong bukas na karinderya na pwede sa lahat hindi purkit kumakatok sainyo ay go na agad kayo alam kong marurupok, mapupusok at malalandi kayo ay joke pero sana hindi lang anak wag ganon ha? Matuto tayong pumili at maging choosy." biglang paghugot ni doc na naging dahilan ng pag-iingay ng mga kaklase ko.

"HUGOT! Ayan kasi pili pili din kasi paminsan minsan." sigaw ng isa kong kaklase.

"Ehem! Marurupok."

"Mga malalanding alagad ni Nightingale."

"Bukas na karinderya ka pala eh!" dagdag naman ng isa.

"Teka bakit ako? Nanahimik ako dito eh." sagot ni Gavin.

"Ikaw ba? Sapul ka ba o assuming ka lang?" pabirong sagot naman ng isa ko pang kaklase.

"Eh bakit kasi ako yung tinitignan nyo?" saad nya habang tumatawa.

"Ayan pag sa hugot hugot na ganyan gising na gising kayo pero pag discussion parang lumalabas yung kaluluwa nyo sa katawan." sabi ni doc habang nag aasaran ang mga kaklase ko. "Sige na bladder break muna kayo 5 minutes baka may mag seizure na sainyo jan dahil sa sobrang daming information." pabirong dagdag ni doc.

Ang cute lang kasi kahit na medyo may edad na si doc kaya nya makipag sabayan sa mga studyante na mas bata pa sa anak nya. Nang lumabas si doc ng room ay kumuha ako ng isang biscuit sa bag at sinimulan ko itong kainin kailangan ko ng pampagising kasi baka mamaya magseizure ako katulad ng sinasabi ni doc.

"Asan na yung iba? 5 minutes lang sabi ko ah anyway let's continue." bungad ni doc ng muli syang pumasok sa room.

Madami naman na ang nakabalik sa room kaso mayroon paring iilan na nasa labas tatlo hanggang lima pa siguro sila kaso nagsimula na ulit si doc magdiscuss hindi na lang nya nilock yung pinto ng room para hindi na nila kailangan kumatok.

"Si nucleoli ay nasa loob ng nucleus isa syang malaking factory ng ribosome at yung mga ribosome na yun ay binubuo ng proteins at RNA dito rin nagaganap ang protein synthesis, itong mga ribosome na to ay nakaattached sa endoplasmic reticulum."

"Yung nga ribosome na yan na nanggagaling kay nucleoli sila yung nakadikit kay rough endoplasmic reticulum doon lang sila makikita walang ribosome sa smooth endoplasmic reticulum. Baka malito kayo mga anak ha si rough endoplasmic reticulum yung kulay pula na may mga dots sya ang nagsisilbing hardware ng cell mo sakanya kinukuha yung mga kinakailangan para bumuo o mag ayos ng cell yung mga dots na nakikita mo sakanya yun yung mga ribosome na galing kay nucleoli samantalang si smooth endoplasmic reticulum yung orange or peach yung kulay sya yung walang ribosome para syang derma ng cell incharge sya sa detoxification ng chemicals at site din sya ng lipid synthesis. Si golgi apparatus sya yung gift wrapping section ng cell, after kasi magproduce ng minerals ni ribosome i-momodify at i-papackage sya ni golgi apparatus."

Napatigil ako sa pag susulat ng notes kasi napatingin ako kay doc nung sinabi nyang golji apparatus ang pronounce ko kasi doon ay golgi apparatus as in gogi o meat in korean, kakakorean ko naaddopt ko na tuloy yung accent, kilos at pronunciation nila.

"Si mitochondria sya yung meralco ng cell sya kasi ang naggegenerate ng ATP si centrioles naman sya yung may pinakamadaling trabaho sa cell yung mapapa sana all ka na lang sa kanya kasi dadating lang sya pag kailangan na sya pagkatapos nun pwede na syang umalis at kinakailangan lang sya during mitosis pero tandaan nyo na kung wala si centrioles walang mitosis na magaganap. Ang mitosis yung process na yung parent cell ay manganganak ng dalawang baby cell pero hindi ko muna sya itotopic ngayon dahil matatackle natin sya sa biochem nyo next sem." pagpapatuloy ni doc.

Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas pero ang alam ko lang ay masakit na ang kamay ko kakasulat at kakadrawing ng mga kung ano-anong unidentified shapes na nakikita ko sa slides ni doc hindi ko rin kasi ugali mag picture ng slides puno na storage ng kdrama kaya nagsusulat na lang ako.

"Kung tayong mga tao meron tayong mode of transportation meron tayong jeep, bus, tricycle, mrt, lrt at kung ano ano pa sa cell meron din tinatawag syang membrane transport ito yung movement ng substance papasok at palabas ng cell 2 lang yung mode of transportation nila yun ay ang active at passive sa active transport kailangan nila ng pamasahe o ATP sa passive hindi kailangan ng pamasahe o walang ATP na kailangan. Sinong hindi gusto ang libreng sakay diba? Dagdag baon nyo rin yun, dagdag pangload nyo para pangchat sa mga jowa nyong nagtatampo."

Ayan nanaman tayo sa joke ni doc HAHAHA nawawala bigla pagiging seryoso ko eh yung immerse na ko sa lesson tapos nagjojoke o huhugot sya pero malaking tulong din yun para hindi maging nakakaantok yung klase nya.

"Diffusion generally binubuo sya ng solutes at solvent hindi yung solvent na sinisinghot nyo ha mga batang to sige rugby pa." pagbibiro ni doc na naging dahilan ng pagtawa namin. "Yung solute yun yung mga substances na tutunawin, yung solvent yun yung panunaw. Ang pinakamaganda example ng diffusion ay ang utot bakit kapag ako umutot dito sa pinakasulok na parte ng classroom maaamoy hanggang dun sa nakaupo sa pinakadulo sa likod? Kasi ang tendency yung amoy ng utot ko mula sa area na may higher concentration pupunta sya sa area na may lower concentration. Kaya kahit dito ako sa harap at sulok umutot maamoy sya nung lalaking nakaupo sa pinadulo sa likod. Diffusion moves from higher concentration to lower concentration. Sige na mga anak hanggang dito na lang muna nakikita ko ng namumuti na mga mata nyo eh baka matuluyan kayo magseizure jan any questions?" pagtatapos ni doc.

"Doc kasama po ba yan sa quiz next week?" tanong ni Gray.

"Oo nak kung tutuusin hindi pa tayo tapos sa lesson nasa kalahati pa lang to kaya next week tatapusin natin to tapos I will give you time to review then quiz na." pagpapaliwanag ni doc.

"Doc ilang item yung quiz?" tanong ko naman.

"One to sawa hindi biro lang hindi ko pa sure anak basta be ready magreview, magadvance reading at magbasa ng magbasa kasi hindi nyo masusurvive ang nursing kung hindi kayo palabasa," sagot ni doc habang nililigpit yung gamit nya. "Anak Gavin pakibunot naman matangkad ka naman eh." dagdag ni doc habang tinuturo yung HDMI na nakaconnect sa projector sa itaas.

"Sige po doc salamat po." sagot ko sabay bow kahit nakaupo lang ako.

"Doc mataas yan masyado di ko abot," sagot ni Gavin.

"Tumungtong ka na lang sa upuan anak."

Sumakto naman na nakalagay yung bag ko sa upuan na dutungtungan ni Gavin ako lang naman kasi mag-isa ang nakaupo sa pinakaharapan kaya doon ko na lang nilagay ang bag ko. Napatingin ako sakanya kasi nakita ko syang nakatayo sa harap ng upuan na kinalalagyan ng bag ko agad ko rin namang pinutol yung eye contact namin at saka kinuha yung bag ko sa upuan.

"Sige na let's call it a day goodbye." paalam nito at lumabas na ng room.

Meron pang remaining 20 minutes sa time nya so may 1 hour and 20 minutes pa ko, kakain ba ko sa canteen o uubusin ko na lang yung biscuits na dala ko? 2nd week na to ng college life ko pero wala parin akong circle of friends hindi katulad ng mga kaklase ko na may mga buddy buddy na.

"Hoy gago Carmichael tara na napakapabebe naman neto may matres ka girl?" sigaw ng isa kong kaklase.

"Eto na teka lang naman pupuntahan mo lang jowa mo kaya ka madaling madali eh." sagot naman ni Carmichael.

Ang napansin ko lang sa room namin hati-hati sya as in nararamdaman ko na walang unity yung tipong may grupo ng mga makikay, walwalero at aral na aral tapos ako eto naglalakad mag-isa papuntang canteen. Noong nakaraang linggo kasi nag aaya si Carmichael na mag inuman daw sa Wednesday kaso hindi naman ako umiinom kaya hindi na lang ako sumama hindi rin naman ako mahilig makipagsocialize kaya okay lang.

Pagkadating ka sa canteen wala na palang laman yung id ko kaya kinailangan kong pumunta sa loading station para lagyan sya ng laman buti na lang wala pang pila dahil maaga kami ng 20 minutes dinismiss ni doc. Dapat pala hindi na lang ako nagrecess kinain ko na lang sana yung baon kong biscuits kaso isa na lang to kaya okay na rin bibili pa ko ng 2 tapos isang chuckie para mamaya may pagkain pa ko.

"Ate 2 order po ng kanin, 1 order ng tocino, 2 hansel, 1 buttercream tapos 2 chuckie." sabi ko kay at pumunta na ko sa counter para magbayad pagkatapos ay pumunta na ko sa upuan na malapit lang din pwesto ng stall ng binilhan ko ng pagkain.

Sa school kasi namin hindi kami gumagamit ng cash pagbibili yung id namin loloadan namin sya ng kahit magkanong amount tapos yun yung ibibigay namin sa counter para magbayad, sa id din namin nachecheck yung attendance namin bago kami makapasok ng school kailangan namin sya i-tatap para bumukas yung pinakapinto tapos deretso na yun sa record ng teachers at dean namin kung anong oras kami nakarating ng school ganon din sa pag uwi kailangan din namin sya i-tap para marecord na wala na kami sa loob ng campus ang nakakainis lang kasi nagtetext din sa parents namin yung time kung kelan kami pumasok at lumabas ng school kaya wala kang takas kung gagala ka after class.

"2 order ng kanin, 1 order ng tocino, 2 hansel, 1 buttercream tapos 2 chuckie." sigaw ni kuya kaya tumayo na ako para kuhanin yung order ko. Nang pabalik na ko sa pwesto ko ay lumapit sakin Emerald pati yung nga kaibigan nya.

"Gusto mo ba sumabay samin kumain?" tanong nito habang habak ang tray na puno din ng pagkain.

"Hm... May pwesto na kasi ako tsaka medyo mabagal ako kumain baka mabored lang kaya." nahihiya kong sagot.

"Okay lang yan gusto mo doon na lang kami uupo sa pwesto mo malungkot kumain mag-isa." pagpupumilit nito.

"Kayo bahala basta pag na bored kayo o pag tapos na kayo kumain pwede nyo na ko iwan baka kasi mainip kayo boring kasi akong kasama." sagot ko, dahil nga sa mapilit sila ay sa iisang mesa na lang kami kumain.

Parang kanina lang nagdadrama akong wala akong kasabay kumain tapos ngayon na may kasabay na ako hindi naman ako kumportable feeling ko hindi ako entertaining enough para makeep ko sila sa company ko hindi ko rin alam kung ako lang ba pero ramdam ko yung awkward tension sa pagitan naming lima.

The whole time we're quietly eating and during those time I have a lot of thoughts running in my stupid head. Magiging kaibigan ko kaya sila? Mababait naman sila eh at base sa observation ko sila yung grupo na aral aral lang kung titignan kasi ang porma at ayos nila sila yung mga normal lang na studyante yung walang arte sa katawan, walang make up amd such.

Unti unti nang nagiging maingay ang canteen dahil recess na rin ng mga senior high school at patapos na rin kumain ang ilan sa mga kaibigan ni Emerald. Maya maya pa ay biglang nagsalita si Alexandrite.

"So girl scholar ka pala?" tanong nito at lahat ng atensyon ay napunta sa akin na naging dahilan kung bakit muntik na akong mabilaukan.

"O-oo ate bakit po?" naiilang kong sagot.

"Pano ka nag apply?"

"Dito po kasi ako nag senior high school kaya mas madali na lang sakin makapag apply as scholar." sagot ko, wtf was that Cassiopeia? Ang layo ng sagot mo sa tanong nya.

"Ah kamusta naman sa school na to? Maganda yung facilities nya kamusta yung teaching?" pang uusisa nito.

"Okay naman ate magaling naman mga teachers dito at okay rin naman yung mga kaklase ko last year." matipid kong sagot.

Habang nag uusap kami ni Alexandrite naalala ko bigla yung sinabi ni doc feeling cell ka Cassiopeia? Selectively permeable ka? Napakachoosy ampotek.

"Ah napansin ko lang napaka introvert mo ikaw lang mag isa nakaupo sa harapan ayaw mo ba tumabi samin? Tapos pag may free time naman lagi kang nakatutok sa cellphone mo at kumakain ng biscuits." sabi nito kaya napatingin ako sakanya.

"E-eh k-kasi ate a-ano a-ano eh-" sasagot na sana ako kaso...

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My F̶a̶n̶b̶o̶y̶ Fangay?   Chapter 8: Finally opening up

    Cassiopeia POVMaya-maya lang din ay dumating na si mam kaya nilabas ko na lang ang yellowpad ko, dito ko muna isusulat yung notes ko kaso lang ang hahaba ng slides ni mam kaya nagdecide na lang akong picturan yung slides ang isusulat ko na lang yung sinasabi nya na wala sa slides.Mga kalahating oras na rin siguro ang nakakalipas nung magsimula si mam magdiscuss at naiinis na ko dahil hindi naman nya pinapaliwanag yung nasa slides nya as in binabasa nya lang tapos ang bilis pa ng pagkakabasa nya wtf lang walang pumapasok sa utak ko letse naman ang boring na nga ng subject nya tapos di pa nya ineexplain. Sa kalagitnaan ng pagbabasa ni mam ng mga slides nya may kumatok sa pinto na nagcoconnect sa room namin at sa demo room sa kabila kaya nilapitan yun ni mam.Yung itsura kasi ng room namin ay parang isang malaking kwarto na may harang sa gitna

  • My F̶a̶n̶b̶o̶y̶ Fangay?   Chapter 7: Opening Up

    Cassiopeia POVSobrang pre-occupied ng utak ko halos walang pumapasok sa sistema ko na tungkol sa lesson ang iniisip ko lang ay kung makakauwi pa ba ako ng buhay, bakit ko ba kasi sila pinatulan eh gusto ko lang naman makagraduate ng payapa kung hinayaan ko na lang sana sila tulad ng ginagawa ko noon wala sana akong iniisip ngayon.Mabilis na lumipas ang 45 minuto kaya mas lalong lumala ang kabang nararamdaman ko mag-uuwian na ito na ba ang mga nalalabing minuto ng buhay ko? Mamatay na ba ko pagkatapos nito? Wtf Cassiopeia saan na napunta ang tapang mo kanina?"Sa mga cleaners maiwan kayo at maglinis may penalty pag tumakas ha babantayan ko kayo sa mga hindi naman cleaners pwede na kayong umuwi mag-ingat kayo." pagpapaalam ni mam."Goodbye Mam Cath, goodbye classmates see you tomorrow." sabay sabay na

  • My F̶a̶n̶b̶o̶y̶ Fangay?   Chapter 6: Bullying

    Cassiopeia POVLumapit sa akin si Emerald para itanong kung may kapartner na ba ako, bilib din ako sa grupo nya hindi nila ako tinitigilan kahit na lagi kong sinasabi na okay lang ako mag-isa napapaisip tuloy ako na parang ang rude ko sakanila. "Wala pa nga eh hahaha," sagot ko at sinundan ko ito ng mahinang tawa para pagaanin ang awkward tension na nararamdaman ko. "Partner na lang tayo kasi pinagkaisahan nila ako wala tuloy akong kapartner," paliwanag nito na tila ba nagsusumbong sa akin. "Tignan mo si Sapphire kapartner si Crystal tapos si ate Alexandrite kapartner si Gavin." dagdag nito sabay kapit sa braso ko at sabay turo sa mga kaibigan nya. "Uhm... Sige partner na lang tayo kung

  • My F̶a̶n̶b̶o̶y̶ Fangay?   Chapter 5: Friends?

    Cassiopeia POVBigla nanamang umatake ang pagiging clumsy ko dahil bigla kong natabig yung chuckie na naging dahilan ng pagtingin nilang lima sakin ayoko ng ganito. "씨발 (ssibal/fuck) Cassiopeia anong katangahan nanaman ang ginawa mo." naibulong ko sa aking sarili."Hala be okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni ate Alexandrite."Uhm... Oo ate ganyan talaga may pagka clumsy kasi ako tsaka hindi rin naman ako nabasa eh hehe." I replied then I let out an awkward laugh.Pagkatapos kong tumawa na parang timang ay kumuha na ako ng tissue sa bag para mapunasan yung ginawa kong kalat sayang wala pang masyadong bawas yun eh mabuti na lang at hindi ako nadumihan kung hindi mukha akong tanga buong klase meron pa akong

  • My F̶a̶n̶b̶o̶y̶ Fangay?   Chapter 4: Selectively Permeable aka Choosy

    Cassiopeia POVNang makaupo na kami sa kanya kanya naming upuan ay nagsalita na si doc Arkinson habang nagseset up ng kanyang laptop."Tulad nga ng sabi ko kanina may announcement ako sainyo." panimula nito habang nagbubukas ng isang powerpoint. "Diba sinabi ko last week na may quiz tayo kaso nanggaling akong Baguio this weekend for some reason kaya hindi ako nakagawa ng questioner-" hindi na natapos ni doc yung sasabihin nya dahil naghiyawan ang mga kaklase ko."Yes! Edi walang quiz ngayon doc?""Ayun! Kanina pa ko kinakabahan buti na lang!""Oh my god! Yes!"Iilan lamang yan sa naririnig kong sigawan ng mga kaklase ko nanjan na may pumapalakpak, may pumipito, at mayroon ding winawagayway ang ka

  • My F̶a̶n̶b̶o̶y̶ Fangay?   Chapter 3: Review

    Cassiopeia POVAs I'm walking to the terminal I look up at the sky to check the moon and stars I don't know I just love the moon, stars and sun. The terminal is just a 5 to 10 minutes walk from our school so as an introvert human being I have my earphones and music on trying to avoid the gaze of people around me when I got there as usual the line is crazy but I'm used to it so it's fine.*Fastforward*I got home safe and sound and as usual I go kiss my mom, eat dinner, talk about what happenned to my day, watch kdrama and sleep nothing new just a typical day of my boring life. The next day I wake up late nagbinge watch kasi ako ng kdrama kagabi kaya alas kwatro na ko nakatulog, pagkagising ko naghilamos lang ako saglit at pumunta sa kusina para kumain mamayang gabi na siguro ako magrerevie

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status