LOGINLauren's POV
Pagpasok ko sa gate nakita ko kaagad si Ezekiel kaya lumiko ako para hindi kami magkasalubong. Masama ang loob ko noong nalaman kong hindi pala totoo na na-ospital si Kianna. Bakit siya magbibiro ng ganoon 'di ba? Hindi naman magandang biro iyon.
Tsaka, ginawa lang pala niya iyon para pagtripan ako... at para sa babae niya.
Papasok na ako sa room noong naabutan niya ako.
"Can I talk to you?" he asked.
"No," mabilis na pagtanggi ko.
Papasok na sana ulit ako pero humarang siya sa pintuan. "Please?" Ginagamitan na naman ako ng pagpapa-cute.
Gumilid kami para hindi makaabala sa mga nagdadaan. Wala naman talaga akong balak na kausapin siya. I knew he enjoys having fun but that is too much for me. "What?" masungit na pagtatanong ko.
"Lauren, so-sorry." What is so uncomfortable in saying sorry? Halata kasi na hindi siya sanay, umiwas pa nga ng tingin sa'kin.
"Okay," I simply answered.
Magsasalita sana ulit ako noong naramdaman kong may tumulak sa'kin, intentionally. Sobrang lakas kaya napasandal ako kay Ezekiel pero na-out of balance siya sa pagkabigla kaya natumba ako sa kanya. This is embarrassing.
Nang nagkatinginan kami ay nahalata namin ang pwesto namin kaya pinilit kong tumayo kaagad kahit na masakit ang kamay ko, parang na-twist noong bumagsak kami.
"Ops, sorry, Renren. Hindi ko sinasadya." And, that's Andrea. Dan's ex-girlfriend. Simula noong nalaman niyang girlfriend ni Dan si Kelly ay kung ano-anong panunulak at pagpapahiya ang ginagawa sa'kin. Hindi lang ako naging alerto ngayon dahil nakikipag-usap ako kay Ezekiel. Ako ba ang girlfriend ni Dan!? Ako ang pinag-iinitan niya. Wala na sila ni Dan dahil may Kelly na ito. Hanggang ngayon naman ay hindi ko maintindihan si Kelly kung ano’ng nagustuhan niya kay Dan, ang dalas na nga namin mapa-away simula noong naging boyfriend niya ang feeling sikat na iyon.
Tiningnan ko si Andrea at ngumiti nang sarcastic. "Apology accepted."
"Bakit hindi ka lumaban ngayon? Nagpapa-cute ka lang kay Kiel, hindi ko nga nilakasan ang pagtulak ko sa'yo!" Paanong hindi naging malakas? Maging si Ezekiel ay nabigla kaya nawalan ng balanse! Naha-high blood ako sa kanya!
"Tigilan mo ako, Andrea. Hindi ako natutuwa sa'yo ngayon."
"Bahala ka nga riyan. Magsama kayo ng kaibigan mong malandi." Sasagot pa sana ako pero pumasok na siya. Tawagin daw bang malandi ang kaibigan ko? Kung ganoon kami, ano na pala’ng tawag sa kanya?
"Madapa ka sana," mahinang bulong ko pa sabay irap sa kanya. Nakaharap pa rin ako kay Ezekiel. "Kilala mo naman ang kausap ko kanina 'di ba? Ano ba'ng sasabihin mo? Bakit ba nangungulit ka na naman?"
"Hindi ko talaga alam na hindi ka nagpupunta sa ospital." Nararamdaman kong hindi siya komportable. Sino ba kasi ang namilit sa kanya na kausapin kaagad ako?
Susungitan ko pa nga sana siya pero napansin may gasgas at konting dugo ang braso niya. Baka ito ang ipinangtukod niya noong bumagsak kami. Kapag nakahanap ako ng chance, Andrea, lagot ka talaga sa'kin.
"May sugat iyong braso mo. Tara sa clinic."
"Okay lang."
Hinila ko siya papunta sa clinic. Nandito naman si Ate Jean, ang nurse namin.
"Kiel?" Nagulat pa nga siya noong nakita niyang kasama ko ito at binigyan pa ako ng makahulugang ngiti. Kilala niya si Ezekiel dahil nakikita niya ito sa bahay. Doon kasi siya nag-stay kina Daddy at pinsan namin siya. "Hindi ko alam na close pala kayo. And, Renren, improving ka. Hindi bata ang kasama mo ngayon. Ano'ng nangyari riyan?"
"Ano pa nga ba? Tinulak ako ni Andrea," pagsusumbong ko.
"Bakit si Kiel ang may sugat?" tanong niya.
"Noong itinulak ako ni Andrea ay magkausap kami ni Ezekiel kaya sa kanya ako nahulog pero na-out of balance kaya parehas kaming natumba." Nakuha pa talaga namin magkwentuhan?
"Bakit Ezekiel ang tawag mo sa kanya?" tanong ulit niya.
"Because he is calling me Lauren? Ate Jean, kung naghihingalo na siya malamang sa natuluyan na 'to. Inuna mo talaga ang pagdaldal kaysa sa pag-abot ng first aid kit?" Inirapan niya ako at ibinigay ang box. Tinuruan naman niya akong gumamot ng sugat kaya marunong ako tsaka hindi naman niya gagamutin si Ezekiel. Kasalanan ko naman kung bakit siya nagkasugat. Sa pagkakaalala ko ay nagtatampo ako sa kanya, bakit ko nga ba nilalagyan ng gamot ang sugat niya?!
Hindi nga ako komportable kasi habang naglilinis ako ng sugat niya ay nakatingin lang siya sa'kin.
"Don't look at me like that. Kasalanan ko kung bakit ka may sugat kaya ko ‘to ginagawa. After this, wala na akong utang sa'yo."
"It's not your fault na itinulak ka ni Andrea at bumagsak sa'kin," he said, still looking at me.
"Kahit na!" I shouted.
"Lauren, I'm really sorry. Hindi ko alam na hindi mo kayang pumunta sa ospital. Alam mo naman na natutuwa ako sa pang-iinis ko sa'yo pero hindi ko talaga alam."
“It’s nothing." I don't want to talk about it.
"Anong wala? Lahat sa'kin ay nagalit, imposibleng hindi ka magalit sa'kin. Baka hindi mo na ako kausapin. Sinuntok pa nga ako ni Angelo dahil sa galit niya sa'kin." Medyo nadiinan ko iyong sugat niya noong naalala kong sinuntok siya ni Angelo. Besides, ano naman kung hindi ko na siya kausapin? Akala mo naman kawalan ako. Is he flirting with me?
"Ops!" Napatingin ako sa kanya noong umaray siya. May sugat pala siya sa gilid ng labi niya. Hindi ko naman alam na sanay sumuntok si Angelo. "He did this?" Sabay hawak sa baba niya para tingnan iyong sugat. Medyo awkward ang pwesto namin tapos dumating pa si Ate Jean.
"I didn’t know that this scene can be intimate. Ano'ng ginagawa niyong dalawa?"
Hindi ko siya pinansin at tumayo na ako. "Ayan, wala na akong utang."
Nagpaalam na ako sa kanya pero pinigilan na naman ako. Hinawakan niya ako sa kamay kaya napa-aray ako kasi parang na-twist nga kanina. Nilapitan naman ako ni Ate Jean para lagyan ng benda ang kamay kasi mukhang napilay raw kaya huwag daw pagurin ang kamay ako.
Hindi nga kaagad umalis si Ezekiel dahil hinintay pa niyang matapos.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin?" Bigla siyang nagtanong out of nowhere.
"Na ano?"
"Kapatid mo pala si Angelo?"
Nagulat ako sa sinabi niya. What the? Paano niya nalaman? Nagkatinginan lang kami ni Ate Jean. Umalis kaagad ako para iwasan ang tanong niya at bumalik sa classroom.
NILAPITAN KAAGAD AKO NI Angelo. Hindi ako sanay na maraming kumakausap sa'kin. Ano ba'ng problema ng mga ito? Nakita niya iyong kamay ko kaya naka-kunot na naman ang noo.
"Ano’ng nangyari sa'yo?"
"None of your business."
"Kasama mo si Kiel 'di ba? Wala kang ganiyan sa kamay kanina. Ano na naman ang ginawa sa'yo?" he repeated.
"Paano mo nalaman?" tanging sagot ko lang.
"Nakita ko kayong magkasama. Bakit kasama mo siya?" Nagpapalitan lang kami ng pagtatanong at habang tumatagal ay naiinis na ako.
"Dinala ko lang siya sa clinic."
"Ikaw ang may benda tapos siya ang dinala mo sa clinic? Nakita ba ni Ate Jean?"
"Oo naman. Bakit ba?" Tinatamad akong mag-explain sa kanya.
"I'm worried about you. Hindi ka ba nagtitiwala sa'kin? Gusto mong bumalik ang tiwala ng Daddy sa'yo pero hindi mo makuhang magtiwala sa ibang tao? Sa'kin? Ano'ng pinagkaiba niyo? Hindi na kita papakailaman pero ibang usapan kapag nanligaw sa'yo si Kiel."
"Kaya ba sinabi mo sa kanya na magkapatid tayo? Kaya mo siya sinuntok? Kaya naman pala bumait siya sa'kin kasi nalaman na niya na kapatid kita. Okay na? Masaya ka na?" Nagsasagutan na naman kami.
"Bakit ka ba nakikipagtalo dahil sa kanya? Sa tingin mo talaga ay bumait siya sa'yo dahil nalaman niyang kapatid kita? Don't tell me may gusto ka sa kanya?" Nakaka-frustrate siyang kausapin!
"Alam mo kung ano'ng kinaiinisan ko? Iyon ay ang pangungulit mo."
Mas matanda siya ng ilang buwan sa'kin pero tinatawag niya akong "Ate" kapag naglalambing o may ginawang mali. Inuulit ko, we are not siblings. Anak ako ni Sir Gerald dahil inampon lang nila ako at napangasawa ng Mommy ni Angelo si Sir Gerald kaya siblings kaming maituturing pero technically, we are not related. Paulit-ulit ko na rin itong sinasabi kay Angelo.
Dumating ang professor namin kaya hindi na ulit kami nag-usap. Kanino ba siya nagmana ng kakulitan? Hindi ko alam kung bakit ang laki ng issue sa kanya kapag kasama ko si Ezekiel samantalang kaibigan at kilala naman niya si Ezekiel.
Sasabay ako ngayon sa kanila mag-lunch. Inaway ako ni Kelly noong pumunta siya sa bahay at pinilit akong pumayag na sumabay sa kanilang kumain. Ayaw ko sana silang makita pero naka-pangako na ako kaya hindi ko na iyon pwedeng bawiin.
"Renren, stop seeing Kiel," paalala pa ni Angelo.
"Whatever."
Saktong paglabas ko ay nandoon na si Ezekiel. He smiles at me as if we're friends. Sinusundan ako ni Angelo palabas kaya hinila ko si Ezekiel palayo sa kanya. Buti na nga lang ay hindi siya nagrereklamo. "Bakit ka ba nagmamadali?" I guess, he did.
"Can't you tell? I'm hiding from someone."
"Bakit?"
"Stop asking question bago magbago ang isip ko. Bakit mo ba gustong makipagkita?" Nagtext kasi siya sa'kin na pupuntahan niya ako sa classroom, gusto raw makipagkita.
"I am really sorry, okay? Kianna is talking to me but she is being so distant." LABO!
"And... is that my fault?"
"Of course not." Kasalanan ko pa rin? Wala na ba akong tama na magagawa sa mundong ‘to? Drama 'no? "I told you, it's not your fault. It's just that ever since she knew you, mas naniniwala na siya sa'yo. She sees you as a real sister. Can you at least tell her that I apologize to you?" Not convincing, Ezekiel.
"Meaning to say... you said sorry for her? Para pansinin ka na ulit ng kapatid mo? So, you are not sincere at all?" I rolled my eyes. "I can't believe I almost fall for that. Nakalimutan kong si Ezekiel Villasenior ka nga pala. If that's your only concern, I'll talk to Kianna para sabihin na we're good. With that, you should stop talking to me. Okay?"
"Lauren, what is your problem? I am trying to be nice," he gulped.
"By what? By using Kianna again? Why would you lie to me? Ano ba'ng gusto mong mangyari?"
"This is all new to me, Lauren," he admitted.
"Ang alin?"
"Ang mag-sorry at pangungulit sa isang babae. This is not my thing. I am really sincere about this pero kung huhusgahan mo lang ako. Sige, I don't care if you believe it or not. Basta, humingi na ako ng tawad kasi hindi ko naman talaga alam na you have issues with hospitals. Aalis na ako bago mo pa ako layasan." Hanep! Ang galing din mangonsensya ng lalaking ‘to.Kaagad ko namang sinabi kay Kianna na nag-sorry na sa'kin ang kapatid niya at kailangan na niyang kausapin. What is wrong with me? Sanay naman ako sa ganitong sitwasyon pero bakit na-stress ako kay Ezekiel?
Pero dahil lunch time at parehas kami ng pupuntahan ni Ezekiel ay parang sinusundan ko siya. Hindi kami nagpapansinan ni Ezekiel dahil naasar ako sa kanya.
But we are talking as if we are all friends during lunch break. I can laugh and talk to them. Hindi nga rin sila makapaniwala na madalas akong mag-bar. Syempre, palagi kong kasama ni Kelly kapag nagpupunta ako roon.
Biglang may lumapit sa table namin na student assistant.
"Excuse me. Are you Lauren Villamor?" By the way, I am using my mother's surname.
"Yes. Bakit?"
"The President wants you in his office. Right now." No way!
"Okay. Susunod na ako."
"Sorry, pero dapat kasama kita kapag bumalik sa office kasi ako po ang mapapagalitan kapag hindi pa kita kasama."
Tumayo na ako at nagpaalam sa kanila. Honestly, gusto kong magpasama kay Kelly or Angelo pero naisip ko na nasa school grounds kami kaya hindi niya ako masasaktan. He can still hurt me though... in every possible way.
Magkasabay kaming naglalakad ng student assistant.
"May idea ka ba kung tungkol saan po?" I asked.
"I have no idea pero ipinatawag po niya lahat ng scholar niya. Think about it. May mababang grades ka ba or may maling nagawa? He looks so mad." Hindi naman niya ako tinatakot ‘no?
"As far as I know, okay naman po ang grades ko."
"Baka babatiin ka lang niya or what. Just be yourself."
"Thanks!" But I can't do that in front of my dad. And yes, the president of this campus is my dad. Anak ako ng may-ari ng campus na ito. Tinagalog ko lang pala, hindi kasi kapani-paniwala. Weird? Matagal na niyang kinalimutan na anak niya ako so I live on my own. Nakikita lang niya ako kapag may mali akong ginagawa. Anak niya si Angelo pero hindi ko siya kapatid. Iyon ang gusto niyang isipin ko and he wants me to pushed him away... that is why I am so distant with Angelo pero hindi ko rin siya natitiis.
My family is complicated.
My mother and brother died years ago and he blames me for that. Same reason why he forgot that his precious daughter is still alive. Hindi ko siya tunay na Daddy kaya madali sa kanyang kalimutan ako. Kasi nga, ampon lang din ako ni Mommy.
Nakapag-asawa si Daddy at may anak na rin ito, he is Angelo. May anak sila ngayon and he is four years old, I think? I barely see him. Baka nga hindi niya ako kilala dahil ayaw ni Daddy na mapalapit ako sa kanila.
Kahit ang pamilya ni Mommy ay hindi alam ang nangyayari dahil malayo sila sa'min. Ang alam nila ay maayos ang samahan namin ni Daddy at nakakapag-aral ako nang mabuti. Sa side naman ni Daddy, ayaw sa'kin ng mga kapatid niya at pinsan ko dahil na rin nawala sa kanila si Lawrence, my brother. Si Grandma at Grandpa naman ay walang ideya dahil nasa ibang bansa sila at nagkakausap pa rin kami. Kahit hindi nila ako tunay na apo, ramdam ko na mahal nila ako kaya hindi ko sinasabi ang totoong kalagayan ko dahil ako naman ang malalagot kay Daddy. Besides, malaki ang utang na loob ko sa kanya.
Si Ate Jean ay pinsan namin ni Angelo at siya lang ang tanging pinsan ko sa side ni Daddy na hindi ako hinusgahan.
PAGPASOK KO SA OFFICE niya ay halos hindi na ako makahinga. Mas gusto kong nakikita siya sa malayo. At least, hindi kami nagkakasakitan.
"What do you think you're doing?" he asked... and he’s mad.
"What do you mean, Sir?" Instead of calling him Daddy like I used to, I am now calling him Sir to show my respect. That's how it is.
"How many times do I have to tell you to leave my family alone?" Family. He said family without even thinking of me. He can still hurt me.
"I am."
"No, you're not!" Humarap siya sa'kin. He is angry. "Bakit kinakausap mo pa rin si Angelo? Nakuha mo pang sumabay sa kanyang kumain? What is wrong with you?"
"Daddy.”
"Don't call me that!" Sinubukan ko lang kasi baka maalala niya na anak niya ako kapag tinatawag ko siyang Daddy. I always failed.
"Sorry. How am I supposed to avoid him if he’s following me? Parehas kami ng circle of friends kaya imposibleng maiwasan ko siya."
"That is not the point! Just pushed him away!" he shouted.
"Like what you are doing to me?"
"This is not about you. It's about my son, Angelo. Just leave us alone." He can't hurt me physically, especially kapag nasa campus kami. But I was emotionally broken. He even said that to my face. Hindi sila close ni Angelo because of me pero at least, he calls him "son". Sobra-sobra na ang pagpapamukha niya sa'kin na wala na talaga siyang pakialam sa'kin. Sobrang sakit!
"Gusto mo bang ilipat kita para hindi na kayo magkita?"
"It's up to you. Don't ask me if your decision only matters in the end." Tiningnan lang niya ako. Alam kong pinipigilan lang niya ang sarili niya.
"I'm leaving," pagpapaalam ko sa kanya. Hindi ko na hihintayin na sigawan pa niya ako para umalis.
I always hate his office. Sa bahay man o sa campus na ‘to. I must say that I lost my father too when I lost Mommy and Lawrence.
I should admit it now.
It's just me.
Lauren's POVKinaumagahan, inihatid ako ni Kiel sa apartment ko pero hindi kami nag-usap dahil ang awkward ng silence sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang pinag-sasabi ko kagabi? Hindi ko na matandaan lahat! Alam kong kasalanan ko kung bakit dinala niya ako sa condo niya kaya hindi ako nag-hysterical na nasa kama niya ako. Gladly, hindi naman siya ang katabi ko. So... panaginip lang pala na nakayakap ako at hinalikan ko siya kasi kung hindi, namatay na ako sa kahihiyan. Ano nalang ang iisipin niya?! Napaka-easy to get kong babae?
Ezekiel’s POVI was alone and bored in my condo but I don't let any girls go here. I don't understand myself. I just don't want to see any of them. Bumaba ako para pumunta sa pinakamalapit na bar na pwede kong tambayan.I didn't bother to text Dan, because I knew he is busy with Kelly. And, Angelo is still mad at me. I was bothered by Lauren. Hindi siya nawawala sa isip ko kaya hindi ako maka-porma sa ibang b
Lauren's POVPagpasok ko sa gate nakita ko kaagad si Ezekiel kaya lumiko ako para hindi kami magkasalubong. Masama ang loob ko noong nalaman kong hindi pala totoo na na-ospital si Kianna. Bakit siya magbibiro ng ganoon 'di ba? Hindi naman magandang biro iyon.Tsaka, ginawa lang pala niya iyon para pagtripan ako... at para sa babae niya.
Ezekiel’s POVMaaga akong nagkaroon ng bisita ngayong araw, ah? Katatapos ko lang maligo pero may kumakatok na sa harap ng condo ko. Wala naman akong inaasahang bisita. Sobrang dami ng pagkatok kaya binuksan ko kaagad pagkatapos kong magbihis. Nagtaka ako kasi nakita ko si Angelo samantalang may susi naman siya sa condo ko. Pwede naman siyang dumiretso.
"Ate Renren." Nagising ako dahil sa pagtawag ni Angelo. Hapon pa ang klase ko kaya may oras pa akong magpahinga at gumawa ng dapat gawin. Dito kaya natulog si Angelo? Lasing siguro kagabi kaya hindi nakauwi sa bahay nila.Madalas niya akong tawaging Ate Renren kapag kami lang ang magkasama kasi alam niyang gustong-gusto kong iyon. Pinagbuksan ko siya.
Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin sa campus. Mabuti nalang, dinala ko na iyong uniform ko para diretso work na ako. Working student ako. Scholar sa Top-Field University (ToFU) kaya nakakapag-aral ako pero once na mapabayaan ko ang pag-aaral ko, tanggal na ako sa scholar. Last year naman kaya kakayanin ko. No maintaining grades naman ang scholar ni Sir Gerald, basta no failing grades lang.Kakalabas ko lang sa gate ng campus pero may humarang na sasakyan sa dadaanan ko. Si Angelo? What, now?Badtrip na nga ako kanina pang umaga dahil hindi ko na naman maalala kung saan ko naiwan ang relo ko. Sobrang importante pa naman sa’kin ng relo na iyon. Tinanong ko na si Kianna kung naiwan ko sa bahay nila or sa kwarto ng kapatid niya, pero wala naman. Saan ko kaya iyon naiwan? Hindi ako makapag-isip ng matino dahil iniisip ko kung saan ko iyon n