Home / All / Not Giving-Up On Love (FILIPINO) / Chapter 8 – Night with Her

Share

Chapter 8 – Night with Her

Author: nylarizza
last update publish date: 2020-08-07 01:13:27

Ezekiel’s POV

I was alone and bored in my condo but I don't let any girls go here. I don't understand myself. I just don't want to see any of them. Bumaba ako para pumunta sa pinakamalapit na bar na pwede kong tambayan.

I didn't bother to text Dan, because I knew he is busy with Kelly. And, Angelo is still mad at me. I was bothered by Lauren. Hindi siya nawawala sa isip ko kaya hindi ako maka-porma sa ibang babae!

"Dude, the usual please,” I ordered.

"Kiel, are you alone?" pagtatanong ni Carlos, bartender na kakilala namin nila Dan. Madalas kasi kami rito kaya nakilala na niya ako.

"It looks like it."

Napalingon ako sa katabi kong babae na nakayuko na. Mukhang mag-isa at lasing din siya. Napansin ni Carlos na nakatingin ako sa babaeng katabi ko.

"Kanina pa siya nandito."

"Is she alone?" I asked. Curious lang, baka mapahamak pa siya. But I’m not concern, it’s her fault to be wasted.

"Oo. Mukhang malaki ang problema ng isang ‘to. Humihingi pa rin ng alak kahit hindi na kaya. Tubig na nga lang iyong ibinibigay ko pero hindi niya napapansin." Maaasahan talaga si Carlos dahil kapag nalalasing kami ay siya ang gumagawa ng paraan para maka-uwi kami.

"Such a gentleman, Carlos."

Ini-angat ng babae ang mukha niya para humingi pa ng alak. Pagkatapos ay nilingon ako. "Are you guys talking about me, huh?" pagtatanong pa niya. Hindi ko na halos naintindihan ang sinasabi niya.

"Lauren?" I called, not even sure if it’s Lauren. Pagbanggit ko ng pangalan niya ay hinawi niya ang buhok niya para makita ako.

"Ezekiel?” Pinilit pa niyang dumilat. “Ezekiel! I'm glad you're here!" Pinilit pa niyang tumayo pero inalalayan ko para hindi matumba. She is really drunk! Bakit wala siyang kasama? Hindi pa rin ako makapaniwala na kapatid niya si Angelo at itinago iyon ni Angelo sa'min. Naiintindihan ko na kung bakit nag-iiba siya pagdating kay Lauren. He is mad and clearly said he didn’t like me for Lauren.

Bumalik si Carlos at nakita kaming dalawa ni Lauren. Ngumiti at tumango lang siya sa'kin. Akala siguro niya ay babae ko ‘to.

"Carlos, it's not what you think. I knew her, she is my friend and thank you for taking care of her." I’m stating a fact, not being defensive.

"No need to explain. Just take care of her," he spoke.

Nilingon ko ulit si Lauren. She smiles at me and it was a confirmation that she’s drunk. She never did that. Bakit nakakahawa ang mga ngiti niya?

And... she is too close.

"Bakit hindi mo kasama ni Kelly?" I asked.

"No, promise me not to call her. Or Angelo, okay? I don't want to see them. Promise?" She looks at me and waited for my answer. Nang mapansin niya na wala akong balak sumagot ay pinilit niyang tumayo para lumayo sa'kin.

"I get it, I get it. Don't touch me!" she snapped. Kapag napahamak siya, ako pa ang malalagot sa kapatid niya. "Okay! I promise! Umupo ka nga." Napalakas yata ang pagkaka-upo ko kaya nagreklamo siya pagkatapos ay yumuko na naman.

"Paano ka uuwi niyan?"

She looks at me. "It's up to you."

"What do you mean?"

"Kasama kita 'di ba? So, ikaw na ang bahalang mag-uwi sa'kin. Just don't call Kelly and Angelo!" she commanded. Kahit lasing ay hindi nakakalimutan magsungit.

"I don't get it. Mukhang masaya ka naman kanina. Bakit ka umiinom? Ano'ng problema mo?" Napakadami naman yata ng personality ng babaeng ‘to.

"Hindi mo kasi ako kilala."

"Tell me, what's your problem?" I asked, patiently waiting for her answer.

"My problem is all of you." She’s… sad.

"Including me? Who is helping you right now?" I asked again.

"All of you," she repeats.

Paano kung ibang lalaki ang nakakita sa kanya rito? Hindi ba niya iyon naisip? Akala ko pa naman ay responsable siya sa pag-inom ng alak. Masyado bang malaki ang problema niya para makarami? Hindi naman sa responsable akong drinker, lalaki naman kasi ako kaya walang mawawala sa'kin. Gets niyo? I mean, this bar is full of guys na pwedeng magpahamak sa kanya. Utang niya ‘to sa'kin. May kasalanan pa nga pala ako sa kanya.

"Ayaw na kitang maging girlfriend!" pagbibiro ko pa sa kanya.

"Why?" Nagtaka nga ako sa tono ng boses niya. Kung hindi siya lasing, iisipin ko na nagwo-worry talaga siya na ayaw ko na siyang maging girlfriend.

Hindi ko naman sinagot ang tanong niya. "Paano kung ayaw ko na ihatid ka sa apartment mo?"

"It's okay. Ikaw naman ang makokonsensya kapag may nangyari sa'king masama. Kaya nga mag-isa lang ako rito, may choice ka naman kaya pwede mo rin akong iwanan."

Pwede rin iwanan? Ang problema ba niya ay tungkol sa pang-iiwan? Hindi ko nga napansin na nainom na niya iyong alak ko. Inubos pa! Pasaway talaga! Hindi ko naman siya maiiwan dito. Kung ibang babae lang ito, malamang iniwan ko na kaya lang kaibigan naman namin siya. Besides, kailangan ko rin bumawi sa kanya dahil nakagawa na naman ako ng kalokohan. Hindi naman ako ganito sa ibang babae. Actually, wala nga akong pakialam kung ano’ng isipin nila sa'kin. Siya rin ang dahilan kung bakit hindi ako pumapayag na may pumuntang babae sa condo ko. Ewan! Ayaw ko lang na isipin din niya iyong iniisip sa'kin ng iba.

Siguro iniisip ko pa rin iyong sinabi ni Angelo. He keeps on saying na hindi ko pwedeng ligawan ang kapatid niya at parang sigurado siya na may balak akong ligawan si Lauren so I ask him kung bakit ko naman liligawan si Lauren, alam naman niyang natutuwa lang ako sa kapatid niya.

Sinagot niya ako nang ganito, “Kilala kita at alam ko ang pagtitig mo sa mga babae, Kiel. Hindi ka ganiyan matuwa sa iba. Huwag nalang si Lauren, Kiel. Kapatid ko iyon, eh." Parang may pagbabanta nga. How can he say that easily? He thinks, I like Lauren?

"Hey, don't look at me like that. Parang may balak kang halikan ako, hindi tayo talo." Hindi ko napansin na nakatitig na pala ako sa kanya at kahit pala lasing siya ay ayaw niyang tinititigan. Damn it. Sinabi ko na sa kanya na huwag niya akong binibiro! Kahit hindi ako naka-inom, hindi dapat siya nagbibiro about kissing her!

Why am I controlling myself with Lauren? Because she is Angelo's sister?

Kung ibang babae 'to, kanina ko pa nahalikan. Damn it.

What am I thinking?

INALALAYAN KO NALANG SIYA palabas sa bar para makauwi na kami. Ayaw pa ngang umuwi kasi kumakapit pa siya sa mga table para lang hindi tuluyang makalabas pero tinulungan ako ni Carlos kaya nakalabas kaming dalawa at diniretso ko kaagad siya sa kotse.

"Ayaw ko pang umuwi, eh!" Napakasakit niya sa tainga.

"Lasing ka na. Nasaan ba ang susi ng apartment mo?"

"Secret. Hindi ko rin dala iyong susi ko, eh." Tapos tumatawa pa siya. Kahit kinukulit ko siya na sabihin kung nasaan ang susi niya ay hindi pa rin niya sinasagot kaya nag-decide ako na dalhin nalang siya sa condo. Sinubukan kong hanapin sa bag niya pero wala talaga ang susi niya.

I have no choice! Hindi pa rin niya nakalimutang buksan ang bintana sa kotse ko at habang nasa biyahe kami ay nakapikit siya.

Bigla niyang ibinigay iyong cell phone niya. Sinabi sa'kin na tumatawag si Angelo.

"Sasagutin ko?" pagtatanong ko naman.

"Oo pero ako ang kakausap. Pakihinto muna at pakipindot, medyo nahihilo ako sa pagdadrive mo." Sinisi pa ang pagdadrive ko. Hindi nalang aminin na lasing siya.

Kagaya ng ipinag-uutos ng mahal na prinsesa, sinagot ko ang tawag ni Angelo at hindi ako nagsalita.

["Princess Lauren, where are you!?"] So princess pala talaga siya?

Princess Lauren Villamor.

Nice.

Galit si Angelo. Ganito pala siya sa kapatid niya. Magulo pa naman ang pamilya nila. Close na close kami sa family ni Dan at kabaliktaran naman iyon sa family ni Angelo. Sobrang nakaka-intimidate ang Daddy niya.

"Somewhere," sagot naman ng lasing.

["Lasing ka? Sino'ng kasama mo? Nasaan ka nga?"]

"See you tomorrow!" Pagkatapos ay inutusan akong babaan na si Angelo. Daig pa si Kianna sa kakulitan!

Tumahimik lang siya after niyang makausap si Angelo.

Akala ko nga ay natutulog na siya pero nalaman ko lang na hindi noong tumulo ang luha niya na kaagad naman niyang pinunasan. After ng pagpunas niya ay tumalikod siya sa'kin. Sinabi ko pa rin kay Angelo na kasama ko si Lauren pero sinabihan ko rin na huwag siyang pupunta sa condo ko kasi mas okay naman na kilala ni Angelo ang kasama ni Lauren kaysa hindi 'di ba?

Nagbigay na naman siya ng warning sa'kin at sinigurado ko naman na wala akong gagawin na masama kay Lauren. Mukha naman akong kriminal sa kanya. Ganito ba ang ginagawa niya sa mga manliligaw ni Lauren?

Wait... curious lang ako. Not saying that I'm one of them.

Who would have thought na kaya niyang maglasing nang ganito?

PAGDATING SA CONDO AY inalalayan ko siya papunta sa kwarto ko. Napakakulit niya. Kung ano-ano ang itinuturo sa'kin. Inihiga ko kaagad siya sa kama. "Nasaan ako?" sabi pa niya pero nakapikit na.

"You're safe here. Magpahinga ka na."

"Away from everyone who's hurting me?" Dumilat siya para tingnan ako at sagutin ang tanong niya. Everyone? Bakit? Kahit hindi ko alam ang dahilan niya ay tumango nalang ako.

"Nasa labas lang ako if you need anything, okay? Just call me."

"Can you stay here? I don't want to be alone." Nakatalikod siya sa'kin kaya hindi ko alam kung gising pa siya or kung nananaginip na. Kanina pa siya may ibinubulong.

"Sige, I'll stay here."

"Thank you." Gising pa nga. Naalala ko na ayaw niyang kumakain na mag-isa. Baka hindi lang talaga siya sanay mag-isa.

Noong feeling ko ay nakatulog na siya, nagpalit ako ng damit at nagligpit ng gamit. Matutulog na nga ako pero narinig kong umiiyak si Lauren. Nananaginip ba siya? Lumapit ako sa tabi niya. Tahimik ang pag-iyak niya na para bang ayaw iparinig sa'kin kaya nilapitan ko. Umupo ako sa tabi niya.

"Lauren, what's wrong? We're not close, alam ko iyon, but you need to let it out. You can share it with me.”

Nang narinig niya ang boses ko ay kaagad niyang pinahid ang mga luha niya. Nakita ko na nga, bakit tinatago pa rin niya?

"I'm not crying. Matulog ka na."

"Lauren, what's the matter?"

Nasa gilid lang siya ng kama at nakaharap sa'kin. Dumilat siya para hanapin ako pero nasa harap lang niya ako kaya tumalikod ulit siya sa'kin. I'm not that gentleman but I don't like to see her like this. Ngayon nga lang ako nagdala ng babae sa condo na walang mangyayari. You know what I mean. It's weird because it's my choice. Of course, our choice. Ayokong gamitan siya ng mga salitang sinasabi ko sa ibang babae. She is different.

Humiga ako sa tabi niya. I don't have bad intentions kaya hindi na ako nagpaalam. Nagulat nga siya but she's too drunk to care.

"Hindi ko alam kung ano’ng problema mo but you can cry, Lauren. Hindi kita isinama rito para itago ang nararamdaman mo. Okay lang na umiyak. Okay lang na maging mahina minsan. Just don't pretend to yourself." Dahil sa sinabi ko ay humarap siya sa'kin, niyakap ako at tuluyan na siyang umiyak. This is the first time that I ever let a girl cry to me.

Damn it!

I realized that she’s too close and I’m not liking it! I tried my best to control myself from kissing her. The spaces between us is too dangerous to handle.

But she is uncontrollably crying in my arms. I just let her cry out loud.

NAGISING AKO NANG NARAMDAMAN kong may humihila sa paa ko. Nagulat ako na nakita ko si Dan sa kwarto pero sa tingin ko ay mas nagulat siya sa nakita niya. Alam kong magkatabi kaming natulog ni Lauren but we are definitely hugging each other right now. Aalisin ko nga sana ang kamay niya sa'kin pero hinigpitan pa niya.

Nakatulog na rin ako kagabi kakahintay sa kanya na tumigil sa pag-iyak. Kapag nalaman niyang magkatabi kaming natulog, lagot ako sa babaeng ‘to. Kailan pa ako natakot sa babae?

"What the hell, Kiel? Gusto mo na bang mamatay?" mahinang tanong ni Dan.

May susi kami sa condo ng bawat isa kaya welcome sila anytime. Hindi ko naman alam na pupuntahan niya ako ngayon. Pasalamat na nga lang ako na hindi si Angelo ang nakakita sa'min.

"Shut up, Dan. Huwag kang maingay, baka magising si Lauren."

"The hell I care. Kapag nalaman ni Kelly ang ginawa mo kay Renren, ewan ko nalang kung mabuhay ka pa. Alam mo kung gaano ka-importante sa kanya ang kaibigan niya. At binalaan ka ni Angelo 'di ba? Pasalamat ka talaga na inutusan niya akong silipin si Renren sa kwarto mo, kung siya ang nakakita sa inyo... bugbog ka talaga. Ano ba'ng trip mo? Gusto mo ba talagang mabugbog?" Gusto ko siyang sigawan. Ang dumi mag-isip ng kaibigan ko. Ganito ba talaga ang tingin niya sa'kin? Nakakalungkot naman. Sapakin ko kaya ng isa?

"It's not what you think. Wala akong ginawa sa kanya."

Lumuwag ang pagkakayakap ni Lauren kaya I took that chance to escape. Dinala ko si Dan sa labas para hindi makapag-ingay.

"Listen, walang nangyari sa'min. Maniwala ka naman! Sinasabi ko naman kapag mayroon 'di ba? Pero walang nangyari sa'min ni Lauren."

Tumawa siya. "Gago, mukhang disappointed ka? Gusto kong maniwala but are you two dating? What's with that position? Sa pagkakatanda ko, palagi kayong nag-aaway 'di ba?"

"No, we're not dating. It's hard to explain. Baka nga hindi niya alam ang ginagawa niya kasi lasing siya kagabi. Wala siyang maibigay na susi ng apartment niya kaya siya nandito."

"Lasing? And what? You decided to sleep beside her? You took advantage?" sunod-sunod na tanong niya.

"Baliw. Ang OA mo, wala ngang nangyari. All I've done was to calm her down. Don't tell this to anyone, especially to Kelly and Angelo."

"You want me to lie?"

"Just pretend you did not see anything. Umalis ka na, baka magising pa siya. Mahihiya si Lauren kapag nalaman niyang nakita mo siya sa ganitong sitwasyon. Let me handle this, Dan."

"Fine. Huwag kang gagawa ng kalokohan, Kiel. Kapag ito pa ang naging dahilan ng pagtatalo namin ni Kelly, lagot ka talaga sa'kin. Pero, ano, do you like her?"

"What?"

"Huwag mo akong ma-what what diyan. Gusto mo ba siya? Ngayon lang ulit kita nakitang naging concern sa babae. Huwag mong idadahilan na kapatid siya ni Angelo kasi ganiyan ka na kahit hindi pa natin alam ang tungkol sa kanila. I’m also warning you, huwag mong sasaktan ang mga kaibigan natin." Saan naman nanggaling ang tanong na iyon? “Ipapaalala ko lang sa'yo na kaibigan siya ng girlfriend ko at kapatid ng kaibigan natin. Akala mo ba ay hindi namin napapansin ang mga ginagawa mo para kay Renren?”

"Ginagawa? Anong ginagawa? Ano ba'ng sinasabi mo? Umalis ka na nga!" Tinulak ko siya palabas. Bwiset kasi! Ang sarap ng pagkakahiga ko kanina.

I like how she hugged me.

Bumalik ako para silipin siya, tulog na tulog pa rin. For sure, may hangover siya kaya naghanda ako ng soup. Nagluto na rin ako ng breakfast para hindi siya magmadaling umalis. Nakahanda pa naman iyong gamit ko sa labas para matulog doon pero sa kama pa rin pala ako nakatulog. Honestly, wala akong balak na tabihan siya kaya lang ang tagal niyang umiiyak kaya hindi ko na rin namalayan na nakatulog ako. Don't get me wrong... I respect her. I really do.

Naririnig ko ang pagtawag niya sa Mommy at Daddy niya kagabi habang umiiyak. She misses both of them. She is hopeless last night.

And... I want to be with her when she felt it again.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Not Giving-Up On Love (FILIPINO)   Chapter 9 – First date

    Lauren's POVKinaumagahan, inihatid ako ni Kiel sa apartment ko pero hindi kami nag-usap dahil ang awkward ng silence sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang pinag-sasabi ko kagabi? Hindi ko na matandaan lahat! Alam kong kasalanan ko kung bakit dinala niya ako sa condo niya kaya hindi ako nag-hysterical na nasa kama niya ako. Gladly, hindi naman siya ang katabi ko. So... panaginip lang pala na nakayakap ako at hinalikan ko siya kasi kung hindi, namatay na ako sa kahihiyan. Ano nalang ang iisipin niya?! Napaka-easy to get kong babae?

  • Not Giving-Up On Love (FILIPINO)   Chapter 8 – Night with Her

    Ezekiel’s POVI was alone and bored in my condo but I don't let any girls go here. I don't understand myself. I just don't want to see any of them. Bumaba ako para pumunta sa pinakamalapit na bar na pwede kong tambayan.I didn't bother to text Dan, because I knew he is busy with Kelly. And, Angelo is still mad at me. I was bothered by Lauren. Hindi siya nawawala sa isip ko kaya hindi ako maka-porma sa ibang b

  • Not Giving-Up On Love (FILIPINO)   Chapter 7 – Lies

    Lauren's POVPagpasok ko sa gate nakita ko kaagad si Ezekiel kaya lumiko ako para hindi kami magkasalubong. Masama ang loob ko noong nalaman kong hindi pala totoo na na-ospital si Kianna. Bakit siya magbibiro ng ganoon 'di ba? Hindi naman magandang biro iyon.Tsaka, ginawa lang pala niya iyon para pagtripan ako... at para sa babae niya.

  • Not Giving-Up On Love (FILIPINO)   Chapter 6 – Real relationship

    Ezekiel’s POVMaaga akong nagkaroon ng bisita ngayong araw, ah? Katatapos ko lang maligo pero may kumakatok na sa harap ng condo ko. Wala naman akong inaasahang bisita. Sobrang dami ng pagkatok kaya binuksan ko kaagad pagkatapos kong magbihis. Nagtaka ako kasi nakita ko si Angelo samantalang may susi naman siya sa condo ko. Pwede naman siyang dumiretso.

  • Not Giving-Up On Love (FILIPINO)   Chapter 5 - Issues

    "Ate Renren." Nagising ako dahil sa pagtawag ni Angelo. Hapon pa ang klase ko kaya may oras pa akong magpahinga at gumawa ng dapat gawin. Dito kaya natulog si Angelo? Lasing siguro kagabi kaya hindi nakauwi sa bahay nila.Madalas niya akong tawaging Ate Renren kapag kami lang ang magkasama kasi alam niyang gustong-gusto kong iyon. Pinagbuksan ko siya.

  • Not Giving-Up On Love (FILIPINO)   Chapter 4 – No boundaries

    Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin sa campus. Mabuti nalang, dinala ko na iyong uniform ko para diretso work na ako. Working student ako. Scholar sa Top-Field University (ToFU) kaya nakakapag-aral ako pero once na mapabayaan ko ang pag-aaral ko, tanggal na ako sa scholar. Last year naman kaya kakayanin ko. No maintaining grades naman ang scholar ni Sir Gerald, basta no failing grades lang.Kakalabas ko lang sa gate ng campus pero may humarang na sasakyan sa dadaanan ko. Si Angelo? What, now?Badtrip na nga ako kanina pang umaga dahil hindi ko na naman maalala kung saan ko naiwan ang relo ko. Sobrang importante pa naman sa’kin ng relo na iyon. Tinanong ko na si Kianna kung naiwan ko sa bahay nila or sa kwarto ng kapatid niya, pero wala naman. Saan ko kaya iyon naiwan? Hindi ako makapag-isip ng matino dahil iniisip ko kung saan ko iyon n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status