LOGINLauren's POV
Kinaumagahan, inihatid ako ni Kiel sa apartment ko pero hindi kami nag-usap dahil ang awkward ng silence sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang pinag-sasabi ko kagabi? Hindi ko na matandaan lahat! Alam kong kasalanan ko kung bakit dinala niya ako sa condo niya kaya hindi ako nag-hysterical na nasa kama niya ako. Gladly, hindi naman siya ang katabi ko. So... panaginip lang pala na nakayakap ako at hinalikan ko siya kasi kung hindi, namatay na ako sa kahihiyan. Ano nalang ang iisipin niya?! Napaka-easy to get kong babae?
Nakakapanibago nga kasi hindi siya nang-aasar ngayon. Sobrang tahimik din niya. Bakit kaya?
"Thank you. Bye!" Kaagad akong bumaba sa sasakyan niya at nagkulong sa kwarto. I can't believe it! Lauren! Inom pa! Inom nang inom tapos hindi pala kaya! Iiyak na nga lang, sa lalaki pa! Kay Ezekiel pa talaga.
Nabigla ako noong tumawag siya. Ano ba? Hindi ba siya marunong makaramdam? Pero sinagot ko pa rin.
"Bakit?" Hindi talaga uso sa'min ang batian sa tawag, eh.
["May lakad ka ba mamaya?"]
"Wala. Bakit?"
["Susunduin kita. Labas tayo. Bye."] Hindi manlang hinintay ang sagot ko? Okay lang sana na maging magkaibigan kami. But more than that? Hindi pa. Alam ko naman na playboy siya kaya sanay siya sa babae pero hindi ako sanay sa lalaki. Hindi imposibleng magustuhan ko siya sa simpleng bagay. Especially now that he is treating me as a woman.
No! Isipin mo lang, babaero siya. Babaero. Hindi kayo bagay. Ayan ang napapala ng naglalasing!
HABANG NAKAHIGA AKO SA kama ko, ang weird ng feeling. For the first time nakaramdam ako ng security knowing na kasama ko si Ezekiel. I’m not sure kung paano ako nakaramdam ng ganoon o dala lang ng kalasingan ko. After so many years, ngayon ko lang hindi napanaginipan iyong accident na nangyari sa'min nila Mommy. Siguro hindi iyon importante sa kanya pero having a peaceful night was my dream. Hindi iyong pagod na pagod ka pero magigising ka pa dahil sa isang masamang panaginip na parang routine mo na sa gabi.
After that incident, kahit isang beses ay hindi natahimik ang gabi ko that's why mas gusto ko na gising sa gabi. Noong bata pa ako, Daddy always pushed me away kaya wala akong ibang nalalapitan kapag nagigising ako ng gabi. Magigising ako in the middle of the night pero wala akong malapitan kaya nakakatulog nalang ulit ako habang umiiyak.
I had a good childhood memories pero mas natatandaan ko ang masasakit na ala-ala. I lost my family on my birthday. It hurts so much that you can't celebrate your birthday because all you can remember are those memories from the past that still hunts you. And... no one wants to celebrate it with me. Especially, si Daddy. Ni hindi na nga niya ulit ako nabati ng simpleng happy birthday. Naglaho ako na parang bula.
Kapag napalapit ako kay Ezekiel, I might end up hurting him too. Masyadong marami na ang nasaktan dahil sa sitwasyon ko at ginagawa ko ang lahat para hindi na ulit maulit. I wanted to be friendly but I can't. Mas sanay ako na distant sa lahat ng tao.
Lumabas ako sa kwarto at nakita kong kalalabas lang din ni Angelo. Lagot, alam niyang hindi ako umuwi kagabi? Bakit nandito siya sa apartment ko?
"Si Kiel ang kasama mo buong gabi? Ano ba'ng nasa isip mo? You like him that much?"
"Angelo, I don't like him." Defensive bang pakinggan?
"Hindi ka magaling magsinungaling. Hindi ko alam kung bakit iba ang kinikilos mo, sa nararamdaman mo. Kelly told me that you had a crush on him pero dahil nalaman mong kaibigan ko siya, mas tinitingnan mo ang bad qualities niya but you can't help it. Kiel is not a bad guy. Go, date him. Ngayon lang ako nagpapaka-kuya sa'yo. Usually naman, ikaw ang pumipigil sa mga nanliligaw sa'yo pero may exemption ka na ngayon." Napakadaldal din talaga ng kaibigan ko. Pati ba naman iyon ay sinabi niya kay Angelo? Kailan pa sila na naging close?!
Crush ko nga siya dati pero... dati lang!
Bigla akong na-excite at nakalimutan ko ang mga iniisip ko kanina. "Okay lang na magkikita kami ni Ezekiel?" Kinilig lang din ako sa thought na nagkasundo kami ni Angelo ngayon.
"Masaya ka 'di ba? Tsaka Kiel ang itawag mo sa kanya. Baka isipin pa niyang special siya sa pagtawag mo ng Ezekiel sa kanya." Seryoso talaga siya sa pagiging kuya ngayon. "I will let you date him. Just let me act like your brother."
"Okay," sagot ako naman.
"No sex, Renren,” paalala pa niya.
"Angelo! Of course!" Shit lang!
"Mas kilala ko si Kiel kaysa sa'yo. Sabihin mo kapag may ginawa siyang kalokohan." With that, I hugged him. It's a sign. I should not control the situation. Simula ngayon, go with the flow lang ako. The more na sinusubukan ko at pinipilit na sumaya, lalong nagiging baliktad ang sitwasyon.
"Sasabihin mong hindi mo siya gusto, bakit parang ramdam na ramdam ko sa yakap mo?" Lumayo tuloy ako sa kanya at nagpaalam na magpapahinga kasi aalis pa kami mamaya.
"Dahan-dahan lang! Don't be too excited!" narinig kong sigaw pa niya.
SI EZEKIEL NALANG ANG nagpapakalma sa'kin kahit na wala siyang alam. Tumayo siya noong nakita niya ako. "I'm Ezekiel Gio Villasenior." Nag-extend siya ng kamay as he formally introduces himself.
I smiled. "Princess Lauren Villamor," pagpapakilala ko sa kanya.
Casual na nagkukwentuhan lang kaming dalawa. Walang nagbabanggit sa nangyari o napag-usapan kagabi kasi alam namin na mag-iiba ang ambiance. Gusto ko iyong ganitong usapan lang. Habang kumakain kami, hindi ko mapigilan na mapatingin lang sa kanya. It is obvious na mahal na mahal niya ang parents niya at si Kianna, I am just curious about something.
Medyo awkward at nagkakaroon ng maraming silence sa pagitan namin tapos magkakatinginan kami at ngingiti. Kumakain pa rin naman kami hanggang sa na-realized ko na ang sarap pala niyang tingnan sa mga mata but of course, nagnanakaw lang ako ng tingin sa kanya.
But I was caught. He smiles noong napansin niyang napapatitig ako sa kanya.
"Bakit? Na-inlove ka na ba?" Nagulat ako sa pagtatanong niya at pinagtitripan na naman niya ako. What if I answered his question with yes?
"Can I ask you something? Okay lang kung ayaw mong sagutin. I'm just curious."
"Go ahead."
"Why would you choose to stay alone in your condo when you have someone waiting for you in your home? I mean, there's Kianna and your mom. Again, it's fine not to answer." Hindi ko inaasahan ang reaksyon niya sa tanong ko. Mukhang nabigla siya kaya sinabi ko na okay lang kahit hindi niya sagutin.
"It's complicated. You might not understand my reasons,” he started. "I don't have problems with them. It's about Dad and I, we have misunderstandings at madalas kaming mag-away kaya umalis nalang ako para hindi madamay sila Kianna. You know, I am not a good son," he continued.
I immediately ended the topic, I felt that he is not comfortable.
He has a beautiful eyes and face with killer smile. Tsaka iyong porma kasi niya ay simple lang pero ang lakas ng dating. Dumadami na ang compliment ko sa kanya. Ginaya tuloy ako. He is now staring at me and it makes me uncomfortable.
"I think, I like you," he said while staring through my eyes. I prefer our little fights than this one. He can ask everyone to date him pero hindi ko inaakala na ganito siya ka-straight forward. Kinabahan ako bigla.
"You can't be serious. Alam kong naging careless ako last night but I’m not an easy girl, Ezekiel. I swear that was my first time to be wasted because I knew you are with me pero kung hindi kita nakita, I won't be drinking too much." Explaining too much.
"I know, Lauren. It’s not just about last night. Can I be honest with you? Alam ko kung ano’ng klaseng lalaki ang tingin mo sa'kin. That was me before I met you. Everything seems to change when I met you. I don't know. I just want to be a guy who can stay with you... is it possible?" I was patiently waiting for him to translate his words. Nosebleed! Kidding aside.
I was waiting for his turn to say that this is just a joke or prank or anything.... but nothing came up, he must be serious! Kaya ba okay lang na mag-date kami ni Ezekiel? Alam ba ni Angelo na mangyayari ‘to?
"You are thinking if I’m serious. It's okay, I’m not forcing you right now. I am just letting you know how I feel." Nakikita ko naman na walang halong pang-aasar ang pag-confess niya sa'kin.
"I don't think you like me. Maybe... maybe, you are just thinking about my situation,” I answered. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya. Or, ayaw ko lang maniwala? "About last night nga pala, sorry talaga. I hope, wala akong ginawang kalokohan. And also, thank you." I had a peaceful night. Binago ko iyong usapan tapos namula siya. Cute!
Biglang may pumasok sa isip ko. Bakit bigla siyang bumait 'di ba? May nangyari ba? Sabi ni Kelly, una mong mararamdaman ang sakit ng katawan mo kapag may nangyaring ganoon. "May nangyari ba sa'tin kagabi?" Kahit ako ay nabigla sa tanong ko! Hindi ko naman dapat itatanong iyon, eh! Pantay lang ang pagkagulat naming dalawa pero mas natawa ako noong nakita ko ang itsura ni Ezekiel pagkatapos kong magtanong sa kanya. Lumilingon kasi siya sa mga tao na para bang chine-check kung may nakarinig sa tanong ko. May sensitivity din pala siya sa katawan.
"What? Wala!" kaagad naman niyang sinagot.
"Sorry, nabigla lang ako. Bakit bumabait ka sa'kin?"
He smiled. “Dapat alam ko kung kailan ka titigil sa pang-aasar sa’kin. First, hindi ka dapat nagbibiro sa lasing. Second, about that. Don't ask. Besides, hindi ko naman iyon gagawin sa'yo unless gusto mo!" Namula yata ako sa sinabi niya. This is awkward! Kahit siya ay napahawak sa batok niya at namumula. "Change topic," suggestion pa niya.
Parang hindi si Ezekiel na playboy ang kasama ko ngayon. Kung hindi ko alam ang style niya, I might fall for that confession. I am still not sure with this feeling.
May lumapit na babae sa table namin at parang galit siya. Hindi ko naman siya kilala kaya tiningnan ko si Ezekiel. "The reason why you are avoiding my friend is because of her?" She is clearly talking to Ezekiel pero sa’kin siya nakatingin! She even glared at me from head to toe!
"Excuse me? Do I know you?" pagtatanong ni Ezekiel.
"Iiwan mo ang kaibigan ko para sa kanya?" Tumayo siya at hinila iyong babae papalayo sa'min. Nakikita kong nag-uusap sila. More likely, nagtatalo sila. Bakit kailangang lumayo?
Okay, binabawi ko na ang sinabi ko na hindi playboy ang kasama ko ngayon. Ilang babae na kaya ang nakapunta sa condo niya? Ganito rin kaya si Angelo sa mga babae? Huwag naman. Ito rin siguro ang reason kung bakit nagdadalawang-isip si Angelo kay Ezekiel.
Maya maya ay bumalik na siya. "Sorry about that."
"Pwede na ba tayong umuwi?" Nabadtrip ako. Ilang babae pa kaya ang susugod sa'min ni Kelly para ipamukha na pagmamay-ari nila ang mga lalaking kasama namin?
Nagbago ang expression ng mukha niya. "Hey, are you jealous?" Nagbibiro pa siya pero hindi na ako natutuwa at napansin naman niya iyon. "Aawayin mo ba ako? She is just part of my old self."
Nagpaalam ako na pupunta sa restroom pero kahit tapos na ako, hindi naman kaagad ako bumalik. Napapaisip ako kung tama ba ang ginagawa ko. Kung tama ba na paasahin ang sarili ko.
“I still have questions," sabi niya pagbalik ko.
"I have a choice not to answer, right?" pagsusungit ko sa kanya.
Magsasalita na sana ulit si Ezekiel pero may sumigaw ng pangalan ko. "Ate Ren! Akala ko namalik-mata lang ako. Looks like you're in a date kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko. Ipakilala mo naman ako sa boyfriend mo." Nakatalikod sa kanya si Ezekiel kaya wala siyang ideya na Kuya niya ang kasama ko.
Tiningnan ko si Ezekiel. Asking for his help.
"Kianna, can you stay quiet? We're in a public place. Behave like a lady!" pagsusungit naman niya sa kapatid niya.
"You’re dating Ate Ren? Wow!" Nagpaalam siya saglit sa’min at sinabing babalik din kaagad. Mukha naman siyang nagulat at masaya at the same time.
"Sorry. She acts like a kid all the time,” he said.
"But I like her that way."
"Ikaw pala ang may kasalanan kung bakit hindi nagma-mature ang kapatid ko."
"She is mature. Hindi mo pa lang nakikitang magseryoso, nagmana yata sa'yo," I joked.
He laughs. "That's not true."
Bumalik si Kianna at nahiya ako na kasama na niya si Tita Mads! Nakita ko pa ngang napailing si Ezekiel na parang gusting magtago. Binati ko si Tita Madison at I invited them to join pero tumanggi si Tita Mads dahil nakikita na niya na nagkakamot ng ulo ang anak niya. Nangugulit nga si Kianna pero pinapagalitan siya ng Kuya niya. Kianna is asking so many questions at nakaka-pressure ang mga tanong niya.
"Kianna, stop it. You ruined our first date so stop asking questions," he announced out loud in front of his mother. I think, I’m blushing.
"Kianna, let's go. Let's give them some time and privacy."
"Mommy, ayaw ko pang umuwi."
"Kianna." Nag-warning tone na si Tita. "Let go of Renren's hand. I'll invite her in our house. Hayaan mong dumiskarte ang kapatid mo. Let's go."
"Okay! Bye, Ate Ren."
Tiningnan lang ni Ezekiel ang Mommy at kapatid niya habang palabas sa restaurant. He looks so embarrassed yet so cute. Pagka-alis nga nila ay nagpaalam na pupunta sa rest room.
I didn't realize that I was smiling the whole time.
"Tapos ka na bang kumain? Let's get out of here," aniya.
"Saan tayo pupunta?"
"Kahit saan, malayo kay Kianna."
I laughed. "That's okay. She is my friend."
"You don't understand. Tara na." Alin ang hindi ko maintindihan? Kung alam ko lang na ganito siya ka-cute, sana hindi ko siya inaaway. Naramdaman kong he is uncomfortable after naming makita sila Kianna so I ask him if we can just go home. Besides, parang may hangover pa ako. Hindi ko rin naman alam na count na pala ito as first date. But, there's no big deal. Ayaw ko lang na hindi maganda ang ambiance naming dalawa.
HINDI NAMAN KAAGAD NIYA ako pinababa kaya nag-usap pa kami. Ramdam ko pa rin na nahihiya siya sa nangyari.
"Oo nga pala, ano iyong itatanong mo?"
He looks at me. "Ahm... lasing na lasing ka ba talaga kagabi? Natatandaan mo pa ang mga sinabi mo?" Kinabahan ako sa tanong niya! Ano kaya ang sinabi ko?
"Honestly, ang natatandaan ko lang ay noong nasa kotse tayo. Hindi ko nga maalala kung paano pa ako nakapaglakad kagabi at kung paano pa ako napunta sa kwarto mo."
"Do you like me?" sunod na tanong naman niya na ikinagulat ko ulit.
"Baliw," tanging nasabi ko lang.
"If not, why did you kiss me last night?"
What the.
So, it's not a dream?
Lauren's POVKinaumagahan, inihatid ako ni Kiel sa apartment ko pero hindi kami nag-usap dahil ang awkward ng silence sa pagitan naming dalawa. Ano kaya ang pinag-sasabi ko kagabi? Hindi ko na matandaan lahat! Alam kong kasalanan ko kung bakit dinala niya ako sa condo niya kaya hindi ako nag-hysterical na nasa kama niya ako. Gladly, hindi naman siya ang katabi ko. So... panaginip lang pala na nakayakap ako at hinalikan ko siya kasi kung hindi, namatay na ako sa kahihiyan. Ano nalang ang iisipin niya?! Napaka-easy to get kong babae?
Ezekiel’s POVI was alone and bored in my condo but I don't let any girls go here. I don't understand myself. I just don't want to see any of them. Bumaba ako para pumunta sa pinakamalapit na bar na pwede kong tambayan.I didn't bother to text Dan, because I knew he is busy with Kelly. And, Angelo is still mad at me. I was bothered by Lauren. Hindi siya nawawala sa isip ko kaya hindi ako maka-porma sa ibang b
Lauren's POVPagpasok ko sa gate nakita ko kaagad si Ezekiel kaya lumiko ako para hindi kami magkasalubong. Masama ang loob ko noong nalaman kong hindi pala totoo na na-ospital si Kianna. Bakit siya magbibiro ng ganoon 'di ba? Hindi naman magandang biro iyon.Tsaka, ginawa lang pala niya iyon para pagtripan ako... at para sa babae niya.
Ezekiel’s POVMaaga akong nagkaroon ng bisita ngayong araw, ah? Katatapos ko lang maligo pero may kumakatok na sa harap ng condo ko. Wala naman akong inaasahang bisita. Sobrang dami ng pagkatok kaya binuksan ko kaagad pagkatapos kong magbihis. Nagtaka ako kasi nakita ko si Angelo samantalang may susi naman siya sa condo ko. Pwede naman siyang dumiretso.
"Ate Renren." Nagising ako dahil sa pagtawag ni Angelo. Hapon pa ang klase ko kaya may oras pa akong magpahinga at gumawa ng dapat gawin. Dito kaya natulog si Angelo? Lasing siguro kagabi kaya hindi nakauwi sa bahay nila.Madalas niya akong tawaging Ate Renren kapag kami lang ang magkasama kasi alam niyang gustong-gusto kong iyon. Pinagbuksan ko siya.
Natapos ko na lahat ng dapat kong gawin sa campus. Mabuti nalang, dinala ko na iyong uniform ko para diretso work na ako. Working student ako. Scholar sa Top-Field University (ToFU) kaya nakakapag-aral ako pero once na mapabayaan ko ang pag-aaral ko, tanggal na ako sa scholar. Last year naman kaya kakayanin ko. No maintaining grades naman ang scholar ni Sir Gerald, basta no failing grades lang.Kakalabas ko lang sa gate ng campus pero may humarang na sasakyan sa dadaanan ko. Si Angelo? What, now?Badtrip na nga ako kanina pang umaga dahil hindi ko na naman maalala kung saan ko naiwan ang relo ko. Sobrang importante pa naman sa’kin ng relo na iyon. Tinanong ko na si Kianna kung naiwan ko sa bahay nila or sa kwarto ng kapatid niya, pero wala naman. Saan ko kaya iyon naiwan? Hindi ako makapag-isip ng matino dahil iniisip ko kung saan ko iyon n