LOGINSa labas ng mansion ay sinalubong ako ng nagliliwanag na buwan. Tamang tama lamang iyon para makita ko ng maayos ang paligid. Sa gilid ng mansion ay may nakita akong naglalakad. Inisip kong si Roann iyon kaya patakbo akong lumapit sa babae. Pero isa lamang pala iyong kasambahay."Master Oliver, hinahanap nyo po ba ang girlfriend nyo?" salubong na tanong nito sa akin.Dahil sa hingal ay paulit-ulit na tango lang ang naging tugon ko sa kaniya."Ah, bumaba po siya doon. Mukhang hindi rin makatulog eh." anito sabay turo sa daan na papunta sa dalampasigan.May kataasan mula sa dalampasigan ang mansion ni abuela kaya ang itinurong daan ng kasambahay ay iyong hagdan na patungo sa dagat. Mabuti nalang at may mga poste ng ilaw sa gilid ng pathway na iyon kaya hindi ako magiging kakapa-kapa sa dilim at aasa nalang sa liwanag ng buwan na minsan ay dumidilim kapag natatabunan ng ulap."Sige po. Marami
"So this is going to be your room. If you need anything, magsabi ka lang. Yung kwarto doon sa tapat, iyon ang kwarto ko. If you need me, don't hesitate to knock. Hindi pa nga siguro tayo magkaibigan sa ngayon. Pero pwede naman tayong maging close e." paliwanag ni Oliver habang binubuksan ang sinasabi niyang kwarto.Nang makapasok na ako sa loob ng kwartong iyon ay walang pagdadalawang isip ko siyang pinagsarahan ng pinto. Naiwan siyang gulat na gulat sa labas ng kwarto. I don't care. Gustong gusto ko na kasing mapag-isa e. Ang sama kasi ng loob ko. Naiinis ako sa mga nangyayari.Pagka lock ko ng pinto ay matamlay akong lumakad papunta sa kama. Sa ibabaw noon ay may nakapatong na damit pantulog. Isang pares ng kulay pink na floral blouse at pajama iyon. Maayos iyong nakatupi sa ibabaw ng kama. Meron ding underwear. Mukhang naihanda talaga ng baklang iyon ang lahat.Malungkot akong naupo sa kama. Hindi ko alam kung ano ang d
Isang napakahaba at tila walang katapusang kwentuhan ang pinagsaluhan nina Oliver at nang kaniyang abuela. Ang dami dami nilang naging topic. Parang hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Halatang miss na miss nila ang isa't isa. Hindi tuloy ako makasingit sa kanila. Ang tanging nagawa ko lang ay makinig at ngumiti. Ayoko rin naman kasing makisingit sa kanila dahil ang saya saya nila. Ayokong maging panira. Not now.Hanggang sa matapos na ang hapunan ay panay parin ang tawanan at lambingan ng mag lola. Tumigil lang sila ng tila makaramdam na ng pagkahapo si abuela."Oh siya. Magpapahinga na ako. Ikaw na ang bahala sa bisita mo apo ha." paalam ni abuela. Nilapitan ako nito at mariing pinisil ang kamay ko. "It is nice, meeting you Roann. Masaya ako dahil sinamahan mo dito ang apo ko. Good night." anito sabay halik sa pisngi ko. Agad rin siyang tumalikod pagkatapos
"Welcome back master Oliver." Bungad sa amin ng isang lalaki na sa tantiya ko ay halos ka-edad ko lang. Nagbigay galang ito kay Oliver, pagkatapos ay nakangiti itong humarap sa akin. "Magandang araw po senyorita." Anito.Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Tila nahihiya naman siyang muling humarap kay Oliver at may kung anong binulong dito. Pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa na para bang nang-aasar.Sige! Teritoryo mo ito e. Malamang talaga makahanap ka ng kakampi dito."Ako na po ang bahala sa yate ninyo master. Mauna na po kayo sa mansion at kanina pa kayo iniintay ng iynong abuela." Sabi pa ng lalaki at inabot na nito ang isang susi kay Oliver na agad naman niyang kinuha. Tapos ay lumakad na siya ng walang pasabi.Parang walang kasama eh no? Hindi man lang ako sinabihan na
"Roann." Muling tawag ni Oliver sa pangalan ko. This time ay nag-angat na ako ng ulo at tumigil sa pagkain para tingnan siya.Parang nag-aalinlangan pa siyang ngumiti ng titigan ko siya. Pero agad din namang napalis ang ngiti sa labi niya ng tinaasan ko siya ng kilay at simangutan.Ano? Akala mo kakausapin na kita? Huh? Bakit? Asa kang bakla ka!Muli akong nagbaba ng tingin at bumalik sa pagkain ng walang anumang sinasabi. Gusto ko lang kasing iparamdam kay Oliver ang pagka dis-gusto ko sa kaniya. Sana talaga ay tigilan na niya ang kakakulit niya sa akin dahil mas lalo lang akong na aasar sa kaniya.Ano? Manhid ba siya? Talagang ipag-pipilitan niya ang sarili niya sa akin? Puwes, wala siyang mapapala. Dahil kahit pagiging kaibigan ay hindi ko kayang ibigay sa kaniya.Baklang manyak
ROANN'S POV:Matagal ding nawala si Oliver. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ko ay basang basa ang damit niya. Para siyang basang sisiw.Tsk. May gana pang maligo ang loko."Babalik na tayo." Ani Oliver. Bigla niyang pinihit ang manibela ng barko. Nang bitawan niya ito ay marahan siyang lumapit sa akin at ngumiti ng pilit. "Im sorry." Mahina niyang usal.Sa wakas ay tinanggal niya na ang tali sa kamay at paa ko. Nang mapakawalan na niya ako ay lumabas na siya ng engine room. Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng yate at iniwan akong nag-iisa.Ano kaya ang pumasok sa isip niya at bigla siyang nag desisyon na bumalik na?Anyway, wala na akong pakialam pa doon. Ang mahalaga ay babalik na kami. Iyon naman talaga ang gusto ko e.Habang nakatingin parin sa pinasukan na pinto ni Oliver ay biglang tumunog