Chapter: Kabanata 18: Over ThinkingSa labas ng mansion ay sinalubong ako ng nagliliwanag na buwan. Tamang tama lamang iyon para makita ko ng maayos ang paligid. Sa gilid ng mansion ay may nakita akong naglalakad. Inisip kong si Roann iyon kaya patakbo akong lumapit sa babae. Pero isa lamang pala iyong kasambahay."Master Oliver, hinahanap nyo po ba ang girlfriend nyo?" salubong na tanong nito sa akin.Dahil sa hingal ay paulit-ulit na tango lang ang naging tugon ko sa kaniya."Ah, bumaba po siya doon. Mukhang hindi rin makatulog eh." anito sabay turo sa daan na papunta sa dalampasigan.May kataasan mula sa dalampasigan ang mansion ni abuela kaya ang itinurong daan ng kasambahay ay iyong hagdan na patungo sa dagat. Mabuti nalang at may mga poste ng ilaw sa gilid ng pathway na iyon kaya hindi ako magiging kakapa-kapa sa dilim at aasa nalang sa liwanag ng buwan na minsan ay dumidilim kapag natatabunan ng ulap."Sige po. Marami
Last Updated: 2020-08-15
Chapter: Kabanata 17: Where Are Y*u"So this is going to be your room. If you need anything, magsabi ka lang. Yung kwarto doon sa tapat, iyon ang kwarto ko. If you need me, don't hesitate to knock. Hindi pa nga siguro tayo magkaibigan sa ngayon. Pero pwede naman tayong maging close e." paliwanag ni Oliver habang binubuksan ang sinasabi niyang kwarto.Nang makapasok na ako sa loob ng kwartong iyon ay walang pagdadalawang isip ko siyang pinagsarahan ng pinto. Naiwan siyang gulat na gulat sa labas ng kwarto. I don't care. Gustong gusto ko na kasing mapag-isa e. Ang sama kasi ng loob ko. Naiinis ako sa mga nangyayari.Pagka lock ko ng pinto ay matamlay akong lumakad papunta sa kama. Sa ibabaw noon ay may nakapatong na damit pantulog. Isang pares ng kulay pink na floral blouse at pajama iyon. Maayos iyong nakatupi sa ibabaw ng kama. Meron ding underwear. Mukhang naihanda talaga ng baklang iyon ang lahat.Malungkot akong naupo sa kama. Hindi ko alam kung ano ang d
Last Updated: 2020-08-15
Chapter: Kabanata 16: We're Not FriendsIsang napakahaba at tila walang katapusang kwentuhan ang pinagsaluhan nina Oliver at nang kaniyang abuela. Ang dami dami nilang naging topic. Parang hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Halatang miss na miss nila ang isa't isa. Hindi tuloy ako makasingit sa kanila. Ang tanging nagawa ko lang ay makinig at ngumiti. Ayoko rin naman kasing makisingit sa kanila dahil ang saya saya nila. Ayokong maging panira. Not now.Hanggang sa matapos na ang hapunan ay panay parin ang tawanan at lambingan ng mag lola. Tumigil lang sila ng tila makaramdam na ng pagkahapo si abuela."Oh siya. Magpapahinga na ako. Ikaw na ang bahala sa bisita mo apo ha." paalam ni abuela. Nilapitan ako nito at mariing pinisil ang kamay ko. "It is nice, meeting you Roann. Masaya ako dahil sinamahan mo dito ang apo ko. Good night." anito sabay halik sa pisngi ko. Agad rin siyang tumalikod pagkatapos
Last Updated: 2020-08-15
Chapter: Kabanata 15: Abuela"Welcome back master Oliver." Bungad sa amin ng isang lalaki na sa tantiya ko ay halos ka-edad ko lang. Nagbigay galang ito kay Oliver, pagkatapos ay nakangiti itong humarap sa akin. "Magandang araw po senyorita." Anito.Tipid na ngiti lang ang ibinigay ko sa kaniya. Tila nahihiya naman siyang muling humarap kay Oliver at may kung anong binulong dito. Pagkatapos ay nagtawanan silang dalawa na para bang nang-aasar.Sige! Teritoryo mo ito e. Malamang talaga makahanap ka ng kakampi dito."Ako na po ang bahala sa yate ninyo master. Mauna na po kayo sa mansion at kanina pa kayo iniintay ng iynong abuela." Sabi pa ng lalaki at inabot na nito ang isang susi kay Oliver na agad naman niyang kinuha. Tapos ay lumakad na siya ng walang pasabi.Parang walang kasama eh no? Hindi man lang ako sinabihan na
Last Updated: 2020-08-15
Chapter: Kabanata 14: Casa Gonzaga"Roann." Muling tawag ni Oliver sa pangalan ko. This time ay nag-angat na ako ng ulo at tumigil sa pagkain para tingnan siya.Parang nag-aalinlangan pa siyang ngumiti ng titigan ko siya. Pero agad din namang napalis ang ngiti sa labi niya ng tinaasan ko siya ng kilay at simangutan.Ano? Akala mo kakausapin na kita? Huh? Bakit? Asa kang bakla ka!Muli akong nagbaba ng tingin at bumalik sa pagkain ng walang anumang sinasabi. Gusto ko lang kasing iparamdam kay Oliver ang pagka dis-gusto ko sa kaniya. Sana talaga ay tigilan na niya ang kakakulit niya sa akin dahil mas lalo lang akong na aasar sa kaniya.Ano? Manhid ba siya? Talagang ipag-pipilitan niya ang sarili niya sa akin? Puwes, wala siyang mapapala. Dahil kahit pagiging kaibigan ay hindi ko kayang ibigay sa kaniya.Baklang manyak
Last Updated: 2020-08-15
Chapter: Kabanata 13: CursingROANN'S POV:Matagal ding nawala si Oliver. Nang bumalik siya sa kinaroroonan ko ay basang basa ang damit niya. Para siyang basang sisiw.Tsk. May gana pang maligo ang loko."Babalik na tayo." Ani Oliver. Bigla niyang pinihit ang manibela ng barko. Nang bitawan niya ito ay marahan siyang lumapit sa akin at ngumiti ng pilit. "Im sorry." Mahina niyang usal.Sa wakas ay tinanggal niya na ang tali sa kamay at paa ko. Nang mapakawalan na niya ako ay lumabas na siya ng engine room. Sinundan ko siya ng tingin. Pumasok siya sa loob ng yate at iniwan akong nag-iisa.Ano kaya ang pumasok sa isip niya at bigla siyang nag desisyon na bumalik na?Anyway, wala na akong pakialam pa doon. Ang mahalaga ay babalik na kami. Iyon naman talaga ang gusto ko e.Habang nakatingin parin sa pinasukan na pinto ni Oliver ay biglang tumunog
Last Updated: 2020-08-15
Chapter: Kabanata 16Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita
Last Updated: 2020-08-07
Chapter: Kabanata 15Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka
Last Updated: 2020-08-07
Chapter: Kabanata 14Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale
Last Updated: 2020-08-07
Chapter: Kabanata 13Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu
Last Updated: 2020-08-07
Chapter: Kabanata 12Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito
Last Updated: 2020-08-07
Chapter: Kabanata 11Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan
Last Updated: 2020-08-07