Mag-log in"Once your in, death is the only way out!" Kaya mo bang pasukin ang isang lihim na paaralan? Isang paaralan na magiging tahanan mo sa loob ng apat na taon. Isang paaralan na ang tanging daanan palabas-- ay ang KAMATAYAN! Mamamatay ka? O papatay ka? Habang nag-aaral ay kailangan mong mag-imbestiga. Alamin kung sino ang killer at unahan ito. Tatagal ka ba kung kasama mo sa iisang bubong ang hinahanap mo? Labing limang estudyante. Ilan kaya sa kanila ang matitira? Ating alamin at samahan sila-- "Let's play, HELL GAME."
view moreKabanata 1: Wisconsin University
KYRA'S POINT OF VIEW
| intern student |Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga habang pinagmamasdan ang malaking gate ng university. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na dito na ako mag aaral. Balita ko ay mga piling estudyante lang talaga ang nagkakaroon ng pagkakataon na mapasok ang paaralang ito. Ayon nga sa research ko ay hindi basta bastang tumatanggap ang school ng mga intern students, not unless maabot mo ang standards nila.
The school was not made for the rich and powerful people. Basta hindi ka nakapasa sa limang level na exams nila ay hindi ka matatanggap. That's the reason why I love this school so much. Feeling ko kasi ay espesyal ako dahil dito na ako mag-aaral. Kahit pa medyo dulo na ito ng Pilipinas. Yes. I have to travel ten hours para lang marating ko ang school na ito. Mabuti nalang at sagot nila ang lahat ng expenses ko.
"Hindi ka pa ba kakatok?" napalingon ako ng may magsalita mula sa likuran ko.
Isang babae ang nakangiting bumungad sa akin. Mukhang bagong estudyante rin siya. Habang pinagmamasdan ko ang babae ay hindi ko maiwasang titigan siya ng mabuti. Pamilyar kasi sa akin ang mukha niya. Parang nakita ko na siya, kung saan.
"Magkakilala ba tayo?" Tanong ko habang iniisip kong mabuti ang pagkakakilanlan niya.
"Nagpapatawa ka ba? Hindi mo na ako naaalala?" sagot niya. Naiiling siyang tumitig sa akin.
Magkakilala ba kami? Kung ganoon, bakit hindi ko siya matandaan?
"I'm sorry, paano mo nga ako nakilala?" Kunot noong tanong ko. Wala talaga kasi akong matandaan e. Kahit anong pilit kong hukay sa ulo ko ay wala akong maalala.
Tumawa lang siya. "Your funny Kyra." aniya. Naiiling niya akong tinalikuran at humarap sa malaking gate ng school. "One year lang tayong nagkalayo pero hindi mo na ako naaalala? Ang sakit ah." She whispered.
She really knew me. Dapat ay kilala ko rin siya.
Sinubukan kong isiping mabuti kung sino ang babaeng nakatayo sa tabi ko pero kahit anong gawin ko ay wala talaga. Parang may malaking pader na humaharang sa bahagi ng utak ko na nakakaalam ng lahat para hindi makalabas ang impormasyon na hinahanap ko. Hindi ko alam. Ang weird dahil hindi naman ako nagka amnesia. I haven't been in an accident either.
"Si Lara to oy, ano ka ba. And weird mo ah." Muli siyang ngumiti sabay hampas sa balikat ko.
Nginitian ko rin siya. Kahit hindi ko siya maalala ay tila may bahagi ng utak ko ang nagsasabing I could trust her, I don't know? Nalilito talaga ako.
Magsasalita pa sana ulit ako ng unti unti nang bumukas ang bakal na gate ng Wisconsin University. Sabay kaming napalingon doon ni Lara. As she named herself.
"Welcome to us." Sabi pa niya sabay hawak sa braso ko.
Medyo nalilito parin ako ng mga oras na iyon pero nagpatanggay na lang ako ng simulan na akong hilahin ni Lara papasok sa University. After all, mas mabuti narin ito at may makakausap na ako sa loob ng WU (Wisconsin University). Sa pagkakaalam ko kasi ay stay-in ang mga estudyante ng school na ito.
You can only leave this school, once you graduated.
Ayon sa konting nalaman ko ay ang WU daw ang nagbibigay ng lahat ng pangangailangan ng mga estudyante nila. Kaya naman once we enter their facility ay wala na kaming iisipin pa kung hindi ang mag-aral na lang ng mabuti. It was a great opportunity for me. Dahil pagkatapos kong maka-graduate dito ay makakahanap na ako ng magandang trabaho. Matutulungan ko na ang pamilya ko.
Biglang huminto si Lara sa paglalakad dahilan para mapahinto rin ako. Tiningnan ko siya. Tila nangingislap ang mga mata niya habang titig na titig sa isang direksyon. Agad kong binalingan ang tinitingnan niya. Kaya naman pala parang naa-amaze siya ay dahil may ilang estudyanteng humarang sa dadaanan namin. Nakahilera ang mga ito habang nakataas ang mga kamay. Bawat estudyante ay may hawak na isang placard na may nakasulat na isang letra.
WELCOME TO HG
Iyon ang nabasa kong nakasulat ng pagsama-samahin ko ang mga letra sa placard nila. HG? Hindi naman iyon ang pangalan ng school. Dapat ay letter W and U, kung ang tinutukoy nila ay Wisconsin University.
Ano naman iyong HG? Nagkamali lang ba sila ng naisulat?
"Ang sweet naman." Paulit ulit na winasiwas ni Lara ang kamay ko habang tila kinikilig dahil sa nakikita.
Balak ko sanang sabihin sa kaniya ang tungkol sa nakita ko pero pinigil ako ng isang babaeng bigla nalang dumating. Nakasuot ito ng black blazer at black mini-skirt. Tumayo ito sa tapat namin at tila naiinis na nagsalita.
"Your both late. Follow me."
Wala na siyang iba pang sinabi. Basta nalang siyang tumalikod sa amin ni Lara pagkatapos niyang bitawan ang mga salitang iyon. Wala wala na tuloy kaming ibang nagawa kundi ang sumunod sa kaniya. Sinundan namin siya hanggang sa marating namin ang isang kwarto na mayroong malaking pulang pintuan. Binuksan iyon ng babae pagkatapos ay tuloy tuloy itong pumasok sa loob. Samantala kami ni Lara ay saglit pang nagkatitigan bago sumunod sa kaniya.
Sa loob ng kwarto ay may ilang estudyanteng nakaupo sa mga upuan. Mukhang mga bagong estudyante rin sila na katulad namin ni Lara. Maliban sa babaeng sumundo sa amin ay meron pang isang babae na nakaupo sa isang mala-tronong upuan.
Iyon marahil ang head ng school?
Maya maya ay sumenyas iyong babaeng nakaupo doon sa babaeng sumundo sa amin. Agad naman itong kumilos. May kung ano itong kinuha sa ibabaw ng table at iniabot sa aming dalawa ni Lara. Pagtanggap ko no'n ay agad ko iyong binasa. Isa iyong form.
"Sign that ladies, para naman makapagsimula na tayo." Utos no'ng babaeng nasa trono.
Balak ko pa sanang basahing mabuti ang laman ng form na iyon pero sinenyasan ako ni Lara na pirmahan ko na agad katulad ng ginawa niya. Kaya naman nagmamadali na akong kumuha ng ballpen sa bag ko. Pagkatapos kong pirmahan ang form ay agad iyong kinuha ng babaeng sumundo sa amin kanina. Nang makuha niya na rin ang pinirmahan ni Lara ay lumakad na siya palapit sa babaeng nakaupo sa trono. Tapos, tumayo siya sa tabi nito na parang estatwa. Halatang naghihintay ng bagong iuutos sa kaniya.
"Welcome to Wisconsin University. I am Lady Vhern." Pakilala ng babaeng nasa trono. "Tabitha will assist you all. Siya na ang bahala sa inyo. Kung may mga tanong kayo ay pwede ninyo siyang lapitan. Ibibigay niya ang best niya para matulungan kayo." dugtong pa niya.
Samantala, bahagya namang yumuko ang babaeng nakatayo sa tabi niya.
So Tabitha pala ang pangalan niya.
"Ah Lady Vhern, is it true that during our study here we can't leave this school?" Isang may kaliitang babae ang nagtanong. Nakaupo ito sa kumpol ng mga estudyanteng nauna na sa amin. Kinilatis ko siyang mabuti, and like Lara ay parang magaan din ang loob ko sa kaniya. I just don't remember her, pero parang kilala ko rin siya.
Nagka-amnesia ba ako?
Pagkatapos ko itong pagmasdan ay bumaling ako sa mga estudyanteng nakapalibot dito. Kung susumahin ay labing lima lang kaming estudyante na nasa kwartong iyon. Ang ibig noong sabihin ay kami lang ang mga nakapasa sa libong kumuha ng exams.
Nang magsalitang muli si Lady Vhern ay pumaling ako ng tingin dito. Ewan ko pero bigla akong kinilabutan sa paraan ng pagkakangiti niya habang titig na titig sa amin. May kakaiba rin sa kislap ng mga mata niya ng oras na iyon.
Nakakakilabot.
"Yes little girl. Once your in, death is the only way out." nakangising sagot ni Lady Vhern.
Sabay sabay na nagbulungan ang mga kasama kong estudyante. Lahat may mga tanong pa pero ipinagtabuyan na kami ni Lady Vhern. Ayaw pa sana naming lumabas ng kwartong iyon hanggang hindi nasasagot ang mga tanong namin pero may dumating na mga lalaki na pumalit sa aming lumabas. Para silang army na pinagtulungan kaming palabasin sa kwarong iyon.
Once your in, death is the only way out?
Seryoso ba talaga si Lady Vhern ng sabihin niya iyon? O sadyang trip niya lang na manakot?
Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita
Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka
Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale
Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu


![Taming the Dangerous CEO [Tagalog]](/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


