LOGINKabanata 7:
Katotohanan
KYRA'S POINT OF VIEW
| intern student |Hindi parin kami makapaniwalang may kasama kaming estudyante na namatay. Ang matindi doon ay hindi lang ito basta namatay. Pinatay ito ng kung sino mang walang kaluluwa.
Paano niya nagawang patayin si Lorraine?
Ang kawawang si Lorraine.
Napapikit ako ng maalala ko ang nakita ko kanina. Nakahundusay ang katawan ni Lorraine sa sahig ng banyo. May hiwa ito sa leeg, na naging dahilan ng masaganang pag-agos ng kaniyang dugo. May ilang pasa rin siya sa katawan, patunay na nanlaban siya.
Kung nanlaban si Lorraine bago namatay? Siguradong may nalikha siyang pasa, sugat o galos man lang sa pumatay sa kaniya.
Right. That's a clue.
"Kami na ang bahalang maglibing sa katawan niya." Panimula ni Lady Vhern. Nakatayo ito ngayon sa gitna naming lahat.
Napatingin ako sa kaniya.
"Maglibing? What about her family? Hindi ninyo ba sasabihin sa kanila ang nangyari kay Lorraine?" Tanong ko.
Lumingon at tumitig sa akin si Lady Vhern. Ilang segundo rin siyang nakatitig lang bago sumagot. "Nope. Hindi namin pwedeng gawin iyan." sagot ni Lady Vhern.
"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT?" Tanong agad ni Jessie. Inis itong nag cross arm at lumapit sa head admin ng school.
"THE FUCK!" Napamura naman si Agatha.
"What happened here, going to stay here. It was all written on the form that you've all signed, when you enter Wisconsin University." Sagot ni Lady Vhern. Nag smirk ito kay Jessie.
"Ano? Kalokohan iyon." Inis na napatayo si Denver.
"What happened here is a murder. We need to report that!" Sabi ni Alexandria.
"Sure. But you have a itsy bitsy tiny little problem." Ngumiti sa amin si Lady Vhern at lumakad ng bahagya.
"Huh?" Agatha.
"What?" Scarlet.
"Anong problema?" Beatriz.
"Iyon eh kung makakalabas kayo ng school na ito." Dugtong nito.
"What? FUCK YOU!" Mura ni Jessie sa kaniya. "Lalabas ako sa school na ito, at hindi mo ako mapipigilan!" Pagkasabi noon ay marahas itong lumakad palabas ng bahay. Wala ni isa mang pumigil sa kaniya.
Maliwanag na sa labas ng oras na iyon. Malapit ng sumikat ang araw.
"Ano bang ginagawa ninyo?" Naiiyak na tanong ni Paloma. Kanina pa ito iyak ng iyak nang makita ang bangkay ni Lorraine sa banyo.
"Enough of this discussion. Mag-ayos na kayo ng sarili ninyo at may pasok pa kayo mamaya. Cash would be so disappointed kapag may um-absent sa inyo. Hindi ninyo pa siya nakikitang magalit." may pagbabantang sabi ni Lady Vhern.
Cash?
Sino naman iyon? Is that the owner of Wisconsin University? Mas mataas pa kay Lady Vhern?
---
6:28 am
"Sino naman ang may ganang pumasok ngayon ha? May namatay kayang estudyante sa tinutuluyan natin." Naiiyak na sabi ni Scarlet.
Kung gaano ito kasigla kahapon ay ganoon naman ito katamlay ngayon. Hindi ko siya masisisi. Sino ba naman ang matutuwang makakita ng bangkay, pagkagising mo pa lang sa umaga.
Pinagala ko ang tingin ko sa kabuuan ng sala. Bawat kasama naming estudyante ay pinakatitigan ko.
Isa sa kanila ang maaring pumatay kay Lorraine. Pero sino?
Sa panunuod ko sa mga kasama kong estudyante ay napansin ko ang maliit na gasgas ni Paloma sa kaniyang kaliwang braso. Pinakatitigan ko itong mabuti. Mukhang sariwa pa ang gasgas niya.
Siya ba? Ginawa niya ba ang bagay na iyon? Siya ang unang nakakita sa bangkay ni Lorraine, kaya siya ang number one suspek.
Sa kalagitnaan ng pagninilay nilay ko ay biglang dumaan sa harapan ko sina Clarrise, Shanna, Agatha, Denver at Sanzo. Lahat sila ay naka uniform na.
Para sa mga lalaki ay black stripe long sleeve, white polo shirt with black tie, at black stripe pants. While for girls ay white long sleeve, black stripe vest with black tie and round flits black stripe skirt. Parang Japanese style uniform. Tinernuhan pa iyon ng black long socks at black shoes.
Hindi ko pa nasisilip ang box na binigay kahapon ni Tabitha. Kaya wala akong idea na ganoon pala ang uniform namin.
Uniform?
So malamang ay papasok sila. Hindi man lang ba sila worried sa nangyari?
Bago lumabas si Clarrise sa pinto ay huminto muna ito at tumingin sa aming lima."If I were you guys, magpalit na kayo ng damit. Tigilan ninyo na muna ang pag-iinarte. Rules are rules." Sabi niya sabay lakad na palabas.
"Psh! Tingnan mo nga ang mga iyon, parang wala lang sa kanila ang nangyari." Ani Beatriz.
Tumingin ako sa inuupuan ni Paloma kanina, wala na ito doon. Saan kaya siya nagpunta?
Minute later ay nakita ko na ang hinahanap ko. Kasama na nito si Nilo, both in their uniforms.
Kaming lima lang ba ang walang balak pumasok?
Bukod kasi saming lima nina Beatriz, Scarlet, Alexandria at Lara ay wala na kaming kasama sa loob ng bahay.
"Alam ninyo sa tingin ko, dapat pumasok din tayo?" Ani Alexandria.
"Hindi nga rin maganda ang pakiramdam ko sa banta ni Lady Vhern kanina." Ani Lara.
"Oo nga at sino ba si Cash?" Tanong ko.
"Baka siya iyong pinaka head ng school na ito?" Alexandria.
"Mas mataas pa kay Lady Vhern?" Scarlet.
"Siguro." Lara.
Natigil ang pag uusap naming lima ng may tumunog na bell. Tumingin ako sa suot kong relo. Eksaktong alas siyete na. Siguro ay hudyat ang bell na iyon na magsisimula na ang klase.
Nagkatitigan lang kaming lima.
Seconds later pagkatunog ng bell ay may kung anong tumilapon sa pwesto namin. Nagsimulang lumabas ang usok sa bagay na iyon. Napatakip kaming lahat ng ilong at nagsitayuan.
"A-anong n-nangyayari?" May pag aalalang tanong ni Beatriz.
As soon as I smell that scent ay bigla akong nahilo. Biglang bumigat ang eyelids ko. Hanggang sa maramdaman ko nang unti-unti ng bumabagsak ang katawan ko sa sahig.
Nakita kong isa isa naring natutumba ang mga kasama ko. Pati narin ang paglapit sa amin ng isang lalaki.
I saw something on his face. ANGER? DISAPPOINTMENT? I'm not sure.
Lumapit siya sa akin. Hinawakan ako sa balakang at binuhat.
Gusto ko pa sana siyang titigan ng matagal at mabuti pero masyado ng mabigat ang eyelids ko. I can't take it any longer.
Sino ba ang lalaking ito? Anong gagawin niya sa amin? Saan niya kami dadalhin?
Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita
Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka
Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale
Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu
Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito
Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan