Mag-log inKabanata 12:
Too Late
ALEXANDRIA'S POINT OF VIEW
| intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.
Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?
Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay.
"Annyeong (Hello)."
Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito. But she look more matured than me, for sure senior namin siya.
"Hi." Ganting bati ko sa kaniya. Naupo siya sa tabi ko at tumingala sa langit.
"This school is hell creepy than you think right?" Muli siyang nagsalita.
Napatitig lang ako sa kaniya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Although mukhang pareho nga kami ng iniisip.
Bago ko pasukin ang school na ito ay may pagka mysterious nga ang dating sa akin nito. Imagine, sa libong nag a-apply para maging intern student dito ay wala pang ten percent ang nakakapasok. Maybe that's the reason why I'm here. Naisip ko kasing isa iyong challenge. Para mapatunayan ko ang sarili kong kakayahan. Para makita ko kung hanggang saan ang kakayahan ko.
But after what happened yesterday. After what I saw. Gustong gusto ko na talagang makalabas. Gusto ko ng umuwi. Hindi ko lang ipinapakita kay Scarlet pero, nagsisimula narin akong matakot.
"Well. At first inakala ko rin na masaya ang mag-aral sa school na katulad nito. Yung naiiba sa lahat. Iyong makakapag challenge sa akin, to prove myself to everybody. But I was wrong. Anio (No) hindi pala masaya ang mapunta sa ganitong lugar. Too late dahil hindi ko na pwedeng baguhin pa ang mga naging desisyon ko. It's too late for me. I already did what they asked me too. Now I'm part of this HELL GAME."
"Huh?" Napaawang ang mga labi ko.
Hell game?
Iyon ba ang tawag nila sa ginagawa sa amin ngayon? Pinaglalaruan nila kami? Para saan?
For their satisfaction? For money?
"But for you, and your friends. It's not too late."
"How about you? Anong sinasabi mong huli na ang lahat para sa iyo?" Naguguluhan kong tanong.
"Once your in, death is the only way out! THAT'S BULL SHIT! Pero. Pero. Pero wala akong choice, kung hindi ang gawin iyon. H-hindi ko iyon ginusto. Ang gusto ko lang ay makalabas na dito. Ang gusto ko lang ay makalabas na dito. Sa impyernong lugar na ito. Lalabas na ako sa impyernong lugar na ito kaya papatayin ko silang lahat! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!" Nagsimula ng mag hysterical iyong babae.
Napatayo ako sa upuan at napaatras ng bahagya palayo sa kaniya.
Doon ko lang napansin na puno ng dugo ang kamay niya. May hawak din siyang kutsilyo na iniangat niya para makita ko.
"PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT! MAKAKALABAS NA AKO SA LUGAR NA ITO! KAILANGAN KO LANG KAYONG PATAYIN! HAHAHA." Gumapang ang kilabot sa katawan ko ng paulit ulit siyang tumawa.
Humakbang siya palapit sa akin, kaya naman napaatras ako.
Papatayin niya ako.
Nakaramdaman ako ng matinding takot ng maisip iyon. Ayoko pang mamatay. Hindi ngayon. Gusto ko ring makalabas sa lugar na ito. Hindi pa huli ang lahat para sa akin.
"Ahhhhhh." Napahawak ako sa tagiliran ko ng maramdaman ko ang pagbaon ng matalim na bagay dito. Sinipat ko ito.
Unti-unti ng tumutulo ang dugo na nanggagaling sa sugat na nalikha ng kutsilyong itinurok sa akin ng babae. Napapikit ako sa sakit. Binalak kong muling umatras pero huli na ang lahat. Muling nagpakawala ng unday ang babae.
Am I going to die?
Katapusan ko na ba? Matutulad rin ba ako kay Lorraine at Jessie?
Hindi ko napigilang mapaluha.
Nagkakagulo na ng mga tao sa paligid ko. Narinig kong may umawat sa babaeng sumasaksak sa akin, pero hindi ko na nakita ang mga pangyayari dahil dumidilim na ang paligid.
Hanggang sa tuluyan ng tumahimik ang lahat.
Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita
Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka
Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale
Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu
Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito
Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan