Mag-log inKabanata 16: Pick A Partner
CLARRISE POINT OF VIEW
| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.
Mga bagong kaibigan?
It's funny right?
Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.
Ewan ko ba.
Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.
Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita.
I bet they feel that too.
Para kaming mga dati ng magkakaibigan na bigla nalang nagkaron ng amnesia. Bukod sa isa't isa ay wala na kaming iba pang nakalimutan.
Could that be possible? Meron bang ganon?
Iyong magkaka amnesia ka tapos ilang alaala mo lang ang mabubura? Haha. Funny. Ano ba naman kasi ang iniisip ko.
"Ok interns. I'm your P.E. couch. Ito ang una nating pagkikita kaya naman magpapakilala muna ako sa inyo." Dahil nasa likurang bahagi ako ng gymnasium ay kinailangan ko pang isingit ng bahagya ang ulo ko para makita ang nagsasalita sa harapan.. "Just call me Professor Mateo." Pakilala pa nito.
Nakasuot ito ng jogging pants na kulay black, katulad namin at isang simple puting tshirt na fitted sa katawan niya. And yes, he's hot. Dahil narin siguro sa pagiging PE teacher niya ay napaka-fit ng katawan niya.
"Wow ang yummy niya." Tila kilig na kilig na namilipit si Shanna. Nasa unahan ko lang ito kaya kitang kita ko ang pangingisay niya. Pangingisay na dala ng kalandian niya.
Psh. Hindi ko siya gusto. Bakit? Dahil haliparot siya! Nakita ko lang naman silang magkasama ni Denver kahapon. Wala naman akong pakialam ok, pero nakakainis lang kasi ang ginagawa niyang pag-pulupot sa braso nang mokong na iyon e. Para siyang sawa kung makalingkis. Nagmumukha tuloy siyang pokpok.
Aba! At iyong Denver namang iyon. Naku. Tuwang tuwa naman sa atensyon na binibigay sa kaniya ni Shanna. Mukha nakalimutan niya na ang panganib na naghihintay sa amin sa lugar na ito.
Ughhhh. Nakakainis!
Napaka walang kwenta rin ng Denver na iyon e. Porket sinabi ko lang na tigilan niya na ako ay hindi na nga siya lumapit sa akin. Psh! Pwes magsama sila ng maharot na Shanna na iyon. Bagay lang sila.
"You." Nagtaka ako ng bumaling ng tingin sa akin ang mga kaklase ko. Itinuro pala ako si Sir Mateo.
"Po?" hindi pa siguradong tanong ko.
"Pick a partner." Utos nito.
Teka. Ano bang meron? Ba't kailangan ko ng partner?
Kahit medyo nalilito ay lumingon parin ako kay Denver. Siya kasi ang unang pumasok sa isip ko e. Pero dahil nasa tabi niya lang si Shanna ay mabilis din akong nag-iwas ng tingin. Balak ko pa naman sana siyang ituro. Pero dahil ayokong makagulo sa love story nila ay si Sanzo nalang ang itinuro ko.
"Siya nalang po." ani ko.
Ngumiti naman si Sanzo. Nagtaas pa ito ng kamay at lumapit sa akin.
"Ok. Kayo ang magiging pair A." Sabi ni sir tapos ay muli itong humanap ng estudyanteng ituturo. "Ikaw naman Mr. Villacorta? Humanap karin ng ka-partner mo." Nilingon ko ang sumunod na itinuro ni sir.
Si Quartz iyon. Nakakunot ang noo nito.
"Sir?" Sabi pa ng binata.
"Don't waste my time Mr. Villacorta! Time is precious. At kung hindi mo susundin ang inuutos ko ay bibigyan kita ng masamang review. You know, Lady Vhern would be so disappointed." Sabi ni sir.
Napakamot ng ulo si Quartz. At naiiling na itinaas ang kanang kamay.
Sinundan ko ng tingin ang itinuro niya. Si Kyra. Napanganga ang dalaga. Hindi nito inaasahan ang lahat. Mukhang hindi nya rin nagustuhan ang pagkakaturo sa kaniya ni Quartz kaya agad siyang nag reklamo.
"Bakit ako?" ani Kyra.
"At bakit hindi? Pumunta ka na sa partner mo!" Utos agad dito ni Mr Mateo. "Kayo na ang magiging pair B."
"Ah sir. I dont think its a good idea. Ughhh. Alam ninyo po kasi, uhm. May konti kaming hindi pagkakaunawaan ng lalaking iyan e. So baka po hindi namin magawa ng maayos ang ipapagawa ninyo. Mabuti pa po, iba nalang ang i-partner ninyo sa kanya." paliwanag pa ni Kyra.
"Then make it up now. BNothing will change my mind Ms. Fuentez, kaya kung ano man yang LQ na pinagdadaanan ninyo ay mabuti pang ayusin ninyo na iyan. And besides, Quartz chooses you."
"Pero sir. Wala naman pong—"
"I said make it up now!" Medyo sigaw ni sir sabay talikod. Pinagala ulit nito ang tingin sa lahat ng kasama naming estudyante.
Pinagpares pares niya kaming lahat.
Clarrise & Sanzo
Kyra & QuartzShanna & DenverScarlet & LaraBeatriz & AgathaNilo & PalomaPagkatapos ay pinagtapat tapat niya ang bawat pares.
"Ok, this is only a friendly game. Pero alam kong pagbubutihin ninyo ito, dahil ang mananalo ay makakakuha ng premyo." Sabi ni sir. May kinuha itong supot. Mga itlog ang laman ng supot na iyon. Binigyan niya ang bawat pares ng tig-isang itlog.
"Wow sir, ano pong premyo?" Excited na tanong ni Nilo.
"Kasagutan."
Kasagutan? Kasagutan saan?
Napatitig kaming lahat kay sir Mateo. Halatang na curious din ang mga kaklase ko sa sinabi niya.
"Kasagutan para po saan po sir? Sa magiging exams namin?" Natatawang tanong ni Paloma.
"Anything." Makahulugang sambit ni sir Mateo.
"Kahit ano? Talaga po? Aba maganda iyan a." Masayang tili ni Shanna.
Kasagutan sa kahit na ano?
Pwes kailangan kong manalo dito. Dahil baka may alam siya sa nangyari sa kuya ko.
Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita
Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka
Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale
Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu
Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito
Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan