Home / All / Hell Game / Kabanata 11

Share

Kabanata 11

last update publish date: 2020-08-07 18:35:21

Kabanata 11:

Alaala

KYRA'S POINT OF VIEW

| intern student |

<<< FLASHBACK <

"SHIT! WHO DID THAT?"

Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon.

"YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin.

Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.

Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan na pinapatungan ko kaya humarurot ako pababa. Lagapak ang puwetan ko sa simentong sahig. Napangiwi ako sa sakit. Hindi naman iyon alintana ng binata. Nagawa niya pang ngumisi ng sobrang luwag. Para siyang demonyong walang puso. Ni hindi niya alintanang babae ang pinagti-tripan niya.

Napahawak ako sa balakang ko at maingat na tumayo. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng nandoon. Nakaramdam ako ng bahagyang pagkapahiya. Pero mas nananaig ang inis na nagsisimula ng lumukob sa katawan ko.

Sino ba ang lalaking ito para gawin iyon? Hindi ako papayag. Magbabayad siya.

Wala pang ilang segundo ay nagawa ko ng kunin ang lata ng pintura na nakatayo sa gilid ng natumbang hagdan. Inis kong binuhos ang lahat ng laman noon sa lalaking naging dahilan ng pananakit ng balakang ko.

Tapos narinig kong nagbulungan ang mga estudyanteng nanunuod sa amin.

"Bakit niya ginawa iyon?"

"Nababaliw na ba siya?"

"Maganda to."

Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy nila, pero wala akong pakialam. Basta galit ako. Galit na galit sa walang modong lalaking nasa harap ko.

"WHAT THE." galit na galit na humarap sa akin iyong lalaki. Pinahid niya ang pinturang nasa mukha niya gamit ang dalawang kamay niya. Halos magkulay asul na ang buong katawan niya kaya napangisi ako. Pinagtaasan ko pa siya ng isang kilay at pa smirk na nagsalita.

"Ano? Psh. Iyan ang bagay sa kagaya mong walang hiya."

Hindi na nagsalita iyong lalaki, bagkus ay hinila ako nito. Halos makaladkad ako dahil sa paghila niya. Pilit kong binabawi ang braso ko pero masyado siyang malakas.

"Ano ba. Nasasaktan ako." Inis kong sigaw.

Pinagtitinginan kami ng mga estudyanteng nadadaanan namin, pero walang ginustong makialam.

"Saan mo ba ako dadalhin ha? Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko parin. Pero parang walang naririnig ang binata. Ni hindi ito nagtapon ng tingin sa akin.

Hanggang sa namalayan ko nalang na nasa gate na kami. Itinulak niya ako palabas kaya napasalampak ako sa simentong kalsada. Tapos walang sabi-sabing lumakad na siya palayo. Pero bago iyon ay sumenyas pa siya sa guard na naroon. Parang hari niyang inutusan ang guard na isarado ang gate. Agad naman siyang sinunod nito.

Kahit medyo nagasgasan ang tuhod at palad ko ay hindi ko iyon pinansin. Tumakbo ako palapit sa gate at pinagbabayo ko iyon ng malakas.

Paulit ulit, hanggang sa mapagod ako.

Naupo ako sa may gilid ng gate at nagsimula ng umiyak. Ilang minuto rin iyon hanggang sa bumukas muli ang gate at lumabas ang principal. Mabilis akong tumayo para salubungin ito.

"Sir?"

"I'm sorry Kyra. Pero dahil sa ginawa mo ay kailangan na naming tanggalin ang scholarship mo. Bumalik ka bukas at ihahanda ko na ang mga papel na kailangan mo for transferring." Sabi nito sabay talikod sa akin.

Napatulala ako. Halos malaglag ang panga ko na mga narinig ko. Hindi ko lubos maisip kung ano ba ang nangyari. Eh isang lalaki lang naman iyong nakaaway ko.

Tatlong taon na akong nag aaral sa school na ito, at sa loob ng tatlong taon na iyon ay wala akong sinimulang gulo. Maganda rin ang mga grades ko, kaya kung tutuusin ay first warning ko lang dapat ito.

Kaya bakit ba?

---

Bakit nga ba? Psh! Ngayon ay alam ko na kung bakit. Simply because that guy is Quartz Villacorta. Isa sa anak ng may-ari ng Dixon High.

Pero bakit? Bakit parang bigla nalang siyang bumait?

I mean masama parin naman siya, kaya bakit niya ako niligtas kagabi? Tsk. May utang na loob pa tuloy ako sa kaniya. Haist. Nakakainis!

So ano na pala ngayon? Susungitan ko ba siya o magiging mabait na sa kaniya?  Ughhhh. Nakakaloka na talaga this.

Nakakatawa rin dahil bakit ngayon ko lang iyon naalala? Parang bigla nalang iyong pumasok sa utak ko. Ngayon lang talaga?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hell Game   Kabanata 16

    Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita

  • Hell Game   Kabanata 15

    Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka

  • Hell Game   Kabanata 14

    Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale

  • Hell Game   Kabanata 13

    Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu

  • Hell Game   Kabanata 12

    Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito

  • Hell Game   Kabanata 11

    Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status