LOGINKabanata 10:
Almost
KYRA'S POINT OF VIEW
| intern student |11:32 pm
Kanina pa ako pabaling-baling ng higa pero hindi parin ako makatulog. Napakarami talagang gumugulo sa isip ko. Nakita ko kanina kung paano ginustong makalabas dito ni Jessie. Ginawa niya ang lahat, pero nabigo parin siya.
Hindi ito ang pinangarap kong college life.
"Ughhhhhhh." naiinis akong bumangon sa kama.
Naisipan kong lumabas ng kwarto. Tahimik na ang paligid. Siguradong natutulog na ang lahat. Lumakad ako pababa at pa-diretso sa kusina. Kukuha ako ng malamig na tubig.
Pagdating sa kusina ay agad kong hinanap ang ref at kumuha ng bottled water na nakalagay doon. Babalik na sana ako sa taas ng may narinig akong nag-uusap mula sa labas ng bahay. Nag tip toe ako palapit sa bintana at maingat na sumilip doon.
"Tomorrow will be more interesting for our interns." sabi ng isang lalaki. Kasabay nitong naglalakad ang isang babae.
"Hindi kaya masyado pang maaga para diyan?" tanong noong babae.
Bigla akong na curious sa pinag-uusapan nila. Kami kasi ang topic nila. Sa pakikinig ay napagpasyahan kong sundan sila. Maingat at dahan dahan ang ginawa kong paghakbang. Ayoko kasing makalikha ng kahit anong ingay. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin pag nagkataon.
Binagtas nila ang daan patungo sa isang lumang building na nasa gilid lang ng tinutuluyan namin. Masyadong madilim ang paligid kaya hindi ko maaninag ng mabuti ang mga mukha nila.
"Kilala mo naman si Lady Vhern hindi ba?" sabi noong lalaki.
"Yeah." sang-ayon noong babae.
"Hay. Kelan kaya ito matatapos?"
"Anong klaseng tanong ba naman yan? Tsk. Alam mo namang kamatayan lang ang sagot diyan hindi ba?"
Napatigil ako sa ginagawa kong pagsunod ng marinig ang sinabi noong babae.
M-matatapos? K-kamatayan?
Nanginginig ang tuhod kong inulit ang mga salitang iyon.
Papatayin nila kaming lahat? Iisa-isahin?
Tatakbo sana ako palayo pero nabigla ako nang isang malakas na pwersa ang humila sa akin patungo sa likod ng isang puno. Sinandal ako nito sa punong iyon at tinakpan ang bibig ko gamit ang isa niyang kamay. Napalunok ako. Bigla akong kinabahan.
Dahan dahan ang ginawa kong pag-angat ng ulo.
Nanlaki ang mata ko ng makita ang may hawak sa akin.
S-siya yung. Iyong— iyong lalaking madalas na nag-iisa at hindi nakikihalubilo sa amin. S-siya si Quartz?
"Q-quartz?" Tawag ko sa pangalan niya.
Binitiwan niya na ang bibig ko pero hindi parin siya umaalis sa harapan ko. Hindi ako makagalaw. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Bukod din sa pangalan niya ay wala ng ibang lumabas sa bibig ko.
Everything turn blank for a moment.
He was inches away from me. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa paraan ng pagtitig niya pero tila nagugustuhan ko iyon.
"A-anong ginagawa mo d-dito? S-sinusundan mo ba ako?" Naguguluhan kong tanong.
Paulit ulit akong lumunok ng hindi alisin ni Quartz ang pagkakatitig niya sa akin. Tila binabasa niya ang kaluluwa ko.
Ano bang ginagawa niya?
Bahagya ko siyang itinulak para mapalayo ang katawan niya sa akin pero hindi niya ako pinakawalan. Pakiramdam ko nga ay mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakaipit niya sa akin. Nang mapansin kong unti-unting ibinababa ni Quartz ang mukha niya patapat sa mukha ko ay umiwas agad ako ng tingin at pumikit ng mariin.
"Nagpapakamatay ka ba?" bulong niya sa akin.
For the first time ay narinig ko ang boses niya. Well, inisip ko na nga na baka pipi siya eh. Kaya naiilang siyang makihalubilo sa amin. But thank God he's not. Dahil sayang naman ang itsura niya. Ang gwapo pa naman niya.
"Teka. Hindi naman no. I was just."
Hindi niya pinansin ang sinasabi ko instead ay sumilip siya sa likod ng puno. Tiningnan niya ang mga taong sinusundan ko. Siguro, para ma-check kung nandoon pa sila. Nang hindi niya na makita ang mga ito ay hinawakan niya ako sa braso at hinila palayo sa lugar na iyon. For that moment ay nawala ang takot ko. Ang pag-aalala. Ang pag-iisip ng kung anu ano. Na focus lang ang atensyon ko sa binatang humihila sa akin. Kung tutuusin ay hindi naman kami close. Kaya bakit niya ako tinutulungang makaligtas ngayon?
Sa kakaisip ko ng kung anu ano ay hindi ko napansin na nasa bahay na pala kami. Binitawan na ako ni Quartz, pagkatapos ay mabilis itong tumalikod sa akin.
Wala na siyang ibang sinabi. Hindi ko narin nagawang magtanong pa dahil nga tinalikuran niya na ako.
---
Kinaumagahan ay hindi na kaming lahat nagdalawang isip pa na pumasok.
Kahit ano pang nangyayari sa paligid namin ay pinilit naming mag focus sa pag-aaral. We need to, kung ayaw naming makatikim nanaman ng parusa mula kay Cash.
Balak ko sanang magpasalamat kay Quartz, dahil sa pagtulong niya sa akin kagabi pero hindi ko na ito naabutan sa bahay. Maaga yata siyang nagising, kaya ang naisip ko ay lapitan nalang siya sa classroom.
Nang makita ko siya ay napangiti ako.
Mag-isa na naman kasi siya. Naka pwesto ang upuan niya sa sulok at nakahiwalay sa karamihan. Obviously, hindi niya talaga hilig ang makisama sa kahit kanino. Kaya naman natutuwa talaga ako at nilapitan niya ako kagabi.
"Hi." Bungad ko. Hindi ako nag-atubiling maupo sa tabi niya. "Oo nga pala, gusto ko lang magpasalamat sa pagtulong mo sa akin kagabi."
Tumitig ako sa binata. Para itong walang naririnig. Hindi niya man lang ako tapunan ng tingin.
Psh! Kung wala lang akong utang na loob sa iyo, hindi rin kita papansinin no. Tsk. Napaka isnabero.
"Bakit ka nga pala nandoon? Narinig mo rin ba iyong usapan ng dalawa?"
"Get lost." Halos mapanganga ako sa naging tugon niya.
Akala ko pa naman gusto niyang makipagkaibigan e. Kaso bakit nagmamasungit naman siya ngayon. Siya na nga itong pinapansin eh. Hayyyy. Napaka loner naman.
"Alam mo napansin ko lang ha. Bakit ba ayaw mong makisama sa amin?"
I was decided to be his friend. Siguro bilang pasasalamat narin sa ginawa niya sa akin. Kahit naman kasi anong sabihin niya ay alam kong darating iyong time na kailangan niya ng makakausap. And it will gonna be me.
"I SAID GET LOST!" Nabigla ako ng sumigaw si Quartz.
Maging ang mga kaklase namin ay nabaling ang atensyon sa aming dalawa.
Nakaramdam ako ng pagkapahiya kaya nagyuko ako ng ulo.
Why is he so rude now?
Bagsak ang balikat kong tumayo sa kinauupuan ko. Hindi ko gustong muling masigawan kaya lumakad na ako papunta sa pwesto ko kahapon.
"Quartz Villacorta." Napatingin ako kay mangkukulam (Shanna) Nakatayo siya sa gilid ko habang nakatingin sa binatang nakayuko. "Anak ng may-ari nang Dixon High. The most arrogant and so bullied on that school? Everyone knows that, kaya nga walang lumalapit sa kaniya di'ba? Psh. Don't tell me hindi mo iyon alam?" Sarkastikong sabi pa niya.
Biglang nanlaki ang mata ko. Muli ay pinagmasdan kong mabuti si Quartz.
That's the reason why?
Kaya naman pala parang pamilyar din siya sakin e. Siya pala iyon.
Halos mapakamot ako ng ulo ng maalala ang tagpong nangyari isang taon na ang nakakaraan. Ang rason kung bakit ako napaalis sa Dixon High. Ang rason kung bakit napilitan akong magtapos sa ibang school, kahit ayoko.
Yeah. I remember that.
Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita
Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka
Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale
Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu
Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito
Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan