LOGINKabanata 9:
Ikalawang Biktima
SCARLET'S POINT OF VIEW
| intern student |We all got scared.
Kung sino man ang nagpakilalang peace keeper na iyon, ay isa lang ang napatunayan namin. HINDI NAMIN SIYA DAPAT NA GALITIN.
Sabay sabay na kaming nagpunta sa classroom namin. Pagdating namin do'n ay wala pa ang professor dahil narin siguro wala pa namang ala-una. Hindi pa tapos ang lunch break.
Habang naghahanap ng mauupuan ay may ilang nakangisi sa amin, may ilang nabubulungan rin. Hindi ako sigurado pero parang may alam sila sa nangyari sa amin kanina.
Habang pinapasadahan ko ng tingin ang mga kaklase namin ay biglang natuon ang atensyon ko kay Agatha. Nginitian kami nito at in-offer ang mga bakanteng upuan sa hilera niya.
Hindi naman namin siya binigo at doon kaming lima naupo.
"Takot na takot siguro kayong lima." Panimulang sabi ni Agatha.
Nagkatinginan kaming lima na isa isa ng umuupo.
"Alam mo?" Tanong agad ni Beatriz.
Tumango si Agatha bilang tugon.
"Paano?" Takang tanong ko.
Maging sina Kyra, Lara, Beatriz, at Alexandria ay tila na curious din at lumapit ng bahagya kay Agatha.
"Napanuod namin." Sagot niya.
"What?"
"You saw?"
"Talaga?"
"Napanood?!"
Halos sabay sabay na usal namin.
"Oo. Pinalabas nila kanina ang ginawa sa inyo ni Cash. Ipinakita nila samin, para hindi daw namin kayo tularan." Matamlay na sagot ni Agatha.
Cash? The peace keeper? Siya pala ang may gawa noon.
"Gusto ko na talagang makalabas dito." Tila naiiyak na sabi ni Beatriz. Dahil katabi nito si Lara ay niyakap siya nito at binigyan ng mahihinang tapik sa likod.
Lahat naman kami gusto nang makalabas dito eh. Sino ba ang hindi! Pero speaking of makalabas. How about Jessie? Nakita kong nag walk out ito kanina.
Nakalabas kaya siya?
Inilibot kong muli ang tingin ko sa kabuuan ng classroom para hanapin si Jessie. Bawat sulok ay sinipat ko, pero hindi ko ito nakita. Mukhang nag success naman siyang makalabas. So ang ibig sabihin noon ay may chance rin na makalabas kami dito.
Nang pumasok sa isip ko iyon ay tila nabuhayan ako ng loob.
Natigil ako sa pag iisip ng tawagin ang atensyon ko ng isang lalaking pumasok sa kwarto namin. Nakasuot ito ng white long sleeve polo at white pants. Although he look matured ay ang gwapo niya paring tingnan. Para siyang isang koreano. "Good afternoon interns." Panimula nito. "For those girls, na wala dito kanina ay magpapakilala ulit ako. I'm Mr. Orley Kim. Your class adviser." Nakangiting pakilala niya.
Tama nga ako. Siguro ay half Filipino half Korean siya.
Nang magsimula ng magturo si Mr. Kim ay naging tahimik ang lahat. Para lang kaming mga normal na estudyanteng nag aaral nang mabuti.
Well sana nga.
Sana nga ay sa isang normal na paaralan nalang ako pumasok. Sana ay hindi nalang ako tumuloy sa school na 'to. Sana ay hindi naging matigas ang ulo ko.
Bakit ba kasi pinilit ko pang pumasok dito eh. Kaya ko namang mag aral sa mamahaling school, kung gugustuhin ko. Dahil kaya naman ng magulang ko na pag-aralin ako. But no. Nagmatigas ako. Naging matigas ang ulo ko at ngayon ay nagsisisi na ako.
Nasa huli talaga ang pagsisisi.
Pero hindi pa naman huli ang lahat right? Mamaya ay tatakas ako, sasabihan ko rin si Alexandria. And like Jessie ay makakalaya narin kami sa school na ito. That's it! We can do it.
"Hello students." Napatingala ako ng marinig ang boses na nagmumula sa speaker.
Doon ko lang napansin na may mga maliliit na speakers din palang nakakabit sa room namin. Iyon din iyong boses kanina. Si Cash.
"I'm sure, your all wondering kung ano ang kailangan ko sa inyo right? Well, gusto ko lang ipaalam sa inyo na labing-tatlo nalang kayong lahat. "
Labing-tatlo?
Ibig sabihin nakalabas talaga si Jessie? Yes, finally. Kung nakalabas talaga si Jessie ay makakalabas din kami. Right? Napangiti ako. Sa wakas, hindi pa nga talaga huli ang lahat.
"Nasaan si Jessie?" Tanong ni Kyra. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses nito.
"We didn't do anything to her Ms. Fuentez. As a matter of fact she did it to herself." Sagot noong nasa speaker.
Nagagawa nitong makasagot, ang ibig sabihin ay live itong nagbo-broadcast. Ang ibig sabihin ay nandito lang sa school na ito ang Cash na ito. O baka naman dito talaga siya nakatira. Katulad namin ay bilanggo rin siya ng paaralang ito.
"MGA WALANG HIYA KAYO! PINATAY NINYO SI JESSIE!" Sigaw sabay iyak ni Kyra. Niyakap ko ito.
Medyo nabigla rin ako at napaluha.
Shit! Totoo nga ang sinabi sa amin ni Lorraine bago siya namatay.
Once your in, death is the only way out.
Makakalabas lang kami dito, kapag mga bangkay na kami. Is that it? NO. Meron pa. There is another way. We have to kill somebody? Pero, sino naman ang papatay para lang makalabas sa impyernong ito?
The killer. Kaya ba siya pumapatay, ay dahil gusto niya lang rin na makalabas dito?
"As I said. We didn't do anything. See it with your own eyes." Sagot noong nasa speaker.
Biglang bumukas iyong malaking LCD monitor na nasa taas ng blackboard at mula nga doon ay nakita namin si Jessie.
---
JESSIE'S POINT OF VIEW
| intern student |This is it! Aalis na ako sa walang kwentang school na 'to!
Mabilis at malalaki ang mga hakbang na ginawa ko, para marating ko agad ang gate na pinasukan namin kahapon. Aalis na ako.
After kong makita ang nangyari kay Lorraine ay sigurado na akong hindi lang basta biro ang mga sinasabi nito kagabi. May kakaiba talaga sa school na ito. At hindi ko gustong matulad sa kaniya kaya ngayon palang ay aalis na ako.
Medyo hinihingal na ako pero hindi ko iyon alintana. Talagang gusto ko ng umalis dito. At wala silang magagawa para pigilan ako. Kahit ang malaking pader na ito.
Nanlaki ang mga mata ko ng harangin ako ng isang napakataas na pader. Nababalutan ito ng mga basag na bote. Nilapitan ko iyon at kinilatis ng mabuti.
Mga basag na bote talaga ang nakadikit sa simentong pader. Hindi ko alam kung paano nila nagawa iyon. I mean, pwede bang mangyari iyon? Sa loob lang ng magdamag ay nagawa na nilang alisin ang gate at palitan ng ganito? I was so sure. Nandito iyong gate na pinasukan ko kahapon e.
"Kung ako sa iyo, hindi ko na itutuloy ang plano ko." Napalingon ako sa likuran ko ng may narinig akong nagsalita.
Isang nakahood na lalaki? Oh babae? Hindi ako sigurado. Ang nakatayo sa lilim ng isang malaking puno. Medyo kita ang labi nito kaya napansin ko ang pag ngisi niya.
"Sino ka?" Tanong ko.
Hindi na sumagot sa akin iyong nakahood. Nag smirk lang ito at lumakad patalikod.
Kung pinadala nila ang taong ito, para pahinain ang loob ko ay nagkakamali sila.
Lalo lang tuloy akong napaisip na baka alam nilang magagawa kong makalabas kaya humanap sila ng estudyanteng mapapaatras sa akin. Psh I'm not stupid!
Huminga ako ng malalim at sinimulang akyatin ang pader.
Bahagyang kirot lang ang naidudulot ng mga boteng tumatama sa balat ko. Isa akong climber at sanay na sanay ako sa pag-akyat sa mga katulad nito. Sa tantiya ko rin ay kakayanin kong makarating sa tuktok. Magtatamo lang siguro ako ng ilang galos at sugat pero ayos lang iyon. Kesa naman manatili ako sa bilangguang ito, kahit alam kong anumang oras ay may magtatangka sa buhay ko.
Isa
DalawaTatloApatLimaAnimPitoWaloUghhhhh--
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong muntikan ng makabitiw sa pagkakakapit ko. Napakarami ko naring natamong sugat. Pero. Abot kamay ko na ang tuktok kaya hindi na ako maaring sumuko.
"Ahhh." Impit na sigaw ko. Muling sumabit ang hita ko sa isang basag na bote.
Nadulas ang binti ko kaya mahaba ang nagawa noong hiwa sa balat ko. Medyo namilipit ako sa sakit at nakabitaw kaya para akong karne na inihagis sa simento.
Dinig na dinig ko ang pag tunog ng mga nabali kong buto. Bigla ay tumulo ang mga luha ko.
DEATH is the only way out.
Yes, makakalabas narin ako.
Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita
Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka
Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale
Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu
Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito
Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan