Home / Lahat / Hell Game / Kabanata 5

Share

Kabanata 5

last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-07 18:30:16

Kabanata 5: Kamatayan

KYRA'S POINT OF VIEW

| intern student |

Habang kumakain kami sa kusina ay dumating si Tabitha. Tanaw ko ito mula sa pwesto ko. May bitbit itong mga kahon. Inilapag niya iyon sa mesang nasa tabi ng mahabang sofa at humarap sa mga estudyanteng nakatambay don.

"This is your uniform. Five pieces each ang nakalagay sa bawat box. Nakaipit narin diyan ang schedule ninyo for tomorrow. And I also have a good news." saglit itong nag pause at tiningnan ang lahat ng estudyanteng nakatunghay sa kaniya. Kasama na kaming iilan na na kumakain sa kusina. "Dahil konti lang ang nakapasa ngayong taon ay napagpasyahan ng management na gawing isang section nalang kayo. So good luck. Your classes start tomorrow." Hindi na tumanggap pa ng mga tanong si Tabitha. As soon as she delivered her speech ay agad narin siyang lumabas ng bahay.

Habang ang iniwanan niyang mga box ay pinag-pyestahan naman ng mga estudyanteng nandoon sa sala.

Hindi ako nag-alalang maubusan, dahil sigurado naman akong may nakalaan para sa isa't isa. Kaya tinapos ko na muna ang ginagawa kong pagkain. Nang lumapit na sa pinaglalagyan ng mga box ay tatlong box nalang ang nadoon. Tiningnan ko ang pangalang nakalagay sa bawat box at isa-isang binasa.

Shanna Borromeo

Kyra Fuentez

Quartz Villacorta

Quartz Villacorta? Mukhang ito iyong lalaking natutulog kanina ah.

Nasaan na kaya ito?

Pagkatapos kasi ng pagpapakilala kanina ay hindi ko na ito muli pang nakita.

"Shit! Bakit walang signal?" Napatingin ako kay Sanzo ng magsalita ito. Inis na inis itong pilit itinataas ang hawak na phone.

Teka ano daw? Walang signal?

Sa sinabi niya ay minabuti kong tingnan din ang phone ko para malaman kung pareho kaming walang signal. At totoo nga. Wala ngang signal. Kahit isang bar ay walang naka-rehistro sa cellphone ko.

Bakit biglang nawala ang signal? Hindi naman sobrang liblib nitong school. At saka kanina, bago ako pumasok ay natawagan ko pa ang ate ko. I even posted a photo on my instagram.

"Nagsisimula na." Bulong ni Paloma kay Nilo. Naka-pwesto ang mga ito sa sulok ng sala.

Nang mag ngitian ang dalawa ay medyo nahintakutan ako. Lalo na sa paraan ng pagtititigan nila. Parang may alam silang hindi sinasabi sa amin. Ano kaya iyon? Ano ba iyong nagsisimula na?

Lalapit sana ako sa kanila para magtanong pero pinigil ako ni Lara.

"Kyra."

"Huh?"

"Bonding daw tayong mga girls. Nandoon na sila sa isang kwarto. Halika na." aya niya sa akin.

Nginitian ko lang siya. Agad kong dinampot ang box na may pangalan ko at agad na sumunod sa kaniya. Tsaka ko nalang siguro iisipin iyong mga pinagsasabi nila Paloma at Nilo. Medyo nakakapagod din kasing mag-isip eh. My brain is a little bit tired, at sa tingin ko ay maganda ngang idea ang pakikipag bonding sa mga girls.

Pagdating sa kwarto ay naabutan naming nagku-kwentuhan ang mga naroon. Nakapaikot silang nakaupo sa lapag habang nabubulungan. Nang makita nila ang pagdating namin ay  saglit silang tumigil.

"Oy, hi girls. Tamang tama lang ang dating ninyo. Halina kayo dito at maupo na kayo." Aya sa amin ni Beatriz. Kahit katatapos lang maghapunan ay may nginangatngat na naman ito.

Pagkaupo namin ni Lara ay um-abante ng bahagya si Lorraine at bumulong ng mahina. "Hey, alam 'nyo ba ang usap-usapan tungkol sa Wisconsin University?" anito.

Lahat kami ay napatitig sa kaniya. Bawat isa ay tila sabik na naghihintay sa susunod niyang sasabihin. Lahat ay tumahimik.

"They say, na once na pasukin mo ang school na ito ay isa lang ang pwede mong daanan palabas? At ito ay ang kamatayan."

Once your in, death is the only way out?

Iyon na iyon ang sinabi ni Lady Vhern kanina ah. Balak ba iyong gamitin ngayon ni Lorraine para takutin kami?

"The hell Lorraine, ano namang trip 'to ha?" agad na puna sa kaniya ni Alexandria.

"Teka. Akala ko ba real talk tayo ngayon. So, ano ba iyang sinasabi mo huh?" Medyo asar na sita naman ni Jessie.

"Excuse me, pero totoo ang sinasabi ko no. Nabasa ko iyon sa isang mapagkakatiwalaang site." Kumpiyansang sagot naman ni Lorraine.

"Ano site Lorraine? Iyong Lady Vhern site ba?" tanong naman ni Scarlet sabay tawa.

"Oh baka naman porn site?" pang-aasar naman ni Jessie.

"Excuse me hindi ko na kailangang mag open ng porn site no. Ang healthy kaya ng sex life ko. Haha." Ani Lorraine. Inirapan nito si Jessie at muling humarap sa aming lahat. "Galing iyon sa isang napaka reliable na website. You know, my dad used to work on a government agency kaya marami siyang alam na hindi alam ng mga ordinaryong people like all of you."

"Totoo?" Paniniguro ni Jessie. Halatang unti-unti na itong naniniwala sa sinasabi ni Lorraine.

"Yeah. Ang creepy di'ba? Once your in, DEATH is the only way out. Totoo talaga iyon. Hindi lang iyon biro ni Lady Vhern." Ulit ni Lorraine.

"Once your in, death is the only way out? So, ano namang ibig sabihin no'n?" Curious na tanong ko.

Sabay sabay silang pumaling ng tingin sa akin at tila napaisip rin. Habang si Lorraine naman ay ngumisi ng nakakaloko.

"It means, you can only leave Wisconsin University if your dead. Or worst. IF YOU KILL SOMEBODY."

Napalunok ako ng marinig ang naging sagot niya. Pakiramdam ko ay hindi tumatakbo ng maayos ang dugo ko sa katawan. Bigla ring kumalabog at nagwala ang dibdib ko.

Nandito ako para mag-aral no, hindi para mamatay!

Kaya kung sakali—

ANO NANG GAGAWIN KO?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hell Game   Kabanata 16

    Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita

  • Hell Game   Kabanata 15

    Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka

  • Hell Game   Kabanata 14

    Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale

  • Hell Game   Kabanata 13

    Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu

  • Hell Game   Kabanata 12

    Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito

  • Hell Game   Kabanata 11

    Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status