Home / Lahat / Hell Game / Kabanata 4

Share

Kabanata 4

last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-07 18:29:17

Kabanata 4: Amnesia?

CLARRISE'S POINT OF VIEW

| intern student |

Napapikit ako ng mariin.

Tama ba ang ginawa ko?

Nagpakawala ako ng paulit ulit na buntong hininga para mabawasan ang kalituhang nararamdaman ko.

Pagkatapos no'n ay tumayo ako sa tapat ng bintana at sumilip sa labas. May kadiliman na ang paligid kaya iilan nalang ang makikita mong gumagala.

"Diyan nakatira 'yong mga intern di'ba? Ilan kaya sa kanila ang matitira?" Napayuko ako sa ibabang bahagi ng bintana ng marinig ko iyon. Dalawang babae ang nakita kong nag uusap. Nang mapatingala ang isa sa kanila at nakita ako ay mabilis niyang hinila ang kasama niya.

Sayang at hindi ko natitigang mabuti ang mga mukha nila. Gusto ko pa naman sanang magtanong tanong sa mga estudyante bukas. Gusto sana silang kausapin.

Dahil wala na akong sinisilip sa labas ay binalingan ko naman ang suot kong wristwatch.

Alas siyete na pala.

Lumakad ako pabalik sa kama at pasalampak na naupo doon.

Ilang oras narin akong nagkukulong dito sa kwarto. Pagkatapos kasi ng mga masasakit na sinabi ko kay Denver kanina ay hindi ko na alam kung paano ko pa ito haharapin ngayon.

> FLASHBACK ///

Naramdaman ko ang mahinang paghaplos ni Denver sa likuran ko. Hindi ko man gusto pero kumakawala ang maliliit na butil ng tubig sa mata ko.

Ughhhh. This can't be! Hindi ako pwedeng maging mahina ngayon.

Nang pumasok sa isipan ko iyon ay itinulak ko ng sobrang lakas si Denver. Kumawala ako sa pagkakayakap niya at asar na humarap sa kaniya. I look straight to his eyes.

"PWEDE BA DENVER TUMIGIL KA NA! WALA KANG MAPAPALA SA AKIN, KAYA WAG KA NG UMASA! HINDI KITA KAILANGAN! TIGILAN MO NA AKO!" Madiin ang pagbitaw ko ng mga salitang iyon. Sinadya ko iyon para masaktan ko ang damdamin niya. Para tumigil na siya.

Napansin kong medyo nabigla si Denver. Hindi ito nakakilos. Sakto iyon para makaalis ako. Agad akong tumalikod sa kaniya at nagbukas ng unang kwartong natyempuhan ko at nag lock ng pinto.

\\\ END OF FLASHBACK <

And until now ay hindi pa nga ako lumalabas. Medyo late na at nagugutom na ako. Napahawak ako sa tumutunog kong tiyan. Kailangan ko ng kumain kaya lalabas na ako.

About kay Denver?

Ganon parin naman ang gagawin ko. Kapag lumapit siya sa akin. Ipagtutulakan ko ulit siya. Kaya kung may natitira pa siyang bait sa sarili niya. Sana ay iwasan niya na ako.

It's for the both of us.

---

KYRA'S POINT OF VIEW

| inter student |

"Diyan nakatira 'yong mga intern di'ba? Ilan kaya sa kanila ang matitira?" Napakunot ang noo ko ng marinig ang mga katagang iyon.

Ilan kaya sa kanila ang matitira? Ano bang ibig 'nong sabihin? Ilan sa amin ang makakapasa?

Dahan dahan akong lumapit sa may bintana. Pero naglalakad na palayo iyong dalawang babaeng nag-uusap kanina. Hindi ko tuloy nakita ang mga mukha nila.

"HOY KYRA, NANDIYAN KA LANG PALANG BABAE KA!"  sigaw ni Lara. Sa gulat ko ay tumambol ng malakas ang dibdib ko.

Bigla akong napaharap sa kaniya. Tapos ay tinititigan ko siya. Mata sa mata. Doon ay tila bigla nalang bumalik sa utak ko ang mga tanong na kanina ko pa pinag-iisipan. Katulad na lang ng—

Nagka-amnesia ba ako?

Bakit pamilyar sa akin ang ilan sa mga intern student? Katulad nalang nina Lara, Alexandria, Scarlet, Beatriz, Clarrise, at si Denver?

Pakiramdam ko ay matagal ko na silang kilala. Ang weird lang talaga dahil kahit anong pilit ko ay wala akong maalala. Ano bang nangyayari sa akin?

I want answers.

"Teka, ano bang iniisip mo ha babae?" Tumayo sa tabi ko si Lara at sumilip din siya labas ng bintana.

"Lara, sabi mo kilala mo ako?" Tanong ko.

"Oo."

"So, kelan ba tayo nagkasama? Tsaka saan?" Tumitig ako kay Lara habang naghihintay ng sagot. Siya naman ay ngumiti habang nakatanaw parin sa labas.

"Dixon High." Sabi niya.

Dixon High? Doon ba kami nagkakilala?

"One year kang nag aral do'n diba?"

"Paano mo—" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko pero muling nagsalita si Lara.

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa'yo Kyra ha. Pero alam mo, nakakatakot ka na."

"Huh?"

"Were bestfriends, baliw!"

Bestfriends kami?

Hay. Sumasakit ang ulo ko sa mga sinasabi niya e. Ughhhh. Ano ba talaga kasi ang nangyayari sa akin?

"Hey you two, kung ayaw ninyong maubusan ng pagkain ni Beatriz eh pumunta narin kayo sa kusina no." Paalala sa amin ni Scarlet.

"Hay, grabe ka naman Scarlet. Parang wala ako sa likod mo ah." Singit agad ni Beatriz. Hinampas nito ng mahina si Scarlet kaya natawa ito.

"Syempre joki joki lang iyon, 'to naman. Hindi kaya halatang patay gutom ka. Haha." Dagdag pa ni Scarlet.

Nakapout na tumalikod tuloy si Beatriz na agad hinabol at inakbayan ng nang-aasar na dalaga. "Ito naman ang daming dama. Joke nga lang po di'ba?"

"Naku ewan ko sayo! Pag ako lang talaga pumayat, HU U ka sa'kin."

"Laaaa grabe siya oh. Ngayon pa nga lang tayo nagiging close eh ihu-HU U mo na ako kaagad?" Kahit medyo nakalayo na ang dalawa ay dinig parin namin ang pag aasaran ng mga ito kaya parehas kaming napatawa ni Lara.

"Ano? Kain na tayo? Later nalang natin gamutin iyang amnesia mo. Let's go."

---

CONRAD'S POINT OF VIEW

| the game master |

Marahas kong dinampot ang basong nakapatong sa mesa at ibinato sa lalaking nakayuko sa harapan ko. Sumirit ang dugo sa noo niya, dahil sa natamo niyang sugat pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Para siyang estatwa na handang tanggapin ang anumang ibabato ko sa kaniya.

"SHIT! Alam mo ba, kung gaano kalaki ang pwedeng mawala sa akin ng dahil sa kabobohan mo ha?" singhal ko sa kaniya.

Hindi ko pinansin ang umaagos na dugo sa kaniyang ulo. Sa totoo lang, gusto ko pa ngang dagdagan iyon. Inis akong tumayo sa kinauupuan ko para lapitan siya. At nang lalo ko pang dagdagan ang sakit na nararamdaman niya.

"Alam mo rin ba na napakalaki ng pwedeng baguhin ng putanginang data lick na sinasabi mo ha?" Pagpapatuloy ko. Dinuro duro ko pa ang balikat niya at inis na pinaghahampas ang kaniyang ulo.

"Sorry po boss. P-pero inaayos na po ng mga tauhan ko ang lahat."

"INAAYOS? WTF!!!! ALAM MO, WALA NAMAN SANANG DAPAT NA AYUSIN E. YUN EH KUNG SA SIMULA PALANG AY TSINEK NYO NANG MABUTI ANG LAHAT HINDI BA?"

"Sorry po talaga."

Kanina pa kumukulo ang dugo ko sa mga nakakarating na reports sa akin about sa data licks na iyon. Pero— ayoko namang sayangin ang oras ko sa kakasigaw, kakautos, at kakasaway.

Ughhhh. Shit! Dapat nag e-enjoy ako sa panonood ngayon eh.

"ALAM MO, LUMAYAS KA NA NGA SA HARAP KO AT TIGILAN MO 'YANG KAKA-SORRY MO! MABUTI PA AY AYUSIN MO ANG TRABAHO MO KUNG AYAW MONG MAY MASAMANG MANGYARI SA' YO." pagbabanta ko sa kaniya. Nanginginig naman siyang tumalikod sa akin.

Nang makaalis na siya sa harap ko ay ibinalik ko na ang tingin sa malaking monitor. Napangiti ako ng makita ang mga intern students ng Wisconsin University at natatawang umusal.

Yes! Malapit nang magsimula ang laro.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hell Game   Kabanata 16

    Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita

  • Hell Game   Kabanata 15

    Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka

  • Hell Game   Kabanata 14

    Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale

  • Hell Game   Kabanata 13

    Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu

  • Hell Game   Kabanata 12

    Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito

  • Hell Game   Kabanata 11

    Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status