LOGINKabanata 3: Nawawala
Sino ang pang labing-limang estudyante?
Nang banggitin ko ang tungkol doon ay kani-kaniyang recount ang ginawa ng bawat isa. Maging ako ay paulit ulit na nagbilang sa isip ko.
1. Ako
2. Lara3. Alexandria4. Scarlet5. Clarrise6. Denver7. Paloma8. Sanzo9. Nilo10. Lorraine11. Agatha12. Jessie13. Mangkukulam?14. Natutulog?15. ????????Oh my— Kulang talaga!
Imposible namang nagkamali ako ng bilang kanina? Noong nasa opisina pa kami ni Lady Vhern. Imposible dahil ilang beses ko pa ngang inulit ang pagbibilang ko do'n e. Just to make sure.
"Hala. Ang weird ah, bakit kulang nga tayo ng isa?" Tanong ni Alexandria.
Nagkatinginan ang bawat isa. May ilang tumango at sumang-ayon, may iba namang nagbibilang parin.
Lahat ay nakaramdam ng pagkalito ng mga oras na iyon. Habang ako ay nakaramdam ng kakaiba. Paulit ulit kong sinasambit sa isip ko kung nasaan na ba iyong isa?
Hanggang sa—
Makarinig kami ng mahihinang kaluskos mula sa isang nakasarang kwarto. Iyon ang dining area. Napakapit ako kay Lara. Nagkatitigan ang lahat at sabay sabay na napatingin sa pinanggalingan ng ingay.
Nauna ng lumakad paabante si Sanzo. Maingat at dahan dahan. On his way to the door ay napalunok pa siya. Unti unti na siyang pinagpapawisan. We all saw, how he tried to be brave pero hindi kinaya ng dibdib niya na pihitin ang seradura ng pinto.
Lumapit ako sa kaniya. Gusto ko kasing palakasin ang loob niya. Dahil gusto ko ring malaman kung nasa likod nga ba ng pintong iyon ang hinahanap namin na pang labing limang estudyante.
"Tuloooonnng..." lalong nadagdagan ang takot ko ng marinig ang mahinang unggol ng nasa kabila. Humihingi ito ng tulong. Ang ibig sabihin ay may nangyayaring masama sa dito.
Nagkatitigan kami ni Sanzo. Tumango siya sa akin at siya na ang humawak ng door knob. Napapalunok ako habang pinipihit niya iyon. Maingat at dahan dahan.
Eto na. Kung sino at ano man ang nangyayari sa loob ay dapat kaming maging handa.
"Tulong." muli naming narinig ang mahinang boses na iyon. Parang hirap na hirap na magsalita ang humihingi ng tulong.
Pumwesto ako sa likod ni Sanzo, just to make sure na mas mauuna siyang masaktan kung sakaling may sumugod sa amin or what. Hehe. Mahirap na diba?
'Yong ibang estudyante ay nagsilapitan narin sa amin. Lahat kami ay dahan dahang nag tip-toe papasok sa kwartong iyon at nanlaki ang mga mata namin ng makita ang nawawalang estudyante.
Nakaupo ito sa gilid ng mahabang mesa at. "Tulong." muling atungal nito.
"Psh. Nakakaloka naman!" may pagka disapoint na sabi ni Paloma.
"Tsk! Mabuti pa hahanap na ako ng kwarto ko." wika naman ni Jessie
"Shit, 'yon na 'yon?" asar na tanong naman ni Nilo.
Halatang mga na disappoint sila sa nasaksihan. Lumapit si Sanzo sa babaeng humihingi ng tulong at niyakap niya ito, sabay binigyan ng mahihinang tapik sa likod para matanggal ang nakabarang pagkain sa lalamunan nito.
Tinapunan ko ng tingin ang mesang nasa tabi ng babae.
Punong puno iyon ng iba't-bang klase ng pagkain. Meron doong cake, fried chicken, mga prutas at ibat ibang uri ng pastry.
Nakakatawa dahil kung anu-ano na ang iniisip namin tungkol sa nawawalang estudyante pero heto at kumakain lang pala ito.
Nagsi-alisan na ang ilan, sila Alexandria, Lara, Scarlet, at Sanzo nalang ang naiwan na kasama ko. Siyempre pati yung hinahanap naming estudyante.
Ngumisi ito kay Sanzo at niyakap niya ito ng mahigpit sabay sabing. "You're my hero."
Nagtawanan ang mga naiwan sa kwartong iyon dahil sa inarte ni Sanzo. Para kasi itong diring-diri na tinanggal iyong kamay ng babae na nakayakap sa kaniya at tumakbo sa pwesto namin.
Hindi naman pangit iyong babae para pandirian. Ang totoo'y maganda nga ito. Kahit medyo chubby ay sexy parin siyang tingnan. Meron naman kasing curve nag katawan niya.
"Hi. My name is Alexandria." ani Alexandria sa babae.
Tumingin naman ang babae sa amin at ngumiti.
"I'm Beatriz. Uhm, medyo nagutom kasi ako kaya hinanap ko agad 'yong kusina. Eh, sakto naman ang daming foods, kaya iyon. Kumain na ako, hehe." Paliwanag nito.
"Hay, ayos lang 'yan. Lahat naman ng tao nagugutom e, natutulog, nangungulangot, umuutot, umiihi, tumatae, di'ba? So what's the big deal?" Litanya ni Scarlet.
"At talagang pinagsama mo pa ang kumakain at tumatae ah, your so gross Scarlet!" Puna dito ni Lara sabay lakad palayo sa dalaga.
"Why? Totoo naman ang sinabi ko ah." Pagtatanggol naman ni Scarlet sa sarili niya.
"Oo nga, pero ang yuck lang kasing pangkinggan eh." Sagot ni Lara.
Habang natatalo ang dalawa ay lumapit ako kay Beatriz at nakipagkilala.
"Hi, I'm Kyra."
"Oh hi, Kyra. Friend mo ba iyong pogi na iyon?" Nguso nito kay Sanzo. "Nakita ko kasi kanina na nakakapit ka sa kaniya eh, close ba kayo? Boyfriend mo ba siya?"
"Hindi ah." natatawang sagot ko.
"Talaga? So wala kayong relasyon?" Tila nagkislapan ang mga eyeball ni Beatriz ng sabihin ko iyon.
Siguro ay type niya ito? That's cute.
---
CLARRISE'S POINT OF VIEW
| intern student |Mabilis akong hinabol ni Denver pag akyat ko sa ikalawang palapag ng bahay. Hinablot nito ang braso ko kaya napahinto ako sa paglalakad.
"Hey, ano bang problema? Kanina mo pa ako hindi pinapansin ah." Tanong niya.
Tumingala ako sa kisame at nagpakawala ng buntong hininga bago malamig na tumitig sa kaniya.
"Ano bang ginagawa mo?" Sarkastiko kong tanong.
"Damn it Clarrise, your heading yourself in a real trouble. Its a suicide. And you know I won't let that happen. That's why I'm here. I'll protect you."
"Alam mo nakakatawa ka. Tanong ko lang, ilang beses ba kitang dapat na bastedin para tigilan mo na ako huh?"
Napakunot ang kilay niya at napamura. Ilang beses din siyang nagpailing iling. "WHAT?" Medyo tumaas ang tono boses niya. Ramdam kong naiinis na siya. "Clarrise, alam mong nag aalala ako sa'yo."
"Psh! You don't have to do anything Denver. Nakapasok ako sa school na ito, dahil matalino ako. That's all I need. Kaya ko na ang sarili ko." Pagkasabi ko noon ay hinigit ko ang braso kong hawak niya at humakbang palayo.
Pero ilang hakbang palang ang nagagawa ko ng bigla niyang higitin muli ang braso ko. Pinaharap niya ako at niyakap ng mahigpit. For a moment ay nabalutan kami ng katahimikan. Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakakilos.
Hindi ko gustong mapahamak si Denver. Hindi ko gusto pero alam kong puro kapahamakan lang ang aabutin namin sa lugar na ito.
Wisconsin University is not just an ordinary school.
Kaya nga mahigpit ang security nila pagdating sa mga intern students ay dahil hindi talaga nila gusto ng maraming estudyante. Dahil mas marami ay mas makatatawag ng pansin.
Their hiding something.
At gagawin ko ang lahat para malaman iyon.
Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita
Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka
Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale
Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu
Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito
Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan