Home / Lahat / Hell Game / Kabanata 2:

Share

Kabanata 2:

last update Petsa ng paglalathala: 2020-08-07 18:27:07

Kabanata 2: Intern Students

Pagkalabas namin sa opisina ni Lady Vhern ay sumunod din sa amin si Tabitha. Nagsialisan na ang mga nagpalabas sa amin sa kwartong iyon kaya naman si Tabitha na ang sinimulang kuyugin ng lahat. Bawat isa ay may kani-kaniyang tanong. Naging napakaingay ng kinaroroonan namin ng dahil doon.

"Answer us Tabitha, ano bang ibig sabihin ni Lady Vhern sa sinabi niya ha? Balak ninyo ba kaming pataying lahat?" galit na tanong ng isang estudyante.

Ngumiti lang si Tabitha. Kahit dinudumog na siya ng mga galit na estudyante ay nagagawa niya pa ring maging kalmado.

"It was just a- not so funny joke. Sabihin 'nyo nga sa akin. Kung totoo ngang kamatayan lang ang pwedeng makapaglabas sa inyo sa school na ito. Paano naman iyong mga taong nagsasabi na dito sila nag-aral? Come on, matatalino naman kayong mga estudyante hindi ba?" ani Tabitha.

Biglang natahimik ang lahat. Bawat isa ay halatang napaisip sa sinabi niya. Maging ako ay napaisip rin. Hindi naman kasi ako basta nalang sumubok na mag take ng exam sa school na ito ng hindi nagba-background check e. And I must say, na nagsasabi nga ng totoo si Tabitha.

"Halina kayo at ihahatid ko na kayo sa tutuluyan ninyo." dugtong ni Tabitha.

Sinimulan na niyang maglakad kaya naman isa-isa na rin siyang sinundan ng mga estudyante. May iilan paring nagbubulungan pero mukhang lahat naman sila ay kalmado na.

"Hindi naman talaga nakakatawa iyong joke ni Lady Vhern e." bulong pa sa akin ni Lara. Kasabay ko siyang naglalakad. Nginitian ko lang siya. Hindi ko rin naman kasi alam ang sasabihin ko e.

Dinala kami ni Tabitha sa isang malaking bahay. May kalumaan na ang bahay na iyon. Para iyong isang modern antic house. Pinaghalong makaluma at makabago. Gawa iyon sa malalaking kahoy. Pero ang desenyo ay katulad ng mga bagong bahay ngayon na may grills ang mga bintana.

"Ito ang tutuluyan ninyo, habang nandito kayo sa WU." Litanya ni Tabitha habang binubuksan ang pinto ng bahay na iyon.

Tutuluyan? Titira kami sa iisang bahay lang?

Bagong experience iyon para sa akin. Hindi ko tuloy maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na nae-excite. Pinagala ko ang tingin ko sa loob ng bahay. May dalawang palapag iyon. Sa baba ay mayroong kusina, banyo at malaking sala. Sa tantiya ko ay puro kwarto naman ang nasa itaas.

"So sama sama pala kaming lahat sa isang bahay huh?" Tatango tangong sabi ng isang lalaking may katangkaran. Medyo kulot ang maikli nitong buhok.

"Yeah, that's right." sang-ayon ni Tabitha. "But don't you worry dahil marami namang kwarto ang bahay na ito kaya kahit mag tag-iisa pa kayo ay wala iyong problema."

"About our schedule? Can we already have it?" isang may kapandakang babae naman ang sumunod na nagsalita. Kahit medyo kinulang ito sa high ay biniyayaan naman ito ng mala-dyosang mukha. In other word, she's beautiful. Walang iyong duda.

"Mamaya ay makukuha ninyo ang inyong mga schedule, together with your uniforms. For now, free kayong gawin ang gusto ninyo. Pwedeng kayong maglibot libot sa WU, kung gusto ninyo." Sagot dito ni Tabitha.

Pagkatapos sa babae ay tsaka bumaling sa lahat si Tabitha at muling nagsalita.

"Meron pa bang may tanong? Dahil kung wala na ay aalis na ako. Marami pa akong aasikasuhin." Sabi pa niya. Nang walang sumagot sa tanong na iyon ay paulit ulit siyang tumango at lumakad na palabas ng bahay.

Nang makalabas na si Tabitha ng bahay ay sandaling namayani ang katahimikan sa loob. Nagkatitigan ang lahat habang tila hindi alam kung sino ang unang magsasalita.

Maya maya ay tumayo ang isang babae at tinawag ang atensyon ng lahat.

"Ok. Dahil matagal tagal tayong magkakasama sa bahay na ito ay mabuti pang magpakilala na tayo sa isa't isa. So we can all be friends." Medyo pamilyar din sa akin ang mukha niya. Parang kilala ko rin siya. Ang weird na talaga ng pakiramdam ko ngayon. "Dahil ako naman ang unang nagsalita ay ako na rin ang unang magpapakilala. I'm Alexandria, graduated at Dixon High." pakilala niya.

Dixon High?

Iyon ang pinaka malaking school sa lugar namin. Isang paaralan na para sa nakakaangat sa buhay. At dahil doon siya galing ay siguradong mayaman siya.

Kasunod ni Alexandria ay iyong sinasabi ko namang mukhang dyosa ang pumunta sa tabi nito at nagpakilala.

"Hey guys, I'm Scarlet. Kaibigan ko si Alexandria, and like what she said. Sana ay maging friends nga tayong lahat. Hihi." Nakangiting pakilala nito.

Next to her is another young lady. May nakasukbit na malaking headphone sa leeg nito at naka skinny jeans. Kahit medyo natatabunan ng bangs niya ang kaniyang mukha ay masasabi kong maganda rin siya like the first two. Mukha rin siyang anak mayaman.

Shems. Bakit ba parang mga anak-mayaman naman ang nakapasok sa Wisconsin University? Akala ko ba ay walang pera pera dito?

"Pwede ninyo akong tawaging Clarrise, bahala kayo. Pero pagod na ako kaya mauuna na akong humanap ng magiging kwarto ko, bye." sabi niya sabay kaway at umakyat na siya ng hagdan.

May ilang napailing. May ibang natawa sa ka-preskuhan niya. While me, napapaisip ako kung bakit ko ba nagmumukhaan ang karamihan sa kanila? Parang kakilala ko sila na hindi ko maalala. Parang dejavu.

"Pagpasensyahan ninyo na si Clarrise ha, uh medyo pagod lang kasi talaga siya eh. Ang layo pa kasi ng binyahe namin. By the way I'm Denver, I'm a friend of her." pagtatanggol dito ng isang lalaki. Yumuko ito sa aming lahat at tumakbo pahabol kay Clarrise.

Narinig naming nagtatalo ang dalawa habang naglalakad pero hindi nalang namin sila pinansin. Baka kasi may lovers quarrel sila, and it's personal.

"Hi everyone, I'm Lara. Nice to meet you all. Sobrang excited talaga ako dahil first time kong may makakasamang mga kaedad ko sa iisang bahay hihi. Sana magkasundo tayong lahat." Biglang singit ni Lara. Napangiti ako. Napaka good vibes niya kasing kasama. Lagi siyang nakangiti, kaya siguradong magkakasundo talaga kami.

"Psh. That's impossible. How pathetic!" Iritang litanya ng isa pang babae. Tumayo ito sa kinauupuan niya at umiiling na lumayo sa amin.

Hindi talaga nawawala ang mga mangkukulam sa isang kwento, ano?

Mukha kasi siyang witch eh. Hindi literal na mukha, dahil maganda naman siya. Pero iyong ugali niya. Iyon ang parang mangkukulam.

"BAD VIBES STAYYYY AWAY. Layuan mo na ang mga batang ito." kunyari ay albularyang nagwasiwas ng panyo si Scarlet at nagpalalakad lakad paikot sa amin kaya nagtawanan kaming naroroon.

Ang cute niyang pagmasdan.

"Ok, back to our thing. Uhm, how about you? Wala ka namang balak na mag walk-out diba?" Nabigla ako ng tumingin sa akin si Alexandria. Ako ang kinakausap niya.

"Uh, wala naman." medyo nabigla kong sagot. "By the way, I'm Kyra. Nice meeting you all." Dugtong ko.

Next to me ay sumunod namang nagpakilala ang isa pang babae.

"Ako si Paloma. Simple lang ang gusto ko, ang maka-graduate sa Wisconsin University. At para magawa iyon ay alam kong kakailanganin ko ang mga tulong ninyo. Kaya sana magtulungan tayo."

"I'm Nilo. Nice meeting you all."

"Hi I'm Lorraine. Hopefully we all enjoy our moment here."

"I'm Agatha."

"I'm Jessie."

Nang makapagpakilala na ang lahat ng naroon ay pumaling ang tingin namin sa dalawang natitirang lalaking hindi pa nagpapakilala.

Iyong lalaking kulot ang buhok na nagsalita kanina at iyong isa pang lalaking nakapatong ang paa sa center table at nakatakip ng jacket ang mukha.

"Ow. Ako na ba?" medyo napakamot ng ulo iyong lalaking, kulot ang buhok. Dali-dali itong tumayo at nagpakilala. "Anyway, I'm Sanzo." maikli niyang pakilala sa sarili.

Pagkatapos niyang magsalita ay binilang ko sa kamay ko ang lahat ng mga nagpakilala.

Bukod doon sa witch na nag walk out, at do'n sa lalaking natutulog ay kulang pa kami ng isa.

Tahimik kong pinagala ang tingin ko sa kabuuan ng bahay hanggang sa naaabot ng aking tanaw. Wala na akong ibang makita. Labing-dalawa palang lahat ng nagpakilala, plus dalawang walang pakialam. Kaya naman labing apat na.

Nasaan na iyong pang labing-lima?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Hell Game   Kabanata 16

    Kabanata 16: Pick A PartnerCLARRISE POINT OF VIEW| intern student |Hindi na kami gaanong nakapag usap pa ng mga bago kong kaibigan ngayong araw. Dahil narin sa usapan naming, hindi masyadong magpapahalata.Mga bagong kaibigan?It's funny right? Dahil pagkatapos kong tanggihan ang tulong ni Denver ay mas marami naman akong hiningan.Ewan ko ba.Katulad nga kasi ng sinabi ko kahapon sa clinic ay meron akong kakaibang nararamdaman patungkol sa kanilang lima. Which is I, also need to find out. And while finding answers, first I need to hangout with them. Hindi ko naman gustong mapahamak sila e. Kailangan ko lang talaga ng sagot.Para kasing may part din ng pagkatao ko ang nagtatanong kung bakit pamilyar sa akin ang mga babaing iyon. Kahit dito lang naman sa school na ito kami nagkita kita

  • Hell Game   Kabanata 15

    Kabanata 15: Mission Number OnePagkatapos naming maghapunan ay kan'ya kan'ya na kaming nag ayos ng mga hihigaan namin. Gaya ng sinabi noong nurse na nakausap namin. Dito talaga kami matutulog sa clinic. Plano naming samahan si Alexandria. "Para tayong nasa slumber party." Kinikilig na sabi ni Scarlet. Umupo ito sa napili niyang hospital bed at paulit ulit na tumalon talon habang nakaupo. Ang cute niya talagang pagmasdan. Para siyang bata.Tiningnan ko rin ang iba pa naming kasama. Si Alexandria ay nagawa ng makaupo sa kama niya. Nasa tabi nito si Lara at nakikipagtawanan. Si Clarrise naman ay nakita kong lumabas kanina. Itsi-tsek niya daw ang lock ng mga pinto.Dalawa kasi ang pintuan ng clinic na iyon. Isa sa pinaka entrance at isa sa may likuran.Si Beatriz naman ay— nasaan na ba ito? Nang makita ko ang hinahanap ko ay napangiti ako. Nakaupo ka

  • Hell Game   Kabanata 14

    Kabanata 14:Safe And SoundKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |Higit sa aming dalawa ni Clarrise ay alam kong sobrang nag aalala si Scarlet sa nangyari sa bestfriend niya. Nandito na kami sa clinic ngayon. Ginagamot na ang mga sugat ni Alexandria, pero ngawa parin ng ngawa si Scarlet. Sinubukan ko na siyang patahanin kanina pero talagang matindi ang paghihimutok niya sa nangyari."What happened?" Humahangos na dumating sina Beatriz at Lara. May pag-aalala sa mga mukha nila."Si Alexandria, nasaksak." Sagot ko."Oh my. Kasama na naman ba 'to sa larong ginagawa nila?" Napayakap sa akin si Lara.Si Beatriz naman ay nilipitan ang umiiyak na si Scarlet para aluin ito."Mga wala talaga silang puso." Sambit ni Beatriz.Nang lumabas ang nurse na tumingin kay Ale

  • Hell Game   Kabanata 13

    Kabanata 13:SiminteryoSCARLET'S POINT OF VIEW| intern student |Kanina pa ako paikot-ikot dito sa Wisconsin University. At ito talagang simenteryo ang nakapagpa wow sa akin.Oha diba? Saan ka makakakita ng school na may simenteryo sa loob?"Ang cool." Tila kinikilig kong sambit.Lumakad ako palapit sa gate ng simenteryo para buksan iyon."Anong cool? Hindi ba't ang weird nga nito?"Sinong nagsalita?Hinanap ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Nakita ko si Kyra na nakaupo sa harap ng isang mukhang kagagawa lang na lapida. Lumapit ako sa kaniya para makita din ang tinitingnan niya.Halos manlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasu

  • Hell Game   Kabanata 12

    Kabanata 12:Too LateALEXANDRIA'S POINT OF VIEW | intern student |Till now ay hindi parin maka-recover ang utak ko sa mga nangyayari. In the process parin ito sa mga nasaksihan ko. Pilit kong pinapasok sa ulo ko ang lahat ng mga nasaksihan ko.Ano nga ba talaga ang nangyayari? Kailangan ba talaga naming patayin ang isat isa para lang makaligtas?Isa iyong kalokohan, pero kung ganoon nga. Wala akong choice. Gusto ko pang mabuhay."Annyeong (Hello)."Napaangat ako ng tingin. Isang magandang babae ang bumungad sa akin. Mukha siyang koreana. Mahaba ang kulay mais niyang buhok. Nakasuot din siya ng uniform, so malamang ay estudyante rin siya ng school na ito

  • Hell Game   Kabanata 11

    Kabanata 11:AlaalaKYRA'S POINT OF VIEW| intern student |<<< FLASHBACK <"SHIT! WHO DID THAT?" Napatigil ako sa ginagawa kong pagpipintura ng may sumigaw sa baba ng hagdan na tinutuntungan ko. Isang lalaking estudyante na inis na inis ang nakita ko. Hindi ko siya kilala pero nakakatakot ang mga tingin na ipinupukol niya sa akin. Iyong kahit wala kang idea sa pagkatao niya ay mapapaiwas ka nalang kasi napasama ng aura niya. Ganoon."YOU! YOU DID THAT ON PURPOSE." Turo nito sa akin. Hindi ko alam ang tinutukoy niya kaya napakunot ang noo ko. "Ano bang ginawa ko?" Tanong ko pa.Hindi sinagot no'ng lalaki ang tanong ko. Bagkus ay sinapa niya ng ubod lakas ang hagdan

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status