LOGINTulala si Loui, ang lalim ng iniisip. Yung pangyayari kanina imposible namang makalimutan nya si Cyren. Palabas lang kaya nya yon? O sadyang hindi nya talaga maalala ito?
Naalala ko pa nung pinilit nyang alalahanin si Cyren sumakit ang ulo nito, hindi kaya? May amnesia sya? May nangyari ba kay Loui na hindi ko alam?
"Charrie, iha." tawag ni ate jillian
"Ay ano po iyon?" tanong ko rito
"Kanina pa kita tinatawag iha at ikaw ay nakatulala lamang dyan" sambit nito kaya napakamot na lamang ako ng noo "Tapos ka na bang kumain? Tara na at ika'y hinahanap na ng mga bata" sambit nito kaya sumunod ako rito. Nakita ko roon sila kuya Jepoy saka si Loui na nakikipaglaro na sa mga bata, matagal ba akong tulala?
"Hi kids! Ate Charrie is here na!" nakangiting sambit ko kaya nagtalunan ang mga ito, ako na lang kase ang hinihintay para magsimula na ang program.
Madaming games ang ginawa namin pagkatapos non ay binigay na namin ang mga regalo para sa mga ito, nakakagaan ng pakiramdam na makitang masaya ang mga bata sa simpleng regalo. Nang dahil kay Liam—ex ko, napamahal na ako sa ganitong gawain kumbaga nahawa ako sa pagiging matulungin nya, tuwing umaalis kami hindi nya nakakalimutan ang mga ito lagi itong nagdadala ng mga pagkain o di kaya'y regalo para sa mga ito.
Ang sayang panuorin ng mga bata na masaya, kahit sa ganito lamang mapasaya namin sila. Ang babata pa kase nila para mawalan ng pamilya, yung iba pinapaampon ang iba naman ay namatay ang both parents kumbaga naulila ganon.
Lumapit sa'kin si Loui saka kuya Jepoy. "Ang saya nila, sarap sa eyes" nakangiting sambit ni Loui.
"Tama ka, teka anong oras na hindi pa ba kayo uuwi? Akala ko ngayon ang alis nyo?" sambit ni kuya Jepoy
"Hala oo nga, 7 pm daw ang alis natin, bal. 5:00 pm na girl" saad naman ni Loui. "Tara magpaalam muna tayo kay ate jillian" wika ko sa naunang maglakad.
"Ate ji" tawag ko rito
"Bakit iha? May problema ba?" ani nito saka lumapit sa'kin umiling ako bilang tugon "eh ano?"
"Te ji, we need to go na po kase may lakad pa po kaming mag-anak eh" paalam ko rito
"Susmarya yun lamang pala eh, akala ko ano na. Oh sige mag iingat kayo ano, mag paalam rin kayo sa mga bata at baka kayo'y hanapin nila" sambit nito kaya tumango ako
"Mga bata! Aalis na sila ate Charrie ninyo" sambit ni ate Ji, mukhang naging malungkot ang mga ito.
"Promise pupuntahan namin kayo kapag nakauwi na kami" nakangiting sambit ko
"Wag na kayong sad mga kids, saglit lang yon" nakangiting dugtong ni Loui,
"Promise po?" tanong ni Nathan isa sa mga bata na nasa pangangalaga ng orphanage.
"Promise!" sabay sabay pa kaming tatlo na nagsabi saka nagtaas ng kanang kamay. Natawa ang mga bata sa nangyari maliban lang kay Loreighn halatang paiyak na ito.
Mukhang napansin yon ni Loui saka kuya Jepoy at nagkatinginan kaming tatlo, lumuhod si loui saka binukas ang kanyang mga braso na nagpapahiwatig ng yakap, naguluhan ang mga bata pero nakabawi din ang mga ito ng lumapit si Loreighn kaya lumapit na rin sila at niyakap si Loui.Nakisali na rin kami nila ate ji saka kuya Jepoy.
"Sige na mga kids magsi-upo na kayo" sambit ni ate ji kaya nagsibalik na ang mga ito sa kanilang mga upuan. Tumayo na din si Loui at pinagpagan ang tuhod na namumuti dulot ng pagkakaluhod sa sahig.
"May alcohol ka, bal?" tanong nito sa'kin pero wala akong dala kaya umiling ako.
"Aish, ikaw kuya Jep meron ka?" tanong nito kay kuya
"Na ano?" tanong ni kuya jep
"Alcohol, kyah." sagot ni Loui pero umiling din ito.
"Yan black pa more" tatawa tawang saad ko kaya inismiran lang ako nito.
Nagring ang phone ni kuya jep at tinignan kami "Si ma'am Lois" sambit nito sa amin saka sinagot yon.
Pumunta kami ni Loui sa may faucet para alisin yung puti sa tuhod nito.
"Alam mong nakaitim ka tapos luluhod ka pa" sambit ko rito saka inabot yung tissue
"Nakalimutan kong nakaitim ako" tatawa tawa nyang saad saka pinatay ang faucet at kinuha ang tissue
"Arat na" sambit nito kaya naiiling iling akong sumunod dito.
Louissana's P.O.V
"Kuyaanong sabi ng mader ko?" tanong ko rito ng makabalik na kami ni bal.
"Nasan na daw tayo baka gabihin daw tayo pauwi" sambit nito kaya tumango tango na lang ako.
"Tara na, ate ji mauna na po kami ah" paalam ni Charrie
"Oh sigr magiingat kayo, dahan dahan sa pag mamaneho Jepog ah" bilin nito
"Opo" magalang na sagot ni kuya jep
"Byebye kids see you soon" paalam namin sa mga ito.
"Mga bata anong sasabihin nyo sa kanila?" wika ni ate ji sa mga bata
"Thanyou po!" natawa kaming tatlo sa tono ng pananalita nila, pang batang pang bata talaga.
"Sige, walang anuman. Mauuna na kami ah, take care kids" paalam ni Charrie
"See you soon mga bata" paalam rin ni kuya jep
"Byebye kids, sa susunod ulit" paalam ko saka kumaway sa mga ito.
Palabas na kami ng gate ng bigla may tumawag sa'kin.
"Ate Loui!" nilingon ko ito, nakita ko si Loreighn na tumatakbo papunta sa'kin habang umiiyak.
Nang makalapit na ito sa'kin ay niyakap nya ako ng mahigpit kaya lumuhod ako para magkapantay kami wala na akong pake kung mamuti ulit yung itim na suot ko.
"Sshh tahan na, babalik din kami agad." sambit ko rito habang nakayakap ako dito, walang tigil ito sa pag iyak kaya kinuha ito sa'kin ito ni ate ji pero ayaw nya akog bitawan.
"Halika na Loreighn, aalis na sila ate kailangan na nilang umuwi, babalik din naman sila" sambit nito sa bata at pilit na inilalayo sa'kin sinenyasan ko si ate ji na ako ng bahala kaya tumigil ito.
"Loreighn, babalik din si ate promise, saglit lang kami doon. Pagkauwi namin babalik agad ako dito." sambit ko habang inaalo ito
"Wag kana umiyak, sige ka dika pretty nyan" narinig ko syang napatigil sa iyak saka agad na kumalas ng yakap sakin at nagpunas ng mga luha, nag abot si Kuya jep ng panyo sa bata.
"Punasan mo na mga luha mo, mas maganda ka kapag nakangiti" nakangiting sambit nito sa bata kaya kinuha ni Loreighn ang panyo saka ipinampunas yon.
"Sige na Reighn, naghihintay na sayo yung mga kasama mo oh" sambit ko rito saka itinuro ang mga bata, tumingin ito sa mga ito at tumingin samin ibinalik nya ang panyo kay kuya jep saka ako hinagkan sa pisngi hinalikan ko ito sa noo
"Babalik si ate, promise" nakangiting sambit ko,ngumiti ito saka tumango at pumasok na sa loob.
Tumayo na ako sa pagkakaluhod at pimagpagan muli ang mga tuhod.
"Sige po una na po kami" paalam ni kuya jep. "Magiingat kayo" sambit nito at kumaway.
Pagkatapos na magpaalam ay agad kaming sumakay sa kotse saka pinaandar ito ni kuya jep bumusina muna ito saka nagmaneho. Sumaglit muna kami sa semnteryo para bisitahin si Liam—ex ni Charrie. Kaya ang ending 6:30 na kami ng gabi nakauwi.
"Tagal nyo ah, san kayo galing?" usisa ni kuya ko
"Orphanage saka sementryo" sagot ni Charrie. Pumasok kami sa loob saka ibinagsak ang katawan sa malambot na sofa. Sa sobrang pagod diko namalayang nakaidlip na pala ako.
Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.
Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we
Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na
Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase
Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma
Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub