PILOSOPO

PILOSOPO

last updateLast Updated : 2020-10-01
By:  AshlleneluvsyouOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
23Chapters
47views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Pilosopong lalaki na nakakairita, nakakainis, nakakasira ng araw, nakakagigil, err basta. One day nagising na lang ako na may nag iba... Nagiba yung nararamdaman ko sa kanya, dahil sa peseteng pamimilosopo at mga pang aasar nya, di ko namalayang nahuhulog na pala paunti unti ang loob ko sa kanya.

View More

Chapter 1

Chapter 1:

Louissana's P.O.V

Maluha luha akong naghikab dahil sa inaantok pa ako dahil di ako nakatulog ng maayos sa kakaisip kung saan ba kami pupunta ni Franz. Nagcall pa sya sakin kagabi mga 8 pm na siguro yon.

Flashback~

Ring~ Ring~

"Anong problema mo?" tanong ko rito

"Alam mo ang sungit mo noh, bukas susunduin kita 8 ng-"

"Bakit ang aga naman? Natutulog pa ako nun ee," reklamo ko rito

"8:30 kas-"

"Gumigising pa lang ako non tukmol!" err nakakainis bakit ang aga naman kaya, saan ba kase kami pupunta hays! 

"7:00 am kase, angal ka ng angal ah," anak ng!? 

"9 am?? Tukmol 9 am," 

"Fine, magsuot ka ng dress ah yung mag mumukha kang tao," anak ka ng tatay mo! Kingina hindi ba ako mukhang tao? Nakakainis itong lalaking 'to ah gigil nya ako! 

"Oo na aishh," tanging naisagot ko na lamang dito. 

"Good, okay i'll see you tomorrow, goodnight na Pessoa," sambit nito, mas lalo akong nainis dahil tinawag na naman nya ako sa second name ko! 

"Wag mo nga akong tawagin sa second name ko nakakainis ka ah!" Ayaw na ayaw ko sa lahat yung tinatawag yung second name ko. Narinig ko syang tumawa, shocks pati ba naman sa call ang ganda nya tumawa? Parang musika na kaysarap ulit ulitin, iniisip ko kung pati sya masar— what the fuck!? Anong pinag-iisip ko? Holy paking sheyt. 

"Hoy Pessoa tulog ka na ata," rinig ko saad nya na nagpanumbalik sa akin sa reyalidad. 

"A-ano? Bakit?" hala yan kase kung ano pinag iisip eh! Curious naman kase ako kung masar— ay bad! Eto na naman hays! 

" Aish wala, sige na matulog kana susunduin na lang kita bukas, goodnight, sleepwell, see you tomorrow," paalam nito. 

"Okay goodnight,see you tomorrow byee." saad ko saka binaba ang telepono. 

End of flashback~

Chineck ko muna kung anong oras na 8:00 am pa lang, kahit labag sa kalooban kong bumangon, bumangon pa rin ako. Mabilis ang mga naging pagkilos ko, gaya ng sabi nya nagdress ako kahit ayoko, simpleng maroon dress at nagsuot ako ng black 2 inches heels korean style na bumagay naman sa suot ko naglagay din ako ng light makeup para di mukhang zombie blinower ko din yung buhok ko at hinayaang nakalugay, pinagmasdan ko yung repleksyon ng sarili ko sa salamin at ngumiti ganda ko talaga! 

After ng ka-ek-ekan ko kinuha ko yung phone ko at tinignan ang oras hala 8:50 na! Ganun ba ako katagal hays kaya nagmadali nakong bumaba. Pagkababa ko nadatnan ko si mommy sa sala.

"Hi mom, goodmorning! " nakangiting bati ko at humalik sa pisngi nito.

"Hmm hindi naman halatang hindi mo pinaghandaan kung saan kayo pupunta ano? " sambit ni mom, nakangiting pinasadahan nya ng tingin ang suot ko. Alam kase ni mom na aalis kami ngayon ni Franz, kaya pala nandito sya kahapon dahil pinagpaalam nya ako ng personal kay mom. Sweet diba? HAHAHA

"Hoy saan punta mo at bihis na bihis ka? " tanong ni kuya na halatang kakagising lang.

"Ewan ko," sagot ko rito. Nakita ko namang nagunot ang noo nya.

"Anong hindi mo alam?" tanong nito "Sinong kasama mo? " dugtong nya. 

"Si Franz yung kasama ko," sagot ko rito, "Teka magtooth brush ka na nga muna bad breath ka kaderder kaya dika nagugustuhan ni ate Trisha eh!" maarteng dugtong ko. 

"Alam mo yung respect ah? Ikaw nga dika pa umaamin kay Franz na may gusto ka sa kanya eh," ani nito saka ngumisi pero mukha namang aso, kingina yan! Narinig kong natawa si mom sa tinuran ni kuya. Ayoko kaseng umamin baka mafriendzone ako. 

"Ikaw nga hindi ka crush eh bleeehh," nangaasar na sagot ko, nakita ko kung paano lumukot yung mukha ni kuya na kinatawa naming dalawa ni mom. 

"Ma'am andito na po si sir Franz," wika ni ate andeng at pinagpatuloy ang ginagawa sa labas. Kaya mabilis akong lumabas ng bahay kasunod sila mommy at kuya.

" 'Di ka naman halatang excited 'no," rinig kong bulong ni kuya kaya tinampal ni mommy ang braso nya. Nakita kong nakatayo si Franz sa harap ng bahay na may hawak na boquet of flowers. 

" Goodmorning tita," nakangiting bati nito kay mom at nakipagbeso sabay abot ng bulaklak akala ko saken amp! , childhood friend ko kase si tukmol kaya ganyan na sila kaclose ni mommy. 

"Hey bro! " bati nito kay kuya at nakipag fist bump. " Goodmorning Pessoa," nakangiting bati nito pero napangiwi ako ng marinig ko na naman ang second name ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa lang takte! 

" Saan kayo pupunta?" sabat ng kuya kong mukhang aso charot hahaha.

" Secret," sagot naman ni Franz na dahilan ng pagngiwi ni kuya. 

" Tita hihiramin ko muna yung anak nyo ng buong araw ah," nakangiting paalam ni Franz kay mommy. 

" Kahit wag mo ng ibalik yan dito iuwi mo na sa bahay nyo para walang magulo dito sa bahay," tatawang sabad ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin habang si mom at Franz tumawa. 

"Kung pwede lang," nakangiting sagot naman ng tukmol, pinandilatan ko sya ng mata pero hindi nya nakita yon dahil nakatalikod sya saken. 

" Tara na nga!" sambit ko rito, yawa nakakagigil pinagtutulungan nila ako huhuhu pero kinikilig ako.

Tumawa naman ang tukmol bago nagpaalam. Nagpaalam na ako kay mommy at kuya saka yumakap sa kanila. Binuksan ni Franz yung pinto ng passenger seat gentleman ampopo! Nginitian ko muna sya bago pumasok sa kotse. 

Nag-usap muna ng saglit si Franz, mom at kuya bago pumasok sa kotse hindi ko narinig ang paguusap nila dahil nakasara ang bintana. Nagulat ako ng biglang lumapit si Franz sakin as in sobrang lapit yung tipong konting galaw lang mahahalikan ko na sya. 

" Safety first," ani nito at nilagay ang seat belt sakin. Pagkalagay nung seat belt ko nilagay na rin nya ang kanya at sinimulang paandarin ang sasakyan. Binaba ko ang bintana at kumaway kila mom at kuya, kumaway din sila pabalik. 

" Ah Franz saan ba talaga tayo pupunta? " tanong ko rito dahil nakalimutan kong itanong kagabi nung nagcall sya. 

Tumingin muna ito sakin " Sa church," nakangiting sagot nito at binalik ang paningin sa dinaraanan napangiti ako ng marinig ang sagot nya.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters
No Comments
23 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status