LOGINNang makapasok kami sa loob nadatnan ko sala sila Tito Charles— kapatid ni dad, pati ang kanyang asawa na si Tita Asheyrie at ang kanilang dalawang anak na si Charrie at ang kambal nya na si Charlie na nanonood sa netflix.
Agad namang tumabi si kuya kay Charlie at si mom tumabi kay tita Ash, nagmano muna ako kila tito at tita at ibinaba ang bag ko bago tumabi kay Charrie at humalik sa pisngi nya.
"Ginabi ka ata iha?" tanong ni tita Ash
"Hindi mo sinasagot ang mga tawag nila" sambit naman ni Charrie
Napakamot ako ng batok "Ahm kase po naka silent po yung phone ko kanina eh" sagot ko.
"Sabi ko naman sayo wag mong isasilent yung phone mo diba" wika ni mom na nakaupo katabi ni tita Ash.
"Yeah. But kuya set my ringtone, pinalitan nya ng ungol yung ringtone ko kaya pag may tumatawag umuungol yung phone ko" sumbong ko kay mom, habang si kuya painosenteng nakaupo sa tabi ni Charlie.
"Nung may tumawag kanina sa'kin—"
" Ako yung tumatawag kanina but you rejected it." sambit ni mom
"Oh im sorry po, i rejected that kase my phone is bigla biglang umungol eh. Tsaka nasa restaurant kami kanina with my friends and some schoolmates. Nagulat po ako kaya pinatay ko po because halos lahat ng tao duon tumingin po sa'min. Todo pa mo po yung volume ng phone ko kaya yung mga taong malapit sa'min they heard that moan. So embarrassing moment po so i decided na i-silent ko na po muna baka maulit na naman." paliwanag ko kay mom, i heard kuya chuckled. I gave him death glare pero humalakhak lang sya. Yari ka sa'king lalaki ka! You pahiya pahiya me kanina. Hmp!
"What the heck!? Louis are you out of your mind? Bakit mo ginawa yon sa kapatid mo? That's embarrassing." panunumbat ni mom kay kuya, nanahimik naman si kuya.
"I'm sorry..." hingi nya ng tawad pero hindi mukhang sincere.
"My gosh, anong reaction ng mga nakarinig?" usisang tanong ni Charrie
"Nagulat syempre, ikaw ba naman makarinig ng ungol sa public place. Tapos yung mga kasama ko naman binubusit nila ako na im watching porn" sagot ko dito, bigla itong tumawa ganon din sila kuya, Charlie, tito Waren and Tita Ash while mom is smiling and umiiling iling.
"Kasama mo si Franz kanina diba?" tanong ni Kuya
"Yes ofcourse, why?" sambit ko rito
"Hmm anong ganap sa inyo?" tanong ni Charlie
"Wala namang ganap sa'min, we're just b-bestfriends" sagot ko sa kanya, yes bestfriends.
"Hmm bestfriends ah..." tatango tango nyang saad.
"Bestfriend mo lang yon iha? I thought you are in a relationship na." sambit ni tito Charles . "No tito, we're just Bestfriends lang po." pagtatanggi ko.
"Hindi ba nanliligaw?" tanong ni tita Ash, umiling lang ako rito bilang tugon.
"I thought nililigawan ka na nya" sambit naman ni mom.
"No. As like what i said we're just bestfriends" sambit ko
"Bestfriends with benefits" sambit ni Charrie sabay kindat sa'kin, narinig ko namang tumawa silang lahat.
"We're just bestfriends. More than friends but less than a lover, something like that" sambit ko sa mga ito saka nagpaalam na magbibihis muna ako, tumango naman sila. Kinuha ko muna yung bag ko saka umakyat na ako papunta sa kwarto.
Pagpasok ko sa kwarto ko agad kong binaba ang bag ko. Saka ko kinuha yung phone ko, i immediately open my phone and go to settings to set my ringtone. After that nilagyan ko na din ng password yung phone baka pakealaman na naman ng kuya kong mukhang aso.
Nang matapos ko na, tinodo ko din ang volume ng phone ko para kapag may tumawag alam ko na tapos chinarge ko na din. Kumuha ako ng pamalit na damit sa closet ko at pumasok sa cr para makaligo na rin.
Minadali ko lang pagligo ko and i put some powder and lip tint para hindi mukhang zombie. I'm just wearing a V neck shirt and pajamas. Kinuha ko din yung phone ko sa pagkakacharge at tuluyan ng bumaba. It's already 8:30 in the evening.
Akala ko umuwi na sila Charrie pero nandito pa rin sila. I guess dito sila matutulog, why not may 3 guestrooms naman kami.
Nadatnan ko sila Charrie, Charlie at kuya sa sala.
"Nasaan sila mom?" tanong ko ng tuluyang makalapit sa kanila.
"Pumunta sila sa ospital, gusto daw makita ni lolo kung maayos ba yung ospital, and gusto din nyang makita yung bagong doktor na kakalipat lang galing sa Palawan" sagot ni kuya habang busy naglalaro ng ml. "Pvta walang ambag yung layla!" sambit ni kuya habang naglalaro ng ml.
Naiiling na lang ako sa sinabi nya saka tumabi ng upo kay Charrie na tutok na tutok sa palabas.
"Chill vro, puso mo" tatawa tawang saad ni Charlie na naglalaro din ng ml. Matanda lang naman si kuya ng 5 minutes sa'kin eh. Well yeah kambal ko sya, identical twin. Kaya nga pag naging babae sya kamukha ko na sya. Tulad na lang nila Charlie at Charrie kambal sila pero hindi sila identical, matanda si Charles sa'kin ng 5 minutes habang si Charrie naman halos kasabayan ko ring lumabas.
Dapat diko naman talaga tinatawag na kuya yung mukhang asong yon eh pero sabi nya matanda pa rin sya kaya tawagin ko daw sya na kuya. Pero si Charrie ayaw nilang tinatawag ko sila na ate o kaya kuya kase daw nakakatanda.
"Anong title nyan?" tanong ko kay Charrie na tutok na tutok sa pinapanood nya.
"Through night and day, grabe nakakaiyak yan" wika nito saka nagpunas ng luha. Tumango na lang ako saka nanood pero naiinip ako kaya nakaisip ako ng kalokohan ko.
*evil smile* it's time to my revenge HAHAHA
"Kuya nakarank ka ba?" tanong ko rito
"Yes, why?" tanong nito habang tutok na tutok sa paglalaro. tumango tango na lang ako at kinuha ang phone ko.
Pumunta ako sa may contacts ko at hinanap ang number ni kuya saka idinial ko at sa kasamaang palad wala na pala akong load. Pero hindi ako nawalan ng pag asa may messenger pa.
Chineck ko kung online sya pero hindi, nakakainis err. Nakakainis naman! Wala akong choice kundi idial ang *143# at piliin ang utang, magpapaload na lang ako bukas. Nang marecive ko na ang inutang ko agad kong dinial ang number ni kuya.
Nag ring yung phone nya at halos banggitin na lahat ang mga badwords na alam nya at isumpa na ako sa lahat ng santo. Diko mapigilang matawa sa itsura nya tinignan nya ako ng masama dahil maputi sya nakita kong namumula yung tenga nya saka mukha nya.
Kamatis! HAHAHAHA
Kinuha nya yung unan malapit sa kanya at binato sa'kin syempre nasalo ko naman ito. Dinial ko ulit yung number nya na lalong kinapula ng mukha nya. Tawa ako ng tawa dito sa pwesto ko ang lakas ng tawa ko kaya hindi makapagfocus si Charrie sa pinapanood nya.
Tinignan din nya si kuya na masama ang tingin sa'kin.
"K-Kamatis HAHAHAHA" tawa din ni Charrie, tinuloy na lang ni kuya yung paglalaro nya.
"Putang*na subukan mo pang tumawag loko sasabihin ko kay Franz na crush mo sya" nagbabantang sambit kuya na may halong pagkainis sa'kin habang pinagpatuloy ang paglalaro.
"Chill lang vro, baka ma atake ka na sa puso" tatawa tawang gatong ni Charlie habang naglalaro. Napa 'tss' na lang si kuya at naglaro.
Diko na sya ginambala at baka totohanin nyang sabihin kay Franz. Nagfocus na lang ako sa pinapanood ni Charrie.
*Growl*
>>__<<
Tunog ng tyan ko yan, nagugutom nako eh.
Kaya tumayo ako at pumuntang kusina nakita ko pa nga si manang na naghahain nang dinner. Luh anong oras na dipa sila nagd'dinner?
"Hmm ang bango" sambit ko saka ninamnam ang amoy ng pagkain shocks naglalaway nako nagugutom na talaga ako.
*Growl*
Tumunog ulit ang tyan ko kaya hinawakan ko ito narinig ko naman na natawa si manang.
"Gutom na ang mga alaga mo iha, gusto mo na bang kumain o hihintayin mo sila ma'am saka sir?" nakangiting tanong nito sa'kin. Nagugutom na talaga ako pero sige hintayin ko na lang sila mommy.
"Hintayin ko na lang po sila" sagot ko rito kaya tumango na lang ito.
"Sige iha ikaw ang bahala pauwi na rin sila" sambit nito saka inayos ang mga pinggan kaya tumulong na lang ako kase wala naman akong gagawin eh.
Ilang sandali lang may bumusina na sa labas ng gate, aalis na sana si manang para buksan ito pero sabi ko ako na lang, gusto ko din kase na makita si lolo eh diko kase sya nakita kanina nung umuwi ako siguro nasa office sila ni dad kanina kaya diko sya nakita.
Kaya dali dali akong lumabas ng bahay para buksan ang gate. Nang makapasok na ang dalawang kotse sinara ko agad ang yung gate baka may pumasok hihi.
Nang makababa na sila lolo ay agad ko itong niyakap, ang tagal na rin ng huli kaming magkita. Siguro last year pa nung new year's eve. Sa ibang bansa kase ito nakatira.
"Lolo!" masiglang sambit ko saka yumakap sa matanda.
"Loui apo! Ang tagal nating hindi nagkita ah" sambit nito habang yakap din ako. He's now 75 years old pero hindi ganun masyadong kulubot ang kanyang balat siguro kung pagbabasehan mo ang kanyang itsura ay sa tingin mo nasa 60's pa lamang ito.
"Pasok na po tayo, lo. The dinner is ready" nakangiting sambit ko ng humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanya.
"Hey sweetie" tawag ni daddy sa'kin kaya niyakap ko din ito.
"Tara na't magsipasok na tayo sa loob ng makakain at makapagpahinga na rin" sambit ni mom kaya pumasok na kami sa loob. Pagpasok namin agad tumayo sila Charrie, Charlie at kuya para magmano kay lolo at humalik sa kanilang magulang at bumalik sa ginagawa kanina.
"Ano pang ginagawa nyo jan? Hali na kayo at tayo kakain na" sambit ni lolo kaya walang nagawa ang tatlo kundi ang pumunta sa kusina.
Sayang nga lang at wala rito ang dalawa pang kapatid ni dad na sina Tito Joshua at kakambal ni Tito Charles na si Tito Chester, hindi daw sila maka alis sa dami ng trabaho.
Si Dad ay lawyer at isa ding doktor nagmamay ari ng law firms at hospitals at si mom naman ay sikat na actress at model na kalaunan ay nakapagpatayo ng Hotels, public schools at restaurants, si Tito Charles naman ay ang nagmamay ari ng University na pinapasukan namin at ang asawa naman nito na si Tita Asheyrie ay isang sikat na fashion designer, si Tito Joshua naman ay isang business man na nagmamay ari ng malaki at sikat na hotel sa manila at ibang bansa at ang asawa nito na si Tita Julie ay isang sikat na Architect habang si Tito Chester naman ay isang negosyante na nagmamay ari ng malls, yachts and resorts here in Philippines and also in abroad habang ang kanyang asawa naman na si Tita Alfa ay isang sikat na nagmamay ari ng Bars, restaurants at resorts sa manila at pati sa abroad.
Masaya kaming kumakain ng dinner, nagkabiruan pa nga eh. Saka tinanong kami kung may mga jowakels na kami, syempre ako nganga, krass lang meron ako at si Franz lang yon.
"Louis apo, ikaw may nililigawan ka na ba?" tanong ni lolo kay kuya pero imbis na si kuya ang sumagot ako ang sumagot.
"Paano po nya liligawan eh hindi naman sya gusto" natatawang sagot ko. Naalala ko tuloy nung nagkwento sa'kin si kuya na gusto daw nya si ate Trisha.
Flashback~
Papunta na sana ako ng kwarto ko ng marinig ko si kuya sa kwarto nya na parang nagpapractice, nakabukas ng kaunti yung pinto nya kaya sumilip ako.
"Trisha may gusto ako sayo"
"Shuta masyadong speed pag ganun"
"Trisha mag usap tayo"
"Aish masyadong demanding! "
Natawa ako sa mga pinag gagawa nya narinig nya siguro ako kaya tumingin sya sa direksyon ko. Kaya pumasok ako ng tuluyan sa kwarto nya.
"May gusto ka pala kay Ms. Trisha Lauryn Flores ah, may balak kang magconfess sa kanya kaya ka nagpapractice" sambit ko rito.
"Oo kaso diko alam kung paano hays" pasukong saad nito saka pabiglang humiga sa kama, iiling iling akong pinagmasdan sya. Kuya ko na sikat na crush ng bayan at captain ng basketball ay namomroblema kung paano magconfess ng feelings nya.
"Kailan mo ba balak magtapat sa kanya?" tanong ko rito saka pinakealaman yung gitara nya.
"Mamaya. Niyaya ko syang lumabas eh" wika nito saka umupo, kaya pala ganun sya kung magpractice.
"Basta wag kang kabahan baka mautal ka, tapos kapag sasabihin mo na sa kanya yung nararamdaman mo tumingin ka ng diretso sa mga mata nya" sambit ko
"okay, then? "
"para alam nya kung sincere ka o hindi. Teka si ate Trisha maganda yon tas matangkad at parang modelo baka may boyfriend na yon ah, natanong mo ba kung may bf na sya?" tanong ko rito
Natigilan ito at nagkamot ng batok, pinitik ko ang noo nito
"malay mo may bf yon baka masabihan kang stealer! " sambit ko rito
"wala naman syang bf ah"
"pano mo nasiguro? "
"ah basta malalaman natin mamaya"
Dumating na ang oras na hinihintay ni kuya agad syang umalis at sinundo si ate Trish.
9:00 pm na nakaramdam ako ng uhaw kaya bumaba ako para uminom ng tubig ng makita ko si kuya sa mini bar namin, umiiyak at nakarami ng inom. Nakaramdam ako ng awa sa kanya kaya nilapitan ko sya.
"kuya tama na nakarami ka na oh may pasok pa bukas" sambit ko saka niligpit ang mga bote na wala ng laman.
"Umamin nako s-sa kanya" wika nito
"yun naman pa—"
"pero h-hindi nya ako g-gusto" uutal utal na sambit nya. Ayokong nakikita si kuya na nagkakaganyan lalo na sa babae, gwapo si kuya actually ideal man sya, nasa kanya na lahat pwera lang ang babaing pinakamamahal nya.
"Tama na yan, bukas may pasok pa tayo baka dika magising maaga" sambit ko rito tango na lang tugon nito saka tumayo muntik na itong matumba dahil sa dami na ng nainom.
"kaya ko na" sambit nya saka pagewang gewang na lumakad paakyat sa kwarto nya naiiling ko lang syang pinagmamasdan saka iniligpit ang mga bote saka yung baso na gamit nya.
End of flashback~
"Ulol mo" wika nito
"Watch your words Louis" suway ni dad
"Sorry po" paumanhin nya
"Ikaw ba Loui ay may nagugustuhan ng lalaki? " tanong ni lolo syempre sumagot ako
"crush lang naman po, lo." nakangiting sagot ko sa matanda.
"At sino naman ang maswerteng lalaki na yon, iha?" tanong nito sa'kin
"Si Franz Leveque Del Fuego, lolo." sagot ni kuya kaya sinamaan ko sya ng tingin pero ngumiti lang ito sa'kin.
Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.
Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we
Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na
Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase
Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma
Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub