Home / Lahat / PILOSOPO / Chapter 21

Share

Chapter 21

last update Petsa ng paglalathala: 2020-10-01 09:00:37

Someone's P.O.V

Nandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya.

Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.

*Ring*Ring*Ring~*

Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito.

"Goodjob, Hector," saad ko dito.

"Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag.

"Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga naman.

"Kayo ba ang may gawa n'on kay Loui?" kalmadong tanong nito at nakita ko din kung paano kumuyom ang kamao nito. Napangisi ako, galit ka na nyan?

"So? Anong magagawa kung kami nga?" naiinip na tanong ko dito, bigla na lang akong bumagsak sa lupa habang hawak ang pumutok na labi sa malakas na pagkakasuntok nito, nalasahan ko din yung dugo, tsk.

"Don't," pigil ko kay Ion ng akma na nya itong susuntukin, mabilis akong tumayo saka pinagpagan ang sarili ko.

"Anong karapatan mo para gawin yon!? You son of the bitch!" sigaw nito sa'kin. Natawa na lang ako ng malakas sa reaksyon nito.

"Oh? Galit na galit? Hmm," nakangising saad ko dito nakita ko naman kung paano mag tiim bagang ito. Bigla na lang nya ako kwinelyuhan pero hindi pa rin nawawala ang ngisi ko.

"Come on Cyren, ano pang saysay ng pambubugbog mo sa akin kung nangyari na? Hindi naman nila malalaman na ako o kami ang may gawa dahil lalabas lang 'yon na AKSIDENTE," saad ko rito habang diniin ang salitang 'aksidente'.

Pabagsak nya akong binitawan at akmang susuntukin nya ako ay mabilis ko itong sinalag.

"Once is enough, two is too much. Pinagbigyan na kita kanina, wag mo naman masyadong abusuhin." nakangising saad ko saka marahas na binitawan ang kamay nito.

"Wag ka ng makialam kung ayaw mong madamay," sambit kong muli at humakbang na nang magsalita ulit sya.

"Sa tingin mo ba, magugustuhan ni Lhyka ang mga pinagagawa mo?" kumuyom ang kamao ko ng banggitin nya ang pangalan ng kapatid ko.

"Hindi, ano pa bang magagawa nya eh wala na din naman sya," sagot ko dito.

"Wala kang kwenta," saad nito kaya hinarap ko ito nakita ko naman itong nakangisi ng makita ang reaksyon ko.

"Sa ating dalawa ikaw ang mas walang kwenta."

"Kayong dalawa ang dahilan kung bakit namatay si Lhyka, alam mo ba kung anong hirap ang pinagdaanan nya nung panahong pinaka kailangan ka nya? Alam mo ba na araw gabi wala syang ginawa kundi magkulong sa kwarto at umiyak? Alam mo ba ang lahat ng hirap sa sakit na dinanas nya nung panahong wala ka sa tabi nya? Alam mo ba na nagkaroon kayo ng anak? Alam mo ba kung paano nya pinagtangkaan ang sarili nya? Alam mo ba na naging misirable ang buhay na meron sya nung iniwan mo sya ng wala man lang pasabi at dahilan!? Alam mo ba ah!?" kuyom ang kamao na tanong ko dito, diko mapigilan ang galit, sakit at pangungulila na nararamdaman ko. Paunti unti syang umiling bilang sagot.

"Malamang hindi mo alam! Kase gago ka! Ang tanga mo alam mo iyon!? Ano bang ginagawa mo nung mga panahon na iyon? Ah oo, gumagawa ka ng plano kung paano ka matatandaan ni Loui pero anong nangyari? Nganga! Ang bobo mo kase! Hindi ka nag-iisip ng maayos! Ang tanga tanga mo! Hindi ka lang nawalan ng isa, nawalan ka ng tatlo! Nawala na sayo ang pinakamamahal mong kaibigan, nawala pa sayo ang mag-ina mo dahil sa tang*nang desisyon mo!

"Wag kang magalit dyan, magpasalamat ka na lang dahil tinulungan pa kita, don't worry hindi yan mamamatay," sambit ko dito nakita ko naman yung reaksyon nya, halo halong emosyon kaya ang hirap basahin.

"Oh bakit ganyan mukha mo? Gusto mo na ba syang mamatay? Sig-"

"M-Mag-ina." rinig kong bulong nito, nakalimutan ko wala nga pala syang alam. Unti unti syang tumingin sa akin at nakita ko kung paano mamula ang ilong nya senyales na naiiyak na sya.

"N-Nasaan yung b-bata?" tanong nito.

"Wala. Kasama na ni Lhyka," sagot ko at tumalikod na.

"Alam kong nagsisinungaling ka, nasaan ang bata!?" tanong nitong muli.

Totoong nagsisinungaling ako, buhay ang anak nyo pero hindi ko sasabihin kung nasaan sya, inilayo ko muna si Loreighn at pinalabas na ate lamang nya si Lhyka. Masyado pang bata si Loreighn kaya hindi nya pa maiintindihan, ngayon pa lang humihingi na ako ng kapatawaran dahil sa ginawa ko sa anak nyo. Kailangan ko talaga syang ibigay sa pangangalaga ng orphanage nila Jillian para matutukan sya ng maayos, kapag sa akin sya lumaki, mapapriwara lang sya dahil ibang buhay ang mayroon ako mas mabuting dun muna sya kay Jillian.

"Mag hirap ka sa paghahanap," saad ko, "Ion tara na." saka naglakad papaalis sa lugar na iyon. Narinig ko pa na tinanong nya kung anong pangalan pero hindi ko na ito sinagot at dire-diretso ng naglakad.

Third Person's P.O.V

Nang makarating ang mga Noriel sa ospital na pagmamay-ari nila ay mabilis na nagsilapit ang mga nurses at doktor upang asikasuhin si Loui at ilipat sa stretcher.

"Loui, baby, please hold on," sambit ng ina ni Loui na si Lois habang umiiyak.

"Ma'am hanggang dito na lang po kayo," harang ng lalaking nurse sa kanila kaya huminto ang mga ito, sumunod naman ang lalaking nurse sa loob.

Hindi maawat ang pag-iyak ng ina ni Loui, nakaalalay naman dito ang kanyang anak na lalaki at ang kanyang asawa, tahimik lamang naghihintay ang mga Noriel ng dumating ang mga magulanv ni Franz.

"Son," tawag sa kanya ng kanyang ina ng makalapit ay mahigpit nila itong niyakap, bumaling naman si Francine sa kanyang kaibigan na si Lois.

"How's Loui?" tanong nito sa kaibigan nyang si Lois, "Hindi pa lumalabas si Mr. Chan," sagot ni Shiel.

"Dad are you okay?" tanong ni Charles sa kanilang ama na ngayon ay hawak ang kanyang dibdib na tila ba nahihirapang huminga.

"I c-can not breathe," sagot ng matanda kaya naman naalarma na naman sila, mabilis na tumayo si Charles at ang kanyang asawa para dalhin sa er ang matanda.

Naiwang naghihintay ang mga magulang ni Loui at ang mga magulang ni Franz, naluluha namang naghihintay si Charrie, habang si Charlie ay tahimik na nakayuko, si Louis na naman ay namumula at pasinghot singhot pa na halatang pinipigilan ang iyak at galit, si Franz naman ay nakatulala lamang na nakasandal sa sandalan ng upuan.

"Kuya," tawag ni Althea pero mukhang hindi nito narinig dahil tulala pa rin ito.

"Son," tawag ng kanyang ama pero wala pa rin itong imik, "Franz," tawag ng kanyang ina pero wala pa rin itong imik nilapitan ito ng kanyang ina pero bigla na lang tumulo ang mga luha nito.

"Why does this have to...happen?" saad nya habang pinupunasan ng mariin ang luhang nag kandas sa kanyang mga mata.

"Son, hold on. Everythings gonna be alright, dont give up, okay?" pagpapagaan ng loob ni Francine sa kanyang anak.

"Ate Loui was strong she will not just give up," saad ni althea saka tinapik ang bakikat ng kapatid.

Ilang minuto ang lumipas lumabas na din sa wakas si Mr. Chan na syang doktor ni Louissana.

"Mr. Chan how's my daughter?" tanong ni Mr. Noriel sa doktor ng makalapit ito sa kanila. Huminga muna ng malalim ang doktor bago nagsalita.

"She still unconscious," saad nito kaya, muntik namang matumba si Mrs. Noriel buti na lang ay naalalayan ito ng kanyang anak, di na napigilan ni Charrie ang mapaiyak kaya naman dinaluhan sya ng kanyang kakambal, si Franz naman ay namumula at halagang gusto ng umiyak pero pinipigilan nya ng yakapin ito ng kanyang ina ay tuluyan na itong napaiyak, si Althea naman ay namumula at pasinghot singhot sa sinapit ng kanyang kaibigan.

"Shiel follow me to my office, i need to discuss something about Louissana's condition," saad ng doktor kaya tumango nama si Mr. Noriel.

"Pwede nyo na syang puntahan kapag nailipat na sya sa private room," saad muli ng doktor sa mga ito kaya naman nagsitango sila.

Gaya ng sabi ng doktor ay sumunod si Mr. Noriel dito, "Have a sit," anang doktor saka itinuro nito ang upuan, mabilis naman itong sinunod ng ginoo.

"8 years ago nasangkot si Louissana sa isang car accident, right?" saad ng doktor habang abala sa computer nito.

"Yes," sagot naman ni Mr. Noriel.

"Ng magising sya limitado na lang ang naalala nya." tumango naman si Mr. Noriel sa tinuran ng doktor.

"Louissana has a infantile amnesia or childhood amnesia, most people can't remember the first three to five years of their life but in Louissana's case she can't remember eight years of her life." tumingin ang doktor dito habang sinasabi yon, tumango si Mr. Noriel dahil alam naman nya yon pero bakit sinasabi nya pa ito?

"Dahil sa lakas ng impact kanina na dulot ng aksidente maari na nitong maalala ng paunti unti ang kanyang nakaraan na pansamantalang nabura sa isip nya," saad nito. Ngayon naiintindihan na nya kung ano ang nais ipahiwatig ng doktor, kailangan na nilang ihanda ang sarili nila sa pagbabalik ng nawawalang alaala ng kanyang anak.

Ng mailipat na sa private room si Loui ay agad silang nagsipuntahan doon, tahimik na hawak ni Mrs. Noriel ang kamay ni Loui na ngayon ay wala pa ring malay, madaming nakalagay na tubo dito, may oxygen din ganun nga talaga kalakas ang impact ng aksidente.

"Baby please wake up, mommy is here," anang ginang saka naiiyak na naman agad naman itong dinaluhan ng kaibigan nya na si Francine.

"Shh gigising din sya, sa ngayon hayaan muna natin syang magpahinga pansamantala napagod yan panigurado," saad ni Francine para pagaanin ang loob ng kaibigan.

Umalis si Mr. Del Fuego dahil may tumawag sa kanya na emergency meeting kaya naiwan sa loob ng silid sila Charrie, Charlie, Althea, Franz, Louis, at ang dalawang ginang.

Nagpaalam si Althea na bibili lamang sya kaya nagpresinta si Loui na samahan na ito.

"Bakit ka ba kase sumama?" mataray na tanong ni Althea kay Loui ng makalabas sila ng private room.

"Pake mo?" walang ganang tanong ni Louis na kinainis ni Althea.

Tsk pasalamat ka crush kita kaya hindi kita masapak.

"Hey careful!" saad ni Loui habang nakahawak ito sa bewang nya, ng mag angat ito ng tingin ganun na lamang gulat nito na sobrang lapit ng mukha nila kaya agad silang lumayo sa isa't isa. Tinignan nya ng masama si Louis.

"Oh?" tanong nito, mabilis namang tumalikod si Althea at nagsimulang maglakad palabas.

"Hey hindi dyan, palabas na yan!" sigaw ni Louis kaya nilingon nya ito.

"Sino bang nagsabi na pupunta ako sa cafeteria?" nakapamewang na tanong nito.

"What?" naniningkit na tanong ni Louis. Hindi na lamang nya pinansin ito at nagsimuka na muling maglakad.

Ng makalabas sya may isang batang babaeng gusgusin ang lumapit sa kanya.

"Ate pahinge po ng pambili ng pagkain," saad ng bata dito habang nakalahad ang kamay.

Lumingon sya sa paligid at ng may makitang fast food chain ay mabilis nyang tinignan ang bata.

"Hintayin moko dito, okay? Bibili lang ako," saad nito sa bata nakita naman nya kung paano nagliwanag ang mga mata ng bata na halatang masaya kaya napangiti sya. Mabilis syang pumunta sa fast food chain at mabilis na nagtake out ng order, ng makuha na nito ang order nya ay mabilis nya itong binayaran.

Nakita ni Louis kung paano kausapin ni Althea ang batang babae na kumapit dito ang akala nya ay itataboy nya ito ngunit nagkamali sya, ilang sandali lang ng makaalis si Althea ay lumapit ito sa gusgusing bata.

"Hello," nakangiting bati nya dito. Ngumiti naman ang bata sa kanya at tumungo na animo'y nahihiya kaya natawa sya.

Tumngin ito sa kanya habang nakanguso, "Bakit po kayo tumatawa? May nakakatawa po ba?" nakangusong saad nito, napangiti naman ito. Kung malinis lang ang batang ito ay paniguradong makikita ang kanyang kakyutan.

Nang makalabas na si Althea sa fast food chain na kanyang pinuntahan ay agad nyang natanawan si Louis na tumatawa kasama ang batang babae, mabilis syang lumapit sa mga ito kaya napunta sa kanya ang atensyon nila. Mabilis namang tumayo si Louis sa pagkakaupo sa ugat ng puno at nilapitan sya kinuha nya anv pinamili nito saka sya na ang nagbitbit.

Kinuha nya ang isang plastic bag na naglalaman ng pagkain at inabot ito sa bata nagsilapit naman ang dalawang nitong kasama kaya naman napatingin sya pinamali dahil sakto lamang ito sa kanila, kinuha nya ang dalawang plastic bag saka ibinigay sa kanila. Masayang kinuha naman nila ang plastic bag at mabilis na kumain.

"Hey dahan dahan baka mabulunan kayo," paalala ni Louis sa mga ito kaya naman nagdahan dahan sila sa pagkain.

"Bigay mo na muna kila kuya yan i'm sure gutom na sila," saad nito kay Louis na ngayon ay nakatingin na sa kanya tumango naman ito saka pumasok sa loob.

"Saan naman kaya pupunta ang isang yon?" bulong ni Louis sa kanyang sarili ng makapasok sa elevator agad nyang pindot ang number ng floor kung saan ang silid ni ng kanyang kakambal.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad itong humakbang palabas at pumasok sa silid ng kanyang kakambal.

Naiwan na lamang dito sila Charrie, Charlie at Franz. Inilapag na muna nya ang mga biniling pagkain ni Althea sa mesa.

"Nasaan sila mom?" tanong nito saka umupo sa couch na kinauupuan nila Charlie at Charrie habang si Franz ay nakaupo kung saan ang pwesto ng kanyang ina kanina.

"Pinuntahan si Lolo," sagot ni Charrie kaya tumango na lang sya.

"Enjoy your foods okay?" bilin ni Althea sa mga bata ng makaalis na si Louis tumango naman ang mga ito saka nagpasalamat sa kanya, mabilis syang pumunta sa fast food chain na pinuntahan nha saka muling nagtake out ng makakain.

Nang mabayaran ay agad na syang pumunta sa loob ng ospital at sumakay sa elevator papunta sa 2nd floor kung nasaan ang silid ni Loui.

Nang makapasok ito nakita nya na wala ang kanyang ina, inilipag nya muna ang kanyang binili saka lumapit sa kuya nya.

"Where is mom?" tanong nito, "Kasama ni tita Lois," sagot ng kanyang kapatid kaya tumango na lamang ito.

Ramdam nyang may nakatingin sa kanya kaya paglingon nya nakita nya si Louis na nakatingin sa kanya, pinagtaasan nya ito ng kilay kaya naman umiling lang si Louis.

"Kumain muna kayo," saad nito sa kanila kaya tumayo na si Charlie at Louis para buhatin yung mesa palaput sa kanila.

Si Charrie naman ang umasikaso sa mga binili nyang pagkain habang sya ay pinipilit pa rin na pakainin ang kuya nya.

"C'mon kuya, kumain kana mukha ka ng zombie you know?" saad nito, "Wala nga akong gana," sagot ng kuya nya.

"Geez you're so matigas ang ulo, you're not bata anymore kuya, you're gurang c'mon kumain kana kase, ate Loui will galit galit on you," saad nito narinig naman nya ang mahinang pagtawa ng mga kasama nya sa sinabi nya.

"Tss okay fine," pagsuko nito pero kumaha sya ng water at iniabot sa kuya nya.

"Here, inumin mo na lang 'to para di ka ma-dehydrate," saad nito sa kuya nya nagpapasalamat sya dahil kinuha ng kuya nya ang iniabot nyang bottled water.

Magkakasama naman sila Sheil, Lois, Charles, Asheyrie at Francine sa E.R kung nasaan si ang ama nila Sheil.

"Dad, are you okay?" alalang tanong ni Sheil sa kanyang ama ng magising na ito.

"I'm okay, where is Loui i want to see her," anang matanda saka nagpumilit tumayo pero pinigilan ito ng kanyang anak.

"Dad, magpahinga ka na muna mamaya pupuntahan natin si Loui," saad ni Charles sa kanyang ama.

Ng kumalma na ito ay nagpaalam si Charles na bibili ng kakainin nila pero tinawagan na muna nya si Charlie.

*Ring~Ring~Ring~*

Mabilis na sinagot ni Charlie ang tawag na natanggap nya.

"Hey dad," bati nya rito

"Kumain na ba kayo? Im goin to buy some foods,"

"Yeah, we're eating now,"

"How's Louissana?"

"Walang pagbabago, by the way how about lolo?"

Narinig nyang bumuntong hininga muna ito bago sumagot, " Well nagpupumilit agad na pumunta dyan kaya pinakalma na muna namin, later we're going there," saad nito.

"Alright, wala na ba kayong ipapabili?"

"Wala na dad, thankyou,"

"Okay, bye," saad nito saka pinatay ang tawag.

Mabilis ang ginawa nilang pagkain kaya agad silang natapos ilang sandali lang ay narinig na nila ang iyak ni Franz kaya agad nila itong dinaluhan.

"Kuya don't cry, she will be okay," saad ni Althea.

"She's right bro," pagsang ayon ni Louis.

"Oy wag ka ng umiyak naiiyak ako eh, " saad ni Charrie saka pinunasan ang mata nya.

"Ang saya lang namin kanina eh tapos ganito na yung nangyari," umiiyak na saad nito.

"Tahan na bro, always expect the unexpected things will happen," saad ni Charlie.

Hinalikan ni Franz ang kamay ni Loui habang umiiyak.

"P-Pessoa don't leave me okay? Lumaban ka, hindi mo pa ako sinasagot." saad nito.

Alam nyang kahit walang malay si Loui ay naririnig nya pa rin ito, siguro kung gising ito ngayon ay nasuway na naman ito dahil sa kaharutan nya.

"Magpapakasal pa tayo, bibigyan pa kita ng isang dosenang anak," saad nya na kinatawa naman din nila.

"Geez kuya, ang harot," saad naman ni Althea habang nakaupo.

"Ikaw ba Thei, wala ka pa rin bang boyfriend?" tanong ni Charrie saka umupo sa tabi nya.

"I don't want, nakakastress lang magkaroon ng jowa, i'm happy kahit single ako," sagot nito.

"Sa ganda mong iyan, i'm sure madami kang manliligaw," saad ni Charlie.

"Yeah, madami akong manliligaw—" di nya naituloy ang sasabihin nya dahil sumingit si Franz.

"Madami nga busted naman lahat," sagot nya.

"What the hell," gulat na sambit ni Charrie.

"Hinihintay nya kase yung crush na ligawan sya," pagkukwento ulit ni Franz na kinasama ng mukha ni Althea.

"Ikaw ba si Althea ah? Geez c'mon kuya itikom mo bibig mo dyan," inis na saad ni Althea na kinatawa ni Franz saka umaktong izinipper ang bibig. Tss kanina iiyak iyak ka dyan ngayon naman tatawa tawa kang namumusit sa'kin.

"Sino bang crush mo?" tanong Charlie.

Ramdam nya ang pagtitig ni Louis sa kanya hindi nya alam bakit, "Secret," saad nito saka kumindat at ngumiti ng nakakaloko.

"Aish, Franz kilala mo ba crush ng kapatid mo?" tanong ni Charrie.

"No, paiba iba kase yan ng crush siguro minu-minuto iba na naman crush nyan," sagot nito na kinangiti nya, yes tama ang kuya nya d'on.

Ng marinig ni Louis ang sagot ni Althea sa tanong Charlie ay mas lalo itong nacurious sa babaing ito. Lalo na nung narinig nya ang sinabi ni Franz na minu-minuto ay may iba na naman itong crush ay may inis syang naramdaman.

Alam nyang naging crush din sya ni Althea pero hindi nya ito pinansin kumbaga parang hangin lang ito sa kanya pero ngayon na nagkasama ulit sila ay parang may iba itong naramdaman, humanga sya sa dalaga ng makita nya ang kabaitan nito kanina kahit na mataray at masungit ito may kabaitan din naman pala itong taglay.

Naalala nya kung paano umiyak si Althea ng dahil sa kanya, naalala nya lahat ng ginawang effort ni Althea pero ano bang ginawa nya? Binalewala nya lahat ng iyon.

Pareho lamang sila ng paaralang pinapasukan pero hindi na nya ito nakikita at nagpapasalamat sya d'on dahil wala ng nanggugulo sa kanya.

Tumunog ang cellphone ni Althea na nakalagay sa mesa kaya nakita nya kung sino ang tumatawag, nangunot ang noo nya ng mabasa ang nakasulat.

Honey? Akala ko ba walang kang boyfriend? Tss.

Mabilis na kinuha ni Althea ang phone nya saka sinagot iyon, lumabas muna sya ng silid para kausapin si Honey yung friend nya na taga Batangas.

Bakit naman kumunot anv noo ng impakto na iyon? Ang sama oa ng tingin sakin akala mo naman kung sino, tusukin ko mata non eh.

"Hoy inday!" sigaw ng nasa kabilang linya kaya nailayo nya ang cellphone sa tenga nya.

"What? Why are you shouting? Geez nakakabingi ka," inis na saad nito.

"Kanina pa kase ako nagsasalita dito diba? Lutang ka girl, sino ba iniisip mo dyan ah?"

"Sino agad? Pwede namang ano na lang diba,"

"Gaga tao iniisip mo alangan naman hayop eh ayaw mo naman sa mga ganun except kay crush mo," tatawa tawang saad nito.

"Heh! Shut up Honey, pasmado bibig mo," saad nito pero natawa na lang din sya.

"Uy i smell something fishy," saad ni Charrie.

"Huh? Wala namang isda ah," saad nito na kinatawa ng dalawang lalaki nakita naman nya kung paano maningkit ang mata ni Charrie.

"Gago! Selos ka lang eh," saad ni Charrie.

"I'm not," pagtatanggi nito.

"Oh kaya pala," saad ni Charlie.

"Ulol, di ako nagseselos 'no," saad nito saka umupo at pumikit.

Nawala bigla sakit ng balakang ko ah puta sino ba kase yung honey na yon akala ko ba wala syang boyfriend? Baka manliligaw nya? Pero may endearment agad? Wow speed. F*ck nagseselos ba talaga ako? No waaaaay!

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • PILOSOPO    Chapter 23

    Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.

  • PILOSOPO    Chapter 22

    Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we

  • PILOSOPO    Chapter 21

    Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na

  • PILOSOPO    Chapter 20

    Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase

  • PILOSOPO    Chapter 19

    Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma

  • PILOSOPO    Chapter 18

    Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status