Home / All / PILOSOPO / Chapter 19

Share

Chapter 19

last update publish date: 2020-09-25 08:18:57

Charrie P.O.V

"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi. 

"Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba? 

"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo. 

Flashback

May naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako. 

Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis. 

Nagmulat na lang ako ng mata para makilala kung sino sya nakita ko ang asul nyang mga mata na diretsong nakatingin sa'kin, naka black syang mask at nakajacket din na black sobrang lapit ng mukha ko sa kanya.

"Liam..," nasambit ko ang pangalan ng taong pinakamamahal ko pero hindi pwede, imposible dahil patay na sya. Naramdaman ko na naman ang mga kamay nya na lumilikot kaya nakaramdam ako ng takot. 

End of flashback.

Impossibleng si Liam yon, una sa lahat hindi blue eyes si Liam, pangalawa at panghuli ay patay na sya kaya imposible o kaya naman ibang Liam ang nailibing? 

"Arghh! Wag ka na mag-isip ng kung ano ano Charrie!" saway ko sa sarili ko habang tuloy pa din ang pag agos ng tubig mula sa shower. 

Imbis na lunurin ko ang sarili ko sa pag-iisip kung sini yon ay mabilis ko na lang tinapos ang pagligo ko. Paglabas ko ng cr tulog pa rin si Loui, maingat akong bumaba at hindi na sya ginising pa dahil puyat sya at kailangan ng maraming tulog. 

"Goodmorning," nakangiting bati ko ng makababa ako, nandito na silang lahat at halatang puyat at pagod dahil sa party.

"Goodmorning!" bati pabalik ni Gara. 

"Antayu i Pessoa? Atin yang bisita!" sigaw ni lolay. 

(trans: Nasaan si Pessoa? Meron syang bisita!)

"Matudtud ya pa pu!" sagot ko kay lolay saka pumunta sa kusina. 

(trans: Natutulog pa po sya!)

"Hmm ang bango," komento ko ng maamoy ang niluluto ni tita Melba, si mom naman naghahanda ng plato at baso habang si tita Lois naman ay naghuhugas, teamwork! 

"Goodmorning," bati ko sa mga ito, "Mey nasaan sila dey? Laging wala," tanong ko kay mommy. Daddy inshort dey, mommy inshort mey. 

"Nag-gogolf ang mga iyon, honey," sagot ni mey. 

"Mameh! Nandito na si Franz!" sigaw ni Louis na kinabigla ng mga ginang. 

"Ikaw talagang bata ka! Bakit ka ba sumisigaw ah?" mataray na saad ni tita Melba nagpeace sign naman si Louis. 

"Mameh!" 

"Oo na, papapuntahin mo dito sa kusina." utos ni tita Lois.

"Hoy Franz pumunta ka daw dito sa kusina!" sigaw nitong muli kaya binato sya ng basahan ni tita Lois. 

"Mameh naman! Yung gwapo kong mukha oh!" reklamo nito. 

"Sigaw ng sigaw parang nasa kabilang bundok ang kausap mo," singhal ni tita Lois. 

"Nakalunok ata ito ng speaker," bulong ni mey kaya natawa ako. 

"Hoy ako ang pinakagwapo dito!" biglang sigaw ni Charlie.

"Anak ng! Tumigil nga kayo kasisigaw nakakabingi kayo!" saway ni mey habang tatawa tawa namang yumakap si Charlie kay mey, natawa kami ng para itong batang nagpapacute kaya naman binatukan ito ni mey.

"Mey naman! My handsome face!" nakangusong saad nito kaya ng akmang babatukan ulit ito ni mey ay nagtago na ito sa likod ko. 

"Makikiraan ang pinakagwapong ginoo sa lahat," sulpot ni Gerphil, mabilis namang binato ni Louis ang basahang hawak nito sa kanya pero nakaiwas ito kaya naman tumama ito saktong sakto sa mukha ni Franz. 

"Hala bro sorry," saad ni Louis habang naka peace sign, "Si Gerphil kase biglang umiwas eh," paninisi nito. 

"Edi kung hindi ako umiwas sa'kin tatama," gatong naman Gerphil dito. 

"Gara! Punta kana dito, tawagin mo si lolay!" sigaw ni tita Melba. 

"Opo!" malakas na sagot ni Gara sa sala. 

"Nah, it's okay," nakangiting saad ni Franz saka kumuha ng panyo sa bulsa at pinangpunas iyon. 

"KUYA FRAAANZZ!" sigaw nila ZK at KZ saka mabilis na niyakap si Franz.

"Goodmorning boys," bati nito saka iniluhod ang isang tuhod para magkapantay sila. 

"Tulog pa po si ate Loui," sambit ni ZK

"Ah ganun ba? Hintayin ko na lang sya magising," saad nito sa dalawa saka ginulo ang buhok ng mga ito. 

"Kuya ano yang dala mo?" tanong ni KZ habang nakatingin sa dala nyang paper bag na black and gold. Sinilip naman yon ni Louis at Charlie. 

"WOW CHOCOLATEEESS!" parang batang sambit ng mga ito saka kinuha kay Franz ang paperbag.

"WhaAaa kuya hinge akoooo!" saad ni KZ sa dalawa, "Sa amin na 'to, diba bro?" saad ni Charlie na sinang-ayunan naman ni Louis. 

"Kuya Franzz," nakangusong tawag ni KZ kay Franz, "Hmm sharap!" saad nila Louis at Charlie habang nilalantakan ang chocolates na dala ni Franz, lumapit naman si ZK dito at sinubukang humingi pero hindi sila binigyan. 

"Hoy bigyan nyo sila! Ang hilig nyong busitin no!" sambit ko sa mga ito pero binelatan lang ako! 

"MOMMYYYYY!" tawag nila ZK AT KZ sa mommy nila habang umiiyak na yumakap sa mga ito. 

Kumuha ako ng dalawang basahan sa likod ko saka hinagis sa dalawang sarap na sarap sa pagkain ng chocolates. 

"Aray ko ah!" inda ni Charlie dahil sapul sa mukha nya yung basahan. 

"Hoy bakit ka ba namamato ng basahan! Yung napakagwapo kong mukha!" reklamo ni Louis, "Hoy gwapo lang kayo ako ang pinakagwapo dito!" sabat ni Gerphil kaya mabilis na ibinato sa kanya ang dalawang basahan na hawak ng dalawa at sa pagkakataong ito sapul na sa mukha nya, hindi naman maipinta ang ang itsura nito kaya sabay na natawa ng malakas ang mga ito. 

"Mommy a-ayaw ako b-bigyan niya cho-chocolate," umiiyak na sumbong ni KZ at ZK kay tita Krez. 

"Franz halika na dito at umupo," saad ni tita Lois na agad namang sinunod ng binata. 

"Ot mangaga kayu? Ika yung adwa nang gewa yu?" masungit na tanong ni lolay. 

(trans: bakit umiiyak kayo? Kayong dalawa anong ginawa nyo?)

"Oh eto sabi ko naman sa inyo wag na kayong umiyak sige inyo na 'to," saad ni Charlie saka ibinigay yung paperbag na may chocolates, "Eto na lang kakainin namin oh," nakangiwing dugtong ni Louis saka pinakita yung dairy milk na kinakain nya.

"Hep! Kumain muna kayo ng breakfast bago chocolates," saad ni tita Krez sa dalawa kaya mabilis naman na nagsiupo ang mga ito, hindi naman maka akyat ng maayos si ZK dahil sa katabaan nito kaya inalalayan ito ni Louis.

"ZK tignan mo di kana makaakyat ngayon magpapayat ka kase, taba taba mo na eh," saad nito saka tumawa kaya naman piningot sya ni lolay.

"Lolay aray!" inda nito kaya binitawan na ito ni lolay, pulang pula yung tenga nya. 

"Magsi upo na at tayo'y kakain na," saad ni lolay, "We're here!" saad nila dey, na kakapasok lang sa kusina kasama sila tito Shiel at lolo. Nagmano naman kami kay lolo at binati ang mga ito. 

"Nasaan ang anak mo?" tanong ni tito Shiel kay tita Lois. 

"Aba nanduon sa kwarto masarap ang tulog at hindi magising kahit nagsisigawan na dito sa ibaba," sagot ni Tita Lois.

"Ako na lang gigising kay ate Loui," sambit ni ZK saka bumaba sa upuan muntik na nga itong maumpog buti na lang na alalayan agad ni Louis. 

"Baka masipa ka ni ate mo," saad ni Louis, "Kuya Franz sama ka na lang sa'kin gigising kay ate Loui!" masiglang saad nito saka pumunta sa pwesto ni Franz.

"Ehh." nagkamot ulo ito dahil di alam kung paoayag ba o hindi, "Sige na iho, samahan mo na yan para magmadali sa pagkilos," saad ni Tito Shiel.

Tumayo naman ito at nagpahila kay ZK habang si KZ ay nilalantakan na ang pritong hotdog, umupo na din ako para kumain. 

Franz's P.O.V

"Kuya, ikaw manggising kay ate Loui ah, kase baka asipa ako nya," saad ni ZK habang paakyat kami, binuhat ko na sya para mabilis. 

"Talaga bang naninipa si Pessoa?" takang tanong ko dito saka ibinaba na sya dahil nasa harap na kami ng pintuan na itinuro nya tumango lang ito saka binuksan ang pinto. 

Malinis ang kwarto pero nadako ako sa babaeng mahimbing ang tulog sa kama naka eye mask pa na hello kitty. 

"Kuya, gising mo na ate," saad ni ZK kaya lumapit ako dito, nakailang lunok ako habang papalapit sa kanya.

"P-Pessoa," tawag ko dito pero bigla itong gumalaw at muntik mahulog buti na lang nakaharang ako. 

Hinawakan ko ito sa balikat at niyugyog, "Hoy Pessoa gising na!" saad ko rito. 

"Hmm... 5 minutes," inaantok na sabi nito. 

"ATE GISING NAAAAA!" sigaw ni ZK saka nagtatalon talon sa kama muntik ng matumba ito buti na lang at mabilis ko syang nahila at ang ending bumagsak sya sa natutulog na Pessoa. 

"Holy sh*t!" saad ni Pessoa saka mabilis na tinanggal yung eye mask nyang hello kitty, kahit pala bagong gising maganda pa rin.

"Ate kakain na!" saad ni ZK habang nakadagan pa rin kay Pessoa. 

"Oo, sige susunod na lang ako," inaantok pa rin na sagot nya. 

"ATE MOMMYYYY!" sigaw ni KZ habang tumatakbong papalapit sa amin. 

"Dahan dahan ka lang, baka madapa ka," saad ko dito, mabilis naman itong umakyat sa kama saka dumagan din kay Pessoa. 

"A-Ang bigat n-nyo, " reklamo ni Pessoa kaya umalis sila sa pagkakadagan dito.

"Ate Mommy wake up! Kuya Daddy is here!" saad ni KZ habang niyuyugyog si Pessoa.

Tumalikod lang ito sa kanila at humarap banda sa'kin kaya naman lumuhod ako para magpantay ang mukha namin. Iniipit ko naman sa tenga nya ang tumatabing na iilang hibla ng buhok nya para mapagmasdan ko ng maasyos ang mukha nya. 

Makakapal na pilik mata at kilay, heart shape thin lips, cute nose and chubby cheeks. 

"Pessoa kapag hindi ka gumising hahalikan kita," saad ko dito nakita ko naman kung paano nangunot ang noo nito saka unti unting iminulagat ang mapupungay nyang mga mata at tumingin sakin. 

"F-Franz?" takang tanong nya kaya ngumiti ako at tumango.

"Goodmorning, mi amor," bati ko rito napabalikwas naman ito ng bangon kaya tumayo na ako. 

"Hala totoo bang nandito ka? O guni guni ko lang?" tanong nito kaya naman ginulo ko ang buhok nito. 

"YIEEEE," saad nung dalawang bulinggit sa likod nito. 

"I told you ate mommy, kuya daddy is here," saad ni KZ saka bumaba sa kama at pumunta sa'kin.

"Atagal ka naming gigising ate mommy, bilis hilamos kana agugutom nako," nakangusong saad ni ZK kaya natawa ako. 

"Come here ZK, hintayin na lang nati. si ate mommy sa baba," saad ko dito kaya naman dahan dahan itong bumaba sa kama. 

"Ate mommy, sunod ka na lang ah," saad ni ZK kaya tumango na lang si Pessoa. 

Louissana's P.O.V

Mabilis akong nagtungo sa cr para maghilamos, gosh bakit nasa kwarto ko si tukmol? Nakakaloka! 

Mabilis akong naghilamos at ginawa kong messy bun ang buhok ko saka mabilis na lumabas ng cr. Paglabas ko wala na sila Franz sa kwarto kaya naman mabilis akong bumaba oapuntang kusina nakita ko pa iyong mga kasambahay nila lolay sa mini Garden.

Pagpasok ko sa kusina himala kumpleto na silang lahat at ako na lang ang kulang. 

"Goodmorning," bati ko sa kanila saka humalik kay mom and dad at nagmano kila lolay at lolo. 

"Umupo ka na sa tabi ni Franz, sweetie," saad ni mom kaya naman umupo na ako, napatakip ako ng bibig ng maghikab ako. 

"Anong oras na ba kayo natulog kagabi at puyat na puyat ka?" masungit na tanong ni mom. Oo nga anong oras na nga ba? 

"Hmm? I don't know," sagot ko saka kumuha ng hotdog at pinapak iyon. 

"Nadatnan namin silang gising around 12:30 am tapos tinawagan kayo," sagot ni tito Charles, "At nanonood pa ng anime, may pa-popcorn at beer pa," dugtong ni tita Ash. 

Nagkatinginan kaming tatlo at itinuro si kuya na nananahimik, "Oh bakit ako?" tanong nito. 

"Ikaw yung nanonood ng anime, kumakain ka din ng popcorn at umiinom ng beer," sagot ko.

"Oh ako lang? Diba may bisita ka din kagabi? Tapos hindi ka agad natulog kumain ka din ng popcorn ko at nanood ng anime," saad nito hutek wala na sinumbong na ako! 

"Oh tama na yan, nagbukingan pa, kumain na nga kayo," saad ni tita Melba. Ang sama ng tingin sa'min ni mommy kaya yumuko ako pag angat ko ng tingin pinanlakihan naman ako ng mata ni aso kaya binelatan ko sya at nagpatuloy sa pagkain. 

"By the way Charlie, i heard that you have a girlfriend," seryosong saad ni tito Charles na kinatigil ni Charlie sa pagkain. 

"Dad/Tito," sabay sabay naming tawag pero seryoso talaga sya, napalunok na lang ako sa paraan ng tingin nya sa amin, hindi ko alam kung galit ba sya or what. 

"Totoo ba Charlie?" tanong ni tita Ash, tumango naman si Charlie.

"Binata na talaga ang anak ko!" masayang sambit ni Tito Charles. Nagkatinginan kaming mga nakakaalam saka sabay na napangiti. 

"Akala ko magagalit," bulong ni Franz, "Oo nga eh, grabe kase yung tingin," bulong ko din dito saka sabay kaming natawa. 

"Eh kayong dalawa dyan?" tanong ni Dad, "W-What?" 

"Kailan kayo magkakalabel?" tanong ni mom, humagalpak naman ng tawa si kuya na nasundan ng tawanan ng ibang miyembro ng pamilya.

"Kailan nga ba?" natatawang bulong na tanong ni Franz sa'kin kaya hinampas ko ang braso nya.

"O baka naman may label na ayaw nyo lang sabihin?" saad ni tita Melba. 

"Actually kaya nga nandito si Franz ngayon eh," saad ni mom, "Sila na ba?" tanong ni dad. 

"Not yet," sagot ni mom, "What do you mean 'not yet' anak?" tanong ni lolo. 

"O-M-G ARRANGED MARRIAGE!?" tanong ni Charrie, bigla akong nabulunan ng sabihin nya yon kaya agad akong binigyan ng tubig ni Franz at tinapik tapik yung likod ko. 

"Okay ka lang, bal? Omy i'm sorry, naexcite lang ako sa kasal nyo," saad ni Charrie na kinatawa naman ng lahat. 

"T-tubig pa nga." utos ko kay Franz kaya agad syang nagsalin ng tubig sa baso ko na mabilis ko namang ininom. 

"Speed mo naman, Cha. Hindi naman kami inarranged marriage," sagot ni Franz kay Charrie. 

"Ay sorry, akala ko arranged marriage na tapos magkakaroon ng engagement party kapag nakapag graduate na kayo," sagot nito. 

"Nako apo kakapanood mo yan ng teleserye, jusmiyo kang bata ka," saad ni lolay na kinatawa naman nila. 

"Nandito kase si Franz para pormal na magpakilala bilang manliligaw ni Loui," kinikilig na sambit ni mom. 

dO_ob

do_Ob

dO_Ob

Ano daw!? Manliligaw!? As in!? OMGEEEEEE! 

d>v<b

"Weh?" di makapaniwalang tanong ko.

"Wehteng," sagot nito saka kumagat sa hotdog. 

"Pisti kang yawa ka! Sinasabi ko sayo hindi ki-" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nya akong pinakain ng hotdog! 

"Ang daldal mo, kumain kana nga lang dyan," tatawa tawang saad nito na kinatawa naman nilang lahat, sinamaan ko naman ito ng tingin. 

"Kuya daddy welcome to the family!" saad ni KZ at ZK kay Franz habang pumapalakpak pa hindi namin naiwasang matawa sa kalokohan ng mga ito, Jusmiyomarimar yan. 

"Welcome to the family bro," saad ni kiya saka ni Charlie, mga siraulo nakisakay pa sa trip ng mga bata susme! 

"Welcome to the familyyyy," masayang sambit ni Charrie at Gara. 

At ayun winelcome na nga sya ng lahat, napailing na la g ako habang si tukmol abot langit ang ngiti, ito ang pinaka masayang breakfast namin, plus kasama pa si kwass na ngayon ay manliligaw ko na, awittt kilig akooo! 

❄❄❄❄❄❄

Ng matapos kaming kumain ay nagpaaalam si Franz na kung pwede daw bang pumunta kami sa Astro ipapasyal daw namin ang aso nyang chow chow na si Franna, pumayag naman sila mom pero syempre may bantay kami which is sila kuya, Charlie at Charrie. 

Kaya ngayon ay nandito kami sa astro park, hawak ni Franz yung tali ni Franna sa isang kamay habang yung isa ay nasa bulsa.

"Hindi ko mahawakan kamay mo nandyan kase sila eh," nakangusong bulong nito kaya natawa na lang ako, paano ba naman tuwing hahawakan nya yung kamay ko ay bigla na lang dadaan sa gitna yung tatlo. 

"Hoy bilisan nyo nga maglakad! Ang tagal nyo," saad ni kuya na nauuna ng maglakad, tss sino ba kase nagsabi sa kanilang mauna silang maglakad?

Nang tumalikod sila ay akmang aakbay si tukmol ng biglang lumingon si kuya kaya napakamot na lang ulo si tukmol. Ngumisi naman ng nakakaloko si kuya at patalikod na naglakad, nakaharap sya sa amin tapos patalikod syang naglalakad. 

Sinamaan ko sya ng tingin dahil akala mo naman may gagawin kaming mali, tinaasan lang nya ako ng kilay. 

"Kuya sa lik-" hindi ko na nasabi yung sasabihin ko ng bigla na lang itong sumalampak sa damuhan. 

"Aray! Hijo de puta!" mura nito ng matumba ito. 

"Ay ang bobo mo bro, bakit hindi ka kase nakatingin sa dinadaanan natin?" natatawang tanong ni Charlie saka inalalayan syang tumayo. Tatawa tawa naman kaming nakatingin sa dalawa.

"Eto kasing dalawang 'to eh," paninisi nya sa amin saka sabay turo sa amin ni tukmol. 

"Oh napano? Hindi namin kasalanan na natumba ka dyan," depensa ko. 

"Ang bagal nyo kayang maglakad," saad nito habang hawak ang likod nya, tss matanda ang peg mo boi? 

"Sino ba kaseng nagsabi na mauna kayong maglakad?" nakataas ang kilay na tanong ko. 

"Aba ikaw tala- aray!" inda nya ng paluin ni Charlie yung likod nya. 

"Bakit mo ba pinalo? Gusto mong masapa- aray! Tang*na yan!" inda nya ulit ng akmang susuntukin nya si Charlie. 

"Hoy baka napilay ka! Pacheck up tayo sa doctor," saad ni Charrie.

"Anong doctor? Kaya k- shuta tara na sa doctor ayoko pang mamatay!" drama nito. 

"Duh as if mamamatay ka naman agad, eh masamang damo ka eh," bulong ko kaya natawa naman si Franz. 

"Hoy anong binubulong bulong mo dyan!?" tanong ni kuya. 

"Wala sabi ko tara na sa doctor, baka mamatay ka kagad," saad ko saka naunang maglakad sumunid naman sakin si Franz na ngayon ay bitbit na si Franna. Habang si kuya naman ay inaalalayan ni Charlie at Charrie pero lamang ang pang aasar ni Charlie.

Sumakay na kami sa kotse ni Franz habang si kuya naman ayaw sumakay sa sasakyan nila ang gusto dito oa sa sasakyan ni Franz buti na lang at nakumbinsi sya ni Charrie na duon na lang sya sa kotse nila. 

"Saang hospital?" tanong ni Franz kay Charlie.

"Sa St. Raf kung saan si Jasper nagtatrabaho," saad nito, tumango naman si tukmol habang si kuya hindi maipinta ang mukhang nakatingin sa amin. 

Pinaandar na ni Charlie ang sasakyan nila na sinundan naman ni Franz. Nang makarating kami sa ospital ay agad inasikaso si kuya at naghintay kami ng result ng xray nya. 

"Bakit hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo?" tanong ni Jasper kay kuya. 

"Eto kasing dalawang to ang tagal maglakad eh kailangan bantayan yang mga yan," saad nito nasa amin talaga ang sisi eh.

"Napano naman yang dalawang yan?" tanong nito. 

"Bro dimo ba kilala si Franz? Yung laging tumatalo sayo sa chess, nanliligaw na yan ngayon kay Loui," sagit ni Charlie nakita ko naman kung paano manlaki ang mata ni Jasper.

"Dapat ngang bantayan yan," nakangiwing saad nito kaya pinaningkitan ko ito ng mata. 

"Ano yung result? Ano mamamatay na ba sya? May bali ba?" tanong ko dito. 

"Gusto mo na talaga akong mamatay ano?" anas nito, "Ikaw kaya nagsabi nyan kanina duh," mataray kong saad. 

"Maswerte ka Louis dahil walang bali yang balakang mo pero dapat wag ka munang lakad ng lakad para hindi yan sumakit at tumingin ka na sa dinadaanan mo para hindi na maulit yan," saad ni Jasper. 

"Thankyou Jas," pasalamat namin dito.

"Alright sa susunod wag ka ng babalik dito ah, sige mauna na ako may mga pasyente pang naghihintay sakin," saad nito saka bumaking sa'min ni Franz. 

"Wag mong sasaktan yan dre, kung ayaw mong mag 50/50 sa ospital," saad nito saka tinapik ang balikat ni tukmol tinampal ko naman ang braso ni Jasper dahil kung makapag banta.

"I have to go," paalam nito sa tuluyang umalis.

"Ano tara na?" yaya ko sa mga ito, "Nagmamadali ka?" masungit na tanong ni kuya 

"Walang kasama si Franna sa kotse," sagot ko dito, "Tss tara na nga, teka yung wheel chair," sambit nito, jusmiyo ang daming arte! 

"Kaya mo naman maglakad ah!" angil ko, " Kakasabi lang na wag na munang maglakad lakad diba?" depensa nya kaya naman walang nagawa si Charlie kundi kunin yung wheel chair inalalayan naman ni Franz si kuyang maupo duon. 

"Franz ikaw taga tulak, ayoko si Charlie baka pagtripan ako ng gag*" saad nito kaya naman masayang binitawan ni Charlie yung hawakan at pinaubaya yon kay Franz. 

"Napa aga ata ang uwi nyo?" salubong ni manang, "Ano nangyari sayo iho?" tanong nito. 

"Dahil sa katangahan manang ayan ang napala," sambit ni Charrie. 

"Halika na kayo sa loob," saad nito kaya naman sumunod kami sa loob kasama si Franna na buhat ko na ngayon.

Nagtatawanan naman sila ng madtanan namin sa sala napatigil lang sila ng makita ang iika ikang paglalakad ni kuya. 

"Omy what happened to you?" alalang tanong ni mom saka inalalayan itong maupo.

"Ate mommy! Kuya daddy!" salubong sa amin nila KZ at ZK. Inilapag ko naman si Franna para may kalaro si Sean yung tuta nila lolay at nagmano na rin kami sa mga ito. 

"Napano ka? Anong nangyari sa kanya?" tanong ni dad. 

"Dahil sa kashongahan nya dad kaya nangyari yan, sino ba naman kase maglalakad ng paatras diba?" saad ko dito. 

"Nagpacheck up na ba kayo?" tanong ni tita Ash. 

"Yes tita, wala namang fracture sa hips nya. Wag na lang daw masyadong lakad ng lakad para hindi na lalo sumakit," sagot ni tukmol kaya tumango tango naman sila. 

Matapos ang pag iinterview nila ay tumawag si tita Francine nagpapasundo daw sa kanya.

"Sunduin kita bukas sabay na tayong pumasok," saad nito ng maihatid ko sya sa labas ng bahay.

"Sige, take care," saad ko saka ibinigay na sa kanya si Franna. 

"Sige alis na ako," kamot ulong saad nito kaya natawa ako, hindi ka makada moves ngayon dahil nakatingin sila.

"Bye baby Franna," saad ko saka hinalikan ito, "Ako walang kiss?" nakangusong bulong nito. 

"Wala, sige na alis na naghihintay si tita Francine," saad ko rito kaya naman tumango na ito sa lumapit sa kotse nya, kumaway ako sa kanya ng makapasok na ito sa kotse nya.

Binaba nya ang bintanan ng passenger seat kaya naman sumilip doon si Franna, bago umalis nag flying kiss pa si tukmol na tinawanan ko na lang, bumusina muna sya bago pinaandar ang kotse.

Ngingiti ngiti naman akong pumasok sa loob ng bahay, err hindi pa rin ako makapaniwalang nililigawan na ako ni Franz! O M G! Crush ko noon manlikigaw ko na ngayon, awit WHAHAHAHA.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PILOSOPO    Chapter 23

    Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.

  • PILOSOPO    Chapter 22

    Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we

  • PILOSOPO    Chapter 21

    Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na

  • PILOSOPO    Chapter 20

    Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase

  • PILOSOPO    Chapter 19

    Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma

  • PILOSOPO    Chapter 18

    Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status