LOGINGrabe ang daming ganap ngayong araw may sunod sunod na quiz kami, may graded recitation, may reportings and chena chena. Buti na lang at tumunog na ang bell hudyat ng breaktime na. Dali dali kong niligpit ang mga gamit ko dahil tomguts nako.
Napansin kong nakatingin ang mga bruha sakin kaya nilingon ko sila, nakita ko ang mga mata nilang nagtatanong kaya pinagtaasan ko sila ng kilay.
"Ano?" tanong ko habang nakataas pa rin ang isang kilay ko. Umiling lang sila at pinagpatuloy ang pagliligpit. Lumapit sakin si Ayecia.
"Kayo na ba ni Mr. Del fuego?" tanong ni Aye sa'kin. Na startstruck ako dun ah, wtf!? Magkaibigan lang kami ni tukmol err.
"Ano ka ba Aye, syempre hindi. Magkaibigan lang kami ni Franz" dipensa ko. "So defensive, Loui." tatawa tawang sambit nito. Tapos ng magligpit yung tatlong bruha kaya nagpagpasyahan na naming pumunta sa cafeteria.
"Hoy Loui sigurado kang hindi kayo?" tanong ni Ven habang naglalakad kami. Hays bakit ba ang daming tanong!? Naiinis na talaga ako.
"Wala talaga" sagot ko pero hindi ko pinahalata na naiinis ako. Hindi na sila nagtanong ulit dahil nakarating na kami sa cafeteria.
"Oh anong order nyo?" tanong ni Vennyze pagkaupo namin. "Libre mo?" nakangiting tanong ni Jhenna.
"Oo na, oo na" sagot ni Vennyze, napailing na lang ako. Yaman kase ee.
"So ano nga order nyo?" tanong nito. "Spaghetti and pineapple juice na lang yung sa'kin" sagot ni Jennice at pinagpatuloy ang pagrereview, well may quiz na naman daw kami.
"Tulad ng dati" sagot ni Aye at binalik ang atensyon sa phone nya. Tinignan naman ako ni Ven "Tulad pa rin nga dati" sagot ko rito at kinuha ang reviewer ko. Pagkakuha ng order namin umalis na sila at nagorder na.
Natigil ako sa pagrereview ng marinig kong umiiyak si Aye nakita ko rin na binaba ni Jennice yung reviewer nya, tumingin sa'kin si Jice i just shrugged my shoulders.
"Hoy babae napa'no ka? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Jice kay Aye na nagpupunas ng luha gamit ang panyong inabot ko. Umiling lang ito at binalik ang atensyon nya sa phone nya.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ko rito, tumango lang ito pero hindi man lang ako tinignan. Tumingin ako kay Jice ganun din sya, sabay kaming napailing at muling ibinalik ang atensyon sa reviewer.
Narinig kong tumawa si Aye kaya tinignan ko ito at nakitang naluluha na ito, nababaliw na'to. Unti unting nahulog yung mga luhang kanina nya pa pinipigilan tas bigla na lang syang tumawa, hala nabubuang na ang bruha!
"Hoy Aye pota ano ba yan?" tanong ko rito, binaba na nya ang phone nya at nagpunas ng luha habang nakangiti.
"E-eh kase n-naman nakakakilig n-na nakakai-iyak yung b-binabasa k-ko" uutal utal nyang sagot kaya pinaningkitan ko sya ng mata.
"Akala ko naman napano kana yun pala nagbabasa ka lang jan" sagot ko while massaging the bridge of my nose. Nakita kong binaba ni Jice yung reviewer nya.
"Akala ko ghinost ka na ni Alvarez" nakangising sabat nito na tinutukoy yung humaharot kay Aye ngayon na isang varsity player na Atenean. Sinamaan ng tingin ni Aye si Jice.
"Gaga tapos na nga, naghost na nga diba?" inis na sagot ni Aye. "Weh totoo nga? Kailan pa?" tanong ko rito, di naman nya kase sinasabi sa'min eh, halatang nagulat din sya ng marealize nya yung sinabi nya napatakip pa talaga sya ng bibig, mukhang nadulas sya ah.
"Yan Atenean pa!" pangiinis ni Jice sa kanya. "Sinabi ko na sa'yo na wag mo ng ichat eh, oh ano ka ngayon nganga" tatawa tawang sambit nito. Kaya siniko ko sya para manahimik na tingnan naman ako nito at nagpeace sign.
"So kailan nga? Kailan ka naghost?" tanong ko kay Aye. Natahimik lang ang bruha mukhang naiiyak na buti na lang at dumating na sila Ven at Jhe, nagtataka silang tumingin sa'min halata kasing umiyak si Aye dahil namumula yung ilong.
"Hoy anong ginawa nyo dito?" tanong ni jhen pagkalapag ng pagkain at umupo. "Hala anong kami? Nagrereview lang kami dito ghorl" dipensa ni Jice sa pinsan nya.
"Aye napano ka ba? Bakit ka umiyak?" tanong ni Ven at umupo sa tabi ko, tinago muna namin ni Jice yung reviewer namin para hindi madumihan.
"Naghost sya ng Atenean nya" natatawang saad ni Jice napailing na lang ako, tinampal naman ni Jhen yung braso nya para manahimik.
"Grabe ka sa'kin Jice ah, di mo pa kase nararanasang maghost eh" nakangusong sambit ni Aye.
"Malamang sya kase yung nanggoghost" tatawa tawang sambit ni Ven. "Inuunahan ko lang sila" dipensa ni Jice.
Ang dami nilang tanong kay Aye kaya nauna na akong kumain dahil tomguts nako kanina pa.
"kailan ka naghost?" tanong ni Jhen kay Aye imbis na sagutin nya si Jhen kumain na lang sya kaya ganun na din ang ginawa nila. Umiinom ako ng tubig ng biglang may malamig na tubig na natapon sa'kin.
"Holy sh*t!" napatayo ako at tinignan kung sino ang nakatapon ng tubig sa'kin. Familiar sa'kin yung girl, nakita ko na sya noon sa family gatherings namin.
"S-sorry Miss hindi ko s-sinasadya" paumanhin nya, napapikit ako sa sobrang pagkainis. Huminga ako ng malalim para kumalma bago ako magsalita.
"What's your name?" kalmadong tanong ko sa babae. "Jem p-po, Jemaeven S-Sandoval p-po" uutal utal na sagot nito habang pinagtitinginan na kami dito sa loob ng cafeteria.
"Sige na umalis ka na" sambit ko sa babae paulit ulit syang nagsorry bago umalis. Wala ng magagawa yung sorry nya dahil nangyari na.
Nakita ko si Franz na kakapasok lang sa cafeteria at lumapit sa'min "Ayos ka lang?" nakangising tanong nya sa'kin. "Mukha ba akong ayos Mr. Del fuego?" inis na tanong ko rito, sino ba naman kasing matutuwa pag natapunan ka ng malamig na tubig?
Hinawakan ni Ven yung kamay ko kaya tinignan ko ito "Magbihis ka muna, tara" sambit nito kaya tumango na ako.
"Tara na mamaya na lande" tatawa tawang sambit ni Jhen kaya sinamaan ko sya ng tingin. Hindi ko pa nga nauubos yung pagkain ko eh pero kailangan ko ng magbihis dahil mukha nakong basang sisiw, chos!
Kinuha ko yung bag ko at buti na lang hindi nabasa "Sige mamaya na lang" sambit ko kay Franz tumango lang ito at pumunta sa mga barkada nya.
"Wait, lahat kayo sasama? Magbibihis lang si Loui" takang tanong ni Ven nang makitang nakatayo na sila Aye, Jice at Jhen. "Tapusin nyo na yang kinakain nyo babalik din kami agad" sambit konsa mga ito tumango na lang sila kaya bumalik sila sa pagkakaupo at kumain. Umalis na kami ni Ven para pumunta ng locker. Buti na lang at malapit lapit ng konti ang locker area sa cafeteria at may malapit na cr kaya agad akong nakapagpalit.
Nagpalit na lang ako ng P.E uniform kahit hindi naman P.E time, mas comfortable pa nga akong suot 'to dahil nakakaupo ako ng maayos i mean nakakaupo ako kung anong gusto ko hindi tulad tuwing naka palda ako di ako makapagdekwatro.
"Buti na lang hindi juice ang natapon sa'yo" sambit ni Ven habang naglalakad kami papuntang cafeteria.
"Talaga, kung hindi sobrang lagkit ko" sambit ko rito, naiinis pa rin ako sa nangyari pero wala nakong magagawa nangyari na eh.
"Sinabi mo pa" wika nito. Pagkarating namin ng cafeteria tapos ng kumain ang mga kaibigan namin tapos na din si Ven kumain kaya sinamahan nya na akong magpalit, hindi ko na tinuloy ang pagkain ko dahil nawalan nako ng gana, mamaya na lang siguro ako kakain.
May 10 minutes pa kami pero di nako kakain magrereview na lang ako. Napagpasyahan naming magkakaibigan na bumalik na sa room para dun na lang magreview.
Pagkapasok namin sa room nakita kong may box sa table ko,kumunot ang noo ko kaya nilapitan ko ito para tignan kung anong laman may nakita din akong letter.
"Eat this alam kong gutom ka"
—tukmol
"Hoy ano yan?" tanong ni Jice at tinignan ang hawak ko. "Aba pota sanaol may admirer!" sambit ni Jhen
Binuksan ko yung box nakita kong pagkain ang laman non. Nagutom tuloy ako bigla.
"Hoy pahinge ako ah" sambit ni Aye at kumuha ng chocolate kaya tumango ako, nagsikuhaan ang mga bruha kaya hinayaan ko na lang sila. Madami naman kase 'to diko naman mauubos.
Umupo na kami habang kumakain ng chocolate syempre tinago ko na rin yung box baka may makakita pa at humingi yung iba naming kaklase.
Habang kumakain ng chocolate nagrereview din kami para sa long quiz ngayon. Dumadami na kami dito sa room, bago pa dumating yung next teacher namin agad naming inubos yung kinakain namin. Ilang sandali lang dumating yung vice president ng ssg at sinabing nasa meeting daw ang mga teacher so it means hindi tuloy ang long quiz ngayon. Naghiyawan naman ang mga kaklase namin dahil hindi nga tuloy ang long quiz.
"Kingina yan nagreview review pa naman tayo tapos hindi naman pala tuloy!" inis na saad ni Jhen.
"Grabe naman sumakit yung ulo ko kakareview ah" reklamo ni Jice.
"Dapat pala hindi nako nagreview kung ganito din" nakangusong sambit ni Aye.
"Nakakaloka ang ganap ngayon ah" sambit ni Ven habang tinago ang reviewer, tinago na rin namin ang mga reviewer na hawak hawak namin dahil hindi naman talaga tuloy.
Inaamin ko naiinis ako dahil hindi natuloy pero napangiti ako dahil narinig ko yung tawanan ng mga kaklase ko. Typical section, maingay oo pero hindi gaano dahil sa takot na matuloy ang long quiz, may kanya kanyang mundo. Napatigil ako sa pagmamasid ng tampalin ang braso ko.
"Arat sa cafeteria" yaya ni Jice "Kakakain mo lang ah?" takang tanong ko.
"Nagutom ulit ako kakareview bakit ba? Ano sasama ka ba o sasama ka?" sagot nito tumayo na lang ako as if may choice pa ako?
Pagkarating namin ng cafeteria ang daming tao kaya sumaglit lang kami doon at pumunta na lang sa may mini garden para magrelax buti na lang at konti lang yung tao kaya tahimik tapos ang fresh pa ng hangin.
"Hoy dali dito tayo picture tayo bilis!" sigaw ni Ven sa may puno kaya pumunta kami doon. Nakita kong may bola na papalapit kay Aye kaya agad ko syang hinila para hindi sya matamaan kaya ang ending lumanding kami sa damuhan. Agad na lumapit ang mga kaibigan namin sa'min at inalalayan kaming tumayo.
"Oh shocks girls! Ayos lang kayo?" alalang tanong ni Ven sa'min habang pinapagpagan yung damit ni Aye.
"Kingina sino yon ah!?" gigil na tanong ni Jice habang hinahanap kung sino yung nakabato ng bola.
Biglang may lumapit na lalaki sa pwesto namin. "Hey ayos lang ba kayo? Sorry ah napalakas kase yung hagis nung kateamates ko" ani nito nilingon ko si Jice na nalaki ang mga mata "H-Ha nako ayos l-lang ang mga yan malalakas yang mga yan" sagot ng bruha. Anak ng!? Kanina parang g na g 'to tapos ngayon err. Yari ka saken mamayang bruha ka.
Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.
Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we
Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na
Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase
Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma
Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub