LOGINPinandilatan ko ng mata si Jice sa sagot nya, parang kanina lang nag aalboroto ito pero ngayong nakaharap nya na itong ungas na lalaking to parang anghel na animo'y inosente.
"Miss sorry talaga, may masakit ba sa'yo?" tanong nung lalaki tinignan ko ito ng walang emosyon.
"Ano sa tingin mo?" tanong ko rito pero nanatiling walang emosyon ang mga mata ko. Ikaw ba naman lumanding sa damuhan okay ka lang ba non hA?
"Sorry talaga Miss" paumanhin nito muli "Kailangan mong pumunta sa clinic para magamot yang sugat mo" dugtong nito habang nakatingin sa siko ko kaya tinignan ko ulit ito. Kaya pala mahapdi pero hindi ako mamamatay dito ang layo nito sa bituka.
"Dadalhin na kita sa clinic" prisinta nya pero tumanggi ako. "I can handle myself, hindi na ako bata" wika ko at kinuha na yung bag ko saka lumakad paalis.
Jice P.O.V
Biglang nag walk-out si commander kaya dali daling sinundan ito ni Aye at Ven kaya naiwan na lang kami dito ng pinsan kong si Jhen. Buti na lang at agad na nakaiwas sina Loui at Aye kung hindi mas malala pa sa sugat nito sa siko ang matatamo nito. Bola kase ng baseball ang muntik ng sumapul sa ulo ni Aye kaya mabuti na lang nga at alerto itong si Loui at agad itong naiiwas.
"Miss pasensya ka na talaga" paumanhin nitong lalaki sa harap ko. Biglang may lumapit na limang lalaki sa amin at pare parehong naka baseball uniform ang mga ito, obvious naman na eto ang mga ka teammates nito.
"Erp ang tagal mo, kukunin mo lang yung bola eh, may babae ka na agad" tatawa tawang sambit nito saka tinapik ang balikat nung lalaki kanina. Sinamaan nito ng tingin ang kaibigan saka bumaling sa'min "Sorry talaga miss" paumanhin nito ulit kaya nagtatakang tinignan ito ng kasama nya.
Nanlaki ang mga mata nung lalaki kaninang tumapik sa balikat nya at samut saring reaksyon ang nakita ko sa mga mukha ng mga kasama nito.
"Hala erp nakatama ka" sambit nung isa nilang kasama.
"Tang*na nasan yung natamaan ko? Malala ba yung tama? Nasa ospital ba? Nasan sya? Kritikal ba yung lagay nya? Hoy suma—"
"Sa paraan ng tanong mo parang gusto mo na akong patayin ah" nilingon namin kung sino ang nagsalita, nakita ko si Loui na nakangisi habang nasa kaliwa nito si Aye at nasa kanan naman nya si Ven. Lumapit sila sa amin at hinarap ang mga ito.
Louissana's P.O.V
"Miss anong masakit sa'yo? Ayos ka lang ba ah? Sandali dadalhin kita sa ospital" nagpapanic na saad nung lalaki, natawa ako sa reaksyon nya kaya kunot noo nya akong tinignan.
"Alam mo ang OA mo, mukha ba akong napuruhan at kailangan mo pang dalhin sa ospital?" nakangisi kong tanong dito. Nakita kong nagulat ito sa tanong ko, gosh para namang timang paka oa pa kaya.
"Sigurado ka bang okay ka lang? Walang masakit sa'yo?" kalmadong tanong nito umiling na lang ako at nginitian sila.
"Tara na, we need to go back na sa room baka pagalitan pa tayo" sambit ni Ven kaya tumango na lang kami agad na akong umalis narinig kong nagpaalam ang mga kaibigan ko sa mga yon at narinig ko na naman ang sorry nung lalaking oa, ano kaya pwede kong itawag sa kanya?
Ilang sandali lang kasabay ko ng naglalakad ang mga kaibigan ko, nakakapanibago dahil ang tahimik namin ngayon, dati hindi kami ganito katahimik, tuwing naglalakad kami halos puro tawanan ang maririnig sa'min minsan nga napapagalitan kami ng ibang mga teachers sa sobrang ingay namin. Lalo na si Jice na sobrang lakas ng boses na animo'y nakalunok ng megaphone ngayon sa parang walang dila na hindi na makapagsalita. Si Ven na magsisimula ng tawanan ay larang napipi din tulad din Jhen na nagsisimula ng asaran ay wala ding kibo ganun din si Aye na magsisimula ng mamikon ay wala ring kibo.
Isinantabi ko muna ang mga tumatakbo sa isip ko ng makarating kami sa loob ng room, nandito na halos lahat ng kaklase namin, ilang saglit lang dumating ang next teacher namin, may ilang mga kaklase rin kaming nalate syempre napagsabihan sila na sa susunod daw na malate ulit ang mga ito sa labas na daw sila magkaklase.
Wala naman itong ginawa kung hindi magkwento ng talambuhay nito. Halos lahat nga ng nangyari sa buong buhay nya ay nakwento na nito sa'min saka yung history ng pamilya nya, buti na lang at nagring na ang bell hudyat ng uwian na. Kung hindi lang tumunog yung bell siguradong hanggang mamaya pa sya matatapos kakakwento.
"Arat sa tambayan" sambit ko sa mga ito ng matapos ako sa pagliligpit ko. Tumingin ang mga ito sa'kin saka sila tumango. Tahimik na naman kaming naglalakd sa hallway ng matanawan ko si Franz. Napapikit ako ng maalala kong sabay nga pala kaming uuwi.
Ng makalapit ito sa'min bigla itong yumakap na ikinagulat ko naramdaman kong nagulat rin ito sa inasta nya kaya agad itong bumitaw sa yakap. I heard my friends made a fake cough kaya napatingin kami sa mga ito, nakita ko yung mga mata nilang nanunukso kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Problema mo?" tanong ko kay Franz habang nakatingin ako rito. "Diba sabi ko sabay tayo uuwi, kung hindi lang yata kita naabutan baka iniwan mo na ako dito" sambit nito saka pinitik ang noo ko kaya sinamaan ko sya ng tingin habang ang loko ngiting ngiti na halatang nangaasar, tss!
"Saan kayo pupunta?" tanong nito sa'min. "Sa tambayan namin" sagot ni Jhen.
"Sama ka na lang" yaya ni Aye habang nakangiti. Tatanggi na sana ito ng kurutin ko ito sa tagiliran kaya tinignan ako nito ng masama pero nginitian ko lang ito kaya wala na itong nagawa kundi pumayag, apaka understanding talaga nya HAHAHAHA
Sabay sabay kaming pumunta sa carpark, "kitakits na lang mga siz" wika ni Ven bago sumakay sa kotse nya kumaway sa'min si Aye bago sumakay sa kotse ni Ven.
Bumeso sa'kin si Jice sabay bulong "enjoy ka hihihi" pinandilatan ko ito ng mata saka tinignan si Franz na busy sa pagtipa sa cellphone nya ng mapansin nyang nakatingin ako nag angat ito ng tingin saka ako pinagtaasan ng kilay inirapan ko lang ito saka tinampal ang braso ni Jice ng halos humagalpak na ito sa tawa buti na lang at hinila na ito ni Jhen kumaway para pumasok sa loob ng kotse nito pero hindi nakaligtas ang nanunuksong tingin nito bago sumakay sa kotse nila.
Tumalikod ako para sana pumunta sa kotse ni Franz pero natigilan ako ng makitang nakatitig ito sa'kin, tinaasan ko sya ng kilay pero umiling lang ito mukhang galit, napano kaya ang isang 'to bakit parang galit sya sa'kin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah! Bipolar ata ampota.
"Sasakay ka o sasakyan mo'ko?" nakangising tanong nya, nanlaki ang mata ko sa tanong nya kaya sinamaan ko ito ng tingin at pumasok na sa loob umikot ito papunta sa driver seat. Mukhang kanina pa siguro nakabukas yung pinto at dahil lutang ang aking pakening brain hindi ko namalayang bukas na ang pinto ng passenger seat.
"Aray ko naman!" inda ko ng pinitik nya ang noo ko, sinamaan ko ito ng tingin.
"Safety first" sambit nito kaya agad kong isinuot ko seat belt. "Napano yang sa siko mo?" tanong nito saka pinaandar ang kotse nya.
"A-ah wala" sagot ko rito pero naramdaman kong inihinto nya yung kotse kaya tinginan ko sya nung sinulyapan ko sya halos matusok nako sa talim ng tingin nya kaya napalunok ako ng paulit ulit.
"B-bakit?" tanong ko rito tangena kinakabahan ako sa lalaking 'to grabe kung makatingin.
Nagulat ako ng tanggalin nya ang seat belt nya saka lumapit sa'kin di agad ako nakakilos dahil na startstruck ako. Napapikit ako ng maramdaman kong dumampi ang mga labi nito sa labi ko. Nang buksan ko ang mga mata ko nakita kong naisuot nya na ang seatbelt nya saka muling pinaandar ang kotse.
Napahawak ako sa labi ko, yung first kiss wala na!. Gusto kong maiyak, chos!. I heard him chuckled kaya tinignan ko sya. Sinamaan ko sya tingin nakakainis he stole my first kiss! Yari sa'kin 'to mamaya.
Sinulyapan nya ako pero ngitng ngiti lang ang gunggong mas lalo akong nainis sa kanya kaya kinuha ko na lang ang phone ko buti na lang at hindi nabasag nung lumanding ako sa damuhan kundi makakapatay ako, chos!. Duh like duh hindi pa nga kami nagtatagal ng phone ko eh siguro wala pang one week 'to.
Ilang sandali lang nakarating na kami sa tambayan namin... Nang makarating kami sa loob nakita ko na ang mga bruha, ang iingay na nila may mga kasama na din sila naginvite pa talaga!. Nang umupo na kami ni Franz tinignan nila kami parang mga timang na nagsingitian ng nakakaloko ang mga ito.
"Tagal nyo ah, gutom na kami dito" nakangusong sambit ni Jhen.
"Hindi pa kayo nag-order?" takang tanong ko, umiling lang ang mga ito. Tumayo si Franz kaya tinignan ko sya "Ako na oorder" prisinta nito kaya tumango na lang ako.
"Thankyou fafa Franz!" loka lokang sigaw ni Jice kaya napailing na lang ako. Napalingon ako sa mga ito ng tampalin ni Aye yung braso ko kaya kunit noo ko silang tinignan sa oaraan ng tingin nila alam ko na kung saan 'to patungo.
Alright interview time na!
Franz P.O.VLumipas ang mga araw na hindi ko binibisita si Pessoa sa ospital, ilang araw na din ang lumipas nung mahit and run sya at hanggang ngayon hindi pa rin mahanap ang salarin. Da*n i miss her so much."Hey, ano tutunganga ka na lang dyan?" tanong nitong si Jason.Nag tsk na lang ako at hindi na ito pinansin, dumating na yung teacher namin sa science kahit anong gawin nyang discussion, kahit anong gawin kong pagfofocus sa ginagawa nya nauuwi pa rin ito sa pag-iisip ko kay Pessoa."Mr. Del Fuego!" sigaw nito kaya napatingin ako dito, "Yes, sir?" tamo ko rito."Saan na napunta ang isip mo? Ilang beses ko ng tinawag ang pangalan mo pero parang di mo naririning!" galit na sigaw nito kaya napayuko na lang ako."Stand up, Del Fuego!" utos nito kaya tumayo ako."What is the meaning of Pinocytosis?" tanong nito kaya nag angat ako ng tingin.
Althea's P.O.V"Gaga ka talaga ayaw mo n'on kasama mo si crush?""Manahimik ka nga! Tigilan moko sa crush crush na yan ah," sambit ko dito narinig ko namang tumawa ang bruha."Oo na, oh makakapunta ka ba? Sabihin ko na lang hindi ka makakapunta dahil nasa ospital ka ngayon," saad nito sa kabilang linya."Pupunta ako baka may impirtante kayong gawin, vice president pa naman ako tapos ako yung wala," angal ko, bakit kase biglaan ang meeting?"Wag na, ako ng bahala, enjoy your time with your crush," argghhh! Mapang-asar talaga itong bruha na 'to kahit kailan."Heh shut up, pupunta ako malelate lang ako, start the meeting with or without me," saad ko dito."Yes ma'am, seeyou,""Seeyou," saad ko saka ibinaba ang tawag."Kuya," tawag ko sa kapatid ko, "Why?" tanong nito."I need to go, we
Someone's P.O.VNandito ako sa may puno nanonood ng nangyayari sa ibaba, may mabilis na kotse na bigla na lang sumulpot at nabundol nito si Loui, ang lakas ng impact sapat na siguro para matandaan na nya lahat ng alaala nya. Nagsigawan ang pamilyang Noriel ng masaksihan ang nangyari, nakahandusay ngayon ang duguang katawan ni Loui sa kalsada habang ang nakasaga sa kanya ay mabilis na pinaharurot ang sasakyan.*Ring*Ring*Ring~*Kinuha ko ang telepono ko at tinignan kung sino ang tumatawag, napangisi na lang ako ng makita ang pangalan nito. "Goodjob, Hector," saad ko dito. "Sa abandunadong building," saad nito saka pinatay ang tawag. "Tara na baka mapansin na nila tayo," saad ni Ion sa akin kaya tahimik kaming bumaba sa puno. Aalis na sana kami ng makita namin si Cyren na diretso ang tingin sa amin habang papalapit. Tsk, tignan mo nga na
Louissana's P.O.VPagkatapos naming maglunch, nag-empake na kami ng gamit dahil uuwi na kami sa Bulacan.Habang nag-eempake ako ng gamit ko may nakita akong pamilyar na papel kaya pinulot ko ito at tinignan kung ano yung nakasulat.Ng buksan ko ay wala namang nakasulat dito pero napansin kong kapag tinapat sa liwanag ay may nakulat na zodiac sign? Teka aquarius to ah!"Hoy ano yan?" tanong ni Charrie saka lumapit sa akin."Aquarius? Saan mo naman galing 'to?" tanong nitong muli."Nakita ko lang dito," sabay turo sa side table "Magic pen yung ginamit nya," dugtong ko."Kaya nga, yun yung binibili natin nung elementary days natin, meron pa ngang barbie, spongebob, spiderman, syempre yubg favorite mong hello kitty," pagpapaalala nito, napa-iling na lang ako sa tinuran nya."Ay naalala ko pa! Nakipag away ka pa n'on kay Carla kase
Charrie P.O.V"Mother f*cker!" ah sh*t! Napabalikwas ako ng bangon ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung nangyari kagabi."Ah sh*t!" mura ko ng biglang sumakit ang ulo ko naramdaman ko namang gumalaw itong katabi ko kaya naman napatingin ako dito, ang himbing tulog ah? Anong oras na ba?"Alas otso na pala," bulong ko saka maingat na umalis sa kama at kumuha ng damit para maligo.FlashbackMay naramdaman ako na humahaplos sa paa ko pero hindi ko na pinansin yon baka si Loui lang or pinagtitripan na naman nila ako.Kalaunan tumigil na rin ito saka humiga sa tabi ko syempre akala ko si Loui kaya niyakap ko sya, nangunot yung noo ko ng maamoy yung gamit nyang pabango. Hindi mahilig sa panlalaking pabango si Loui, imposibleng si Charlie 'to dahil hindi naman sya tatabi sa'kin lalong lalo na si Louis.Nagmulat na lang ako ng ma
Louissana's P.O.VNaka upo kaming dalawa ni kuya dito sa sala habang nanonood ng anime. Hindi pa rin mawala sa isip ko si tukmol at yung mga nangyari kanina."I love you,""I love you,"WaAahh bakit ba kase ganon si tukmol ang hilig magbigay ng sakit sa ulo at ang hilig nya akong pinag iisip hays, ay oo nga pala nakita kaya ni kuya yung nangyari kanina? Sana naman hindi jusmiyo baka isumbong ako kila eomma."Gusto mo?" tanong ni kuya saka inabot yung bowl ng popcorn? Teka saan ba nya nakuha yung popcorn eh wala naman ganyan dito sa bahay."Ano titigan mo na lang yan?" masungit na saad nito kaya naman kumuha na ako."Saan mo naman nakuha yung popcorn, aber?" takang tanong ko dito habang nakatingin dito."Secret," sambit nito saka tumawa tss mabulunan ka sanang aso ka!Nagulat ako ng bigla itong umub