Beranda / Semua / PLEASURE / Chapter 3

Share

Chapter 3

last update Tanggal publikasi: 2020-09-29 16:07:29

"I don't need anyone! Ilang beses ko  bang dapat sabihin 'yan sa inyo. Ma? At kung kakailangan ko man, nar'yan naman si Duwarte para alalayan ako. And I have sixteen maids in this damn house for christ's sake!"

"Hindi oras-oras ay naririto si Duwarte, hijo. What if you—"

"Well, I'm pretty sure that I can manage. Hindi ko kailangan ng aalalay sa akin!" nakatiim ang mga bagang piksi niya.

"I'm still your mother, Michael. Nag-aalala ako para sa'yo at sa kalusugan mo. Makakabuti sa'yo kung magkakaroon ka kasama para mapabilis ang iyong paggaling. Please son, huwag mong pairalin ang tigas ng ulo mo." nanatiling mahinahon ang tinig nito. 

"I need therapist not a nurse! Miguel can stay with me anytime I want him." aniya na ang tinutukoy ay ang kaibigang therapist. 

"I want Thalia to stay with you, hijo, she can help you and assist you anytime you need her."

"Fuck! I don't need her!" he hissed with frustration kung bakit pa kasi kailangan makialam ng nanay niya. 

He lived alone for fucking nine years without even asking for any help from his parents, kaya rin niyang gumaling ng walang nurse na mag-aalala sa kanya but despite of the fact that he hates seeing his mother worrying about him. Damn it!

J

Tumingin sa pambisig na orasan ang ginang pagkatapos ay dinampot ang purse sa couch.

"Let's cut this arguments, hijo. I can't stay for long, I got to go. May dadaluhan kaming party ng papa mo and please be nice to her. " pagkawika niyon ay humalik ito sa pisngi ng binatang nakatiimbagang sa galit. 

"By the way, son. If you really don't want to have private nurse then you have no choice, kailangan mong umuwi ng bahay at doon magpagaling." Sabi nitong nilingon si Michael.

Alam kasi ng ginang kung gaano katigas ang ulo ng anak at hindi nito magugustuhan ang ideyang tumira sa kanilang bahay at makasama ang ama sa iisang bubong. 

Kay tagal na panahon na rin ang lumipas pero hindi pa rin magkasundo ang dalawang lalaki.

Lumarawan ang lungkot sa mga mata ni Mrs. Valdemor wala itong ibang nais kung hindi ang magkasundong muli ang mag-ama.

Bago ito umalis ay sinigurado muna ng ginang kay Thalia na wala siyang dapat na ipangamba. 

At kung bakit na naman nasasabik siyang makita ang lalaking nagpa-iyak sa kapatid niya ay hindi niya magbigyan ng tamang kasagutan. 

"Dito po ang inyong magiging silid, Ma'am." magalang na wika ng isang kasambahay. Ipinasok naman ng dalawa pa ang kanyang mga gamit.

"Salamat." aniyang pinagala ang paningin sa kabuuan ng silid. 

"Natutuwa ako at bumalik ka, hija. pagpasensiyahan mo na rin ang nangyari kahapon," totoo sa loob na anang babae sa pag-aakalang siya si Vans.

"Okay lang po iyon,"nakangiting tugon niya.

Maluwang at malawak ang espasyo ng silid na pinagdalhan sa kanya nito at marahil at ito rin ang silid na tinuluyan ng kanyang kapatid. Halatang mamahalin din ang mga kasangkapang naroroon. Larawan at patunay lamang iyon ng karangyaan ng nagmamay-ari ng mansyon.

"Ah, ako na lang ho ang maglalagay ng mga gamit ko." maagap na pigil niya sa may-edad na babae.

"Ito ang trabaho ko rito, ineng." Nakangiting tugon nito na ipinagpatuloy ang ginagawa. 

"Aling..."

"Juanita," tawagin mo nalang akong nanay kung mamarapatin mo, 'yan din kasi ang tawag sa akin ng ibang mga kasambahay dito sa mansyon."

"Kung 'yan po ang gusto n'yo, nay Juanita. Ako nga po la si Thalia pero tawagin n'yo na rin ho ako sa aking palayaw na Tinker."

"Kay gandang pangalan, bagay na bagay sa 'yong mala engkantadang kagandahan." papuring anito.

Aba't bulera rin pala si nanay Juanita at mukhang makakasundo niya ito. 

"Nay, ako nalang ang maglalagay ng gamit ko sa tokador. Nakakahiya naman po kasi sa inyo, eh. Isa pa'y sanay naman ako sa gawaing iyan."

"Oh, sige papanaog muna ako sa ibaba at nang maihanda ko ang hapunan ng Senyor. "

Napangiti na lamang ang dalaga, Hindi alam ng mga ito na magkakambal sila ni Vans.

Gusto pa sana niyang magtanong dito tungkol kay Michael pero baka isipin naman nito na masyado siyang usisera. Nagkibit balikat na lamang siya't sinimulan ayusin ang mga dalang damit. 

Ang totoo ay siya ang nakaisip na makipagpalit sa kakambal. Ayaw ng bumalik ni Vans para alagaan ang alalaki kaya naman kinausap nila ang ginang kung papayag itong siya nalang ang maging private nurse ni Michael kahit ang totoo ay wala siyang kaalam-alam. Hindi naman iyon tinutulan ng ginang at sa katunayan ay tuwang-tuwa pa ito at labis na nagpapasalamat sa kanya. Plus dudublihin pa raw nitonang ippasahod sa kanya dahil sa pagmamagandang loob niya kuno. Oh saan ka pa?!

Kailangan niya ng trabaho and being private nurse of the beast isn't that bad  at all. Bukod sa malaki ang sahod ay magaan pa ang trabaho. Isa pa'y paubos na ang laman ng kanyang atm card at kailangan na kailangan niya ang trabaho.

Isa rin sa mga dahilan niya ay ang makita sa personal ang lalaki na ayon sa kapatid niya ay daig pa ang anime hero sa beauty and the beast sa kasungitan nito. But who cares? In fact, hindi na siya makapaghintay na makita ito.

Napahagikhik si Thalia sa kapikyuhang naisip. Nang matapos niyang ayusin ang mga dalang damit ay ibinagasak niya ang nangalay na likod sa malaki at malambot na kama.

Marahan niyang ipinikit ang mga mata. Saka na muna niya iisipin ang mga dapat niyang gawin bilang bagong nurse ni Michael. Ang kailangan niya ngayon ay matulog at maglakbay sa mundo ng mga panaginip.

"Senyor, tulog pa po ang bago ninyong nars, gigising ko ho ba?" pasintabi ng isa sa mga kasambahay niya sa mansyon.

Sinulyapan ni Michael si Dagz sa kanyang bandang kaliwa na maganang kumakain. 

"Anong oras na?"

"las otso, senyor." muntik pang masamid na tugon ng lalaki.

"Ugali ba ng mga nurse ang matulog ng matulog? Hindi ba kahapon ay nagpahinga rin ng matagal ang babaeng iyon pagdating niya?"sinulyapan nito ang mayordoma.

"Ipapagising ko po siya ngayon, senyor."

"Forget about her, aling Juanita. Hayaan n'yo siyang matulog, papanaog din iyon kapag kumalam ang sikmura." 

"Masusunod po, senyor." 

Napabalikwas ng bangon si Thalia nang pagmulat ng kanyang mga mata ay sumalubong sa kanya ang madilim na kapaligiran. Tanging ilaw na nagmumula sa nakabukas na kurtina ang nagsisilbing tanglaw niya.

Kinapa niya ang lampshade sa side table ng kama. Napatuptop siya ng sariling bibig nang mapagtantong alas dyes na ng gabi. 

Paanong nangyaring nakatulog siya ng gan'on katagal? Paano na ang gamot na ipapainom niya dapat sa pasyente niya?

Natampal niya ang sariling noo nakalimutan niya ang tungkol doon. Bigla siyang kinutuban ng masama baka palayasin din siya nito tulad ng pagsisante nito sa kapatid niya.

Stupid! Kung bakit kasi niya nakalimutan mag-set ng alarm bago matulog. Eh, malay ba niyang mapapasarap ang tulog niya? Tarantang aniya sa sarili.

Mabilis ang naging kilos ng dalaga kumuha siya ng damit sa tokador upang magbihis. Kailangan niyang mapainom ng gamot ang lalaki. Pero saan naman ang kuwarto nito? Isa pa'y lumampas na sa tamang oras ng pag-inom nito ng gamot.

Tsk! Hindi naman mamatay ang lalaking iyon kung hindi makakainom ng isang beses. Sa ngayon ang kailangan niyang gawin ay bumaba at taluntunin ang kinaroroonan ng kusina ng mansyon bago pa man tuluyang mag-wala ang mga alaga niya sa t'yan. 

Marahil ay tulog na ang lahat ng tao sa malapalasyong bahay na na kinaroroonan niya dahil patay na ang mga ilaw sa unang palapag. Marahan siyang bumaba ng hagdan ingat na ingat na makalikha ng anumang kaluskos na pagmumulan ng ingay. 

Hindi na siya nag-abalang pailawin ang mga ilaw pagkat nangangamba siya na baka magising ang mga katulong. Nakakahiya! Isa pa'y naaninag din naman niya ang tinatahak niya dahil sa ilaw na nagmumula sa sliding door palabas ng swimming pool.

At dahil hindi niya alam kung saan banda ang kusina ay inabot siya ng ilang minuto bago natunton iyon. At kahit nagda-diet siya ay hindi puwedeng hindi magkalaman ang sikmura niya.

Wrong timing! Kung bakit pa kasi nag-iingay ang mga dragon sa t'yan niya. Aniyang Napahawak sa tumutunog na sikmura. Nagmistula siyang magnanakaw na ingat na ingat na makalikha ng anomang ingay.

Naglaway siya't lalong natakam nang makita ang lasagne sa fridge. It's her damn favorite at kahit maimpatso pa siya'y kakain siya ng marame. Wala sa loob na inilabas niya iyon. Nagdalawang isip pa siya kung iinitin o hindi. 

She chose the second option. She had no choice than to eat it na hindi na iniinit. Maingay ang microwave at baka magising pa ang mga kasambahay. Lagot! 

At dahil madilim sa kusina ay nasagi niya ng hindi sinasadya ang silyang naroroon at natumba na nasundan pa ng pagkahulog ng kutsara sa sahig. 

"Patay!" mahinang usal niya. Wish lang niya na sana'y nasa kasarapan ng pagtulog ang lahat ng tao sa mansyon at sana'y walang nakarinig. 

"Stupid, stupid, stupid!" Napahawak sa nasaktang paa na mura niya sa sarili.

"Oh, my gorgeous nails." Napangiwi at napakagat labing bigkas niya.

Sa lawak ng espasyo bakit sa daliri pa ng paa niya natumba ang letsing silya? Shit! Kinalma niya ang sarili.

She took a deep breath just to ease the pain in her finger toe. Sino pa nga ba ang dapat niyang sisihin kung 'di ang sarili? Well, literally, it wasn't her fault kung nakatulog siya ng mahimbing at hindi nakain ng dinner? Eh, sa napakalambot ng kama at ang lamig ng aircon. Kasalanan ba niya iyon? 

Great! Mas lalong hindi niya masisi ang pagkalam ng sikmura it is because she didn't take her breakfast not even her lunch and now kailangan niyang kumain or else hospital ang bagsak niya and she damnably hated the place.

Papasok na ng sariling silid si Michael nang makarinig ng kalampag sa unang palapag ng mansyon. He's pretty sure that none of his helpers were still awake at this time. 

Mahigpit siya pagdating sa oras ng pamamahinga ng mga kasambahay. Kailangan bago mag-alas nuebe ay nakapasok na sa servant quarters ang mga ito para makapagpahinga.

Pinagalaw ni Michael ang silyang di-gulong patungo sa elevator ng mansyon. 

Nakailang subo palang si Tinker nang biglang bumukas ang ilaw sa kusina. Pinanlakihan siya ng mga mata at tila naistatwa na napaangat ang kamay sa akmang pagsubong muli. 

Hindi niya alam kung lilingon ba o magpapatuloy sa pagkain? Kung ngingiti ba kung sino man ang isturbong nasa likuran niya o magtatago nalang sa ilalim ng mesa?

Mariin niyang ipinikit ang mga mata tanda ng pagkapahiya. She tried her best para walang makaramdam sa kanya sa kusina despite of the fact that it was useless. Nasaktan pa ang kuko niya sa paa nang dahil sa pahamak na silya't kutsara.

"Baka isa lang sa mga katulong? Hindi kaya?" 

Iminulat niya ang mga mata. Apologize na may kasamang pagpapaawa. Tama iyon lang ang kailangan niyang gawin. Tsaka, alam naman ng mga ito na hindi pa siya kumakain kaya okay lang.

"P-pasens—" nabitin sa ere ang sasabihin niya nang mapagsino ang taong nasa bukana ng kusina. Nakakunot ang noo habang nakatitig sa kanya.

The man is damnably dead—gorgeous, handsome with pointed nose and kissable lips. Napalunok si Thalia ng sariling laway at as she kept on eyeing and staring his kissable red lips. 

Bigla yata siyang nakaramdam ng pagkauhaw. Idagdag pa ang makapal nitong kilay na bumagay sa maitim nitong mga mata na tila ba palaging nangungusap pero mababanaag naman ang lungkot na nagkukubli roon. 

The first and last time that she saw him ay noong araw ng kasal ng ate Dhalia at kuya Lohan niya and that was nine years ago. And now, lalo itong naging hunk— so damn handsome, sexy and hot! 

Hindi nakabawas sa gandang lalaki nito ang pagkakakulong sa silyang 'di gulong. 

"What do you think you're doing, young lady?" halos magsalubong ang kilay nito.

Bumilis ang kabog ng dibdib niya. At sa katunayan ay ngayon lang nangyari ito sa kanya. Biglaan nama yata ang pagpapatintero ng sari-saring paru-paro sa loob ng dibdib niya. Pakiwari rin niya ay tinusok ng pampamanhid ang dila niya at hindi niya magawang magsalita. She was just standing there in front of him like an idiot and looking at him adoringly.

"Are you deaf? Damn it!"

Saka pa lamang siya tila bumalik sa reyalidad nang magsalita ang lalaki. Ang mga mata nito'y tila nagbubuga ng apoy at matalim ang pagkakatitig sa kanya na para bang napakalaki ng kasalanang nagawa niya.

"I—I'm s—sorry, kung naabala kita. Nakaramdam kasi ako ng pagkalam ng sikmura, kaya nakialam na ako sa kusina, pasensiya na." aniya ramdam niya ang pamumula ng magkabilang pisngi dulot ng kahihiyan. 

Umarko ang kabilang kilay ni Michael. Alam nitong hindi pa naghapunan ang babae but what the fuck he cares? He knew the reason kung bakit hindi nito pinailaw sa kusina. Ngunit ang damdaming iyon ay panandalian lamang. 

Bumangon muli ang galit sa dibdib niya habang nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. 

Needless to say, their is a sudden and rapid arousal of his shaft nang hagurin ng tingin ang kabuuan ng babae. She's so damn—fucking shit in her mini short. Lantad ang maputi at makinis na mga binti. That seemed clogged his vein into the plea of need. Fuck!

Hollyshit! He's lame, but seeing those pair of mouth watering thighs made his masculinity alive. So fucking alive and hard inside his pajama. Mabuti nalang at may blanket na nakatakip sa bahaging iyon ng katawan ni Michael.

"Hindi ka espesyal na panauhin sa pamamahay ko kaya matuto kang gumising sa oras ng hapunan! Damn it!" Galit na ani Michael upang ikubli ang init na biglang lumukob sa buong himaymay.

Nagpatindig ang tainga ni Tinker sa huling salitang binitawan ng lalaki pero pinigil niya ang sarili na huwag magsalita.

"Tatandaan ko." 

"Sasamahan na kita sa kuwarto mo." maagap na presenta niya na mabilis nakahawak sa wheelchair ni Michael 

"I don't need your help!"

"I insist, sir." 

"Get off your hands!" 

"But it's my job to—"

"I did not hire you for that bullshit job of yours! Leave this house immediately early in the morning. I don't want to see you when I wake up."

"Sir—"

"Do I make myself clear?" 

Tila siya namamalikmatang nakatitig lamang sa lalaki. Tama nga ang kapatid niya. Ang sungit ng isang ito. 

"And one more thing, lights were discovered to use them when it's needed." He said before leaving the kitchen. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • PLEASURE    Chapter 12

    Nakahiga sa bermuda grass at nakaunan sa mga hita ni Thalia habang nakamasid sa nagkikislapang mga bituin sa kalawakan. Isang linggo na rin ang matuling lumipas buhat nang muling makalakad. Ito rin ang ikatlong gabi nila ni Thalia sa resort na mismong pag-aari ni Michael. Pakiramdam ni Thalia ay siya na ang pinakamasaya at masuwerting babae sa balat ng sansinukob sapagkat hindi na siya tinantanan ng binata buhat nang masabi niya rito kung gaano niya ito kagusto and perhaps she already in love with him. Hindi man niya alam kung ano ang papel niya sa buhay ni Michael natitiyak naman niya na masaya siya sa anumang mayroon sila ngayon. Hinuli ng palad ni Michael ang kamay ng niya na humahagod buhok nito pagkatapos ay dinala iyon sa mga labi. “Are you happy, bonita?”&

  • PLEASURE    Chapter 11

    Ang totoo ay kanina pa siya gising at sa katunayan ay halos hindi siya nakatulog sa buong magdamag dahil sa kakaibang damdaming nanalaytay sa buong himaymay niya habang katabi ang lalaking pinagpapantasiyahan niya. Gusto niyang sulitin ang magandang pagkakataon na mayakap at madama ang init ng katawan ni Michael. Ilang linggo rin niyang pinangarap na makulong sa mga bisig nito. Ang malanghap ang mabangong binata at matulog katabi nito. There she was lying next to him the whole night. Isa lamang ang hindi pa natutupad iyon ay kung paano ba ang maangkin ng isang Michael Valdemor pero hindi kaya napaka ambisiyosa naman niya? Eh, bakit ba? Ano nga ba naman ang masama kung masyadong matayog ang pangarap niya? Masama bang ma-inlove rin sa kanya ang dead gorgeous h

  • PLEASURE    Chapter 10

    Tatlong linggo na rin ang mabilis na lumipas buhat nang kunin niya ang serbisyo ni Leon Miguel. At tinotoo nga ng luko ang sinabi nitong mapapaaga ito ng dating sa mansiyon dahil sa maganda niyang nurse which is certainly made him feel so damn annoyed and jealous. Hindi maiwasan ni Michael na huwag makaramdam ng pagngingitngit sa tuwing nakikita niyang nag-uusap sina Leon at Thalia. Halatang tuwang-tuwa pa ang damuhong kaibigan sa presensiya ng babae. Selos? At bakit naman siya magseselos? Anong karapatan niyang makaramdam ng gano’n manghimasok? Binata si Leon, guwapo at mayaman. Dalaga at kaibig-ibig naman si Thalia... Damn it! Ano ngayon sa kanya? Wala siyang karapatan sa damdaming iyon! Pero bakit siya nasasaktan sa tuwing pinagmamasdan niya ang dalawa? Bakit pakiramdam niya gusto niya

  • PLEASURE    Chapter 9

  • PLEASURE    Chapter 8

  • PLEASURE    Chapter 7

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status