Mag-log inHumahangang tiningala ni Vans ang malaking mansyon na pinagdalhan sa kanya ng driver ni Mrs. Valdemor. Humugot ng hangin sa dibdib ang dalaga bago pumasok sa bakal at higanteng tarangkahan.
Kay bilis ng pintig ng puso niya. Kinakabahan na 'di niya mawari. Of course, she knew the guy already. Bukod sa pagiging tanyag na racer at super yaman nito ay pinsan buo pa ito ng asawa ng ate niya.
Kahit paano ay nakaramdam siya ng kapanatagan sa pakaisipin ang bagay na 'yon. Hindi naman siguro siya pagsusungitan ng lalaki dahil parte ng Valdemore ang kanyang kapatid.
"Ikaw ba ang bagong nurse na ipinadala ni ma'am?" salubong sa kanya ng matandang lalaki. Na bagamat may nagkakaedad ay makisig pa rin itong tingnan.
"A-ako nga po, ako si—"
"Sumunod ka sa akin." hindi pa man niya naipapakilala ang sarili ay niyakag na siya nito papasok sa loob ng malaking bahay.
Manghang-mangha siya sa ganda ng mansyon. Inside and outside. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang malaki at eleganteng living room sa bandang kanan. Ang mga antique at iba pang mga dekorasyon doon na halatang mamahalin at nagmula pa yata sa ibat-ibang panig mg mundo.
May mga paintings din sa kaliwang bahagi na tanging sa telebisyon at magaxine lamang niya nakikita at napapanuod. It is indeed a great pleasure for her to be there. No wonder, napakayaman ng nagmamay-ari ng mansyon. Kung 'di siya nagkakamali ay billionaryo ang lalaki na ayon sa nabasa niyang article dati ay sariling sikap nito ang anomang tinatamasa sa kasalukuyan.
"Maaari kang maglibot sa buong kabahayan pero siguraduhin mo lang na wala kang mababasag at hindi ka makakalikha ng anumang ingay. May mga silid din na hindi mo pwedeng pasukin. Nagkakaintindihan ba tayo?" anito.
"Naiintindihan ko."
"Higit sa lahat hindi ka puwedeng pumasok sa loob ng kuwarto ng senyor kung hindi pa oras ng gamot niya at kung hindi kanya kailangan."
Sunod-sunod ang pagtango ni Vans na matamang nakikinig sa instraksyon nito habang ang kanyang mga mata ay malayang namamasyal sa loob ng mansyon. Sa tantiya pa niya ay mas mahal pa yata ang desinyo ng hagdan ng mansyon kaysa sa buhay niya. Nakakalula!
Hindi na siya nagtataka kung bakit maraming mga artista, socialites at models ang lantarang ang pagpaparamdam sa lalaki.
"Dito ang magiging silid mo, magpahinga ka na muna at kung gusto mong kumain pumanaog ka at magsabi ka lang. May labing anim na katulong sa mansyong ito makikilala mo rin sila mamaya."
"Ano sixteen ang katulong sa bahay na ito?!" gulat na sambit niya.
"Oo, hindi pa kasali ang tatlong hardero, dalawang driver at mga guwardiya ng senyor."
Napamaang si Vans sa tinuran ng lalaki. Gan'on na ba talaga ka-galante ang anak ni Mrs. Valdemor?
"M-maraming salamat."
"Huwag ka munang magpasalamat, nawa ay tumagal ka kahit isang araw." May himig ipakahulugang sabi nito bago siya tinalikuran.
Alam na niya ang nais ipabatid nito sa kanya pero sisikapin niyang maging maayos ang lahat. Kahit ang totoo ay kinakabahan pa rin siya. Hindi mawala sa kanyang isipan ang mga kuwento ng mga nurses staff niya na unang ipinadala ng ginang.
The nervous that almost drown her inside her chest was suddenly gone as she entered the room. Napakalaki ng silid na iyon para sa isang hired nurse na katulad niya. Ang mga kagamitan na naroroon ay pulidong mamahalin. Nakatitiyak din siya na sa mga five stars hotel lamang makikita. Kagaya ng chandelier sa kisame. Kung hindi siya nagkakamali ay milyon ang halaga niyon maliit lamang kumpara sa higanteng nasa living room.
Pero ang higit na nakaagaw ng pansin niya ay ang malaking kama sa gitna na sa pakiwari niya ay naghihintay sa paglapat ng kanyang katawan.
Ito ba talaga ang silid na tutuluyan niya? Hindi kaya nagkakamali lamang ang may edad na lalaki? Wala sa loob na humakbang siya upang silipin ang banyo at gayon na rin ang pagkamangha ni Vans nang makita iyon.
Nang makaramdam ng pagkahapo ay kaagad siyang lumapit sa kama at ibinagsak ang katawan. Napakasuwerte naman niya pakiramdam tuloy niya ay bigla siyang naging prinsesa. Walang masamang mangarap!
She smiled at the thoughts. Ipinikit niya ang mga mata at hinayang tangayin ng kapaguran ang kanyang kamalayan.
*****
"Malinaw ang pagkakasabi ko na walang sinoman ang maaaring pumasok sa pamamahay ko! Walang sinoman sa inyo ang may karapatan na suwain ang utos ko! Now tell me, anong ginagawa ng babaeng 'yon dito, huh?!" mabalasik na singhal ni Michael sa kay Dagz.
Mababakas sa mga mata nito ang galit at 'di pagkagusto sa pagsuway ng lalaki.
Natanaw niya kanina mula sa beranda ang babaeng bagong dating. At sa suot pa lang nito ay nakatitiyak na si Michael kung bakit ito naroroon. Nakasisiguro siyang ipinadala na naman iyon ng kanyang ina.
"Ipagpaumanhin mo, senyor, 'yan po ang kagustuhan ng 'yong ina." Nakayukong tugon ni Dagz.
"I want you to rid off her right now!"
"Ikinalulungkot ko, senyor, pero hindi ko magagawa ang nais mo, ang inyong ina ang siyang nagpadala sa kanya rito at wala akong karapatan na palayasin ang sinoman."
Dumilim ang anyo at naging maitim ang pagkakatitig ni Michael sa kanyang tagasunod. Halatang mas pinapanigan nito ang kagustuhan ng kanyang ina.
"Sinusuway mo ba ang kautusan ko, Duwarte? Kung ganon, makakaalis ka na sa pamamahay ko!"
"Ipagpatawad po ninyo ang aking kapangahasan, senyor, kayo po ang masusunod." nanatiling nakayukong saad ng lalaki. "Ngunit, mangyari po lamang na kasalukuyang namamahinga ang babae."
"Get out of my room, old man!" he tried to restrain his horses not to be so bold. Dagz was just doing his mother's request. Ang alam niyang tapat sa kanya anh lalaki kaya naman pinagkakatiwalaan niya ito sa mga importanteng bagay. Bahagya niyang hinilot ang sentido. He don't meant to be harsh but he can't help it sometimes.
Alam din niyang nag-aalala lang sa kanya ang ina at ng kanyang tapat na tauhan. But he's not vulnerable at all and he doesn't need anyone to assist him, for god's sake! He can still move and do whatever he want like what he used to do before, he doen't need any help. Damn it!
Napabalikwas nang bangon si Vans nang pagmulat ng kanyang mga mata ay kumalat na ang kadiliman sa labas. Sinipat niya ang kamay ng orasan sa kanyang pambisig na relo. Bigla niyang natampal ang noo kasabay ng pananalasa ng kaba sa dibdib niya. Paanong nakatulog siya ng ganoon
kahaba? Hindi pa niya napapainom ng gamot ang pasyente niya. Ano nalang ang sasabihin ni Mrs. Valdemor sa kanya? Na isa siyang pabayang nurse? That she couldn't do her job? Nakakahiya!
Akmang tatayo na buhat sa kama ang dalaga nang mapagtantong hindi siya nag-iisa sa loob ng silid na halos ikalaglag ng puso niya sa pagkagulat.
"Magandang gabi, binibini. Paumanhin kung naisturbo ko ang maganda n'yong pagtulog pero kailangan n'yo nang umalis." pormal at walang patumpik-tumpik na pahayag ng unipormadong babae na sa tantiya niya nasa mid-fourties ang edad.
The woman scared the hell out of her chest but wait! What did she says? Umalis? Dahil ba napahaba at napasarap ang tulog niya? Oh no! biglang nagpanic ang utak niya.
"Umalis?" wala sa loob na tanong niya halata ang pagkalito.
"'Yan ang kautusan ng senyor, nasa kotse na ang mga gamit mo, naghihintay na rin sa'yo sa baba si Arturo. Siya ang maghahatid sa'yo.
"Ho? Ibig n'yo pong sabihin ay pinapaalis na ako ni Michael?"pinanlakihan siya ng mga mata. How could that man be so mean? Hindi pa nga sila nagkikitang dalawa ay pinapaalis na siya? "Alam po ba niya na ako ang bago niyang nurse? Nasaan po siya?" may halong inis nararamdamang tanong ni Vans. Hindi pa nga siya nakakapagsimula sa trabaho ay sisante na siya kaagad? The jerk!
"Paumanhin, binibini pero mas makakabuti para sa'yo na umalis nalang."
"Kakausapin ko siya!" Pagkawika n'yon ay nagmarakulyong lumabas ng silid at hinanap ang silid ng lalaki.
Wala ito sa sampong silid na pinasukan niya marahil ay ang nasa pinakadulo ang kuwarto ng epokritong lalaki. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hininga bago kumatok. Hindi siya puwedeng umalis ng hindi man lang ito nakakausap.
Sa subrang iritasyon ni Vans ay hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ng binata. Pumasok siya sa loob kahit wala ang pahintulot nito. Nakatalikod ito sa kanya habang nakaupo sa mahabang sofa na naroroon. Hindi rin niya maiwasan na huwag humanga sa kabuuan ng silid pero hindi ito ang tamang oras para bigyang kumplimentaryo kung gaano ka-laki, ka-elegante at ka-ganda ang silid ng lalaki. Naparito siya upang kausapin ito.
Bahagya siyang tumikhim para agawin ang atensyon nito gayon na rin ang kabang lumulukob sa kanya.
"H-hindi mo ako puwedeng paalisin na naaayon sa gusto mo, kailangan mo ako—"
"Why the hell are you still in my place?" hindi naitago ang galit sa tono nito. Pakiramdam ni Vans ay nanayo bigla ang mumunting balahibo niya sa katwan sa boses nito.
"Ang mama mo ang nagpadala sa akin dito at hindi ako puwedeng umalis."
Humalakhak ang lalaki na parang may nakakatawa sa sinabi niya. Lalo tuloy siyang kinakabahan. Kung hindi lang talaga siya naawa kay Mrs. Valdemore ay nungka siyang susulong sa trabahong ito.
"Nasa pamamahay kita at wala sa mabahong hospital na pinanggalingan mo! Ipapakaladkad kita kung kailan ko gusto. So, if I were you, umalis ka na. Hindi kita kailangan!" halos pasigaw na turan nito na halos magpawala at magpatalon sa dalaga.
"Hindi ko alam ganyan pala ang epekto ng pagiging lumpo mo! Ikaw na nga ang tinitulongan ikaw pa itong masungit!" Hindi niya napigilan ang sarili kung kaya't nasabi niya ang salitang 'yon na nagpalingon kay Michael.
Natigilan si Michael pagkuwan nang mapagsino ang babae. Isang imahe ang biglang lumitaw sa gunita nito. Ang alala ng kahapon na lalong nagpapuot sa dibdib ng binata.
"Get out! Out!" sigaw nito na halos magpawala rin ng ulirat ng kausap.
Ang mga mata ay tila sa isang dragon na handang magbuga ng apoy anumang sandali.
Hindi pa man nakakahuma sa pagkagulat ang dalaga ay may tatlong malalaking lalaki ang pumasok sa loob at kinaladkad siya palabas ng silid hanggang sa labas ng gate kung saan naghihintay ang kotseng maghahatid sa kanya.
Nakuyom ni Michael ang magkabilang kamao hindi dahil sa kapangahasan ng babae na salungatin siya bagkus 'yon ay sa dahilang naalalang muli ang imahe ng unang babaeng minahal.
******
Ikinagulat ni Thalia nang mapagbuksan ang kakambal sa labas. Dinaig pa nito ang naghiwa ng isang sakong sibuyas dahil sa mga luha sa magkabilang mga mata nito.
Alam ni Thalia na madrama ang kapatid at sadyang mababaw ang mga luha nito ngunit ang ipinagtataka niya ay kung bakit ito umiiyak. At ano naman kaya ang maaaring maging dahilan ng pag-iyak nito?
Hindi naman ito broken hearted dahil wala itong maipagmamalaking kasintahan. Isa pa'y umiikot lamang ang buhay nito sa apat na lalaking pinagpapantasyahan nito sa araw at gabi. Idagdag na rin si Aaron Diaz ang latin singer and actor na bago nitong collection.
Oh my! Hindi kaya naaksidente si Enrique sa Miami kaya ito umiiyak? Napapantastikuhang tanong niya sa sarili niyakap na lamang ng mahigpit ang kakambal at ginayak papasok ng kabahayaan. Ewan ba niya kung bakit ito palaging numero uno noon sa klase nila at naging isa sa mga top noong nagtake ng license exam.
Pero kahit naman may pagka kring-kring ang kapatid ay mahal na mahal pa rin niya ito. Mabuti na lamang at umuwing probensiya ang mga magulang nila at hindi nakikita ng mga ito ang pag-eemot ni Vans.
"Whoa! Did he do that?" tanong ni Thalia na hindi mapigilan ang sarili na huwag matawa sa hitsura ng kapatid habang kinukuwento nito ang mabilis na pagkatalsik sa trabaho.
"It's not funny, Thalia!" inis na sita rito ni Vans.
"All right!" aniyang pinipigalan huwag mapahalakhak. "So, what are you up to?" maya-maya'y sumeryosong tanong niya sa kakambal.
"Nakakahiya naman kay tita, binigo ko siya, ni hindi man lang ako tumagal ng kahit isang araw ay sinisante na ako kaagad." humikbi ito.
Lumapit si Thalia sa kapatid at hinimas ang likod nito upang patahanin . "Nanalo nga pala ako ng tour ticket for asia."
Inangat ni Vans ang mukha kasabay ng pangungunot ng makinis nitong noo.
"At ano naman ang maitutulong ng napanalunan mong ticket sa problema ko?"
Nginitian niya ito pagkatapos ay inabot dito ang kapirasong papel.
"What's on your mind?"
"Trust me." nakapaskil ang pilyang ngiti sa mga labing sagot niya.
Nakahiga sa bermuda grass at nakaunan sa mga hita ni Thalia habang nakamasid sa nagkikislapang mga bituin sa kalawakan. Isang linggo na rin ang matuling lumipas buhat nang muling makalakad. Ito rin ang ikatlong gabi nila ni Thalia sa resort na mismong pag-aari ni Michael. Pakiramdam ni Thalia ay siya na ang pinakamasaya at masuwerting babae sa balat ng sansinukob sapagkat hindi na siya tinantanan ng binata buhat nang masabi niya rito kung gaano niya ito kagusto and perhaps she already in love with him. Hindi man niya alam kung ano ang papel niya sa buhay ni Michael natitiyak naman niya na masaya siya sa anumang mayroon sila ngayon. Hinuli ng palad ni Michael ang kamay ng niya na humahagod buhok nito pagkatapos ay dinala iyon sa mga labi. “Are you happy, bonita?”&
Ang totoo ay kanina pa siya gising at sa katunayan ay halos hindi siya nakatulog sa buong magdamag dahil sa kakaibang damdaming nanalaytay sa buong himaymay niya habang katabi ang lalaking pinagpapantasiyahan niya. Gusto niyang sulitin ang magandang pagkakataon na mayakap at madama ang init ng katawan ni Michael. Ilang linggo rin niyang pinangarap na makulong sa mga bisig nito. Ang malanghap ang mabangong binata at matulog katabi nito. There she was lying next to him the whole night. Isa lamang ang hindi pa natutupad iyon ay kung paano ba ang maangkin ng isang Michael Valdemor pero hindi kaya napaka ambisiyosa naman niya? Eh, bakit ba? Ano nga ba naman ang masama kung masyadong matayog ang pangarap niya? Masama bang ma-inlove rin sa kanya ang dead gorgeous h
Tatlong linggo na rin ang mabilis na lumipas buhat nang kunin niya ang serbisyo ni Leon Miguel. At tinotoo nga ng luko ang sinabi nitong mapapaaga ito ng dating sa mansiyon dahil sa maganda niyang nurse which is certainly made him feel so damn annoyed and jealous. Hindi maiwasan ni Michael na huwag makaramdam ng pagngingitngit sa tuwing nakikita niyang nag-uusap sina Leon at Thalia. Halatang tuwang-tuwa pa ang damuhong kaibigan sa presensiya ng babae. Selos? At bakit naman siya magseselos? Anong karapatan niyang makaramdam ng gano’n manghimasok? Binata si Leon, guwapo at mayaman. Dalaga at kaibig-ibig naman si Thalia... Damn it! Ano ngayon sa kanya? Wala siyang karapatan sa damdaming iyon! Pero bakit siya nasasaktan sa tuwing pinagmamasdan niya ang dalawa? Bakit pakiramdam niya gusto niya