Share

Chapter 17

last update publish date: 2020-09-14 23:26:37

THIRD PERSON'S POV

NAGISING si Green sa isang lugar na hindi kayang ipaliwanag ng kan'yang bibig, at isip sa kung ano'ng nakikita ng kan'yang mga mata. Hindi niya alam kung nasa'n siya ngayon. Hindi ito pamilyar sa kan'yang paningin. Ngunit bakit tila hindi man lang siya nakaramdam ng kahit katiting na takot? Sa katunayan nga'y mas masasabi pa niyang safe siya rito dahil magaan ang kan'yang loob sa lugar.

Iginala lang niya ang paningin nang magising ito, at hindi alintana ang bunganga niyang nakaawang habang umiikot-ikot na nakatingala. Hindi kasi magkamayaw ang kanyang mga mata dahil sa ganda ng mga nakikita. Parang tumatalon-talon din ang kanyang kaluluwa dahil sa saya. The clouds are shining like a diamond, na nakikipagsabayan sa kinang ng isang napakalaking araw na kulay asul. At ngayon lang siya nakakita ng mga gan'to, ang ulap na kumikinang na gaya ng araw, ang araw na kulay asul, at hindi lang 'yan, parang abot kamay pa niya ito. Kaya hindi magkamayaw ang saya ng kanyang damdamin. Pakiramdam niya kasi'y sobrang s'werte niya dahil nasilayan ng kanyang mga mata ang gan'tong mga pangayayari.

Habang isang napakalawak, at madamong kapatagan naman ang kinaroroonan niya. Ngunit ang ikinamangha niya'y sa halip na kulay berde ang mga damo ay kulay-rosas ito. Wala siyang ibang makita kun'di ang mga damo lamang. An endless plains of grasses in an easy way of describing the place where she is. Ni isang puno kasi'y walang mahagilap ang kanyang mga mata. Ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang mangamba dahil gustong-gusto niya ang gan'yang uri ng lugar. A very peaceful place, and she really felt so comfortable there. Bagay na bagay ang lugar na ito para sa mga broken hearted, at mga taong may hinanakit dahil maaari niyang isigaw ang lahat ng gusto niya sa lugar.

"Is it even possible?" She asked in her mind.

Naguguluhan siya sa mga nakikita. Sigurado siya sa kanyang sarili na wala siya sa Dimensyong sinasabi nilang Royal, the Dimension of Gods and Goddesses. Ngunit paano ba siya napunta rito sa lugar na 'to?

Pilit niyang inalala ang lahat-lahat ng mga nangyari bago pa siya mapunta sa lugar na kinalalagyan niya ngayon. Hanggang sa halos manlumo siya nang wala siyang maalala. Hindi niya maalala ang pangyayaring naganap sa Royal Academy na naging dahilan upang mapadpad siya rito sa lugar na ito, ang lugar na 'pag napunta ka rito'y wala kang maaalalang nakaraan na kakaganap pa lang, at 'pag umalis ka naman sa lugar na ito'y mawawala ang 'yong alaala na napunta ka rito.

Walang nakakaalam sa lugar na ito maliban sa tatlong mga nilalang. Ito ang lugar na ginawa pa no'n ng isang makapangyarihang Bathala upang maging tahanan niya nang minsan siyang pinagtaksilan ng isang pinagkakatiwalaan niyang anak.

Hanggang sa malaman ito ng isa pang makapangyarihang nilalang na malapit sa kaniya't kalauna'y nalaman na rin ng isa pang mahalagang nilalang sa kaniya. Sila ang tatlong magkakapatid, ngunit magkakaiba ang uri. They were God Infinite, the Alpha or the Highest God, Guardian Arceus, the Alpha or the Highest Guardian, and Custodian Selima, the Alpha or the Highest Custodian. And the world that God Infinite created called the Holy City.

Kaya naman ay napangiwi na lang si Green, at walang takot na inihakbang ang mga paa papunta sa kung saan. Hindi niya alam kung saan siya papunta pero ang gusto lang niya'y makakita siya ng kagaya niya. Kahit tao man lang o isang Bathala't Bathaluman na sinasabi nila Claire na uri nila.

"Hello everyone? May iba ba akong kasama rito?" sigaw niya sa paligid ngunit walang sumagot sa kanya bagkus ay nag-echo lamang ang boses pabalik sa kanya.

"Ouch naman, so ako lang ang narito?" She said with disappointment before she visited on the grassy plain, and took a deep breathe when she begun to lay her body on the grass.

"Mom, Dad, I miss you both! Sana narito kayo ngayon. I know you will like this place too," malungkot niyang wika habang nakatingala sa berdeng kalangitan, hanggang sa mangilid na ang kanyang mga luha.

"Naging masama ba akong anak sa inyo? Pero sa tingin ko naman ay hindi. Pero bakit bigla niyo na lang akong iniwan? Tapos sa iba ko pa malalaman na hindi niyo talaga ako tunay na anak. Mom, Dad, wala akong karapatang magalit sa inyo dahil utang ako sa inyo ang buhay ko, but... I deserve to know the truths, and I want those truths na galing mismo sa mga bibig niyo." She wiped her tears, and smiled bitterly.

"But please help me, I don't know where I am. Sa tingin ko'y naliligaw ako, tsaka I can't remember anything kung paano ako napunta rito. Pero 'wag muna pala ngayon, I want to explore this place first before you will help to find the way out of this place." She laughed sarcastically as she take a sit, and hug her feet before she lay her chin in her knees.

"Magiging masaya 'to!" Pinilit niyang ngumiti nang malapad pero iba ang ipinapahiwatig ng kanyang loob sa ipinapakita ng kanyang mukha on the way she smile, and make her face calm. Dahil sa loob-loob niya'y wasak na wasak siya. 

Hanggang ngayon kasi ay sariwa pa rin sa kanyang isip ang pagmatay ng kanyang kinililalang mga magulang. Sinisisi niya pa rin ang kanyang sarili sa kanilang pagkawala. Na wala siyang nagawa lalo na ngayo'y alam niyang isa pala siyang Bathaluman, and for pete's sake, she's the most powerful Goddess in this generation.

"Bakit ako?" She mentally asked it to herself. Bakit nga ba kasi siya? 

"Dahil ikaw ang pinili ko," isang tinig ang narinig niya mula sa kanyang isipan.

"Ay kabayo!" Halos mapatalon siya dahil sa narinig.

"Fuck!" She cursed. Baliw na ba ako?

"'Wag kang matakot," and this time ay napatayo na siya dahil sa takot. "Sabi ko 'wag kang matakot," alingaw ngaw ulit ng malalim na tinig ng lalaki sa kanyang isip. Ito ay tinig ng nag-iisang Alpha God Infinite, ang gumawa sa Holy City, at ang tatlong Sansinukob kung nasa'n ang mga nilalang niya.

Isa sa dahilan kung bakit siya naparito sa Holy City ay dahil kay Alpha God Infinite. He wants Green to be strong enough to face all the circumstances na naghihintay sa kanya dahil batid na rin niya ang pagbabalik ng kaniyang anak sa mga Infinity Gems, the Alpha God of Death, and Underworld. He's Alpha God Demy, a Synergic God who betrayed him, and the one who killed his favourite child Green, the Goddess of Nature, na isinunod ni Goddess Hearlet sa pangalan ng kasalukuyang Green, si Infinity Green Ezeckiel. Sa kadahilanang nagpakita sa panaginip ni Goddess Hearlet si Alpha God Infinite upang tulungan ang noon pang batang si Infinity, at pangalanan niya itong Green dahil sa pangungulila sa anak niyang si Green na matagal na panahon nang namayapa.

"Paanong hindi ako matatakot, huh? Nagsasalita ka sa isip ko, haller!" maldita niyang wika habang iniikot-ikot ang sarili upang hanapin ang lalaking nagsasalita sa kanyang isipan.

"Ako si Alpha God Infinite," umalingaw ngaw sa berdeng kalangitan ang tinig ng lalaking naririnig niya sa kanyang isipan, na siyang dahilan upang mapatakbo siya nang matulin palayo. Basta ang gusto lang niya'y makalayo sa kung sinuman ang lalaking 'yon dahil baka masamang nilalang ito.

Nagsisigaw siya habang tumatakbo't bigla na lang mahulog sa isang malaki't puting portal patungo sa mismong tahanan ni Alpha God Infinite. Hindi na niya ito napansin dahil sa kamamadaling umalis. Natataranta kasi siya't wala pa naman siyang paghihingan ng tulong kung sakaling masamang nilalang nga ito't may madilim itong balak sa kanya.

Ang kaninang malakas niyang tili'y mas lalo pang lumakas. Wala kasi talaga siyang kadala-dala palagi. And she mentally cursed when her back slams on the cold, and grassy ground.

"O God! Ito ba talaga ang tadhana ko?" She mentally asked before she lose her consciousness.

Halos matawa naman si Alpha God Infinite nang masilayan kung gaano katigas ang ulo ni Green. Hindi niya maiwasang maalala ang pinakamamahal niyang anak sa dalagang naka-ukit sa tubig ng lawa na nasa kaniyang harapan ngayon. Nakikita kasi niya ng lahat ng nagaganap sa lawa kahit pa man sa Unibersa, Helia, at Demiana. Maging ang Sansinukob ng mga Guardians ay nakikita niya rito sa kanyang mahiwagang lawa.

Ngunit ang gustong-gusto niyang panoorin ay ang ginagawa ng bisita niya ngayon sa kaniyang tahanan. Wala kasing pinagkaiba ng dating Green sa kasalukuyang Green ngayon. They are same of personalities, kung kaya't si Green ang napili niyang sumunod sa kaniyang mga yapak. To become the Infinity Goddess who will role the whole Unibersa, and to become the most powerful Goddess in this generation.

Nang mawala sa ulirat si Green ay tumayo siya sa kaniyang mala-diyamanteng upuan, at tinungo ang lugar kung nasaan ang kaniyang panahuin. Kailangan niyang ihanda ang dalaga sa mga misyon, at pag-eensayo bukas na bukas din. Kailangang niya itong hubugin upang sa gano'n ay ma-kontrol niya ang kapangyarihang nananalaytay sa kanyang katawan, at hubugin upang maging isang ganap na ngang Alpha Goddess of Infinity ang dalaga.

Nakarating naman siya sa harap ng dalaga't agad na umilaw ang mga palad niya't nag-umpisang umangat ang dalaga papunta sa isang paraiso kung saan niya ito pagpalahingahin..

"Dumating na ang aking pinakahihintay." Alpha God Infinite said in his leisurely voice. "Nawa'y makapagpahinga ka rito sa 'king paraiso nang matiwasay upang sa gano'n ay maging handa ka sa gagawin nating pagsasanay, at upang magawa mo nang maayos ang iyong mga misyon," aniya habang ibinababa ang dalaga sa isang malambot na higaang gawa sa ulap na kumikintab-kintab pa.

"Adnahgam ak!" He uttered using the old enchant before she disappeared in the air.

~ginisamyxx

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 19

    HARRYAGAD akong lumitaw sa isang malawak na kakahuyan. Marahil ito ang kakahuyang ipinagbabawal na puntahan ng kahit na sino dahil pamilyar ang dating nito sa 'kin. Madilim. Tanging ang mga nakakataas lamang ang may karapatang pumasok dito, but I don't have a choice. Dito ako dinala ng aking kapangyarihang maglaho kaya't hindi ko na pa ito kasalanan.

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 18

    GREENHINDI ko alam kung bakit sobrang ganda ng gising ko ngayon. Para akong minasahe nang sobrang sarap dahil sobrang gaan ng aking pakiramdam ngayon. Parang isang drum ng holy water ang dumaloy sa 'king isipan upang linisin ang sari't saring dumi na nanalaytay rito. Pakiramdam ko ang ganda ko today. Walang problemang iniisip, walang ingay na gumising sa 'kin. Tapos ang lambot ng higaan ko.

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 17

    THIRD PERSON'S POVNAGISING si Green sa isang lugar na hindi kayang ipaliwanag ng kan'yang bibig, at isip sa kung ano'ng nakikita ng kan'yang mga mata. Hindi niya alam kung nasa'n siya ngayon. Hindi ito pamilyar sa kan'yang paningin. Ngunit bakit tila hindi man lang siya nakaramdam ng kahit katiting na takot? Sa katunayan nga'y mas masasabi pa niyang safe siya rito dahil magaan ang kan'yang loob sa lugar.

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 16

    HARRYWe're finally here at Royal. Kasama ko ngayon si mama, the Goddess Queen of Mantua. Siya na lang ang sumama rito sa Royal, at naiwan si papa sa Mantua since wala naman siyang kakayahan na makapasok sa dimensyon ng mga Bathala't Bathaluman dahil isa lang siyang Sorcerer. Ngunit maaari naman siyang pahintulutan 'pag ninanais niya, but he was just insisted na 'wag na lang. Tsaka wala raw mamumuno sa Mantua 'pag umalis pa siya dahil wala rin daw ngayon sa Mantua ang iba pang Ba

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 15

    HARRYHindi ko alam kung bakit biglaan na lamang ang pagpapatawag ng pulong ni King Bernian gayong may malaki kaming suliranin ngayon, si Infinity na itinakda bilang tagapagmana ng trono ng Unibersa na nakahandusay na ngayon, at wala ng malay.Nauna na ring

  • Royal Academy: School of Gods and Goddesses   Chapter 14

    HARRYHindi ko alam kung gaano katagal na magkayakap kami ni Leaves. Basta ang alam ko lang ay tumatangis na rin siya, and I need to comfort her."Siya ba talaga si Infinity?" inosenteng tanong ni Leaves sa namamaos nitong tinig.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status