LOGINHARRY
AGAD akong lumitaw sa isang malawak na kakahuyan. Marahil ito ang kakahuyang ipinagbabawal na puntahan ng kahit na sino dahil pamilyar ang dating nito sa 'kin. Madilim. Tanging ang mga nakakataas lamang ang may karapatang pumasok dito, but I don't have a choice. Dito ako dinala ng aking kapangyarihang maglaho kaya't hindi ko na pa ito kasalanan.
Iginala ko ang aking paningin dahil sa kuryusidad. Ito kasi ang unang pagkakataon na makakatapak ako sa lugar na 'to. Pero wala akong ibang makita kun 'di ang dilim. Wala akong makita ni kahit katiting na ilaw man lang. Kaya naman ay biglang umakyat ang takot sa 'kin. Hindi ko akalain na gan'to ang madadatnan ko rito. At isa lang ang sigurado ako, ito nga ang kakahuyang malapit sa Royal Academy, ang kakahuyang tinatawag nilang Legendary Forest, or the forest that they called Way to Demiana, the Universe that created by Alpha God Infinite million years ago. And was vanished million years ago also.
Agad kong binuksan ang aking kaliwang palad, at lumabas dito ang maliit na piraso ng kidlat, na nasasapat na upang magsilbi kong gabay sa madilim na kakahuyang ito.
Kasabay ng pagkakaroon ng kidlat sa 'king kaliwang palad ay ang biglang pagsulpot ng mga malalakas na enerhiyang 'di ko alam kung saan nanggagaling. Basta ang alam ko lang ay napapalibutan na ako. Napapalibutan na nila ako kung sino man sila. Ngunit ang laking pagtataka ko'y hindi ko mawari kung ano'ng klaseng kapangyarihan ang mayro'n sila. They were not a Gods, and Goddesses. Mas lalo namang hindi sila kabilang sa mga lahing naninirahan dito sa Unibersa. Kakaiba ang kanilang tinataglay na kapangyarihan. Much stronger than the other race.
Kaya naman ay walang pag-aatubiling itinaas ko ang aking kanang kamay, at isang malakas na pagkulog, at pagkidlat ang umalingawngaw sa kalangitan. Hanggang sa mahawakan ko na ang aking espada, ang Phaeton na gawa sa kidlat.
Ngumisi ako nang maramdaman ang malakas na kapangyarihang nanggagaling sa 'king espada na mas lalo pang nagbigay ng liwanag sa paligid. Kaya naman ay pinaglaho ko na ang kidlat sa 'king kaliwang palad upang maimwestra nang maayos ang aking espada.
Nang masigurado kong nakahanda na ako'y napangisi na lang ako, ngunit nawala rin ito nang biglang nawala ang malalakas na enerhiya sa paligid. Ngunit kasabay ng pagkawala nila'y paglabas naman ng isang napakalakas na enerhiyang mahihahalintulad sa isang malakas na Bathala o Bathaluman malayo sa 'king harapan.
Binalot ng kaba't takot ang aking katawan dahil sa hindi inaasahan. Hindi ko akalaing may gan'yang pala kalakas na nilalang na naninirahan dito. At mukhang siya marahil ang dahilan kung bakit walang maaaring pumunta rito. Ngunit sino ang nilalang na 'to? Bakit hindi pamilyar ang kaniyang kapangyarihang taglay sa 'kin. Hindi ko rin mawari kung saang lahi siya nabibilang.
"Kung gayon ay mga sikreto pa rin pa lang hindi ko nadidiskobre?" I smirked because of what I've discovered.
Ngunit may isang bagay ang biglang dumaloy sa 'king isipan. Ang pangaral ni God Neil, my great Grand Father.
"Ang Legendary Forest ay ipinagbabawal na puntahan dahil parang isinusuko mo na rin ang 'yong kaluluwa't katawan sa Demiana. Ito kasi ang daan papunta sa Sanainukob na 'yon. Tsaka walang makapagsasabi kung totoo ngang naglaho na ang Demiana dahil hanggang ngayon ay may mga masasamang nilalang pa rin na nawawala't may kaluluwa pa ring hindi napupunta sa Helia ayon kay Alpha Goddess Hely. Kaya posibleng ang Demiana'y nawala lang sa mga mata ng lahat, at nariyan lamang sa kung saan. Kaya 'wag na 'wag niyong susubukang tangkain ang pumasok do'n!"
Tangdang-tanda ko pa ang sinabi ni God Neil no'ng mga bata pa kami. No'ng ikinu-k'wento niya ang kasaysayan ng Unibersa't dalawa pang Sansinukob, ang Helia, at Demiana.
Ayon din sa kaniya'y sinasabi lang na nasira na ang Demiana dahil walang makakapagsabi kung ano talaga ang totoong nangyari. Basta ang sigurado lang nila'y kung anuman ang nangyari'y dahil sa ginawa ni Alpha God Infinite, ang pagpaparusa kay Alpha God Demy na sinasabi ni Queen Gail na nagbalik na.
Ang ngisi sa 'kin ay unti-unting sinakop ng seryoso kong mukha. Mukhang nasa mali nga akong lugar, and I really need to go bago pa may mangyaring hindi ko ninanais.
Agad kong ibinato ang aking espada pabalik sa pinanggalingan nito't sinubukang maglaho, ngunit bigo akong gawin ito. Hindi ko magawang maglaho.
"Fuck!" I cursed, and tried again to disappear, but nothing's happened. I couldn't use my ability to vanish.
Nang ilang ulit akong nabigo'y hindi na pa ako nagpumilit sa kung ano'ng gusto kong gawin, bagkus ay inihanda ang sarili sa kung anuman ang mangyayari.
"Mukhang mapapalaban ako!" I almost whispered my words because of premonition.
I couldn't help, but to feel nervous this time. Hindi ko alam kung ano't sino ang makakalaban ko. Kaya gaya nang ginawa ko kanina'y itinaas ko ang aking kamay, at agad na bumalik ang aking espada.
"Sino ka? Magpakita ka nilalang!" malalas kong sigaw nang maimwestra ko ang sarili, ngunit walang nag-atubiling sumagot sa 'kin. At hanggang ngayon ay nasa iisang parte pa rin ang malakas na enerhiya.
"It's so weird!" I whispered, and let my palm to create a destructive lightning towards the location where's my target at.
Ang madilim na kakahuyan ay binalot ng liwanag dahil sa mabilis na paglipad ng aking kapangyarihan. Ngunit ang nakapagtataka'y hindi man lang ako nakakita ng kahit isang puno na dinaanan nito. Hanggang sa unti-unti nang nawala ang aking kapangyarihan na wala man lang nangyayari. Parang may kung ano o sino'ng humigop dito dahil parang kinain lang siya ng dilim.
Nagulat ako sa nangyari. Bagaman hindi ito ang unang pagkakataon na nangyari dahil si Jarred ay may kakayahang ilipat ang kapangyarihan ng isang nilalang at idala ito sa ibang lugar. At si Jarred pa lamang ang kilala kong may abilidad na gano'n. Pero imposibleng may kagaya pa siya dahil ang pagkakaalam ko'y saka lang magkakaro'n ng bagong nilalang na nagtataglay ng kapangyarihang gaya namin 'pag namatay na kami't kailangan na ng bagong magtataglay nito. Kaya't imposibleng may iba pang God of Dimension. Also, there's no portal appeared to sup my lightning. So maybe this creature wasn't really a Dimension carers.
"Sino ka?" I asked in tremendous voice.
"I know you're still here watching over me. Kung totoo ngang malakas, at matapang ka'y come out to the darkness, and face me. Let's fight!" I need to show that I wasn't affright to have a battle with him. I'm the God of Sky, the son of God of Lightning and Thunder, the grandson of Goddess of Prophecy, and the God of Space. I am Vinslette Harry White, and I was born because Alpha God Infinite choose me, and believe in me that I can magnify this responsibility.
"Tunay ngang karapatdapat kang maging isang Bathala ng Kalangitan," isang tinig ng matandang lalaki ang umalingawngaw sa paligid dahilan upang mas lalo ko pang higpitan ang pagkakahawak ko sa 'king espada. "Hindi nga nagkamali ang nakatatatas sa pagpili sa 'yo upang magampanan ang malaking responsibilidad na naghihintay sa 'yo sa kanyang muling pagbabalik. Kaya't 'wag kang malungkot, at mag-alala dahil malapit na ang nakatakdang pagbabalik niya. Kaya humanda ka!" tuloy pa niya na siyang dahilan upang maikunot ko ng aking noo.
"Ano'ng pinagsasabi niya? Sino ang kaniyang tinutukoy?" bulong kong tanong dahil kuryusidad, at hindi ko inaasahang maririnig pa rin niya ito.
"Malalaman mo sa tamang panahon," aniya.
Hindi ko pa rin maiwasang matakot sa kaniya. Natatakot ako hindi dahil malakas siya. Natatakot ako dahil hindi ko siya kilala.
"Sino ka ba kasi?" iritado kong tanong.
"Ako ang tagapagbantay sa kakahuyang ito," paliit nang paliit ang kaniyang tinig, "Ako si Treeman!" bago pa tuluyang mawala ang kaniyang tinig ay nasabi niya kung sino siya, at sapat na ito sa 'kin upang makahanap ng sagot sa iba ko pang mga katanungan.
Ngunit ang pagtataka ko'y paanong naging kakahuyan ang lugar na ito gayong wala namang mga puno? Tsaka bakit ang dilim dito? May kung ano bang kapangyarihang bumabalot dito kaya ganito ang awra ng lugar? At bakit hindi ito maaaring puntahan ng kahit na sino? May kailangan ba akong malaman?
Sari't saring mga katanungan ang dumaloy sa 'king isipan. Hanggang sa isang maliit na bola ng apoy ang namataan kong pabulusok na sa 'king kinatayuan, at bago pa man ito dumikit sa 'kin ay naglaho na 'ko't lumitaw sa harap ng malaki't nangniningning na gusali, ang Royal Academy.
~ginisamyxx
HARRYAGAD akong lumitaw sa isang malawak na kakahuyan. Marahil ito ang kakahuyang ipinagbabawal na puntahan ng kahit na sino dahil pamilyar ang dating nito sa 'kin. Madilim. Tanging ang mga nakakataas lamang ang may karapatang pumasok dito, but I don't have a choice. Dito ako dinala ng aking kapangyarihang maglaho kaya't hindi ko na pa ito kasalanan.
GREENHINDI ko alam kung bakit sobrang ganda ng gising ko ngayon. Para akong minasahe nang sobrang sarap dahil sobrang gaan ng aking pakiramdam ngayon. Parang isang drum ng holy water ang dumaloy sa 'king isipan upang linisin ang sari't saring dumi na nanalaytay rito. Pakiramdam ko ang ganda ko today. Walang problemang iniisip, walang ingay na gumising sa 'kin. Tapos ang lambot ng higaan ko.
THIRD PERSON'S POVNAGISING si Green sa isang lugar na hindi kayang ipaliwanag ng kan'yang bibig, at isip sa kung ano'ng nakikita ng kan'yang mga mata. Hindi niya alam kung nasa'n siya ngayon. Hindi ito pamilyar sa kan'yang paningin. Ngunit bakit tila hindi man lang siya nakaramdam ng kahit katiting na takot? Sa katunayan nga'y mas masasabi pa niyang safe siya rito dahil magaan ang kan'yang loob sa lugar.
HARRYWe're finally here at Royal. Kasama ko ngayon si mama, the Goddess Queen of Mantua. Siya na lang ang sumama rito sa Royal, at naiwan si papa sa Mantua since wala naman siyang kakayahan na makapasok sa dimensyon ng mga Bathala't Bathaluman dahil isa lang siyang Sorcerer. Ngunit maaari naman siyang pahintulutan 'pag ninanais niya, but he was just insisted na 'wag na lang. Tsaka wala raw mamumuno sa Mantua 'pag umalis pa siya dahil wala rin daw ngayon sa Mantua ang iba pang Ba
HARRYHindi ko alam kung bakit biglaan na lamang ang pagpapatawag ng pulong ni King Bernian gayong may malaki kaming suliranin ngayon, si Infinity na itinakda bilang tagapagmana ng trono ng Unibersa na nakahandusay na ngayon, at wala ng malay.Nauna na ring
HARRYHindi ko alam kung gaano katagal na magkayakap kami ni Leaves. Basta ang alam ko lang ay tumatangis na rin siya, and I need to comfort her."Siya ba talaga si Infinity?" inosenteng tanong ni Leaves sa namamaos nitong tinig.