Home / All / See You Tonight / CHAPTER 11

Share

CHAPTER 11

Author: Gwaeniii
last update publish date: 2020-07-28 19:52:22

Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit.

"Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan.

"Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin.

"Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling.

"Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako.

"Baka ikaw lang ang pinayagan, ah. Bago pa lang ako sa convenience store, baka palayasin agad ako ng tita mo." Sabi ko sa kaniya.

"Pinaalam din kita sa kaniya. Saka pinakaisuapn ko si Ben na doon muna siya hangga't hindi pa tayo nakakapasok." Sagot niya. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag doon.

I looked at my wrist watch and it's already 7:30 PM. Mga ganitong oras ay nakahiga na ako sa kama eh.

Tinignan ko si Andrei. Nagbubukas siya ngayon ng isang malaking chippy. Sa gitna namin ay may softdrinks.

Biglang sumagi sa isip ko kung bakit dyan siya nakatira sa bahay ng tita niya. Nasan kaya ang parents niya? He also told me before that he has a sister pero hindi ko pa 'to nakikita.

Hindi naman sigura masama kung magtatanong ako sa kaniya about sa family niya diba? Tutal naman ay nai-kwento ko na sa kaniya kanina ang pamilya ko.

"Andrei, where are your parents and your sister? Hindi ko pa sila nakikita. Dyan din ba sila nakatira sa bahay ng tita mo?" Napatingin siya sakin at bahagyang natigilan. May napansin ako sa mga mata niya. Parang ngayon ko lang nakita. Kalungkutan?

Wait, is there something wrong?

Bigla siyang ngumiti pero ang lungkot sa mata niya ay nandoon parin.

"Si mama, sumakabilang-buhay na. Si papa, sumakabilang-bahay. At yung kapatid ko, ayun, sumunod kay mama." Nakangiti siya pero halatang nasasaktan siya.

"Oh, I'm sorry..." Sana pala hindi ko nalang tinanong.

"Ayos lang. Tutal ay nagkwento ka sakin kanina tungkol sa buhay mo, magkukwento na rin ako para quits na tayo." Sabi niya.

Umayos ako ng upo. Nag simula na siyang mag kwento. Hindi ko mapigilan mapatitig sa kaniya, lalo na sa mga mata niya. Parang ibang-iba yung Andrei na nasa harap ko ngayon sa Andrei na nakasama ko nitong mga nakaraang linggo.

Nitong mga nakaraang linggo, parang kilala ko lang siya sa pangalan. Pero ngayon na nagkukwento siya, nakikilala ko na unti-unti ang pagkatao niya.

"Simula nang mamatay si mama dahil sa cancer, ayun si papa, wala pang isang taon nakahanap na agad ng bago. Iniwan niya kaming dalawa ni Dreia." Sabi niya.

"Buti nalang ay nanjan si Tita Alexis, she's my mother's sister. Kinupkop niya kami ni Dreia. Si Dreia ay may nyctophobia din," naalala ko sinabi niya na rin yan sakin dati.

"Dahil ako ang lagi niyang kasama, ako din ang tumulong sa kaniya para ma-overcome yung takot niya." Kaya pala parang ang dami niyang alam tungkol sa nyctophobia at alam niya ang gagawin para ma-overcome ang phobia na 'yon. "Nakakatuwa dahil nawala din ang takot niya na 'yon. Kaso ilang linggo lang ay nalaman naming may sakit siya at malala na. Ilang buwan lang siya nag tagal at sumunod na siya kay mama." Tumigil siya sa pagsasalita. Tumingin siya sa langit at ngumiti.

"Hanggang ngayon ba ay hindi mo pa rin nakikita ang papa mo?" Tanong ko. Umiling naman siya.

"3 years ago ay may nakapag sabi daw kay tita na nasa isang probinsya si papa pero hindi naman namin napuntahan. Ngayon wala na kaming balita sa kaniya." Sabi niya.

"Hindi ka ba galit sa papa mo?" Tanong ko ulit at umiling lang siya.

"May konting tampo, pero galit, hindi ko ata kayang magalit sa kaniya. Alam kong mahal na mahal niya si mama, pero alam ko ding nahihirapan siyang mag-isa kaya siya naghanap ng iba. Alam ko rin na kahiy papaano ay may natitirang pagmamahal pa rin siya kay mama." Aniya. Parang siguradong-sigurado siya sa mga sinasabi niya.

"Gusto mo siyang makita?" Tanong ko kahit alam kong sa sarili ko na wala akong magagawa para makita niya ang ama niya.

"Of course. Hindi ko alam kung namimiss niya ba ako o kung alam niya ba na wala na si Dreia, pero miss na miss ko na siya. Tatay ko pa rin naman 'yon kahit papaano. Sa kaniya ako nagmana ng ka-gwapuhan." Sabi niya at biglang natawa.

Bigla akong nakaramdam ng awa sa kaniya pero hindi ko rin mapigilan mamangha sa kaniya. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kaniya.

Paano niya nagagawang maging masaya sa kabila ng mga pinagdaanan niya?

Paano niya nagagawang makapagpatawa ng ibang tao kung siya pala ay may problema din?

Paano niya nagagawang tumulong sa ibang tao kung siya rin ay nangangailangan ng tulong.

"Ang susi para makalabas ka sa silid na 'yan ay pagtanggap."

Naalala ko bigla ang sinabi niya kanina. Siguro, gaya ko ay nakulong din siya sa isang madilim na silid. Pero ang pinagkaiba namin, hindi siya nagpalamon sa dilim dahil marunong siya tumanggap.

"Katie, natutunaw na ata ako." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Andrei. Nakaharap na siya sakin ngayon.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

"Grabe ka kasi makatitig sakin. Crush mo ko 'no? Nahuhulog ka na siguro sakin." Sabi niya at nginisian ako. Bumagsak ang panga ko sa sinabi niya.

Ang drama drama kanina tapos ngayon bigla siyang babanat ng ganiyan? Banatan ko kaya siya.

Umiwas agad ako ng tingin sa kaniya. Tutal naman ay binasag niya ang ka-dramahan namin dito, gaganti nalang ako sa kaniya.

Tumingin ulit ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "Sa ganda kong 'to, baka ikaw ang may crush sakin. Baka ikaw ang nahuhulog." Pang-aasar ko. Nagtaka ako nang hindi manlang siya tumawa o ngumiti. Sa halip ay tumingin lang siya sakin ng diretso.

Ilang segundo pa bago siya nag salita ulit. "Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko." Seryosong sabi niya. Dahan-dahan akong umiwas ng tingin habang gulat pa rin sa sinabi niya.

Ano daw 'yon? Siya ang nahuhulog?

---

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • See You Tonight    CHAPTER 15

    Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nahiga sa kama. Ite-text ko muna si Andrei at itatanong ko kung saan kami pupunta mamayang gabi. Wala naman ako maalalang may sinabi siya sakin kanina.To: Gabi ?Andrei, san tayo pupunta mamaya?Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.From: Gabi ?Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.

  • See You Tonight    CHAPTER 14

    Nakalapit na samin si Andrei at naupo siya sa katabi kong swing. Mas lalo namang lumapit sakin si Dexter at nakasimangot na tinignan si Andrei."Dexter, ito na yung ice cream mo." Inabutan niya si Dexter ng ice cream."Ayoko!" Sigaw ni Dexter na ipinagtaka naman ni Andrei."Dexter, tanggapin mo na. H'wag kang maniwala sa sinabi ng kuya mo kanina." Sabi ko sa kaniya. Ako na kumuha ng ice cream niya at inabot sa kaniya.Tinignan ko si Andrei na nagtataka pa rin."Ito sayo. Anong nangyari dyan?" Hindi ko tinanggap ang ice cream at tinignan lang siya ng masama."Kung ano ano kasi sinasabi mo sa bata. Umiyak tuloy kanina." Sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya.

  • See You Tonight    CHAPTER 13

    Sabado ngayon. Tanghali na ako gumising dahil wala naman akong gagawin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas habang pinagmamasdan si Lili na palakad lakad lang.Kahit siguro siya ay naiinip dito sa bahay.Sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko."Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko."Bigla akong napadilat nang maalala yung sinabi sa akin ni Andrei. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.Gosh! Hindi na ata maganda 'to. Ilang araw ko na 'to nararamdaman lalo na pag kasama si Andrei.Totoo kaya yung sinabi niya o baka naman nag bibiro na naman siya? Pero s

  • See You Tonight    CHAPTER 12

    "Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin.Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko."Good morning," bati niya."Good morning."Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin.Medyo madilim pa sa labas."Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya."5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya."Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.

  • See You Tonight    CHAPTER 11

    Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit."Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan."Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin."Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling."Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako."Baka ika

  • See You Tonight    CHAPTER 10

    "Hey, I'm sorry." Hindi ko pinansin si Andrei na nasa gilid ko at nagpupunas ng buhok. Bahala siya dyan!"Katie, pansinin mo naman ako." Nilingon ko siya at agad na sinapak sa braso."Aray!""Para 'yan sa pananakot mo sakin!" Inis na sabi ko at lumayo sa kaniya. Naupo ako sa nilatag niya na sapin."Sorry na nga eh. Saka mababa lang naman yung tinalunan ko ah." Sabi niya at lumapit ulit sakin."Ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" Ngumuso naman siya at tumahimik nalang.Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi 'tong si Andrei eh. Bigla bigla nalang tumatalon.Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Nababaliw na ba siya?"Pero ang saya talaga nun. Alam mo bang first time ko 'yo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status