Masuk"Dexter, ito na yung ice cream mo." Inabutan niya si Dexter ng ice cream.
"Ayoko!" Sigaw ni Dexter na ipinagtaka naman ni Andrei.
"Dexter, tanggapin mo na. H'wag kang maniwala sa sinabi ng kuya mo kanina." Sabi ko sa kaniya. Ako na kumuha ng ice cream niya at inabot sa kaniya.
Tinignan ko si Andrei na nagtataka pa rin.
"Ito sayo. Anong nangyari dyan?" Hindi ko tinanggap ang ice cream at tinignan lang siya ng masama.
"Kung ano ano kasi sinasabi mo sa bata. Umiyak tuloy kanina." Sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya.
"Bakit? Totoo naman 'yon ah!" Sabi niya.
"Tse! Manahimik ka! Akala mo naman talaga ikaw yung crush ko?" Tumawa lang siya. Inabot niya ulit yung ice cream. Tinanggap ko na dahil natutunaw na at sayang naman.
Tahimik lang namin na kinain yung ice cream. Minsan nahuhuli ko si Andrei na nakatingin sakin at bigla nalang ngingiti. Hanggang sa nag-aya na naman si Dexter na maglaro.
May nakita kaming mga batang naglalaro ng dodge ball.
"Ate, sali po tayo sa kanila." Aya ni Dexter.
"Papanoorin ka nalang namin maglaro." Sabi ko. Puro bata kasi yung naglalaro eh.
Sumimangot naman si Dexter. "Gusto ko po kasali rin kayo." Sabi niya at tinuro pa kaming dalawa ni Andrei.
"Sige, sasali kami. Tara!" Sabi ni Andrei na mukhang mas excited pa kay Dexter. Nauna na silang maglakad sakin.
Nang makalapit kami ay agad na tumigil ang mga bata sa paglalaro.
"Hello, kids! Pwede ba kaming sumali?" Nakangiting tanong ni Andrei sa mga bata. Nagkatiniginan muna ang mga ito bago sumagot yung isang batang babae. Naka pigtail pa siya. Ang cute!
"Sige po. Pero kayo pong dalawa ng girlfriend mo ang tatamaan namin ng bola." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nung bata.
Narinig ko namang tumawa si Andrei. "Sige, kakausapin ko lang ang girlfriend ko." Diniinan niya pa yung word na 'girlfriend'.
"Babe, tara na." Agad ko siyang binatukan.
"Aray! Para saan 'yon?" Tanong niya.
"Anong 'babe' ang pinagsasasabi mo dyan?! Kapal talaga ng mukha mo!" Sabi ko sa kaniya pero tinawanan niya lang ako.
Tinignan ko sila Dexter na naka puwesto na at kami nalang ang inaantay. Pumunta na kami sa gitna.
"Game!" Sigaw nung batang lalaki at hinagis bigla yung bola patungo samin---sakin pala. Buti nalang nakaiwas agad ako. Ako ata target ng mga batang 'to.
Bato lang sila ng bato at wala kaming ibang ginawa ni Andrei kundi umiwas.
"Katie, dito!" Sigaw ni Andrei sakin. Pupunta sana ako sa pwesto niya kaso huli na at natamaan ako sa paa. Out na 'ko! Hindi talaga ako magaling sa mga larong 'to.
Pinapanood ko si Andrei na panay lang ang iwas sa bola. May pa talon-talon pang nalalaman ang mokong!
"Go, Andrei!" Sigaw ko. Tumigil naman siya at tumingin sakin. Kumindat pa siya!
"Ouch!" Sigaw niya nang matamaan siya sa braso ng bola. Rinig ko naman ang tuwang sigawan nila Dexter.
"Yan kasi! Puro pa-cute!" Sabi ko sa kaniya nang makalapit siya sakin.
"Ikaw kasi bigla mo akong tinawag eh." Aba! Sinisi pa ako.
Nagpatuloy kami sa paglalaro. Ang mga bata naman ngayon ang taya.
"Hinaan mo lang ang pag bato! Baka masaktan sila!" Sigaw ko kay Andrei na nasa kabilang dulo. Siya ang may hawak ng bola.
Hirap na hirap yung mga bato umiwas sa bola. Ang bilis kasi mag bato ni Andrei ng bola.
Hindi nag tagal ay isang batang lalaki nalang ang natira.
"Go, Xian!"
"Xian, galingan mo!"
"Iwasan mo lang yung bola!"
Nag chi-cheer pa yung ibang mga kalaro niya. Si Andrei naman ay pinapatagal pa ang laro. Niloloko niya yung bata na ibabato yung bola pero hindi naman niya tinutuloy.
Pinasa niya sakin yung bola. Sinubukan kong tamaan si Xian pero nakaiwas siya. Hanggang sa tamaan na siya ni Andrei sa paa.
"Isa pa po!" Sabi nung babaeng naka pigtail.
"Ate Katie, kayo ulit ni Kuya Andrei ang taya." Sabi ni Dexter.
Nagkatiniginan kami ni Andrei at ngumiti lang siya. Wala na kaming nagawa kundi sundin ang gusto ng mga bata.
"Ay! Ang daya ng mga batang 'to!" Bulong sakin ni Andrei nang makitang dalawang bola na ang hawak nung mga bata.
Natawa nalang ako. Enjoy na enjoy yung mga bata sa pag bato samin.
"Katie, dito ka sa likod ko." Sabi ni Andrei at hinila ako papunta sa likod niya. Iwas lang kami ng iwas sa bola.
"Aray!" Sigaw ni Andrei nang matapakan ko ang paa niya.
Pilit akong ngumiti. "Hehe, sorry."
Muntik na akong matumba dahil sa pag hila sakin ni Andrei. Buti nalang hindi natuloy.
Bigla nalang akong napasigaw nang may tumamang bola sa likod ko at naitulak ko si Andrei. Shit! Matutumba kami!
Sinubukan ko pang umayos ng tayo pero huli na dahil nahila na ako ni Andrei at sabay kaming natumba.
Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa. As in sobrang lapit na konting galaw lang ay pwede ko siyang mahalikan.
Oh my God! Ito na naman ang puso ko nagwawala. Pakiramdam ko sobrang pula na ng mukha ko. Biglang ngumisi si Andrei kaya umiwas ako ng tingin.
"Ate Katie, kawawa naman si Kuya Andrei, dinaganan mo. Uwi na po tayo, inaantok na po ako." Bigla akong napahiwalay mula sa pagkakadagan ko kay Andrei.
Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Ang init! Tumayo na rin si Andrei habang pinapagpagan ang damit niya.
"T-tara na." Sabi ko at hinila na si Dexter. Iniwan namin si Andrei na nakatayo pa rin doon habang nakangiti.
Nang makarating sa tapat ng bahay ay agad kong binuksan ang gate para makapasok.
"See you tonight, Katie." Nakangiting sabi ni Andrei at umalis na sila agad ni Dexter. Nagtataka akong pinagmasdan sila habang papalayo.
Wait! See you tonight? Anong sinasabi niya? Wala naman kaming napag-usapan na aalis kami mamayang gabi ah!
---
Kinuha ko ang phone ko mula sa side table at nahiga sa kama. Ite-text ko muna si Andrei at itatanong ko kung saan kami pupunta mamayang gabi. Wala naman ako maalalang may sinabi siya sakin kanina.To: Gabi ?Andrei, san tayo pupunta mamaya?Pinalitan ko yung pangalan niya sa contacts ko. Yung dating pangalan niya na may heart emoticon ay pinalitan ko ng 'Gabi' para tagalog ng first name niya na 'Night'.From: Gabi ?Basta. Pupuntahan nalang kita dyan mamayang 6PM.Napanguso nalang ako. 2:30 palang, matutulog nalang muna ako. Napagod ako sa paglalaro namin kanina.Nagising ako at 5:30 na. Agad akong dumiretso sa CR para makapag-ayos. Nagbihis na rin ako at lumabas ng kwarto.
Nakalapit na samin si Andrei at naupo siya sa katabi kong swing. Mas lalo namang lumapit sakin si Dexter at nakasimangot na tinignan si Andrei."Dexter, ito na yung ice cream mo." Inabutan niya si Dexter ng ice cream."Ayoko!" Sigaw ni Dexter na ipinagtaka naman ni Andrei."Dexter, tanggapin mo na. H'wag kang maniwala sa sinabi ng kuya mo kanina." Sabi ko sa kaniya. Ako na kumuha ng ice cream niya at inabot sa kaniya.Tinignan ko si Andrei na nagtataka pa rin."Ito sayo. Anong nangyari dyan?" Hindi ko tinanggap ang ice cream at tinignan lang siya ng masama."Kung ano ano kasi sinasabi mo sa bata. Umiyak tuloy kanina." Sabi ko sa kaniya. Napangisi naman siya.
Sabado ngayon. Tanghali na ako gumising dahil wala naman akong gagawin. Nakaupo ako ngayon dito sa labas habang pinagmamasdan si Lili na palakad lakad lang.Kahit siguro siya ay naiinip dito sa bahay.Sumandal ako sa inuupuan ko at ipinikit ko ang mga mata ko."Siguro nga ako ang nahuhulog. Hindi ko alam kung paano ako makakaahon o kung makakaahon pa ba ako mula sa pagkakahulog ko."Bigla akong napadilat nang maalala yung sinabi sa akin ni Andrei. Naramdaman ko na naman ang mabilis na pag tibok ng puso ko.Gosh! Hindi na ata maganda 'to. Ilang araw ko na 'to nararamdaman lalo na pag kasama si Andrei.Totoo kaya yung sinabi niya o baka naman nag bibiro na naman siya? Pero s
"Katie, gising na." Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko nang maramdamang may tumatapik sakin.Nakita ko agad ang pagmumukha ni Andrei pag dilat ko."Good morning," bati niya."Good morning."Napatingin ako labas ng tent. Oo, may tent kami. May dala si Andrei at inayos niya 'to kagabi bago kami matulog. Ay, hindi ko pala alam kung natulog siya. Nauna kasi akong pumasok sa tent kagabi at naiwan siya sa labas para ayusin daw ang mga gamit namin.Medyo madilim pa sa labas."Anong oras na?" Tanong ko. Napatingin naman siya sa wrist watch niya."5:30. Mamayang 6:30 ay aalis na tayo dito. Uuwi muna tayo tapos sabihan mo nalang ako kapag gusto mo na pumasok." Sabi niya."Okay. Pagkauwi sa bahay ay maliligo lang ako para makapasok na tayo agad." Sabi ko.
Tapos na yung fireworks. Kumakain nalang kami ngayon ni Andrei. Talagang pinaghandaan niya talaga ang lakad namin na 'to dahil kumpleto siya sa pagkain at gamit."Anong oras pala tayo uuwi?" Tanong ko. Pero makakauwi pa ba kami ngayong gabi? Parang delikado na kasi sa daan."Tomorrow morning. Papanoorin muna natin yung sunrise." Sagot niya. Sabi na nga ba at hindi kami makakauwi ngayong gabi eh. Naalala ko naman bigla yung trabaho namin."Wait, hindi ba tayo male-late bukas sa convenience store?" Nag-aalalang tanong ko. Ngumiti naman siya at umiling."Nakapagpaalam na ako kay tita." Simpleng sagot niya. Tsk! Porke't tita niya ang may-ari ng convenience store ay may lakas na siya ng loob mag pa-late. Dinamay pa ako."Baka ika
"Hey, I'm sorry." Hindi ko pinansin si Andrei na nasa gilid ko at nagpupunas ng buhok. Bahala siya dyan!"Katie, pansinin mo naman ako." Nilingon ko siya at agad na sinapak sa braso."Aray!""Para 'yan sa pananakot mo sakin!" Inis na sabi ko at lumayo sa kaniya. Naupo ako sa nilatag niya na sapin."Sorry na nga eh. Saka mababa lang naman yung tinalunan ko ah." Sabi niya at lumapit ulit sakin."Ewan ko sayo! Bahala ka dyan!" Ngumuso naman siya at tumahimik nalang.Pumikit ako para kalmahin ang sarili ko. Nakakainis kasi 'tong si Andrei eh. Bigla bigla nalang tumatalon.Kunot-noo akong tumingin sa kaniya nang marinig ko ang tawa niya. Diretso lang ang tingin niya habang nakangiti. Nababaliw na ba siya?"Pero ang saya talaga nun. Alam mo bang first time ko 'yo